Tumuloy ako sa pagreresign kahit ang dami ng pumipigil sa akin.
" Ma'am Joni, mamimiss ka namin." sambit ng Isang team leader na si Tatay Frank.
"Oo nga, wala ng tatawag sa amin kahit lunch break para magpatrabaho" usal pa ni Dennis.
"Kung ako ang dahilan kaya ka magreresign, Sige hindi na kita kukulitin. Makukuntento na lang ako na mahalin kita mula sa malayo" sambit naman ni Zach
Hindi ko masasabing, ako ang hindi ko alam kung kaya ko pang pigilan ng isip ko ang puso ko dahil unti-unti na siyang makakapasok sa puso ko. Si Henry, kataka-taka na tahimik lang.
Kaya umalis na ko at nagpaalam sa kanila. Pati ang client namin ay nanghihinayang dahil alam ko na Ang pasikot-sikot sa operation. Na kahit Wala ang manager ay kampante sila na kaya kong patakbuhin.
Si Egay at Patrick na naging malapit din sa akin. Nagkakabonding kaming apat Kasama si Mitch na gumala after work pag walang overtime. Kakain lang naman o magwiwindow shopping. Natutuwa ako sa dalawang lalaki na Hindi sila nabobored sa pagwiwindow shopping samantalang alam kong ayaw na ayaw Ng mga lalaki ang ganun.O baka dahil lagi naming pakain ni Mitch kaya gustung gusto nila na samahan kami at nabubusog sila ha ha ha.
,
"Anong plano mo, may inaaplayan ka na ba? " Saad ni Mitch Ng Nakita niyang nag eempake na ko Ng gamit sa table ko
"Wala pa. Pero madali naman ako matanggap, in two months lang makakahanap na ko ng bagong trabaho.
" Sabi ko para hindi na siya nag-worry.
" Oo naman, ang galing mo kaya. Lahat Ng trabaho kaya mo eh, napaka multi-tasking. I'm sure ako ang mahihirapan pag nawala ka. Kasi ang sasalo ng maiiwan mong trabaho pero sa paperworks lang. Sa operation, bahala na si Tiong Egay." mahabang litanya ni Mitch.
Nagtataka ko na wala man lang sinabi si Henry. Kaya naisip ko, siguro nga nagkabalikan na sila ni Janelle. Kaya wala siyang pakialam kahit umalis na ko.
Saka Kung iisipin, wala naman siyang sinabi na mahal niya ko. Kaya Hindi rin malinaw sa akin Kung niligawan ba niya ko Kasi Hindi na naulit Yung paglabas na treat niya sa unang pagsueldo, baka talaga pag thank you lang Yun sa pagtulog ko sa kanya na makapasok. Masyado lang akong nag-assume na may something.
Kinabukasan, hindi na ko nag-aksaya ng panahon na maghanap ng malilipatan. Dahil may landline kami, kaya nagtawag ako