Caliban Adhastre : Do you have any plans today? Matagal kong tinitigan ang mensahe nito sa akin. It’s the fifth day. Sabado ngayon. Kahapon, hindi kami nagkita. I guess he also wanted to meet now. Kaya nag-iwan ito ng mensahe. Not that I’m getting tired of it. Kabaliktaran nga. I love how he wanted to meet me. How he surprise visit me. Pero hindi ko maisawalang bahala ang narinig kina Andra kahapon. It had an effect on me. Kaya nga noong gabi ay ikinwento ko rin iyon kina Vanessa at Sunshine. I asked for their opinion and both of them agreed on what Andra and Louisse said. Maayos pa ngayon ang mga nangyayari. Pero paano sa susunod? Papaano kung matanto nitong dahil lang pala iyon sa paghahalintulad namin ng ex nito? Tama nga yata iyong kasabihan na, hindi iyong mga babae sa paligid niy

