SI CALIBAN ay isang pa-fall. Kakakita pa lang namin pagkatapos ng isang linggong walang pagkikita, ito agad ang ibibigay niya? Pakiramdam ko tuloy, hanggang ngayon ay namumula ako. I know that was a joke. But sheez. Huwag naman biro tungkol sa kiss… baka umasa na naman ako niyan. Baka isipin ko na namang gusto niya ako. Baka ma-convince akong meron nga siyang nararamdaman sa akin. Nasa likod ko ito ngayon habang namimili ako ng damit na panlalake. We’re on the men’s corner. Malapit na nga ako sa hilera ng mga bried pero wala pa rin akong napipili. Wala naman kasi sa mga nakasabit ang isip ko kung hindi nasa kanya. Ang agang mix signals naman niyon. I wasn’t ready. “Hindi ka pa nakakapili?” Nagtanong si Caliban nang marating ko ang dulo. “You’re not thinking about giving me a brief as a

