IT WASN’T awkward around Caliban. I was flustered at first, but it faded away in minutes. Sa daan ay tinanong ako nito kung nakapunta na ba ako sa palengke. When I said yes, he asked me if I have ever tried to go and buy on my own. He laughed at me and told me “See? You’re a Princess.” when I told him I haven’t.
Katulad ng sinabi ni Manang Selly ay malapit lang iyon sa farm. Halos dalawang baranggay lang ang layo. Kotse pa ang sakay kaya’t mas mabilis nakarating. It was just about fifteen minutes. Nahirapan lang kaming magparada dahil marami ang tricycle at motor doon.
Sumama sa akin si Caliban sa loob. He told me he should because he’s responsible for my safety. Doon ay nagsimula kaming tumingin-tingin. Hile-hilera ang mga paninda roon pero imbis na ang mga kailangan ang bilin ay kung ano-ano ang nabibili ko. I couldn’t help but buy to what the old women are selling. Lalo na iyong maraming puting buhok. They’re everywhere. Ngayon ay may nabili na akong dalawang piling ng saging, kamote, isang kilong sayote, repolyo, carrots at labanos.
“Give me that.” Huminto si Caliban sa paglakad. Inagaw nito sa akin ang hawak ko at hindi na nagtanong ng permiso. Siya na ang may hawak ng iba ngunit kinuha niya pa sa akin ang tatlong supot na hawak ko. I didn’t even ask him to carry it for me. My eyes lasted at him for a few seconds. It was like chivalry is nature to him.
“Kung marami ka pang bibilhin ay dadalhin ko muna ito sa sasakyan.” Tumingin siya sa akin matapos luminga sa paradahan. “Woud you be okay waiting here?”
Nagbawi ako ng tingin at tumango. “Ayos lang naman.”
He didn’t move an inch and stared at me as if measuring me with his eyes. “Huwag na,” he said upon coming to a decision. “Sumama ka na lang sa akin.”
Kumunot ang noo ko roon pero hindi na nagsalita. Matikas itong naglakad habang hawak-hawak ang mga pinamili ko. I followed him as we walked out of the market. I guess it’s a little heavy since his muscle are showing. Sumunod ako sakanya patungo sa paradahan. Nang makarating, inilagay niya agad sa trunk iyon at pagkatapos ay bumalik para magtingin naman ng mga karne at manok.
“Ganda, pogi, bili na kayo!”
“Ate, bili ka na one-twenty lang isang kilong manok.”
“Bili na kayo baboy mga ate, bagong dating kaninang umaga. Fresh na fresh.”
Pinasadahan ko ng tingin ang mga nagtitinda roon. There were a lot of them. Tabi-tabi sila na halos pare-pareho ang mga tinda. Manok, baboy, giniling, at langgonisa. Naglakad pa ako habang nagtitingin-tingin. Si Caliban, nakasunod lamang sa akin at mukhang naghihintay sa bibilhin ko.
I stopped when I reached the old lady at the end of the line. She’s selling meat. Marami pa ang nakalagay sa lamesa nito at mukhang wala pang masyadong naibebenta. Hindi katulad ng mga ibang nagtitinda sa tabi nito’y tahimik lang ito. Nakaupo sa mababang upuan at mukhang pagod.
“Magkano po sa baboy?”
Nagtaas ito ng tingin sa akin. Her brows met before she looked towards her left. Noong una’y mukhang inakala pa na hindi siya ang hinintuan ko.
“Three-forty, dalaga.” She smiled.
“Isang kilo po?”
She nodded.
“Bibili po ako ng apat na kilo.”
“Apat na kilo?” Ulit nito.
I nodded. “Apat po.”
Bigla ay parang sumigla ang mukha nito. I smiled and watched her move to held the knife. Doon ay naghiwa ito ng baboy ‘saka iyon inilagay sa timbangan. Kung pwede ay dadagdagan ko pa ang binili pero paniguradong kakagalitan na ako ni Manang. Hindi nga namin mauubos ang isang kilo, tapos bumili pa ako ng apat. She’d surely scold me… but I’ll worry about that later.
Binukas ko ang wallet para magbayad nang i-abot niya sa akin ang plastic bag. It was heavy. Napansin naman iyon agad ni Caliban kaya’t kinuha niya sa akin ang dala ko.
“I knew it. You have favoritism.” Rinig kong sabi ni Caliban.
Nilingon ko ito. “What favoritism?”
“You only buy to old women.”
“They’re old, just like Manang Selly.”
Nakakaloko itong ngumiti sa akin. “I thought I was over-analysing it when I realized it earlier.” Umiling ito. “Apat na kilong baboy? What are you gonna do with that?”
I looked in front. “I’ll share it with the workers.”
“Uhuh.”
“I’ll keep the other in the fridge.”
“You plan to eat it five times a week?”
“Stop it, Caliban.”
He chuckled. “What are we going to buy next?”
“Potatoes and egg.” Tumingin ako sa bawat gilid para tumanaw kung saan may nagtitinda ng ganoon. “You know where to buy?”
“Yeah,” saad nito. Pagkatapos ay naramdaman ko ang kamay nitong humawak sa braso ko. I even flinched upon feeling it. Hindi tuloy agad ako nakagalaw. “It’s this way.”