Phase 6

1335 Words
KINAUMAGAHAN pagkatapos ng araw na iyon ay napagpasyahan kong magtungo ng pamilihan. Dahil hindi naman pinaghandaan ang naging pag-uwi sa Zambales at hindi rin kami nakabili ng grocery sa raan o kahit doon pa mismo sa Las Pinas ay wala kaming ganoong stock sa bahay. Iyong kahapon na ginamit ni Manang Selly sa rekados, ipinabili niya lamang sa driver. She also told me this morning she’d go out. Sinabi kong ako na lamang dahil wala naman akong ibang gagawin sa bahay. As my hands were on my back holding each other, I waited for the driver. Tumanaw ako sa daan kung saan ito manggagaling habang iniisip kung ano pa ang mga bibilhin sa palengke. Bukod sa isda, manok, at gulay, ano pa ba ang dapat kong bilhin? I continued to count mentally. Siguro’y itlog at ilang frozen foods na rin. “Liberty, malayo raw ang supermarket dito.” Mula sa likod ay nagsalita si Manang Selly. I turned around to meet her gaze. Sa likod nito ay isang trabahador na may hawak na isang bottled water. Ngumiti ito sa akin at bahagyang nagyuko ng ulo bago tumalikod. He didn’t give me the chance to smile back. Isa kaya iyon sa mga nakaharap ko kahapon? I returned my gaze to Manang Selly. “May sasakyan naman po. Ayos lang sa akin kung abutin kami ng ilang oras, Manang.” Maliwanag pa ang langit. Halos mag-a-alas nuebe pa lang nang lumabas ako ng kwarto. It’s still early. Sa malapit lang naman nagpunta ang driver kaya’t mahihintay ko na iyon. Not that I am in a rush. “You want to come?” Sunod kong tanong sakaniya. Umiling ito. “Hindi na. Ang gusto kong sabihin ay baka pu-pwedeng sa palengke ka na lamang magtungo. Kumpara sa malaking pamilihan ay mas malapit iyon. Mas mura pa.” Lumiit ang ngiti sa mga labi ko. “Palengke?” I’ve been in there for a lot of times. Madalas akong isinasama ni Manang Selly sa ganoong klase ng pamilihan kaya’t alam ko na ang itsura at kung gaano karaming tao ang dumadagsa roon. Ang problema’y hindi ko pa nasusubukan na pumunta roon nang mag-isa. Now I feel like I’d lose track if I go there alone. Pero kung sasamahan ako ng driver, siguro’y matutulungan niya ako lalo na sa pamimili ng karne at gulay. Madalas kasing ibinabanggit sa akin iyon ni Manang Selly. Na sa palengke raw, kapag namimili, hindi pwede iyong pwede na. “Okay lang ba sa’yo iyon, Liberty? Kung hindi mo gusto’y ayos lang naman. Suhestiyon lamang para mas mabilis kang makabalik.” “Ayos lang po, Manang. Kasama naman po ang driver. May mga bilin po ba kayo? Mga rekado sa ulam na lulutuin ninyo? Do you want beef and chicken?” She shook her head and smiled at me. “Ikaw ang bahala. Ang mga gusto mo lamang naman na pagkain ang niluluto ko. “ Sinuklian ko ang ngiti nito bago muling ibinaling ang tingin sa gate. When I was young, I dreamt of going to supermarket once to buy foods for our stock. Lumipas na iyon at hindi naman nagkatotoo dahil hindi ako hinahayaan ni Manang na lumabas. Nang lumaki’t nagkaisip, nawala na iyon sa isip ko. Nasanay ako na palaging pag may gusto’y si Papa na mismo ang nagpapabili noon para sa akin. I was always at home. Yet I was spoiled. Nang mahilig ako sa pagpipinta at magsimulang magpabili ng mga pangkulay at puting papel. Walang inilingan si Papa oon. I was never independent nor have I ever felt the feeling of not relying to someone. Siguro’y sa academics lamang ako ganoon. May pananabik sa tingin ko habang nakatingin sa daan kaya naman nang makarinig ng ugong ng sasakyan ay agad akong lumingon kay Manang para magpaalam. “He’s here na, Manang.” Humakbang ito palapit at luminga sa likod ko. It was just a matter of seconds when she spoke. “Hindi ba’t kulay itim ang sasakyan noong driver?” Pinutol ako nito sa pagsasalita. She was intently looking behind me. Nakakunot ang noo.“O may iba pang sasakyan ang Papa mo rito, Liberty?” My brows furrowed. Sa pagtataka’y nilingon ko ang sasakyang dumating para matukoy kung hindi nga ba iyon ang hinihintay ko. I turned around again only to see a dark blue car. May puting disenyo sa bawat gulong at medyo mababa. It looks fancy and expensive. Mga kotseng karaniwan kong nakikita sa Manila. I tilted my head in bewilderedment. I’ve never seen that car. Wala ring nabanggit sa akin si Papa. If the driver changed the car, then where is the black one? And I doubt my dad would ever buy a car like this. Hindi naman iyon mahilig sa ganito. He likes plain car. Iyong parang mga company car. Whose car is it, then? Sinundan ko ng tingin ang asul na sasakyan. Mabagal na ang takbo noon, siguro’y hihinto na. It was highly tinted so I couldn’t see who was inside it. May bisita bang darating ngayon? My father didn’t orient me about anything. I wasn’t informed. O’ baka naman isa ito sa dealer ni Caliban? “May nasabi ba sa’yo ang Papa mo, Liberty?” tanong ni Manang. It took me seconds to response. Nakasunod pa rin ang mga mata ko sa kotse. “Wala po, Manang.” We both turned to it when it stopped. Nang mamatay ang engine noon ay nagkatinginan kami ni Manang. Curious of who it was, we waited for the driver to go out. Abang na abang kami kaya’t pareho kaming gulat nang lumabas ang may-ari noon. “Sir Caliban?” Gulat na anas ni Manang. “Kanina pa kami nakatingin, akala nami’y bisita!” My mouth hanged open. I followed him as he walked towards us. Inalis nito ang sunglasses na suot, nakangiti. He turned to me and lightly nodded, as if greeting me. Hindi ko agad nagawang tugonan ang ngiti nito sa akin. My eyes went back to his car. Kung ganoon ay sakanya ito… Hindi ko agad iyon natukoy dahil kahapon at noong nakaraang araw ay hindi naman niya ito dala. He was just walking then. “Good morning po, Manang. Good morning, Liberty.” He greeted. “May hinihintay ba kayo?” “Magadang umaga rin.” Bumati si Manang. “Magtutungo kasi ng palengke si Liberty kaya hinihintay namin iyong driver.” “Can she go alone?” Kumunot ang noo nito. “I went here to come with her around the farm. Kung aalis siya’y pwede ko naman siyang samahan. Wala naman akong ibang pupuntahan.” He turned to me. Alanganin akong ngumiti sakanya. He sounded genuine and really generous. Pero, nahihiya ako. I don’t know if it’s alright to ask him to come with me. Alam kong nagmamagandang loob ito pero wala akong lakas ng loob na pumayag doon lalo na’t hindi naman iyon ang trabaho niya rito. And we have a driver. “Ayos lang, Caliban. Salamat. Mahihintay ko naman ang driver. Malapit na siguro iyon.” He smiled wider. “I insist, Princess.” Hindi pa ako nakakasagot nang maramdaman ang paghawak ni Manang Selly sa siko ko. “Iyon naman pala. Tamang-tama dahil kanina pa rin naghihintay itong si Liberty.” Kumunot ang noo ko roon. Kanina pa? It wasn’t even half an hour. Kumunot ang noo ko. “Halika na. Sasamahan na rin kita sa palengke.” He looked at me with his eyes pure. He offered his hand and c****d his head. Nag-aalangan pa ako noon nang si Manang Selly na mismo ang naglagay ng braso ko sa kamay nito. Nakaramdam tuloy ako ng matinding hiya. Hindi ko na rin nabawi ang braso ko nang hawakan ako nito. He held my wrist with his right hand. His fingers were long and slender but he was holding me with care. Malambot at magaan ang kamay nito. Napakurap ako roon. “We’ll go now, Manang. You can trust me ‘bout her safety.” Rinig kong sabi pa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD