Phase 1

2174 Words
“Ito ang unang beses na nakita kita rito. I assume it’s your first time here?" Nilingon ko siya. “Oo, Caliban. Ikaw? How did you become familiar with the farm?” Malayo na kami sa bahay. Ngayon ay nandito na kami sa parte kung saan puro puno ng calamansi ang nakatanim. It’s big, really. Kanina pa naman ito nadadaanan pero hanggang ngayon ay puro calamansi trees pa rin ang nakikita ko. It was a cute and relaxing sight, actually. Maganda kasi ang pagkakatanim noon at talagang malinis. Like my dad had it drew before he planted these. Iyong lupa naman, patag at maliliit ang d**o. “My father brought me here when I was in fourth year high school.” He smiled genuinely. “I loved this place ever since. It’s quiet and really comforting.” My brows puckered. “‘Ibig sabihin ay palagi ka rito?” Umiling siya. “Just every summer vacation. I study in Manila so I’m only here two months in a year.” Nilingon niya ako. “There are some times I spend my holidays here, too.” Tumango ako sakanya. That’s pretty impressive. Ibig sabihin, imbis na bawiin ang dalawang buwan na pahinga sa pag-aaral ay magtutungo naman siya rito para mag-trabaho? That sounded like a hobby. Does he have a thing for agriculture? Hinawi ko ang ilang baby hair na tumatabing sa mukha ko ‘saka muling ibinaling ang tingin sa harap. Doon ay may natanaw akong isang malaking kahoy na may puting sign, hindi ko lang masyadong mabasa dahil sa distansya. Siguro’y ibang puno na ang nakatanim sa gawi na iyon. Do they water these trees daily? Kung ganoon ay napakaraming tubig siguro ang nauubos dito. “What exactly is your father’s work?” I asked curiously. I brought back my eyes to him, he was smiling. “He look after the staff, monitor crops and animals, handle the budget and purchase supplies, there are some times he go out to meet some clients, too.” “So, he manages the whole farm.” Recognition crossed my eyes. “Must be a tough work.” “It is.” Sagot niya. “But he loved it, anyway.” So do you. Nakikita ko iyon sa paraan ng pagkwento niya tungkol sa farm na ito. He’s fond of this land. Maybe that’s one of the reasons why he was entrusted for this position. He cherishes the homestead and its work. Although he’s not earning any money from going here and learning things, he’s still doing it. Lumitaw ang maliit na ngiti sa mga labi ko sabay pasada ng tingin sa nadadaanan. My father owns this farm for years. Palagi niya itong pinagmamalaki sa akin. He said it’s earning millions. Kung maganda ang tubo ng farm na ito ay ibig sabihin, maganda rin ang pamamalakad ng farm manager. He has a big trust for Caliban’s father. Otherwise, he wouldn’t leave this to him. Sayang lang at mukhang hindi ko ito makikilala nang personal. On the other hand, Caliban isn’t so bad. Mukha naman itong may alam. He’s well-spoken and he seemed like a calm person. Mamaya pag-uwi sa bahay ay babanggitin ko ito kay Papa. Certainly, they know each other. Nagtagal pa ang mga mata ko kay Caliban. He was driving carefully. Ang mga mata ay nasa daan. I would admit that his physical physique screams the famous city boy vibe but with his experience in farming, that’s just manly. Ilang ikot pa ng gulong ay naabot na namin ang nakita ko kaninang puno. There was a ‘mango trees’ written on the sign. Kulad sa mga calamansian ay malalaki rin ang agwat ng mga puno. The green grass was clean and short. Parang ang sarap tuloy magpahinga roon kapag pagod. Malalaki pa naman ang puno ng manga, wala pa nga lang akong nakikitang bunga. Siguro’y kakatapos lang ng anihan o, di kaya’y hindi pa nito panahon. Bumagal ang takbo ng golf cart. Nang ibaling ko ang tingin sa kanan ay may makita akong isang bahay roon. May kubo rin at isang tricycle. I guess someone apart from Caliban’s father lives here. “Gusto mong matutunan ang pamamalakad dito sa farm? Ipinadala ka ng Papa mo o, sarili mong desisyon?” Pinigil ko ang laylayan ng dress na suot na bahagyang tumataas bago lumingon sakanya. “He did tell me to learn how things work here, but I came with a different reason.” He nodded his head. “May I know what that might be?” My brows rumpled. “To unwind?” “You’re having problems with school?” I chuckled. “No.” His lips moved, a half-smile was carved on it. “Boy problems?” I snorted and shook my head. “No!” His lips moved downward as he shrugged a little. “Care to share, Princess?” I stared at him. Smiling, my brows creased. “My name is Liberty.” He chortled before he threw me his gaze. “I know, Princess.” “What?” My smile grew wider. He chuckled lowly. “A daughter of a rich man..” He trailed off. “Beautiful, single, and you live in a palace, don’t you?” “I don’t live in a palace.” He laughed. “A mansion, then?” Pabiro ko itong pinaningkitan ng mata. “You sure do watch a lot of Disney movies.” “You don’t?” Ngumisi ito sabay pasada sa akin ng tingin. A fascinated look was then drawn in my face. Nang humarap ito sa daan ay nakita ko ang pag-akyat ng ngiti nito sa mga mata niya. My lips purse. Is he trying to make feel comfortable or is he just like this to everybody? “But really, what was the real reason of your stay here?” I stared at him for a few seconds before I turned my head to the front. Sumandal ako sa upuan.  “I wanted to be in a different environment. I’m struggling.” I shrugged. “I want to refresh my mind.” “You’re a writer?” He asked, surprise. I smiled. “I paint.” There was silence. Hinimas ko ang kabilang braso ‘saka tumingin sa gilid. Back when I was still a freshmen. I met a lot of people who don’t like paintings, nor do they understand them. I was in a famous circle of friends. Kaya lang ay mas gusto ko ang pagpipinta kaysa sumama sakanilang lumabas. Mas gusto kong magtungo sa art room kaysa sumama sakanila sa panonood ng basketball practice. Iba ang gusto ko sa gusto ng mga ito. Nang mahiwalay sakanila ay sinubukan kong makihalubilo sa iba. Doon ko nakilala sina Andra at Louisse. It was two years ago. Ngayong third year college na ako ay ang mga ito parin ang kasa-kasama ko palagi. Andra likes reading while Louisse likes peace. Sa ilang taong iyon ay sila ang napagsasabihan ko ng nararamdaman ko sa pagpipinta. Sakanila ko ipinapakita ang mga nagagawa ko at madalas ay ito pa ang nagtutulak sa akin na magpursigi. Not all people appreciate art. Not all people understand the beauty of art. Sa ibang tao ay maaaring boring iyon pero sa akin ay hindi. That was why I get a little hesitant whenever the conversation reaches the part where we tell our hobbies. The chances are; the conversation ends there or they change the topic. “Have you ever been in an art gallery?” Slowly, I nodded. Pumihit ako at tumingin sakanya. “Oo. Ikaw?” I saw the corner of his lips moved. “Once. When I was twelve. Part of the school trips.” He went back to his original position. “Feels like a Chinese alphabet to me. I couldn’t understand it.” “You don’t like paintings?” “Hmm.” He shook his head. “I do, I find them calming. I started liking them when—” He cutted himself. “When?” My brows furrowed. Matagal bago ito sumagot. “When I reached college.” Bahagyang humina ang boses nito. Naghintay pa ako sa susunod na sasabihin nito, pero nang hindi na ulit ito magsalita ay nakuntento nalang ako roon. Just knowing that he’s a little fond of painting is fine. Nagpatuloy kami sa paglilibot. Nang makarating sa gawi ng Papaya trees ay nakita ko ang mga maliliit na bunga noon. Ibig sabihin ay mararanasan kong magharvest kasama sila. Pati iyong mga pakwan ay ganoon rin. Ilang klase pa ng mga puno ang nadaanan namin bago kami nakarating sa kulungan ng mga hayop. Sa loob ng fence kung saan nakalagay ang mga baka ay may silungan na gawa na semento, mayroon ding well at hose. Ibinahagi sa akin ni Caliban ang pagpapakain nila sa baka. He mentioned some cattle food I wasn’t really familiar, pero makikilala ko naman iyon sa mga susunod pa na araw. Bumaba kami roon nang ilang sandali pero inaya ko rin ito agad. Malalaki kasi iyon at sumusunod. It was my first time seeing bunch of cattles up close. I was a little afraid. Gustuhin ko mang mag-ikot-ikot pa ay kinailangan na naming bumalik. Unti-unti na kasing nagpapalit ng kulay ang langit. Malayo-layo narin ang narating naming kaya’t kung hindi pa kami uuwi ay baka abutan na kami ng dilim. Hinihintay pa naman kami ni Manang Selly, lalo na’t mag-isa lang siya ngayon sa bahay. My Dad was right when he said there are a lot here. Kaunti palang ang nakikita ko pero nasisiyahan na agad ako. Sa susunod ay magpapaturo ako sa pag gamit ng golf cart, gusto kong ako ang magmamaneho. This farm is so huge that I want to wander it. Bakit nga ba ngayon ko lamang naisipan na magpunta rito? Inihinto ni Caliban ang golf cart nang makarating sa harap ng bahay. I looked over my shoulder only to see him moving his arms, nangawit siguro. Pumihit ako paharap sakanya. Nang mapansin niya iyon ay tumigil siya at maingat na tumingin sa akin. “Nabitin ka? We can go again tomorrow,” saad nito. I smiled politely. “Yes, thank you, Caliban.” “Anything..” A lop-sided smile appeared on his lips. “Princess.” He tilted his head and raised his hand, bidding goodbye. I bit my bottom lip. “Are you going now?” I asked, both shy and nervous. “You can come over for dinner.. you know.” His eyes reflected astonishment. “Is that an invitation?” Humugot ako nang malalim na buntong hininga bago dahan-dahang itinango ang ulo. I’d feel bothered if he’d go now without me doing anything for him. I know the tour got him exhausted. Sigurado akong iyon din ang gusto ni Manang Selly. Ngumiti ako sakanya bago tumalikod para maglakad papunta sa pinto. Nang marinig ang tunog ng sapatos nitong humahalik sa lupa ay mas naging tuwid ang paglakad ko. I stopped by at the door and held the door knob. Nang tuluyan siyang makapasok ay isinara ko iyon.  “Liberty, nariyan na pala kayo.” Lumitaw si Manang mula sa pasilyo. Suot-suot nito ang putting apron habang may suot na gloves. Siguro’y nagluluto na ng hapunan. Nilingon ko si Caliban, patayo na ito para bumati kay Manang Selly nang pigilan siya nito, balak pa yatang magmano. Nahihiya itong ngumiti bago bumalik sa pagkakaupo. “Tatawagan pa lang sana kita.” Huminto ito sa tapat namin, she smiled back at Caliban. “Nagugutom na ba kayo? Luto na ang ulam.” Umiling ako. “Susunod po kami, Manang. Magpapahinga lang po siguro saglit.” “O, sige. Gusto niyo ba ng maiinom?” tanong ulit nito. Pareho kaming napatingin kay Caliban na ngayon ay mukhang hindi alam ang isasagot. Nahihiya siguro. I smiled unconsciously. “I’ll get some juice.” Tumalikod ako para iwanan sila roon. I headed straight to the kitchen. Ang ngiti sa labi ko ay hindi pa rin natatanggal. Nang buksan ang pinto ng ref ay may naramdaman akong prisensya sa likod ko. I held the pitcher and brought it out. Doon ay nakita ko si Manang Selly na nagtatanggal ng gloves. Kumuha ako ng dalawang baso saka iyon ipinatong sa tray. She was oddly looking at me as I fill the empty glass. “Bakit po, Manang?” Lumapit siya sa akin. “Ang gwapo ng anak ni Mabini, ano?” “Mabini?” I gave her my puzzled look. Hindi ba’t nabanggit niya na rin ang pangalang iyon kanina? “Iyong talagang farm manager.” Caliban’s father. I zoned out for a split second. Binasa ko ang ibabang labi ko sabay hawak sa magkabilang gilid ng tray. “He’s nice, Manang. Sa tingin ko’y magkakasundo kami.” Sumunod ito sa akin at dumikit. “Walang nobya iyan. Hindi ba’t ikaw ay ganoon din?” My brows met, natutunugan ang ipinapahiwatig nito. Kaya pala parang kanina pa kakaiba ang tingin niya sa akin. “Manang, he’s only here because of one reason. Huwag niyo na pong bigyan ng malisya.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD