Phase 2

1337 Words
PAGKATAPOS kumain ay masayang nag-usap sina Manang Selly at Caliban. Nakikisali rin ako ngunit mas maraming tanong si Manang. Galak na galak kay Caliban na kung titignan ay parang malayong kamag-anak na ngayon lang ulit nito nakausap. I like it, though. Ang pagpapalitan nila ng ngiti habang nagku-kwento, ang tapat na mga mata nila habang interesadong nagpapalitan ng salita ay parang isang senyales na magiging maganda ang mga araw ko rito. I haven’t changed my impression about Caliban. At palagay ko’y hindi na mababago iyon. Gusto ko kung paano ito makipag-usap. He’s a smooth talker. Hindi mayabang. Walang pagyayabang. He just feels genuine and it might be too early to say that but I have placed my judgement. I am no pessimist to see the bad things in someone who showed nothing but goodness. “I assume you’ve already met the farm manager?” tanong ni Papa sa kabilang linya. Ipinilig ko ang ulo, nakangiti. I opened the glass door with my other hand and went straight to the balcony. Sabay na tumaas ang buhok at laylayan ng damit na suot nang magparamdam ang hangin. It was a cold breeze. Pero mas kalmado kumpara sa hangin sa syudad. Agad akong yumakap sa sarili habang nakatingin sa tanawin na naaabot ng mga mata ko. It was already dark, alright. But the silhouette of the things that exists right in front of this spot is just as good as it is when it’s morning. Tama ang desisyon ni Papa maglagay ng balkonahe sa kwartong ito dahil aliw na aliw ako sa nakikita. Umaga ‘man o’ gabi. “The son, Papa. Hindi mo sinabi sa akin na si Caliban pala ang makikilala ko.” Nakangiti kong sabi. “Caliban…” He murmured. “Kung ganoon ay totoo pa lang may sakit ito. When I told Mabini you were coming, he said he’s sick and he can’t meet you. Ang akala ko’y nagbibiro lang.” “Ayos lang naman iyon, Papa. I can see that Caliban is a good man. Unang araw at kasundo agad nito si Manang Selly.” Pagku-kwento ko Natawa siya roon. “At ikaw, Liberty?” Tumalikod ako sa railings, hawak ang telepono. I smiled at the camera. “Gusto ko siyang maging kaibigan.” By all means. Hindi ko alam. I am yet to see who he really is but I already want him to be a friend. Siguro kasi’y pakiramdam ko’y tunay ang mga sinasabi nito. No malicious intent. No other motives. I have taken an interest to him. Ngayon nga ay iniisip ko na ang mga mangyayari habang narito ako. How he would teach me about the basic things I need to know in the farm. How to feed the animals and to take care of them. Parang nabubuhayan ako. It feels colorful to me. “Sinabi ko naman sa’yo, Liberty. Magugustuhan mo riyan sa farm. At kung ano ‘man ang hinahanap mo’y sigurado akong makikita mo riyan.” I feel the same, Papa. I have not forgotten the real reason why I came here. Iyon ay ang panunumbalik ng sigla ko sa pagpipinta. My will to give colors. My emotions that go on with the scenery. I came here hoping I’d redeem those. I wish to hold a paintbrush again. I wish to be one with my ideas. I wish to stand up after a long time with a white canvas full of colors to left behind. I refuse to believe I lost my ability to paint. Hindi kung wala naman akong intensyong bitawan iyon. I have promised long ago I’d live only to paint. And my dream to rise along with it have not faltered. Hindi kahit isang beses. “Oo, Papa. Hindi ako u-uuwi ng Las Pinas ng walang dalang bagong pinta,” I said, tattoing my own words inside my chest as if it was an oath. He shook his head before he sipped on his coffee. “Alright. But don’t overdue do it.” Bilin nito. “Tell me if you need anything else. Did you bring your cards?” I nodded at him. “Yes, Papa. Siguro’y sa isang araw ay magpapasama ako kay Manang para mag-grocery.” He nodded at what I said. “You can buy the staffs you want, Liberty. I don’t mind.” Malamlam akong tumingin sa camera ng cellphone ko. I smiled watching him on the screen. He’s been spoiling me since I was a kid but my heart still flutters the same whenever he says that. He never once stopped me. He never once refused me whenever I ask for things. Hindi ko alam kung dahil iyon sa may tiwala siya sa akin o’ dahil iyon sa nag-iisa niya lamang akong anak. Either way, I am grateful. “I’ll drop the call now, Papa. You can continue your work. I’ll update you tomorrow.” “Text me if you’re going somewhere, okay? Do not come out of the farm on your own. Hindi mo kabisado ang lugar na iyan.” I saluted at him, chuckling. He gave me a kiss through video-call before I ended the call. Doon ay unti-unti akong humarap sa balcony, nakangiti. I heaved a deep breath. My eyes were smiling as I looked up blessing my eyes with the starry night. Ang gaan ng pakiramdam ko. The smell of the air within this area. The trees. The views. The people. The environment. I want to be familiar with this place. Kakaibang excitement ang nararamdaman ko roon. Pakiramdam ko’y nasa bukana ako ng isang matayog na bundok na magbibigay sa akin ng kakaibang paglalakbay. Patuloy kong inaliw ang sarili sa mga nakikita. I continued to praise the place, thinking about what could happen tomorrow and the other day. How if there’s a chance, I’d learn how to ride a horse. How if there’s a chance, I’d stroll at the other side of the farm. How, if there’s a chance, I’d paint whatever I laid my eyes on.   KINABUKASAN ay maaga akong naghanda para sa pag-iikot sa farm. Palagay ko’y natunugan ni Manang Selly ang nararamdaman kong excitement dahil tulad ko’y maaga rin itong nagising. She prepared a breakfast for the two of us. Sa hapag kainan ay pinag-usapan namin ang naging konbersasyon namin ni Papa. Ang mga plano ko ngayong araw at kung ano ang mga gusto kong kainin. It felt like I was going to a fieldtrip. When we finished, I took a bath and pick a set of clothing. Pinili ko iyong naaayon sa pupuntahan. Hindi masyadong nagpapakita ng balat at kung saan komportable ako kahit umupo o maglakad. Hindi na rin ako nagsuot ng singsing o kahit anong alahas sa pag-aalala na baka mawala ko lamang iyon habang nag-i-ikot-ikot. Isa pa, it might get in the way. Nang makarinig ng ilang katok mula sa pinto ay agad kong naisip na si Manang na iyon. Enthusiasm rushed over me as I walked towards the door. Nang buksan iyon, bumungad sa akin si Manang na nakangiti. “Nariyan na si Caliban sa labas.” She smiled maliciously. “Gamitin mo iyong pabango na binili sa’yo ng Papa mo noong nakaraan.” Humagikgik ito. Naiilang akong ngumiti sakanya. I took a step forward. Isinarado ko ang pinto. “Manang naman. Huwag niyong ipaparinig ‘yan sa harap ni Caliban, ha? Baka anong isipin noon.” Nagsimula kaming maglakad. Manang Selly was eyeing me as we walked towards the banister. Nakaramdam tuloy ako ng hiya. I don’t know why she kept pushing it but I don’t see Caliban that way. Para siyang nagfafan girl and it just makes me feel awkward. Ganito siya sa tuwing may ipinapakilala ako sakanya. Matagal na kasi akong itinutulak na magnobyo. Sa tuwing sinasabi ko iyon kay daddy ay tinatawanan lamang ako nito. The two of them are oddly the same. “Hindi naman masamang sumubok.” Inangkla nito ang braso sa akin ‘saka tumuro sa harap nang tuluyang makababa ng hagdan. “Gusto mo, tanungin ko kung may nobya siya?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD