Phase 3

1553 Words
MASAYA kong tinanaw ang berdeng damuhan habang nakasakay ng golf cart. It was flat. Mula sa gilid ng fence hanggang sa dulo noon. Sa hindi malayo ay may isang malaking bahay. Tapos mga kwadra. Malayo iyon kaysa sa kinaroroonan ng baka at iba pang mga alagang hayop. The area was so wide. Like it was in the ranch. Siguro’y napagdesisyonan ni Papa na bigyan ng malawak na lugar ang mga kabayo dahil iyon ang kailangan noon. Gumalaw ako upang bigyang pansin ang isang trabahante na nakasakay sa kabayo. Astonishment lingered in my eyes as the horse ran. Mabilis. Ngunit ang nakasakay roon ay kalmado, nakangiti. Tinahak ng mga ito ang malinis at maluwag na espasyo na parang sila ang owtoridad doon. Agad na tumalon ang puso ko sa pagkagalak sa nakita. It was amazing. Lahat iyon. Lahat ng narito. Lahat ng mga nakita ko. Malawak ang farm at pakiramdam ko’y marami pa akong dapat na matuklasan. It was so much for me yet I couldn’t get enough. I want to see more of this. Kanina, nang dumaan sa mga gulayan ay nakita ko kung paano nila alagaan ang mga tanim. The way they water it is careful. Ang paraan nila ng pag-aalaga sa hayop. Kung paano sila magtrabaho. Malayong-malayo iyon sa kinalakihan ko. Unlike in the city, the people here function in sync. Walang mga usok. Tahimik. It was just fresh air and beautiful things. Kung hindi pa ako nagtungo nang personal ay hindi ko matatanto na may mga bagay pa pala akong dapat makita. I missed the chance of seeing this place for years. The cart began to move slowly. Doon ay napansin na kami ng trabahante. The horse’s steps became slow as they head to our direction. Nang tuluyan iyong huminto ay bumaba ako, mangha pa rin sa nakikita. “Is this your first time seeing a horse in person, Princess?” tanong ni Caliban sa likuran ko. Umiling ako sakanya. I have seen horses before. But this is different. Bukod sa malaya ako ay ibang kabayo ang naririto. A horse not made for entertainment. A place not made for people to go to for enjoyment. Ang paligid. Ang malawak na pastulan. Ang katahimikan na namamalagi roon at ang simpleng pamumuhay. I was not being specific when I said I like this place. When I praise, I am referring to all things. Mula sa kulay hanggang sa maliliit na detalye noon. If I am to paint this, I would surely include everything, even the smallest dust. But of course, the man and the horse would be the highlighted, as they are the main subject. “Hindi naman.” Nilingon ko siya, marahang nakangiti. “Natutuwa lang ako.” “Gusto mong sumakay ng kabayo?” “Hindi ako marunong.” Ilang hakbang pa palapit ang ginawa ko bago ko siya narinig na magsalita. “I’ll teach you some other time, then.” My steps halted. Nang lingunin ko siya ay nasa harapan na ang tingin niya. My eyes followed him as he walked near the fence, not fearing the big horse in front of him. Nagtungo ang mga mata ko sa suot nitong simpleng t-shirt. Tapos pantalon. Simple lamang iyon pero parang iba ang dating sakanya. If anything, he looks as if he owns the land. Kung hindi ko siya kilala ay baka isipin kong siya ang may ari nito. His appearance and character just fits it. What course did he took in College? “Magandang araw, Sir Caliban.” Bati ng trabahante. “Susuriin niyo po ang mga kabayo?” Caliban shook his head. “Namamasyal lang, Anton.” Humakbang ako palapit sakanila. My eyes were then fixated on the horse. Mas malaki pa ito sa akin. Huminto ako nang isang dipa na lamang ang pagitan. Hindi ba’t strikto ang mga kabayo pagdating sa amo noon? Does that mean he would only follow the person he’s familirized with? Tumingin ako kay Caliban pero roon ay napagtanto kong dalawa pala silang nakatingin sa akin. I looked up to the man who looks as if he’s trying to recognize me. Hindi ko tuloy alam kung ano ang irereact sakanya. I tilted my head, unable to say something. How do I introduce myself at times like this? “Anak ni Sir Demetrio, Anton. Wala bang nasabi sila Marcel sa’yo?” Si Caliban ang nagsalita. Bahagyang nanlaki ang mga mata nito, gulat. Doon ay nag-iwas siya ng tingin sabay kamot sa ulo. “Wala, Sir. Pasensya na.” Muli itong tumingin sa akin, bahagyang nahihiya. “Magandang araw, Ma’am.” Ngumiti ako sakanya nang may pag-aalinlangan. “Magandang araw din. Liberty na lang po ang itawag niyo.” “Sige po, Ma’am.” He responded. “Gusto niyo po bang tignan ang mga kabayo?” Napakurap ako. Hindi dahil sa paraan ng pagtawag nito sa akin kung hindi sa sinabi nito. He’s inviting us! “Can we go inside?” Tumango ito. “Opo, Ma’am,” ani ‘saka walang kahirap-hirap na bumaba sa kabayo. Doon ay sumunod kami sakanya. We left the cart outside the fence. Iyong Anton, kasama naming nagtungo sa mga kwadra habang hila-hila ang kabayo. Mas nagkaroon pa ako ng pagkakataon na tignan nang mas malapitan ang paligid noon. It was more beautiful in a closer look. Mas maganda sa mata. The green grass were even shinning by the sunrays. Mas kumintab at nadepina ang pagiging berde noon. Ang malaking bahay na sa malapitan ay parang tinitirhan ng mga taong naka-assign sa mga kabayo. The setting was more appropriate in a painting with a setting sun. I wonder I could try it tonight… Pagpasok sa loob ay sinalubong kami ng dalawang binata na naglilinis sa loob. There were four horse in it. Pero anim ang lalagyanan. We have the other one. Nasaan ang isa pa? Tumigil ang dalawa sa paglilinis ‘saka lumapit sa amin. Katulad ni Anton ay kaparehong tingin ang iginawad nila sa akin. I smiled comfortably at them. They are tall but I could they that they’re younger than me. They’re sixteen or seventeen, perhaps? Matagal na ba silang nagtatrabaho rito? “Magandang umaga, Danilo at Michael, bumisita lamang ako kasama ang anak ni Sir Demetrio,” sabi ni Caliban sabay tingin sa akin. “Nasaan ang isang kabayo?” “Nasa likod,” saad noong isang lalaki, nakatingin pa rin sa akin. “May anak pala si Sir Demetrio?” Caliban nodded his head. “She’d spend her vacation here.” Nagkatinginan iyong dalawa bago muling bumaling sa akin. They smiled, as if greeting me. Ngumiti ako roon pabalik. “Magandang umaga, Ma’am.” They both said in unison. “Ako po si Danilo,” saad ng isang nakasumblero. He looks older than the one in the right. Alam kong agad kong matatandaan ang pangalan nito. I wasn’t bad with names. Isa pa, kailangan iyon kung gusto kong dumalaw nang madalas dito. “Ako po si Michael,” said the other one with the tan skin. “I’m Liberty. Liberty Villaruel.” Mas lumawak pa ang ngiti ko. “You don’t need to use honorifics. Just Liberty is fine.” Siniko ni Danilo si Michael ‘saka bumulong. They looked at me with their eyes bewildered. Tumingin ako kay Caliban nang hindi makuha ang ibig sabihin ng dalawa. “Liberty na lang daw ang itawag ninyo sakanya.” Si Caliban. “Or you can call her Princess.” He smirked. “Don’t confuse them, Caliban.” My brows sloped inward. “Princess suits you.” “And Liberty doesn’t?” He smiled even wider. “I like Princess more.” Nagtaas ako ng dalawang kilay, wala ng balak na makipagtalo. I returned my gaze at the two. “Just call me Liberty. Kumain na ba kayo?” They nodded at me. “Yes, Ma’am.” They’re just like Anton. Napahinga ako nang malalim. Hindi ko na lang iyon pinansin sabay lakad. I looked around the space. Si Anton ay pinapasok na iyong kabayo sa bakanteng kwadra. Six squares, Five horses and the other one in the back. So, that means we have six horses. Tatlo lang ba silang nag-aalaga noon dito? “Do you go here everyday or do you live in the house just beside?” tanong ko sabay tingin sa kabayo sa gilid. “This area is pretty far.” “Sir Demetrio have given them permission to live here, Princess,” sagot ni Caliban. Mas mainam kung ganoon. Kung araw-araw ang punta nila at hapon ang punta ay maraming oras ang masasayang sa pagpunta pa lang. Paano pa kung kakain ng agahan, tanghalian at hapunan? Tumango-tango ako sa narinig. Ipinokus ko ang tingin sa kabayong katabi. Mas maliit kaysa kanina. It was brown. Ang mga mata’y itim na may kayumanggi sa gitna. It looks rather calm and well behaved. Palagay ko’y mas bata ito. Is this a girl or a boy? Paano ba nila tinitignan ang gender ng kabayo? Bumaba ang tingin ko sa mga paa nitong may bahid ng putik. Hindi pa naliligo ang mga ito. I continued to scanned it’s appearance. Kalaunan ay ngumiti ako nang may maisip. I looked at Caliban who was just behind me, watching. Nagtaas ito ng kilay nang makita akong nakangiti sakanya. The other two beside him looks fazed. “Pwede ko ba siyang paliguan?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD