Nang makarating ako sa destinasyon ko, pumasok agad ako sa French Convenience Store at umupo sa pinakadulong mesa. Pinagtitinginan pa ako ng mga tao, chineck ko naman ang sarili ko sa salamin na nakadikit sa pader ng convenience. Nakita ko rito ang sabog na sabog na buhok ko at pagtulo pa ng pawis sa noo ko. Tinakbo ko ba naman kasi papunta dito mula sa kanto. Napakunot ako ng noo sa pagbuhos ng ulan habang minamasdan sa salamin ang gawi sa labas. "Totoo ba ito? My god?! Nandito ka rin?"nagulat ako sa pag-upo ng tatlong pamilyar ng mga babae sa bakanteng upuan sa harap ko. Short brunette hair. Malalaking earings. Lip gloss at mascara. Tatak Natalie Dominggo, ang bully ko sa school. "Namiss mo ba kami, Uling?" Bumungisngis pa si Andrea habang hawak ang tsokolateng hawak niya

