Prologue: Deadly Encounter
Trigger Warning:
This novel includes scenes about traumatic health care experiences, death and dying, mental health issues, suicide and suicidal ideation. If you need support at any time, please call Hopeline Philippines 24/7 Emotional Crisis and Suicide Prevention Hotline:
0917 - 558 - 4673 (Globe)
0918 - 873 - 4673 (Smart)
02 - 88044673 (PLDT)
2919 ( Toll-free for Globe and Tm)
Prologue: Deadly Encounter
Marie's POV
Masama na ba akong tao kapag inamin kong hindi ko tanggap ang sarili ko? Masama ba kung sasabihin kong hindi ko tanggap na ganito ang itsura ko? Na hindi ko tanggap na pangit ako?
"Marie! Ano ba! Lumabas ka na diyan! Bilhan mo na ng pandesal ang papa mo!" Napapikit ako sa malakas na dabog ng mama ko sa labas.
At wala na ba akong modong anak kapag inamin kong may namumuong galit na ako para sa mga magulang ko?
"Marie! Bwisit kang bata ka! Huwag kang tatamad tamad diyan! Lumabas ka at bilhan mo na ng tinapay ang papa mo!" rinig ko pa ang malakas na sigaw ng mama ko.
Alam ko. Alam kong wala akong karapatan upang magalit.
Oo.
Sila nga ang bumuhay sa akin, ang nagpakain, nagpaaral, nagbigay ng bahay na masisilungan. Ngunit sapat na ba iyon upang maialis ko sa kailaliman ng puso ko ang inggit sa ibang mga anak na ramdang mahal na mahal sila ng mga magulang nila. Hindi gaya ko?
"Ba't ang tagal mong sumagot?! Gusto mo pa talagang pahirapan ako?!" galit na tanong ni mama na nakakunot ang noo nang lumabas na ako mula sa kwarto.
Napayuko ako sa nakakatakot niyang tingin. Isa lang ang ibig sabihin ng mga kilay na iyan. Oo nagtatanong siya, ngunit subukan mong sumagot sa katanungan niya at makakatikim ka ng mahapding kurot, malutong na mura, o di kaya ay isang malakas na hampas.
"Kahit kailan talaga! Bastos kang bata ka! Oh ito, pumunta ka sa bagong bukas na bakery diyan sa kabilang kanto! Bumili ka ng pandesal doon. Ipagkasya mo dito sa pera. Siguraduhin mong mabilis kang makakabalik kung ayaw mong makatikim!"
"Opo," sabay tango ko sa kaniya.
Inabot niya sa akin ang perang papel na may 100 na nakasulat.
Medyo nasisinagan na ng araw ang kalsada nang lumabas ako ng bahay. Suot suot ko ngayon ang malaking white tee-shirt na nakapatong ang isang kulay grey kong hoodie. Nakasuot rin ako ng itim na pares ng tsineles at kulay itim na jogging pants.
Nagpapasalamat ako na iilan pa lamang ang mga tao na nasa labas, kabilang ang mga nanay na nagwawalis ng kanilang mga bakuran.
Niliko ko ang isang kanto na katapat ng tindahan ni Aling Anita.
"Marie! Iha!"
Napahinto ako sa paglalakad at napalingon sa kinaroroonan ng boses ni Tita Angie.
Ikinangiti ng labi ko noong makita ko siyang kumakaway sa akin mula sa tarangkahan nila. May hawak-hawak pa itong walis tingting na malamang ay nagwawalis rin ng bakuran nila.
"Kay aga-aga para kang binagsakan ng lupa. May ginawa na naman ba ang magagaling mong mga magulang? O ang bruha mong kapatid?" nakapamewang niyang tanong.
Umiling ako at ipininta sa mukha ang isang ngiti. Isang pekeng ngiti.
Hindi na ako nagtagal pa kina Tita at pinagpatuloy ang paglalakad patungo sa bagong panaderya na tinutukoy ni Mama.
Minsan kasi nagiging off the line na ang mga katanungan ni Tita.
Kahit alam kong concern lang siya sa akin, hindi lang talaga ako komportable kapag ganun lalong-lalo na kapag may sinasabing hindi na maganda sa mga taong malapit sa puso ko. Kahit ganun ang mga yon, pamilya ko pa rin ang mga yon.
Napayuko ako nang marinig kong may naglalaro na sa basketball court sa gilid ng kalsada sabay takip ng mukha sa ilalim ng hood ng suot-suot kong hoodie.
Ang mapansin ang pinakahuling bagay na gugustuhin kong mangyari lalo na sa mga taong wala nang ibang ginawa kung hindi ang manglait ng kapwa.
"Hoy!" narinig kong tawag ng malalim na boses mula sa naglalaro ng basketball.
Nagtengang kawali na lang ako at mas binilisan pa ang paglalakad. Biglang may humawak ng magkabilang braso ko na nagpatigil sa akin. Ginawa ko naman ang makakaya ko upang bawiin ang mga braso ko at nagtagumpay naman ako.
"A-Ano ba!" sigaw ko sa kanila nang bigla nila akong pinalibutan.
Lima sila. Mabuti na lang at may katangkaran ako at hindi ko na kailangan pang tumingala para lang makipagsukatan sa mga tingin nila.
Agad ko namang nakilala ang isa sa kanila.
"K-Kung hindi mo pa rin naiintindihan Mike, uulitin ko. H-Hindi ko nga ibibigay ang number ng ate ko!" paglilinaw ko sa kaniya, dinidiin ang salitang hindi'.
Naglibot siya ng mga mata at nagtama ang kaniyang bagang.
"Huwag mong ubusin ang pasensiya ko. Hindi porke't kapatid ka ni Leslie, hindi na kita papatulan!" pagbabanta ni Mike.
Nanlaki ang mga mata ko. Balasubas!
Bigla rin namang lumaki ang mga mata niya sa hindi ko malamang dahilan. Nagsitawanan naman ang mga kasamahan niya.
Ano na naman bang nasa isip nila?
"Anong klaseng ekspresiyon iyan!? Nakakadiri ka! Uulitin ko nga at baka ano na ang iniisip mo! Hindi porke't kapatid ka ni Leslie ay hindi na kita papatulan. Kahit babae ka pa o kung anong nilalang ka man!" at nagsihalakhakan na silang lahat.
Naramdaman ko ang asim sa lalamunan at ang pagsikip ng puso ko. Napayuko na lamang ako dahil humahapdi na ang gilid ng mga mata ko.
"Number ni Leslie o pagsisihan mo ang mangyayari sa iyo?" inabot niya ang cellphone niya na dial pad na ang nakikita ko sa screen.
Pangit. Walang kwenta. Bobo.
Minsan naiisip ko, kailan pa kaya ako masasanay sa mga masasakit na salitang natatanggap ko? Kailan ba ako magiging manhid sa sakit na dinadanas ko?
- - - ◇ - - -
"Ano!? Hindi mo binigay sa kaniya ang number ko!?" iyan lang ang katangi-katanging mga salita na binitawan ng kapatid ko matapos akong maghikahos na tumakbo kaninang umaga para lang matakasan sina Mike at ang mga kasama niya. Ito rin ang dahilan kung bakit ako may sugat sa braso ko ngayon.
Nasugatan kasi ako ng matulis na barbed wire habang papakubli ako sa kabilang kanto kanina upang magtago.
Ngunit walang pasasalamat ang ekspresyon na pinupukaw ni Ate. Isang kompletong iritasyon lang ang nakikita ko sa mukha niya. Hindi ko alam kung marahil dahil ito sa hindi naging magandang outing niya kasama ang mga kaklase kaya ako napagbubutungan niya ng galit.
"A-Ate?" naguguluhan kong tanong sa kaniya nang makita kong namumula na siya sa inis.
Huminto ako sa paggagamot ng braso ko para titigan siya.
"Pangit na nga bobo pa! Sana binigay mo na agad yung numero ko! O di kaya sinabi mo agad sa akin na type niya ako! Hindi yung one week after mo pa sasabihin sa akin! Wala ka talagang kwenta kahit kelan! Siguro may gusto ka sa kaniya no?! Inggit ka kaya gusto mong solohin siya! Ang landi mo!" nabibigla ako sa mga pinagsasabi niya lalo na sa isang konklusiyon na hindi ko malaman kung saan niya man naipulot. O sadiyang ang kitid lang talaga ng utak niya pagdating sa mga ganitong bagay.
Matalino naman siya ngunit pagdating sa akin, parati niya akong hinahanapan ng mali.
"A-Ano po!? Hindi ko gusto si Mike Ate! At higit sa lahat hindi ko ginawa iyon dahil gusto kong ilihim sa iyo yun para maagaw ko siya sa iyo! Ate naman!? Hindi ako ganun at alam mo iyan. Ginawa ko lang yun dahil alam mong hindi iyan magugustuhan nila Mama!" pinipigilan kong maluha sa harapan ng Ate ko dahil kailanman ay hindi nila ako nakitang umiyak sa harapan nila. At paninindigan ko iyon.
"Anong hindi!? Bakla nga nagkakagusto kay Mike ikaw pa kaya na isang. . ." tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa, ". . .pangit pa sa pangit. May tinatago ka rin palang kapokpokan Marie. Nakakadiri ka talaga kahit kelan."
Ito ang pangalawang beses na narinig kong nakakadiri ako sa araw na ito. Sa araw na ito lamang iyan. Kung itototal ko lang kung ilang beses na akong nasabihan ng nakakadiri at pangit simula noong bata pa ako, hindi ko na mabilang pa.
Bigla na lamang lumabas ang mga magulang ko sa likod ni Ate Leslie. Doon ko lang napagtantong nakauwi na pala sina Mama at malamang narinig nila ang pinagtatalunan namin ni Ate dahil matigas pa sa bato ang pinupukaw nilang ekspresyon habang nakatitig sa amin.
"Anong nangyayari dito?! Namalengke lang kami, ganito na agad ang masasaksihan namin pag-uwi?!" at nagsisimula na naman ang bunganga ng Mama ko.
Nauna nang umakyat si Papa sa itaas, pero bago iyon, tinitigan niya muna ako na animo inaasahan niya na sa akin na parati ko silang mabibigo.
"Eh ano pa nga ba? Itong si Marie, naghahabol na ng lalaki," parang boltahe na tumama sa akin ang sinabi niya.
Tumagos sa buto ko.
Wow.
Pang Oscar ang drama ng Ate ko. Gaya nang parati niyang ginagawa.
At alam ko sa sarili ko na dapat sa mga sandaling ito, dinidepensahan ko na ang sarili ko sa mga paratang niya. Pero isang reyalisasyon ang pumasok sa isipan ko.
Kahit pa yata maglagay pa ako ng isang milyong ebidensiya sa harapan nila, mas pipiliin pa rin ng Mama ko ang paborito niya. . .ay hindi. . . irerephrase ko, ang paborito pala nila.
Nina mama at papa.
Ang perpektong si Ate Leslie. Mistisa, maganda, talented, matalino at habulin ng mga lalaki.
Nasa kaniya na ang lahat.
Habang ako? Mapapailing ka na lang.
Sa kabila nun, naisip ko na ring baka nga hindi nila ako anak at hindi niya ako kapatid dahil sa laki ng agwat ng itsura nami—ack!
Dumagundong sa sala ang malakas na tunog ng pagsampal. Humapdi rin ang kaliwang pisngi ko. Doon lang ako napabalik sa reyalidad mula sa pagkakalutang ng insekyuridad ng utak ko.
Kanina pa pala ako sinisigawan ni Mama.
"Pokpok ka na nga, bastos ka pang bata ka! Iyan! Ngayon siguro naman nakikinig ka na?! Hoy! Makinig kang malandi ka! Sa oras na marinig ko pa ulit ang kalandian mo, hindi ako magdadalawang isip na hubaran kita sa labas ng pamamahay na ito! Hindi ka na nahiya!"
Sa sobrang sama ng loob ni Mama, agaran siyang umalis sa harapan ko upang pumunta sa kusina. Siguro para uminom ng tubig. Sinundan naman siya ng Ate ko na tinaasan lang ako ng isang kilay.
Habang ako, naka-istatwa pa rin sa sala. Nakatayo pa rin na parang tanga. Nakayuko. Tahimik. Iniiaip pa rin sa utak ang nangyari.
Nilibot ko ng tingin ang loob ng bahay.
Katamtaman lang ang laki ng tinitirahan namin. Mas maliit nga lang kumpara nung bahay namin dati sa Gensan.
Halos yari sa pinagsamang plywood at bloke ng semento ang pader namin na pininturahan lang ng kulay puti. Nakatiles rin na puti ang sahig.
Sa gilid ko ay hagdan papunta sa tatlong kwarto sa itaas, isang kwartong para kay Mama at Papa, ang dalawa ay kwarto ko at ni Ate.
Napatitig ako sa itim na pintuang nasa harapan ko.
Gusto ko. . .gusto ko nang umalis sa pamamahay na ito, ngunit kahit yata nasa labas na ako ng bangungot na tahanang ito—o kung tunay mang tahanan ang matatawag dito—hindi ko pa rin matatakasan ang panglalait ng mga tao.
Ang mga matang mapangkutya at mga bibig na mapanglait.
Sa pagpatak ng mga luha ko, tuluyan na akong umakyat papunta sa kwarto, kasa-kasama ang isang nakakatakot na disisyong namuo na sa utak ko ng ilang buwan at pinag-isipan ng paulit. . .ulit. . .ulit.
At ngayon sigurado na ako.
Padabog kong sinirado ang pintuan at binuksan ang netbook na iniregalo pa sa akin ni Tita Angie noong 17th birthday ko.
Welcome gift niya sa akin iyon pagkarating namin sa Makati.
Nakakapagtaka lang at sobrang bait sa akin ni Tita Angie kahit ang pangit ko. Nagpapasalamat ako sa kaniya dahil may tao pang tulad niya.
Pero hindi niya mababago ang desisyon ko.
Pinindot ko ang pulang hugis butones na nasa-screen at nagsisimula na nga ang pagfifilm.
Huminga muna ako nang malalim.
"A-Ako. . .ako nga pala si Marie Louise Asuncion Sarcuevas. N-Ngunit hindi naman yata importante na malaman pa ninyo ang pangalan ko. . .dahil kahit anong pagpapakilala ko, k-kahit gaano pa kaganda ang pangalan ko. . .pangit, walang kwenta, bobo, at hoy lang rin naman ang itatawag ninyo. . ."
Tinitigan ko nang mabuti ang itsura ko sa screen, ". . .at hindi ko tanggap iyon kaya naman nararapat lang na pumunta ako sa lugar na alam kong may lugar ako. A-Alam kong wala rin namang manonood ng live video na ito dahil sino ba naman ako kaya. . ." at doon na ako tuluyang napaiyak,". . .okay lang kahit pa magpakamatay ako diba? Wala naman kasing may pakealam diba?"
Tumawa ako nang pilit.
Mapait na tumatawa dahil sa katanungang bakit ko pa nga ba ito finifilm? Kung mamamatay man ako, wala rin namang may pake gaya nga nang simabi ko. Mga tao pa? Mas gugustuhin pa nga nilang mawala ako. Ikakatuwa nila iyon. Ipagdidiwang pa nila ang pagpanaw ko.
Napansin kong may nanonood na tatlo sa live video ko. Tumunog ang notification bell hudyat na mayroong nagcomment.
Ashterie Mou: Edi magpakamatay ka! Wala kaming pake!
Ashterie Mou: Pasikat ka masyado! Kulang sa pansin!
Napangiti ako nang mapait, "S-Sige."
Tama nga naman.
Pasikat ka masyado, Marie.
Ipinatong ko ang netbook sa study table na kuhang-kuha ang kabuoan ng kwarto sa webcam.
Pilit akong tumawa sa gitna ng hagulgol ko habang tinatali ko sa dingding ang makapal na lubid.
Bumaba ako mula sa pagkakatayo sa upuan upang isubok kung kaya ba ng lubid ang bigat ko sa paghila nito pababa.
Hindi naman ito naputol.
"Walang kwenta. . .wala kang kwenta, M-Marie. . .t-tandaan mo iyan," doon ko lang napagtantong umiiyak pa rin pala ako.
Walang tigil sa pag-agos ang luha ko, lalo na noong tuluyan na akong umakyat sa upuan at ipinasok ang ulo ko sa butas ng tali.
Pinikit ko ang mga mata ko sa pagod.
Literal na pagod. Pagod na ang buong pagkatao ko. Hapong-hapo na ako.
Emotionally, durog na durog ako. Physically, I am burned with frustrations. Spiritually, patay na ako.
Kelan man ay hindi ko ginusto ang lahat ng ito.
Kasalanan ko bang pangit ako? Kasalanan bang bobo ako? Kasalanan bang hindi ko ma meet ang standards ng mundo? Is it a fault? Ang mali ko lang naman ay tao ako.
Tama na. Ayaw ko na. Pagod na ako.
Heto na at hahakbang na ako sa ere habang hindi ko pa naiisip ang mga pangarap ko na hindi ko na maaabot pa dahil sa desisyon kong ito.
Fuck this world. f**k this life. f**k everything.
Narinig ko ang kalabog ng pagbagsak ng upuan sa sahig na tinatapakan ko kanina lang.
Doon ko na naibulong sa isipan ang tuluyan kong pagbibigay ng buhay kay kamatayan.
Ramdam ko na ang sinasabi nilang sakit sa lalamunan habang umuugoy ako sa ere.
Kusang gumagalaw ang katawan ko at kinapa ang lubid sa pagbabasakaling makalanghap ng hangin. Natural na reaksiyon ito ng katawan ko dahil gusto pa nitong buhay.
Ngunit. . .ayaw ko na.
Hindi ko na maisip pa ang ibang bagay maliban na lamang sa nararamdaman kong pag-akyat sa utak ko ng dugo na nagmumula sa leeg ko.
Dumating sa puntong hindi ko na maisip pa ang ibang bagay maliban sa sakit at hapdi. Napagtanto kong masakit rin palang mamatay. Hindi madali.
Nakakatakot.
Gusto kong tumakas ngunit huli na.
Nagsimula nang umalon-alon ang paningin ko. Naging bingi na rin ako nang pansamantala at hindi ko na alam kung totoo ba ang narinig kong mga kalabog sa bintana at boses sa gilid ko.
Dumilim ang paningin ko ngunit saktong naramdaman ko bigla ang malalim na paglanghap ng hangin ng baga ko.
Marahan akong napamulat ng mga mata dahil sa umatikong pangangapa ng katawan kong makalanghap dahil sa pagpupumilit na makahinga ng kumportable.
May narinig akong boses na hindi ko magawang intindihin gawa na rin siguro nang pagkabigla pa rin ng katawan ko.
Nag-a-adjust pa ako sa panibagong hininga na iginawad sa akin ng kung sino man ang tumanggal ng lubid mula sa leeg ko.
"Can you hear me?"
Napansin kong nakatayo na pala akong muli sa dating natumbang upuan at may mga paang pumatong rin rito maliban sa akin.
Buhat buhat niya ako sa mga bisig niya.
Isa-isa nang gumagana ang mga pandama ko. Kung totoo ngang hindi na ako nahihilo, marahil ay totoo rin ngayon ang naaamoy kong hindi pamilyar na pabango.
Pikit mata ko pa ring prinoproseso ang lahat.
Hindi ko alam kung papaano nangyari ngunit natagpuan ko na lamang na nakahiga na ako sa kama.
Nangangatog ang katawan ko noong biglang may tumabi sa akin. Ilang sandali pa ay may mga daliri nang dumampi sa pulso ko, marahil ay inaalam kung buhay pa nga ba ako.
Buhay pa nga ba ako?
"Can you hear me? "
Hindi pa rin ako makapaniwala sa naririnig.
Ilang beses akong napapikit-dilat habang nakikita ang kisame. Nanunuyo pa ang lalamunan ko bago ko naitapon ang tingin sa bandang kanan kung saan nanggagaling ang boses.
"You're so f*****g stupid!" panlalait agad ng lalaking sa buong buhay ko ay hindi ko kailanman nakita o nakilala.
Ikinagulat ko nang lubos ang presensiya niya kung kaya't napaatras ako nang wala sa oras.
"Aaaah!" bago pa man ako tuluyang mahulog sa sahig dahil sa pag-atras ko, may mga braso nang pumigil dito.
Sa pagtitig ko sa mukha niya, nakita ko na nakatutok sa isa't-isa ang magkabila niyang mga kilay. Makakapal ang mga ito at napakaitim.
Nagkaroon ako ng pagkakataong titigan nang mabuti ang kagandahan ng mga mata niyang kulay kayumanggi. Para akong nalulunod sa mga titig niya papunta sa matangos na tulay ng kaniyang ilong padaosdos sa mapupula at malambot na mga labi.
Pumuproseso pa sa utak ko ang mukha ng estrangherong nasa loob ng kwarto.
Isa lang ang masasabi ko.
Pinagpala sa pisikal na anyo ang taong ito. . .teka lang, bago ko pa sambahin ang kakisigan niya, sino ba siya!?
Gumuhit ng tuwid na linya ang labi niya nang mapansing niyang nagtatanong na ang mukha ko.
Bago pa man ako maguluhan nang tuluyan sa pinapakitang ekspresyon ng mukha niya, natagpuan ko na lamang na nakayakap na siya sa akin.
Isang mahigpit na yakap.
Sinimulan niya na ring haplusin ang likod ko habang isang kamay ay tinatapik niya ang ulo ko.
Napanlakihan ako ng mga mata noong tuluyan niya nang ibinaon ang mukha niya sa leeg ko. Nararamdaman ko na rin ang mainit niyang hininga na nagpatayo ng mga balahibo ko.
Hindi ako makagalaw. Gulat na gulat ako.
Maraming katanungan ang rumerehistro sa utak ko. Sino siya? Kilala niya ba ako? Kilala ko ba siya? Paano siya nakapasok sa kwarto ko?
Hindi dapat ako pumapayag na niyayakap ako ng isang istranghero ngayon. Dapat nga tinutulak ko na siya sa kadahilanang baka masama siyang tao, ngunit hindi sumasaludo ang puso ko sa sinasabi ng utak ko.
Dahil sa mga sandaling ito, kailangan ko ng yakap.
Isang beses lang.
Papayagan ko ang sarili kong mayakap ng isang istrangherong.
Kahit ngayon lang. . .kahit hindi ko naiintindihan.
Hindi ko na napigilan ang sarili, humahagulgol na ako.
Nakalimutan kong muntikan ko na nga palang ibinigay ang buhay ko sa kabilang mundo.
Umiiyak ako sa kadahilanang nagtatanong ako sa sarili ko kung papaano ako humantong sa ganitong desisyon ng buhay ko.
Ilang beses kong sinubukang magpatiwakal ngunit ngayon lamang naging makatotohanan ang lahat.
Isang katotohanang isa akong hangal na pinagkaitan ng pagmamahal ng mundo.
Hinayaan niyang maibaon ko ang umiiyak kong sarili sa dibdib niya. Mas tuluyan akong umiyak sa pagpayag niyang gawin ko iyon lalong-lalo na noong ibinalot niya ako sa mga bisig niya habang nakapatong sa noo ko ang baba niya.
Naririnig ko pa ang boses niyang humehele na tila ba ay pinapatahan niya ako.
Marahil isa siyang anghel. Siguro nga patay na ako.
Sa unang beses, naramdaman kong mapayapa ako.
Sa unang beses, naramdaman kong ligtas ako.
Masarap rin palang may masasandalan, kahit pa sa isang estrangherong hindi ko kilala. Kahit ngayon lang, hiniling kong ganito lang ang maramdaman ko habang buhay.
Magiging kumportable na sana ako sa mga bisig niya ngunit biglang hinigop ang lahat ng dugo ko nang bumalik ako sa tamang katinuan at mapagtanto ko ang posisyon naming dalawa.
Ano 'tong ginagawa mo Marie!?
Naitulak ko siya at tatayo na sana ngunit bigla niyang hinawakan ang braso ko at hinila ako pabalik.
Muli na naman kaming nagkatitigan.
Sa pangalawang beses, nakumpirma kong hindi lang siya pinagpala sa pisikal na anyo, pinagpalang-pinagpala talaga.
Napakagwapo niya kahit saang anggulo ko man tingnan. Naihahantulad ko siya sa mga nakikita kong mga modelo ng mga tanyag na magazine. Hindi. Higit pa roon.
Para siyang si Adonis ng greek mythology na minahal ni Aphrodite at Persephone dahil sa sobrang kakisigan na ngayon ay bumaba sa panahong 21st century upang yakapin ako at pigilan akong magpakamatay.
"If you're just going to kill yourself, might as well consider my suggestion, sweetie."
Nanuyo nang tuluyan ang lalamunan ko nang marinig ko ang boses niya.
Lalong-lalo na noong tinawag niya ako sa isang pangalang hindi nababagay sa isang pangit na tulad ko.
"Be with me."
Bago pa man ako makapagsalita, ikinagulat ko noong hinawakan niya na ako sa magkabila kong pisngi. Hindi ko kailanman inasahan ang sunod niyang ginawa.
Marahil ay hindi lang bumaba ang Adonis na ito upang pigilan akong magpakamatay at yakapin ako. Kung hindi ibigay rin sa akin ang isang halik na tuluyang magpapabago ng buhay ko.
And with a kiss to his maiden, the beast broke his own bounded curse.