Chapter 1: Life Offer
Tatlong araw na ang nakalilipas ngunit para bang kahapon lang kung nangyari yun.
Binabagabag pa rin ako.
Nanaginip lang ba ako nun? Totoo ba iyon? Pero nakapakaimpusible naman yata? Hindi. Hindi talaga iyon ang nangyari.
Gawa gawa lang iyon ng utak ko!
Gawa lang iyon ng halusinasyon dahil kinapos ako sa hininga. Oo, dahil sa halusinasyon!
Napahawak ako sa leeg ko na may konting marka pa rin ng lubid na minsang sumakal sa akin. Pero. . .kung iyon ang iisipin ko. . .at hindi iyon ang totoong nangyari. . .sana ay nakahiga na ako sa kabaong ngayon at hindi sa kama.
Bumalikwas ako ng bangon at pumunta sa cabinet upang kunin ang lubid na ginamit ko noong isang gabi kung saan ko ito tinago.
"Pero kung ganun. . .papaano ka naputol?" usyuso ko sa hawak kong kalahating parte ng lubid na akala mo naman nagsasalita at sasagutin talaga ako.
Matakot na ako kapag nangyari iyon. Masasabi ko na talagang mababaliw na ako kapag sumagot pa 'to.
Malamang, kaya hindi ako tuluyang namatay ay dahil hindi kinaya ng lubid ang bigat ko kaya naputol ang lubid at . . .at. . .sandali. . .pero sa pagkakatanda ko, hindi mapuputol ang lubid dahil siniguro ko muna ang katibayan nun. . .mas nagpapatunay lang ba ito na purong delusiyon at halusinasyon ko lang ang lalaking iyon dahil pati lubid na akala kong hindi mapuputol ay naputol nga talaga?
Pero kung ganun, paanong nasa kama na ako paggising ko?
Nagkaroon siguro ako ng halusinasyon habang papunta sa kama kaya naisip kong may tao akong kasama.
Tama! Ganun nga siguro. . .diba?
Iyon nga ang nangyari. Iyon lang talaga ang mas kapanipaniwalang nangyari dahil kahit saang anggulo ko man tingnan, walang matinong pagpapaliwanag ang basta-basta na lamang pagpasok sa kwarto ng isang lalaking hindi ko kilala!
Sumasalungat iyon sa mga bagay.
Una, papaano niya nalamang magpapakamatay ako?
Napatingin ako sa netbook na nakapatong sa study table ko. Napanood niya kaya ang live video? Isa ba siya sa tatlong tao na nanonood nung video-Oo nga pala! Y-yung. . .yung video! Narecord nun ang totoong nangyari noong isang gabi! Bakit nakalimutan kong nagrerecord nga pala ako noong mga oras na iyon!
Parang adrenaline rush na binuksan ko ang social media account ko at doon ko muling pinanood ang video.
Mabuti na lang at walang nagreact, nagcomment o nagshare ng video. Ang comment lang na nababasa ko ay yung comment pa rin na nabasa ko noong gabing iyon. Buti na lang. 'Pag nangyari pang sumikat ang video na ito dahil sa katangahan ko, pagpipiyestahan talaga ako sa social media.
Malamang. Imbes na himukin nila akong mabuhay, hihilingin pa nila akong mamatay.
Ano bang iniisip ko at nagrecord pa ako?
Nagbabasakali ba ako na. . .may natitirang tao pa rin na may pakealam sa akin. . .at ayaw akong mawala?
Asa ka, Marie. Walang may pake sa iyo.
Loading
.
.
.
Error!
Unsupported Video
Nangunot ang noo ko. Tatlong ulit ko nang piniplay ang video ngunit palagi itong nag-e-error.
Unsupported Video? Bakit naman? May magreport ba sa video?
Tumayo na lamang ako at lumulan malapit sa bintana.
Pangalawa sa dahilan kung bakit sumasalungat ang pangyayari sa mga bagay ay ang naiisip ko ngayon. Sabihin na nating baka isa nga siya sa tatlong tao na nakapanood ng live video, pero paano niya nalaman kung saan ang bahay ko?
Alam ko sa sarili kong ako ang tipo ng taong hindi basta-bastang naglalagay ng personal info tungkol sa sarili sa internet. Kaya hindi niya pa rin matutuntun ang kinalalagyan ko.
Mula sa bintana, pinapanood ko lang ang mga batang naglalaro sa kalye.
Naningkit ang mga mata ko.
Pangatlo, kung nakagawa siya ng paraan at natuntun niya man kung nasaan ako, papaano siya nakapasok sa kwarto ko at papaano niya nalaman kung alin ang kwarto ko?
Tatlo ang kwarto sa bahay. Ba't parang alam na alam niya ang gagawin niya at kung saan siya pupunta dahil ang bilis ng pangyayari?
Napatingin ulit ako sa kalsada, hindi rin maaaring naglalakad lang siya sa kalye at nagkataong nakita ako mula sa bintana na magbibigti.
Hindi abot ang tanaw mula sa ibaba ang nasa loob ng kwarto ko dahil nasa second floor ako.
Humalukipkip ako.
Pang-apat. . .walang taong saksakan ng kakisigan sa sobrang pinagpala ng itsura ang basta-basta na lamang magliligtas ng isang pangit at walang kwentang tulad ko.
At panghuli! Wala sa tamang katinuan ang basta-basta na lamang hahalik sa isang tulad ko!
Impusibleng hindi man lang siya nandiri sa akin dahil lahat naman sila nandidiri sa akin!
Walang taong ganun. Wala.
Kaya naman nakakasiguro akong hindi iyon nangyari. At konklusiyon na iyon. Tama na ang kahibangang ito.
Walang lalaking pumasok sa kwarto. Wala. Isang halusinasyon lang lahat iyon!
Inabot ko ang bintana. Kailangan ko nang isara ito at baka may makapasok na magnanaka-teka. . .ba't sira ang lock nito? Matagal na ba itong nasira? Hindi kaya. . .dito siya dumaan kaya nakapasok siya?
Napapikit ako. Tama na nga! Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip! Sabi na ngang halusinasyon lang ang lahat ng iyon eh!
Bumaba ako ng sala upang muling siguraduhin na malinis at maayos na ang bahay.
Natapos ko na ring labhan ang mga unan at mga kurtina.
Natupi ko na rin ang mga damit.
Nadiligan ko na rin ang mga halaman.
Wala na ring problema sa banyo dahil siniguro kong lagyan yun ng moriatic acid bago binanlawan.
Ayaw kong may masabi na naman si Mama.
Napaupo ako sa sofa nang masiguro kong ayos na ang lahat.
Ninamnam ko na lang ang katahimikan ng bahay habang wala pa ang mga magulang ko at si Ate Leslie. Papauwi na kasi sila ngayong araw mula sa tatlong araw na bakasyon nila sa Quezon.
Paniguradong, masaya ang naging experience nila doon.
Napayakap ako sa unan na nasa sofa, "Ako kaya? Kailan kaya ako makakapunta sa ibang lugar?" bulong ko kasabay nang malalim na pagbuga ko ng hininga ko.
"Miss Sarcuevas!"
Napamulagat ako nang wala sa oras dahil sa malakas na sigaw ng pamilyar na boses mula sa labas. 'Wag mong sabihin bumalik na naman siya?!
- ♤ -
"What do you think of it now? We made some adjustments that you'd surely be interested of. Imbes na thirty thousand, we maximized your salary to fifty thousand plus the benefits. The benefits in kind includes bonuses, medical, disability and life insurance, paid vacations, retirement and even pension plan. So. . .are you now considering the offer?"
Nakakunot lang ang noo ko habang binabasa ang mga papeles. Pilit kong iniintindi ang pinagsasasabi ng kontrata na nasa wikang Ingles pa. Tatlong beses na siyang pabalik-balik dito sa bahay para lang tanggapin ko ang trabahong inaalok niya kahit na tumanggi ako ng ilang beses.
Nagkita lang kami noong isang araw sa job fair na ginanap sa mall. Hindi naman ako naroroon para maghanap ng trabaho, nagpapabili kasi si Mama ng tupperware at naparaan lang ako roon.
Kinausap ako bigla ng isa sa mga staff nila at sinabing gusto raw akong makausap ng head nila. Nasa mahabang table siya noon sa isa sa mga kumpaniya na nagooffer ng mga trabaho para sa masa.
Pansin ko ngang sa stall nila ang may pinakamahabang pila ng mga applicants. Hindi naman siya ang nag-aaccomodate sa mga applicants, nasa likod lang siya at nanonood sa mga nangyayari. Kaya naisip kong baka siya nga ang head ng Human Resource Management ng kumpanya nila at sinamahan ako ng mga staff papunta sa kaniya.
At naalala ko pa nga ang pag-uusap namin noon.
"Nice meeting you, Miss. I'm Reydino Guzman. Acting head ngayon ng HRM. And you are?"
"M-Marie Sarcuevas po."
"Miss Sarcuevas, I'm going to offer you a job that you surely would be glad of-"
"P-Pasensiya na po. Pero, hindi po ako naghahanap ng trabaho."
"O-Oh. But hear me out first. Our company is the blah. . .blah. . .blah. . ."
Hanggang sa hindi niya na ako tinantanan kahit sinabi ko nang hindi ako naghahanap ng trabaho. Dahil puro siya sales talk sa akin at nagmamadali na ako, ayaw ko rin namang maging bastos, binigay ko na lang ang contact number at address ng bahay ko.
Hindi ko naman kasi sineryoso na pupuntahan talaga nila ako sa bahay.
Ano ba naman kasing meron sa akin at hahabulin nila ako diba?!
Wala nga akong dalang resume noong mga time na iyon kaya inaasahan kong maiintindihan nila na hindi talaga ako naghahanap ng trabaho.
At alam ko rin na hindi ako qualified para sa trabaho na inaalok nila.
Hindi naman siguro ako tanga na magpapauto. Malamang may hidden agenda ang mga ito. Mga scammer. Baka nga isa itong uri ng planadong human trafficking.
"Sino nga po ulit iyong sinasabi niyong magiging boss ko?"
"Mr. Black Sullivan, Miss Sarcuevas."
"At sino po si Mr. Black Sullivan sa kumpaniya?"
Inayos ni Mr. Guzman ang necktie ng suot niyang tuxedo, "You'll know right after you accept the job offer, Miss Sarcuevas."
Napapikit ako. This is an ultimate scam.
"Sorry ho ah? Pero magtatanong lang ho sana ulit ako. Bakit niyo nga ho ba inooffer ang trabaho sa akin?" tanong ko kasabay ng pagmulat ng mga mata ko.
Sa ilang beses na pagpunta niya dito, ngayon lang ako nagtanong nang maayos patungkol sa offer niya. Hindi kasi ako nagsasalita noong mga nagdaang araw at hinahayaan ko lang kung ano ang sasabihin niya.
"Because we want you, Miss Sarcuevas," inayos niya ang pagkakalagay ng salamin sa mga mata niya.
Isang misteryo ang pagpupunta niya sa bahay namin upang i-offer lang ako ng trabaho sa loob ng tatlong araw. Siya pa talaga mismo ang nakakausap ko at hindi staff lang. Bakit ako?
"Prangkahan lang ho ah? Huwag ho sana kayong maoffend. Hindi po kasi kapani-paniwala ang mga sinasabi ninyo."
Naningkit ang mga mata niya at doon mas tuluyang nakita ang mga iilang wrinkles sa mukha niya gawa ng nasa line of 50's na siya.
"Sinasabi po ninyong isa sa leading company sa Pilipinas ngayon ay ang kumpaniya ninyo. Kung ganun po, bakit maghahabol ang isang bigating kumpanya sa isang pipitsuging tao na walang kasiguraduhan kung may maiaambag itong malaki sa industriya. Nabasa niyo na po siguro ang naibigay kong resume na hiningi ninyo. Alam niyong wala ho akong working experience. Kahit sabihin po nating nag OJE ako, hindi po in-line ang natapos kong track sa senior high school sa trabahong inaalok ninyo. At take note po, senior high school. Highschool graduate pa lang po ako."
Naningkit ang mga mata ni Mr. Guzman, "Magkakaroon ka pa ng training bago ka magsisimula nang tuluyan, Miss. Kaya hindi mo proproblemahin ang mga gagawin mo bilang isang empleyado."
Ngumiti ako. Ang langsa na ng usapang ito.
"Bakit pa po kayo mag-i-invest ng malaki para sa isang tulad ko. Kung maaari naman po kayong maghanap ng ibang tao na may potential at nang hindi na kayo mahihirapan pa."
Nakita ko ang pagkaaliw sa mga mata niya, "Aren't you aware that what you're doing now is a real potential, Miss?"
Napaatras ako ng ulo. Ano raw?
"I'll throw the same questions at you. Why would a big company like ours run after you to accept a specific job in the company? Why would we make your salary higher than those professionals and make some adjustments with the benefits in accordance to what you'd be interested with? Knowing we don't settle for less, why would we choose you over those applicants with flying colors all over their resumes. Simply because we find something in you that others don't have. And a resume would not fill that up because the potential is right in front of me—you."
Natahimik ako. Biro ba ito?
"Potential po? Bulag po ba kayo?" nangunot ang noo ko, "Kung naghahanap po kayo ng mai-iscam, 'wag po ako. Please lang tama na. Hindi na po nakakatuwa."
"This is not a scam, Miss. This is an ongoing crime."
Napamulagat ako. C-Crime? Krimen?! Akala ko ba legal sila?!
Ngumiti siya, "And besides, you're not going to deal with a simple person but a really complicated one. We're giving the right amount of investment if we think it is just fair. I'll let you know more about the details of your job after you sign the contract, Miss."
"T-Teka. A-Ano ba talaga ang trabahong papasukan ko?"
Napatingin siya sa papeles na hawak ko, "Exactly what that paper says, Miss."
Binasa ko ang papel at malalim siyang tiningnan, "Kung ganun a-anong sinasabi mong ongoing crime? At bakit naman ho ang laki ng sahod ko para lang sa ganitong trabaho?"
Binabagabag talaga ako nung binanggit niya. Bubuka na sana ang bibig ko upang magtatanong muli ngunit naudlot ito nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Ongoing call. . .
Ate Leslie