Chapter 6: Mind Games Staple. Staple. Staple. Ako ngayon ang tagastapler ng mga papeles dito sa opisina niya pero parang ako ang ini-istaple ng mga mata ni Sir Sullivan. “No,” kanina pa matalim ang tingin niya sa akin. Napalunok tuloy ako. Pinagsasaksak niya na kaya ako sa likod ng isipan niya? Ang sama ng titig niya. “I said no,” sagot niya pang muli sa kausap niya sa telephone. Nagtama ang mga mata namin nang tingnan ko ulit siya. “Y-Yes sir?” naglakas-loob na talaga ako para lang tanungin siya kahit na kanina pa ako kinakabahan. Awkward man pero pinilit kong ngumiti pero instead na ngumiti siya pabalik, pinaikot niya lang yung swivel chair na inuupuan niya hanggang sa likod niya na lang ang nakikita ko. Dinedma niya na naman ako. “When are you planning to stop being stupid? I'll

