“Sama mo namang makapagsalita, Bebe! Maayos naman suot ko, ‘di ba? Seth? Reese,” sigaw nito sa dalawang nakasilip sa kani-kanilang bintana.
“Ayos na ayos ‘yan, Thyron!”
“Cool nga si Kuya Thyron e, Rebie!”
“Che! Mga traydor! Ano bang binayad sa inyo ng kumag na yan?!” tanong ko sa mga ito na parang may kinakain.
Winagayway ng dalwang magkapatid ang parang isang bar ng mamahaling hersheys sa akin.
“Kuripot mo naman kasing manuhol, Rebie! Abay kahit naman sino mas papanigan ang magbibigay ng hersheys kesa sa pipisuhing chocnut na sinusuhol mo samin!” sabi ni Seth sabay subo ng Hersheys at nag-thumbs pa ang payatot kay Thyron.
“Oo nga ate Rebie! Nung mga bata pa tayo ay chocnut na binibigay mo! Ngayong high school na tayo hany pa din?!” hiyaw nito sa akin.
Namayawang ako at pinagduduro ko sila, “Naku, ‘wag na ‘wag kayong pupunta bukas dito samin! May red ribbon na cake at ice cream na dala si mommy! Mga P.G.T!”
“P.G.T?” tanong ni Thyron.
“Patay Gutom na Tao!” sagot ko sabay tawa nang malakas.
Nanlaki ang mata ni Reese samantalang si Seth naman ay napailing.
“Oo nga Kuya Thyron! Lumayas ka na pang-abala ka dito! Ang ingay!”
“Oi Thyron, hindi kami makapag-aral dito. Umuwi ka muna!”
Humagalpak ng tawa si Thyron. Maging ako ay hindi nakapagpigil at napangisi din.
“Mga patay gutom nga kayong magkapatid! Nakakinig lang ng mas masarap lilipat agad ng campo!” sabi ni Thyron na umiiling iling.
Ngumisi si Seth at ngumiti, “Mahirap na ang buhay ngayon Thyron, kapit na sa matibay!”
Tumawa ulit si Reese at tumingin sa akin, “Ate Rebie, anong oras ba ang dating ng pagkain?”
“Mga four Reese. Punta kayo ha? At ikaw naman Thyron... dun ka magpraktis sa inyo ng panghaharana!” Sigaw ko sa kababata ko sa labas ng bakod namin.
“Mas masarap ka pag-praktisan Bebe! Nag-rereact ka agad!” sabi ni Thyron.
“Thyron lupa ka ba?” tanong ko ng seryoso.
Tumingala ito at nagtanong, “Bakit?”
“Kasi itatapon ko sa iyo itong laman ng arinola ni Mommy e!” sabi ko sabay buhat sa punong ihian ng ina ako.
Kumaripas ito ng takbo, naka taklob sa ulo nya ang kanyang gitara habang nagtawanan naman kami nila Reese at Seth.
-0-
“Grabe Lola Bebe! Katakot ka pala haranahin!” sabi ni Seolla na umiilingiling pa.
Ngumiti ako at itinuro ang nadaang mag-ina, “Ganyan ang itsura ni Reese nung dalaga pa sya.”
Nakinig ata ni Lanice ang boses ko at huminto sa tapat namin, “Tita Bebe, kamukha ko, ‘di ba?”
“Hindi ikaw ineng! Iyang anak mong si Bernice ang sinasabi ko!”
Tumawa naman si Bernice at kumaway sa amin, “Uy Ate Seolla, sagutin mo na si Kuya dali! Tagal na nangliligaw sa iyo nun e!”
“No comment!”
“Wag kang mag-alala anak, pagka-gym ng pinsan mo tyak na hahabol si Seolla dun,” sabi ni Tita Lanice sabay takbo.
“Si Tita talaga!” ungol ng aking apo.
“Tama si Bernice, Seolla. Mahal na mahal ka naman ni Skye. Aba’y dapat nga pagkasagot mo kasalan na e!” udyok ko dito.
Binagong bigla ni Seolla ang usapan at ibinalik sa akin, “So Lola Bebe, columnist ka noong high school ka, ‘di ba? Sabi ni Papa sikat na sikat ka na daw noon! Anong mga topic ng istorya mo?”
“Love life syempre!” sabi kong mabilis.
Nanlaki ang mga mata niya at lumapit pa sa akin, “Lola paano ka mag-fact finding?”
-0-
“Babes, wag kang maingay, ha? Hindi pa ako nakikipag-break kay Tina...”
Isang estudyante mula sa Class-E ang nakikipagrelasyon sa dalawang babae nang sabay... Ayon sa isang reliable source...(ako)... diumano nakikipagkita ng lihim si Boy-A kay Girl-B ngunit ang hindi nila alam ay may pusang nahilihid sa binti ko nga---
“Dyosmio naman, Mamasan ba’t ngayon ka pa sumunod sa akin! May ginagawa ako!”
*MEOW*
“Ano ‘yung kumaluskos babes?”
“Shhh! Pusa ka humanda ka sa ‘kin pag nahuli ako!” sabi ko kay Mamasan na parang init na init sa sarili.
*MEOW---MEOOOOOOOOOW*
“Kailan ka makikipag-break sa kanya Babes! Gusto na kita maka-holding hands sa school!”
--- Inip na inip na si Girl-B at gustong gusto na niyang makipag-holding hands kay Boy-A subalit ang hindi alam ni Girl-B ay may isa pang pusang libog na libog ngay---
*NGAOOOOOOOO----NGAOOOOOOOOO*
“Wag na tayo dito, babes, ang ingay, dun tayo sa kwarto nyo...”
“Sige... in-season yata mga pusa ngayon...”
Umalis na ang dalawa kong minamanmanan at naiwan kami ni Mamasan sa likod ng puno.
“Lintis kang pusa ka! Isasara ko puerta mo, e! Ang ganda na nga scoop ko!” sigaw ko kay Mamasan na tumakbo paalis at sumama sa isang laog na pusa.
Lecheng buhay, ang ganda na sana nang istorya ko... naman!
‘Pag nga naman minamalas ka, oo!
Wala na ako tuloy maisa-submit na blind item sa school publication dahil sa pesteng pusa ko.
Again!
Kailangan ko lang naman makapag-submit ng isang scoop at wala na akong proproblemahin pa.
Swerte na nga sana at taga dito lang ‘yung mga target ko tapos ilalaglag pa ako sariling pusa ko!
Napaka-ironic nga naman, oo!
Saan na ako kukuha ng topic niyan eh ang lakas pa naman ng columns ko kasi napaka-risque, scandalous at savage.
Sabi ng editor ko, iyon lang daw ang isa sa kakaunting articles ng school publications na inaabangan religously at bentang-benta sa mga estudyante na gigil na gigil sa monthly “it” news ng eskwelahan.
Tumingala na lang ako sa mabituwing langit at bumuntonghininga.
Paano na ‘yan, Rebie!
Come on, think!
Mag-aalas dose na at aabutan ka naman ng hatinggabi dahil sa walang habas mong last minute paghahabol sa deadline na matagal mo na dapat ginawa.
Kailangang-kailangan ko pa naman ang award at recommendation ng editor para sa mass communications degree na balak kong kunin pagka-graduate.
Malungkot akong napatingin sa aking tickler na pinagsusulatan ng scoops at napataas ang aking kilay.
Ilang beses kong naisangat ang ginagawa ni Mamasan sa aking pambuburaot na incidentally ay nagbigay ng comedic at sarcastic effect sa aking normally ay very detailed at direct to the point approach sa aking pagsusulat.
I can actually make this work.
Oras na din sigurong mag-iba ng tactics para na rin sa mga malapit ko nang magsawang readers at para na din sa aking unsustainable buwis-buhay scoop gathering.