Chapter 2

1074 Words
“Tungkol sa pagpapakasal n’yo siyempre. Hindi na din naman ako aabot, maiigi nang makapagbilin na sa lalaki. Mumultuhin kitang bata kapag hindi mo sinunod ang mga gusto ko, Skye!” pabirong pananakot ko dito sabay taboy dito na umuwi na sapagkat tinatawag na ito ng ama. “Lola Bebe! Hindi naman kami magiging mag-asawa! Ugh! As if! Hindi ako magpapakasal sa payatot na ‘yan!” sigaw nito ng malakas. “O ayan, anak payatot ka daw sabi ng kababata mo! ‘Wag kang mag-alala Seolla, maggy-gym si Skye bukas na bukas!” sigaw ng ama ng manliligaw ng apo ko. Narinig yata nito ang usapan namin. Nakatira lang ang pamilya nila Skye sa tapat mismo ng bahay namin. Ang lolo ni Skye at kapatid nitong babae ay pawang kababata ko. Close na rin ang aming pamilya at panahon na rin siguro na magbuklod na ang dalawa naming pamilya sa pamamagitan ng kasal. “Kahit wag na, Saix hijo! Magandang lahi naman ibubunga niyan tiyak!” sagot ko. “Lola!” ungol ni Seolla habang nagtawanan kami nina Saix. Nagpatuloy kami sa lumang duyan na kasingtanda ko na halos. Ang duyan na punong-puno ng mga alaala, masasaya at malulungkot. “O ayan, ‘La. Nakapwesto na tayo, may dala na din akong foods at tubig... Mamasan, dali halika!” tawag ni Seolla sa pusa ko na madali namang tumalon sa hita nito at bumaluktot. Tumingala ako sa kalangitan at nakita ko ang bilog na bilog na buwan at ang mga bitwin na nakapaligid dito. Siguro nga ay oras nang sabihin at ilahad ng buong buo ang nakaraan ko. Bago man lang ako... “Hello? Lola Bebe? Nandyan ka pa ba? Dali na kwento na nang makadami! Exited na ako!” udyok ng apo ko sabay bukas ng piattos na hawak nya. Ngumiti ako at hinaplos-haplos ang ulo ni Mamasan, “Paano ko nga ba sisimulan..? Ah... sige simulan natin ang istorya kay Mamasan. Nakilala ko sya dahil kay Mamasan... halos pitumpo’t dalawa na ang taong nakakaraan... -0- “Poohsa mo ba tow?” sabi ng batang lalaki sa harap ko. Hawak hawak nito si Mamasan. Tinitigan ko ang batang nasa harap ko at nagtaka ako sa suot nya. Balot na balot ito. Naka-jacket ito sa kainitan ng hapon, may salamin itong malaki at ang bangs nitong tuwid na tuwid ay halos tinatakpan na ang mga mata nito. Tumango ako at kinuha ko si Mamasan at hinalikan sa ulo. Ngumiti sa akin ang bata na halos kasing tanda ko, “Aneng pengelen mow?” Napatawa ako sa pagkakasabi nito ng tanong, “Haha! Bakla ka ba?” “Hendi akow bekla!” sigaw nito pabalik sabay kuyom ng kamao. BInitawan ko si Mamasan at nag-gagalaw na parang baklang malambot, “Haha! Bakla, bakla! Puti puti mo! Bakla hahaha!” “Hendi sabe akow bekla!” “Waaah! Baaaaaaaaaklaaaaaaaa! Baklaaaaaaaaaaaaaaaaa! Kakaklakakla!” sigaw ko pa sabay belat dito. Lumapit ito sa harap ko at hinawakan ang dalwa kong bisig, “Peg de ka tomigeel iki-kiss keta!” Lalo kong nilaksan ang tawa at hinamon ito, “Haha! Hindi nahalik ng babae ang bakla!” Laking gulat ko ng bigla n’ya akong hinalikan sa labi. Naramdaman ko na natulo ang luha ko ng lumayo sya sa akin matapos ang halos isang minuto. “Tewegin mow pa akowng bekla, kikiss keta ulet!” banta nito sabay ngisi. “MOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOMMMMMMMMMMMYYYYYY” Sumugod palabas ang mommy ko kasama ang isang Briton na lalaki na kasing tanda nya. Bisita niya ata. “Oh?! Rebie bakit? What’s the problem?” panic na tanong ng ina ako habang kinarga ako. Tinuro ko ang batang nagtatago dun sa lalaking bisita ni mommy, “Mommy buntis ako... BUUUUUUUUUUNTTTTTTTTTTTTTIIIIIIIIIIIIIIISSSSSSSSSS AKOOOOOOOOO!” “Susko pong bata! Paano ka mabubuntis eh eight years old ka lang?!” “Sabi n’yo po ‘pag ni-kiss ng lalaki ang babae mabubuntis at magkaka-baby na siya?! Ni-kiss niya ako! Waaaah.” Napailing na lang ang mommy ko habang nakatingin ng malumanay sa kanyang bisita na nahagalpak ng tawa. -0- “Wow Lola Bebe! O.A sa react ha? Buntis agad? ‘Di ba pwedeng mag-pregnancy kit muna?” tanong ng aking apo sa akin na halos mahulog na sa kakatawa. Lumipat si Mamasan sa aking tabi at umingaw, waring nag-uudyok na ituloy ko ang istorya ko. “So, Lola, what happened next?” Ngumiti ako habang nakatingala sa langit, “Nalaman kong ang pangalan niya ay Thyron at tatay niya ‘yung British na kausap ng mommy ko. Malapit palang kaibigang ni Mommy ‘yung tatay niya kasi siya ang best friend ng nanay niya. Bumisita lang ng araw na iyon para sabihing diyan na sila titira sa kabilang bahay.” “Really, Lola? So, half British pala si Thyron, while you and grandpa are half Luxembourger,” manghang tanong ni Seolla sa akin sabay subo ng tortillas. Tumango ako at bumuntonghininga, “Luxembourg... isang maliit na monarchy lang yon sa Europa. Nasa iisang kumpanya ang mga magulang ko at magulang ni Thyron kaya magkakaibigan na sila. Nang mamatay ng maaga si Daddy, umuwi narin si Mommy para dito na kami palakihin, mga five years later, sumunod narin ang pamilya nila Thyron at naging magkapitbahay na kami.” Umingaw si Mamasan na parang sumasangayon. Hinaplos ko muli ang katawan nito at bumuntonghininga. “Magkapitbahay...” -0- “I can be the man... who grows old with you... I wanna grow old with you...” Tumingin ako sa baba at nakita ko si Thyron na may dalang gitara at nakatingala sa akin habang pinipilit kong tapusin ang column ko sa school newspaper. Nakakaloko ang ngisi nito na naglagay pa ng rosas sa gitna ng ngipin nito at kumaway pa. Nakita ko sila Seth at Reese na nakasilip sa bintana ng kani-kanilang kwarto at nag-thumbs up pa ang mga ito kay Thyron. Umiling ako at sumilip mula sa balkonahe ng bahay namin. “Grow old with you bang?! Hindi ka na aabutan ng pagtanda ‘pag hindi ka tumigil sa pagwawala mo diyan!” “Anong pagwawala sinasabi mo?! Nagpapraktis lang naman ng panghaharana!” sigaw nito pabalik. “Hindi ka mukhang nanghaharana! Mukha kang akyat-bahay! Tingnan mo nga ang suot mo! Sa nakawan ka yata galing!” kutya ko dito sabay turo sa outfit nitong dispalinghado. Naka-jacket pa rin ito na nakataas ang hood at naka-rayban. Nakapantalong itim na katerno ng sapatos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD