NANG makalabas na ang dalaga ay dahan-dahan siyang tumayo. Hindi naman nito napuruhan ang egg balls niya. Pero ganun pa man ay masakit pa rin talaga kahit gilid lang noon ang tinamaan. " s**t! She's an amazona." iiling-iling na sabi niya saka tumungo sa bedside table para tingnan ang cellphone niya. Narinig niyang nag-beep iyon kanina. Nang tingnan niya ang cellphone ay nakita niyang may mensahe si Zackie sa kanya. Binuksan niya iyon. ‘ Hey, I’m off today. Is it okay if I will come over later?’ text ni Zackie sa kanya. Hindi niya nireplyan ang kaibigan. His house is like an hour drive away from him. Alam niyang hindi siya ang gustong makita ng kaibigan kundi si Zerynne lamang. Mukhang tinamaan ito sa dalaga. Napabuntong-hininga siya. Saka naglakad sa may bintana. Dumungaw siya doon at

