Chapter One
MATAPOS niyang magpaalam kay Megs ay malungkot na siyang tumungo sa waiting area. Ngayon ang pag-alis niya papuntang New York. Silang tatlo lang na magkakaibigan ang nakakaalam na paalis siya ng bansa. Hindi siya nagpaalam sa pamilya niya dahil hindi siya papayagan ng mga ito lalo na ng Kuya niya.
Wala pa'ng kalahating oras ang pinaghintay niya nang i-announced na ready for boarding na ang plane na sasakyan niya. Tumayo na siya at nagsimulang pumila. Nang makapasok sa eroplano ay hinanap niya ang assigned seat niya. Malapit iyon sa bintana. Sobrang lungkot ang nararamdaman niya. Kailangan niyang umalis para madali siyang makalimot sa break up nila ni Samuel. Tatlong taon ang realasyon nila nito. At buong akala niya ay sila na talaga. Nangako ito na handang maghintay sa kanya. Pero last month lang ay nakabuntis ito ng ibang babae.
Tumulo na naman ang mga luha niya. Ang hirap ng ganito. Parang kailan lang si Mikkha ang nasa ganitong sitwasyon at pinapayuhan nila. Pero ngayon siya na ang pinapayuhan ng mga ito. Mabuti pa si Mikkha masaya na ang love life. Engaged na ito sa pinsan niya. Masaya siya para sa dalawa. Pinahid niya ang mga luha sa mga mata niya saka nagpasyang matulog muna. Mahaba ang biyahe niya at wala rin naman siya sa mood na manuod ng movies sa TV na nasa harapan niya.
NEW YORK. JFK Airport. After niyang makuha ang luggage niya ay lumabas na siya ng airport. She grabbed a taxi and gave the address of their house here. May bahay sila dito dahil dito siya pinanganak. Nag-moved lang sila sa Pilipinas noong two years old pa lamang siya. Once a year ay nag-babakasyon silang lahat dito.
Makalipas ang halos twenty minutes na biyahe ay nakarating na sila sa harap ng bahay nila. Nagbayad na siya sa taxi saka bumaba. Kinuha niya ang susi sa bag niya para buksan ang front door. Pero nagtaka siya nang hindi mag-matched ang susi niya. Pinalitan ba ng Kuya niya ang susi dito? Nang hindi niya mabuksan ang front door ay dumiretso siya sa back door. Laking tuwa niya nang mabuksan ang pintuan. Pumasok na siya sa loob at kaagad na dumiretso sa guest room na nasa ibaba. May apat na bedrooms ang bahay nila at ang silid niya ay nasa itaas. Pero dahil sobrang pagod na siya ay sa guest room na muna siya tutuloy.
Napatingin siya sa oras. Nine thirty na ng gabi. Nag-shower na siya at nagpasya ng matulog. Saka na lang niya kokontakin si Mikkha. May kalahating oras na siyang nakahiga pero hindi siya dalawin ng antok. Naiisip niya si samuel at pati na rin si Megs. By this time sigurado siya na sinugod na ng Kuya niya ang kaibigan niya. Ano na kaya ang nangyari sa kanila? Alam niya na si Megs lang ang pupuntahan ng kuya niya dahil wala naman doon si Mikkha. Sana lang pag-uwi niya ay may maganda nang nangyari sa Kuya niya at sa kaibigan niya. Matagal nang pantasya ni Megs ang Kuya niya. Kaya sana lang ay magtagumpay ito sa mga plano nitong gawin para mapalapit ito sa supladong kuya niya.
KINABUKASAN Pasado alas otso na ng magising siya. Nag-inat siya ng mga braso niya saka bumangon. Naghilamos siya sa bathroom at saka nag-toothbrush. Pagkatapos nun ay lumabas na siya ng guest room na naka-tank top at panty lamang. Wala rin siyang bra sa loob. Ganito lang ang isinusuot niyang pantulog kapag summer dahil sobrang mainitin siya. And since mag-isa lamang siya dito ay hindi na siya nag-abalang ayusin ang sarili niya.
Pumunta na siya sa kusina at tiningnan kung may stock pa silang coffee. Wala silang grocery na stock maliban sa kape. Pumapasyal lang naman kasi sila dito once a year. Gumawa na siya ng kape at saka naupo sa dining table. Masyadong tahimik ang paligid kaya binuksan niya ang cellphone niya at nag-play ng music. Nilagay niya ang headset sa tenga niya para makinig. She needs to go out later to buy a new sim card and do the grocery also.
Nang maubos niya ang kape niya ay tumayo na siya. Isinuksok niya ang cellphone niya sa panty niya para makapag-hugas siya ng tasa na ginamit niya habang nakikinig ng music. Kumikembot-kembot pa ang bewang niya habang naghuhugas nang walang anu-ano ay may biglang yumakap mula sa likuran niya. Napasigaw siya saka inihampas ang tasa na hawak sa kung sinumang yumakap na lang basta sa kanya. Itinulak niya rin ito palayo at nang magkaharap sila ay pareho silang napasigaw.
" Who the hell are you?" magkasabay na tanong nila sa isa't-isa. Napatitig siya sa lalake. Matangkad ito at maputi. Hindi niya mawari kung caucasian o anong lahi.
" What are you doing to my house?" galit na sigaw nito. Nagtaka naman siya. His house?
" Excuse me? This is our house. I should be the one to ask you that!" balik sigaw naman niya.
" What are you talking, woman?! Are you a thief and trying to steal something? How did you get in?"
" Hey you, watch your mouth! I am not a thief! I have my own key here because this is our house!"
Sasagot pa sana ito nang biglang may isang babaeng sumigaw mula sa itaas.
" Hey Babe, what took you so long? Did you buy our breakfast?" sigaw nang kung sinuman ang nasa itaas.
" I just arrived. Wait a second, Babe."
Naguluhan siya bigla. Sino ang mga ito at paanong nakapasok sa bahay nila? Muli siyang hinarap nito at akmang lalapit sa kanya pero pinagbantaan niya kaagad ito.
" What are you doing? Stay there. Don't get too close to me. Who are you?!"
Pero tuluyan pa rin itong lumapit sa kanya. At saka siya hinawakan sa isang kamay. Kinaladkad siya nito papunta sa living room. Nagpipiglas siya saka nagsisigaw.
" Let go of my arm, you asshole!"
Dahil yata sa pagsigaw niya ay napababa ang babae mula sa itaas at nagulat ito nang makita sila.
" What the hell?! Who is She? How could you do this to me, Cj? How could you bring in another woman when I’m still here?" at bigla nitong sinampal ang lalake saka naglakad palabas ng pinto. Binitiwan siya ng lalake at sinubukang habulin ang babae pero dire-diretso iyong umalis na. Binalikan siya nito at galit na dinuro.
" I'm gonna call the cops and I will let them arrest you now. You broke in to my house!"
" This is our house. My family owns this house. What are you talking about?!”
" I am the new owner of this house. I bought it two months ago!"
Natigilan siya sa narinig. Binenta ba ng Kuya niya ang bahay nila? Bakit hindi niya alam? Nanghihina siyang napaupo sa sofa.
" Wait there." sabi nito saka tumalikod.
Nang magbalik ito ay ibinagsak sa coffee table sa harapan niya ang mga papeles na nagpapatunay na nabili nga nito ang bahay nila. Bakit hindi sinabi ng Kuya niya sa kanya?
" Now who are you and how did you get in?"
" I'm so sorry. I didn't know that my brother sold this house." nakayuko at mababa na ang boses na sabi niya.
" I have my own key at the back door. That's where I entered last night."
Kaya pala hindi nag-matched ang susi niya kagabi sa front door ay dahil siguro pinalitan na nito iyon. Nang hindi ito magsalita ay tiningnan niya ito. Kaagad na namula ang mukha niya nang makitang nakatingin ito sa dibdib niya. At ngayon niya lang na-realized na wala nga pala siyang bra sa loob ng tank top na suot niya. At naka-panty lang rin siya.
" p*****t!" galit na sigaw niya sa mukha nito saka siya tumakbo sa guest room at nagbihis.
Maya-maya ay kinatok siya nito. Binuksan niya ang pinto.
" What's your name?" tanong nito.
" Zerynne."
" Last name?"
" Smith."
" Give me your ID."
Nagsalubong ang mga kilay niya.
" Why?"
" I just want to make sure that you are telling the truth. How should I know if its your real name or not?"
Kinuha niya ang passport niya at iniabot dito. Tiningnan nito iyon.
" You are Filipino?"
" Yes."
" My Mom is Filipina also and my Dad is Italian."
Hindi siya kumibo. Ibinalik nito ang passport sa kanya.
" Did you eat already?"
Umiling siya. She is starving actually. Ngayon siya nakaramdam ng gutom.
" Come." sabi nito.
Sinundan niya ito at nakita niyang inilabas nito ang mga pagkain na nasa plastic bag na binili kanina.
" Sit down." sabi nito saka iniabot ang isang food container sa kanya.
Binuksan niya iyon at saka nagsimulang kumain. Hindi na siya nahiya dahil gutom na talaga siya. Habang kumakain siya ay panay ang tingin nito sa kanya.
" What?" kunot-noong tanong niya nang mahuli niya itong naktingin sa kanya.
" I'm waiting for you to finish so you can leave my house."
Bigla siyang napakagat-labi. Saan siya tutuloy ngayon? Bigla niyang naisip sina Migiel at Mikkha. Hinanap niya ang cellphone niya pero wala iyon sa bulsa niya. Inipit niya nga pala iyon sa panty niya kanina. Baka nahulog sa kitchen. Tumayo siya para hanapin.
" Where are you going?"
" I'm looking for my cellphone."
Nakita niya sa sahig ang cellphone niya saka dinampot. Ngunit nanlumo siya nang makitang basag ang screen noon at ayaw mag-open. Nahulog siguro kanina nang kinakaladkad siya ng binata. Paano niya makokontak sila Mikkha ngayon? Hindi niya alam ang exact address ng pinsan niyang si Migiel. And they are an hour drive away from here.
" s**t!" helpless na mura niya.
" Are you done? Will you leave my house now?"
Napabuntong-hininga siya.
" Can I stay here for atleast one to two days? Or until I get to fix my cellphone and contact my cousin?"
Tiningnan siya nito.
" Please?"
" You are a stranger. How can I trust you?"
Umangat ang isang kilay niya.
" I don't have any criminal records, FYI. Feel free to do a background check if you want since you got my name. I just need to contact my cousin first in New Jersey because I don't know anybody here."
" Wait. How come you never knew that your brother sold this house?"
" I don't know. I have no idea. Plus I left our house in Philippines without his knowledge."
" Why?"
" It's not your business to ask." mataray na sagot niya.
" I just want to know the reason why you left. What if you commit a crime in Philippines and you are trying to escape? I don’t want to hide a criminal in my house."
" Listen. I am not a criminal okay? I just need a place to stay. I am willing to pay you if you let me stay here. I am not comfy going out and staying in another place. We used to live here and I feel safe to stay here than any other place in the city."
Hindi lang sa Manila ang delikado. Maging sa ibang bansa ay ganoon rin lalo na dito sa New York City. Nagkalat rin ang mga pick pocketers dito at masasamang loob.
" So, will you let me stay here?"
Saglit muna siya nitong tiningnan bago sumagot.
" In one condition."
" What?"
" I will hold your passport."
" What? Why?"
" As I have said, you are a stranger. I just wanna make sure that you will not steal or do anything bad in my house. I will hold your passport. So, that if you commit a crime you won't get away that easy."
Napapikit siya at napabuntong-hininga. She feels helpless. But She has no choice. She also understand his point because they don’t know each other.
" So?"
" Fine!"
" I will let you stay here for two days only. After that you will leave my house. I don't stay here everyday. I have another house. So, you have to give me your passport before I leave later."
" Okay."
" You are not allowed to go upstairs. You will stay in the guest room. And do not touch anything here. Because this is my house now. Understand?"
Tumango siya. He sounded like a boss.
" And one more thing. I don't want you to bring anybody here. Is that clear?"
" I told you I don't know anyone here."
Hindi ito nakasagot dahil nag-ring ang cellphone nito. Lumayo ito sa kanya at saka sinagot ang tumatawag. Napatingin siya sa paligid. Wala pa naman itong binabago sa bahay nila. Ang tanging nawala lang ay ang mga pictures nila na naka-display. Siguro nga hindi ito madalas dito. Dahil sinabi na rin nito na may isa pa itong bahay. Nalungkot siya bigla nang ma-realized na binenta na ito ng Kuya nya. Marami rin silang memories sa bahay na ito. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi man lang binanggit ng Kuya niya na may balak pala itong ibenta ang bahay nila.
" I have to go now. Give me your passport?" sabi nito nang bumalik.
Tumayo siya para kunin ang passport niya sa guest room. At nang magbalik ay inabot niya iyon dito. Umakyat na ito sa itaas matapos kunin ang passport niya. Nang bumalik ito ay nakabihis na ng maayos. Naka-suit ito. Hindi niya maiwasang pansinin ang kaguwapuhang taglay nito. Matangkad ito at mestiso. Nabanggit nito kanina na Filipina ang ina nito. Now she's curious. Does He also know how to speak tagalog?
" Okay. I'm going now. I'll be back in two days." saka ito naglakad sa may pinto. Pero bago ito tuluyang lumabas ay nilingon siya nito.
" By the way, my name is CJ." iyon lang at umalis na ito.
HABANG nagda-drive siya ay hindi niya maiwasang isipin ang babaeng iniwan niya sa bahay niya. Sa totoo lang ay napagkamalan niya itong si Carlene kanina. Kaya pagkauwi niya galing sa labas ay nagulat siya na ibang babae ang nayakap niya. Nakatalikod kasi ito habang naghuhugas.
Dinama niya ang noo niya. Nagkabukol pa yata siya nang wala sa oras dahil naihampas nito ang tasa sa noo niya kanina. Hindi niya alam kung bakit hindi man lang nila namalayan na may ibang tao sa bahay niya kagabi. Siguro ay dahil mas maaga itong dumating sa kanila. Dahil One A.M na nang dalhin niya si Carlene sa bahay niya.
Napangiti siya nang maisip na maganda ang babae at sexy. Halos ayaw hiwalayan ng mga mata niya kanina ang mga malulusog nitong dibdib na bakat na bakat sa tank top nitong suot. Idagdag pa na naka-panty lang ito kanina. Napailing siya bigla. Umiral na naman ang maduming isip niya.
Maya-maya ay nag-ring ang cellphone niya. Si Mikkha ang tumatawag. Sinagot niya iyon.
" Hello."
" Hi, Charles. How are you?"
" I feel nervous because you are calling me again. What do you want, lady?"
" Can I ask you a favor please?" malambing na sabi nito sa kabilang linya.
" Mikkha, the last time you asked a favor from me ay nasuntok ako ni Migiel sa mukha. I don't want that to happen again."
" It was a misunderstanding. I already explained that to him. Saka nag-sorry na ako sa iyo 'di ba?"
" I know but still. Ayokong pagselosan na naman ako ng fiance mo."
" Grabe ka naman. But I badly need your help. Naalala mo iyong friend ko na irereto ko sa'yo? She arrived in New York last nighg. But until now I haven't receive any call from her. I am worried. So, I just want to ask if you can give me a ride going to JFK airport?"
" Mikkha, I can't do that. I just left my house now. And I am on my way back going to New Jersey. And why are you asking me to drive for you? Where is Migiel?"
" He's at work. He will be leaving for a medical mission tomorrow in Pennsylvania. Charles, please?"
Sandali siyang natahimik. He would love to help her. But the thing is ayaw niyang pagselosan na naman siya ni Migiel. The last time na sinamahan niya ito sa hospital ay kitang-kita niya ang galit at selos sa mga mata ng binata nang ihatid niya si Mikkha na lasing.
He saw how much he loves her. At ayaw niyang maulit pa ang misunderstanding na iyon lalo pa at wala namang consent ni Migiel ang mga pabor na hinihingi nito sa kanya. Maluwag na niyang tinanggap sa dibdib niya na wala na siyang pag-asa kay Mikkha. At sa kabila nang pagkabigo niya rito ay nanatili naman silang magkaibigan.
" So, will you help me?" pukaw nito sa pananahimik niya.
" No. I can't. I'm sorry. I have a meeting later that's why I am heading back there."
Narinig niyang napabuntong-hininga ito.
" Okay. Thank you. 'Bye."
" Alright. 'Bye."
Nang mai-off niya ang cellphone niya ay nag-focus na siya sa pagda-drive.
SAMANTALA nang makaalis ang binata ay kaagad siyang naligo at nagbihis. Pupunta muna siya sa grocery para mamili ng ilang pagkain niya. Naglakad siya papunta sa bus stop. Nang may dumaang bus ay sumakay siya at bumaba sa grocery store.
Namili siya ng pagkain na ico-consume niya for two days. Dahil babalik na sa isang araw ang may ari ng bahay at kailangan niya ng humanap ng bagong tutuluyan. Inabot ng halos seventy dollar ang mga pagkain na pinamili niya. Matapos iyon ay pumunta siya sa cellphone repair na nakita niya sa hindi kalayuan. Nagtanong siya kung magkano magpaayos ng basag na LCD screen. One hundred dollar ang presyo na sinabi sa kanya. Binayaran niya ang kalahati at ang balance naman ay ibibigay niya sa isang araw pagbalik niya.
Matapos siyang issuehan ng resibo ay umuwe na siya. Thirty dollar na lang ang natirang cash niya. Bukas na siya magwi-withdraw.
KAAGAD siyang nagluto ng pasta pagkauwi niya. Mga simpleng putahe lang ang alam niyang lutuin. Karamihan ng mga pinamili niya ay mga frozen foods like pizza, waffle, mozarella sticks at burger. Iinitin niya na lang sa oven at microwave.
Nang matapos siyang magluto ay kumain na siya. Hindi niya maiwasang isipin ang lalakeng bagong may-ari ng bahay nila. Mukhang may pagka-m******s dahil sa way ng pagtingin sa kanya kanina. Sana maayos kaagad ang cellphone niya para makontak na niya si Mikkha at masundo na siya ng mga ito.
Naisip niya ang pamilya niya. Sigurado siya na nag-aalala na ang mga ito sa kanya. Ano na kaya ang nangyari sa kuya niya at kay Megs? Nakayanan kaya ng kaibigan niya ang pagsusuplado ng kuya niya? Excited na siya makarinig ng balita sa mga ito.Napatingin siya sa paligid ng bahay saka pumunta sa living room.
Naghanap siya kung may landline pero wala siyang nakita. Wala rin kahit wifi yata. Napatingin siya sa hagdanan papunta sa itaas. Sabi ng binata huwag raw siyang aakyat. Pero paano kung may telepono sa mga silid doon?
' Wala naman siya kaya pwede ako pumunta just to check.' sabi niya sa isip niya. At saka umakyat papunta sa itaas.
Binuksan niya ang master's bedroom. Nagulat siya sa nakitang kalat. Parag dinaanan ng bagyo ang silid. Nagkalat ang ilang damit sa sahig at pati na rin ang mga unan at comforter. May ilang costumes rin na nasa couch at wrapper ng mga junk foods.
' What kind of bedroom is this? Nag-role playing ba muna ang mga ito bago nag-s*x?' nandidiring tanong niya sa isip nang makita ang costumes nina wonder woman, sailor moon at ang matindi costume ni Elsa ng frozen.
" Gosh, pati ba naman character ng disney ginanahan siya makipag-s*x?" She disgustedly said habang napapailing.
Kaagad niyang hinanap ang telepono. At nang walang makita ay lumabas na siya at saka pinasok ang iba pang kwarto. Na-missed niya ang bedroom niya nang pasukin niya iyon. Wala namang nagbago doon except sa mga pictures niya na nawala. Malamang ay pinatanggal na ng kuya niya bago pa man iturn over ang susi ng bahay. Malungkot siyang bumaba nang walang makitang telepono.
' Ano ba namang klaseng bahay ito. Wala man lang landine.' sabi niya sa isip.
Pero sabagay hindi dito madalas nag-i-stay ang lalake. Dahil sabi nito ay may isa pa itong bahay. Binuksan niya na lang ang TV at nanuod sa HBO. Naiinip siya pero wala naman siya alam na pupuntahan para malibang. Natatakot siyang lumabas dahil hindi naman siya pamilyar dito sa mga bus route. Ang alam niya lang ay ang papuntang grocery at bangko. Sa tuwing pumupunta sila dito at nagre-rent lang ang kuya niya nang sasakyan at ito ang nagda-drive para sa kanila. Kaya wala siyang alam dito.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nanuod. Basta namalayan niya na lang maya-maya na madilim na pala. Malungkot siyang kumain muli na mag-isa. Nami-miss niya na si Samuel. Pero hanggat maari ay ayaw niya nang isipin pa ang binata. Kaya nga siya lumayo para mag-move on.
KINABUKASAN matapos niyang mag-agahan ay lumabas na muli siya para pumunta sa bangko. May bank account sila dito ng kuya niya. Kaya hindi na rin siya nagdala ng malaking pera. Dahil pwede naman siyang mag-withdraw dito.
Nang mag-flash sa screen ang number niya ay kaagad siyang lumapit sa teller. Napansin niyang napakunot-noo ito saka napatingin sa kanya. Nagulat siya nang maya-maya ay sabihin nitong close down na ang account niya. Isinara daw ng kuya niya ang bank account niya kahapon.
Nanghihina siyang lumabas saka napatingin sa wallet niya. Twenty four dollar na lang ang laman ng wallet niya. Napatingin siya sa credit cards niya saka sinubukang mag-cash advance nang makita ang ATM machine sa labas. Pero nanlumo siya nang hindi rin iyon gumana.
's**t! Why are you doing this to me, kuya? ' naiiyak na tanong niya sa isip.
She feels helpless. Muli siyang pumunta sa repair shop para tubusin ang cellphone niya. Pero hindi pumayag ang may-ari na ibigay ang cellphone niya hanggat hindi niya nababayaran ang balance. Nagmakaawa siya sa mga ito. Pero binigyan siya ng kondisyon na makipag-s*x para ibigay ang cellphone niya. Minura niya ang lalake saka umalis na.
Babalik na lang siya kapag may pera na siya. Naglakad-lakad muna siya hanggang sa may makita siyang phone booth. Papasok na sana siya nang maisip niya na hindi niya nga pala alam ang number ni Mikkha o ng pinsan niya. Palibhasa magulo ang isip niya nang umalis at hindi man lang niya napaghandaan na posibleng mangyari ang ganito sa kanya.
Ni wala siyang makitang computer shop dito. Parang gusto na niyang maiyak paano siyang makaka-survive kung wala siyang pera at ni number ng kaibigan niya ay wala siya? Malungkot na naghintay siya ng bus at saka umuwe na.
Nanlulumo siya sa mga kapalpakan na nangyayari sa kanya. Broken hearted ka na wala kapa'ng pera. Tumulo ang mga luha niya saka bumaba na ng bus ng huminto iyon. Naglakad siya papunta sa bahay. Pero napakunot-noo siya nang makita ang kotse ng mayabang na binata sa driveway.
Bakit nandito ito ngayon? Akala niya ba bukas pa ang balik nito? Naglakad siya papunta sa backdoor dahil wala siyang susi sa main door. Habang papalapit siya sa likuran ng bahay ay may naririnig siyang tila may naliligo sa pool. At hindi nga siya nagkamali dahil nakita niya ang binata na lumalangoy sa swimming pool sa backyard. Kaagad itong umahon sa pool nang makita siya.