Chapter Two

3438 Words
HINDI mawaglit ang mga mata niya sa katawan ng binata nang umahon ito sa pool. Ang macho ng katawan nito at makatawag pansin ang mga abs. Ang hot nito'ng tingnan dahil may ilang tubig pa'ng tumutulo mula sa buhok nito. " Enjoying the view, huh?" mayabang na sabi nito nang makalapit na sa kanya.  Tinaasan niya ito ng isang kilay.  " Why are you here?"   Tumawa muna ito bago sumagot. " What a stupid question. This is my house remember?"  " I know. But you told me that you will come back tomorrow." " Well, I did some errands around the area. So I decided to come here. I wanna make sure also that you will pack your things tonight and you will leave tomorrow morning".  Napakagat-labi siya. Paano ba niya ito papakiusapan na tulungan siya sa problema niya? Wala siyang ibang mapupuntahan dahil wala siyang pera.  " Where have you been by the way?"  " I went to the bank to withdraw some money. But..."  Hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin dito na wala na siyang pera. Natatakot siya dahil baka hindi siya nito kaawaan. Mukha pa naman itong excited na palayasin na siya sa bahay.  " But what?" hintay nito.  Napabuntong-hininga siya   " My brother closed my bank account and cut all my credit cards. "   Hindi niya alam kung imahinasyon niya lang iyon pero parang nangislap ang mga mata nito.   " So, you're broke huh. You don't have any money with you. " sarkastikong sabi nito.  Naiinis siya sa pagka-hambog nito.  " I have Eighteen dollars left. That's all I have right now. "  " And where that eighteen dollars gonna take  you. Tell me. It won't let you check in even to the cheapest hotel in town. "  " I know. That's why I would like to ask you to let me stay here for few more days. Or maybe a month 'till I get a part time job and earn some money to leave this house."   Sandali itong hindi umimik saka siya tiningnan mula ulo hanggang paa. At pagkuway huminto ang mga mata nito sa dibdib niya. Namula ang mukha niya sa ginagawa nito.  " In one condition."  Titig na titig sa mukha niya na sabi nito.  " What?"  Muli nitong tiningnan ang katawan niya. Nabubwiset na siya sa ginagawa nito.  " Have one night stand with me." diretsahang sabi nito na ikinapula ng buong mukha niya.  Nanggagalaiti na sinampal niya ito. Nagulat ito sa ginawa niya.   " Asshole! You're a p*****t! For your information, I am not that type of girl. Keep your condition with you. I am not that cheap! " galit na bulyaw niya rito saka nanggigigil na pumasok sa loob.   Dumiretso siya sa guest room para i-empake ang mga gamit niya. Gustong sumabog ng dibdib niya sa galit at pagkainis. Inalok na siya ng s*x ng lalake kanina sa repair shop tapos pati ba naman ito ganun rin ang kondisyon na gustong ibigay sa kanya. Why there are a lot of maniac guys here.  " s**t! Gwapo nga nuknukan naman ng maniac. Bwiset na lalake!" sabi niya habang nag-iempake.  Nang matapos siya ay lumabas na siya ng silid. Nakita niya ang lalake na nasa living room paglabas niya. Nakasuot na ito ng bathrobe.   " Are you sure you don't wanna change your mind? " tila nang-aasar pa na sabi nito pagkakita sa kanya na bitbit  ang luggage niya.  " No! I'm leaving. " saka siya naglakad papunta sa may pinto.  " Okay. Good luck to you and to your eighteen dollars. I hope you don't end up with the hands of those bad guys out there who love to rob people and r**e women. " tila pananakot pa nito.  Sandali siyang napahinto. Natatakot siyang umalis pero dahil sa inis niya rito mas mabuti na lang siguro na makipagsapalaran siya sa labas. Itinuloy niyang lumabas at ibinalibag pasara ang pinto nang makalabas siya.  Tumulo ang mga luha niya habang naglalakad. Wala siyang ideya kung saan siya pupunta. Wala siyang kakilala dito. Umupo na lang muna siya sa may bus stop at nag-isip.  NANG makalabas ang dalaga ay halos mabingi siya sa lakas ng pagkakasara nito sa pintuan. Napangiti siya. Infairness, palaban ito. Sinusubukan niya lang naman alukin ito kung papayag. Gusto niyang malaman kung ano'ng klaseng babae ito. Nang mapatingin siya sa coffee table ay nakita niya doon ang passport ng dalaga. Dali-dali niyang binuksan ang pinto para tingnan kung nasa labas pa ito. Pero wala na ito doon. Dinampot niya ang passport saka kinuha ang susi ng kotse niya.  Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan. Sana maabutan niya pa ang dalaga. Hindi naman siya nabigo dahil nakita niya ito sa may bus stop nakaupo at umiiyak. Hindi niya maintindihan pero bigla siyang naawa rito. Sa lahat ng ayaw niya ay nakakakita ng babaeng umiiyak.  Para itong bata na humihikbi. Napansin niya na kahit umiiyak ito ay maganda pa rin talaga. Huminto siya sa harap ng bus stop at ibinaba ang bintana ng kotse niya.   "Hey." Napatingin siya sa kotse na huminto sa may harapan niya nang marinig ang pagtawag ng isang lalake. At pagkuwa'y uminit na naman ang ulo niya ng makita ang binata. " Ikaw na naman? Ginagalit mo ba talaga ako?!" bulyaw niya rito. "Hep..Hep.. I just wanna give you this." sabi nito saka ipinakita ang passport niya.  Iniabot nito iyon mula sa bintana. Nakalimutan niya na ibinigay niya nga pala rito ang passport niya. " What are you waiting for? Go!" pagtataboy niya rito dahil hindi pa rin ito umaalis sa harap niya pagkabigay ng passport niya. " Okay. I have an idea. I will let you stay in my house but in one condition—" " Didn't I tell you already that I don't want that one night stand condition? Gusto mo basagin ko 'tong bintana ng kotse mo'ng m******s ka?! You can mess up with any other girls around but not with me! I'm telling you kapag hindi ka pa umalis pati yang mukha mo babasagin ko!" galit na banta niya rito. " Hey woman, relax. Why so mad? Can you just listen to me first? I am willing to help you now." sabi nito.   Hindi muna siya umimik at hinayaan itong magpatuloy. " I can let you stay in my house but in return you will be my maid." mahinahong paliwanag nito. " Maid?!" nanlalaki ang mga mata na ulit niya rito.  Panty niya nga hindi siya naglalaba sa Pilipinas. Tapos gagawin siyang katulong ng mokong na ito? " Are you out of your mind?! We have three maids in the Philippines for your information. And I graduated with flying colors since elementary to college. And now you will tell me that you want me to be your maid?" " That's in the Philippines. Hey lady, wake up! You are in New York right now with no place to live, no money and no friends to help you out. Are you gonna be choosy?" Hindi siya nakaimik. May point ito. Pero ayaw niyang maging katulong nito. Baka pahirapan siya nito ng husto. " What about secretary? I can be your secretary you know." offer niya rito. " I have my secretary already. What I need right now is a maid and at the same time care taker to clean my house here. So, give me an answer now." Nag-isip siya. Kung tatanggihan niya ang offer nito wala siyang mapupuntahan. " Okay. I'm going. I guess you don't like my offer." at akmang papatakbuhin na nito ang sasakyan pero sumigaw siya. " Wait!" Nilingon siya nito. At naghintay ng sagot niya. " Okay. Payag na ako. But.." " But what?" " No s*x and maintain your distance to me. Or else I'm going to kill you!" Napatawa ito sa sinabi niya. " Hey, you are not my type. I just gave you that condition before to find out na hindi ka pakawalang babae." Hindi niya alam kung dapat siyang maniwala sa sinabi nito. " Get in now. I need to shower."  sabi nito.  Ngayon niya lang napansin na naka robe pa pala ito. Mabilis siyang pumasok pero sa back seat siya umupo. " Geez, I look like your driver. You should sit in front." " Your house is just right there. Huwag ka ng maarte." Naiiling na pinaandar na nito ang sasakyan. " You talk as if you are the boss. Let me remind you, maid na kita. So, you should at least show some respect to me" Napairap sya saka sumagot. " Yes, Sir" Pagkadating nila sa sa bahay ay ito na ang bumuhat ng maleta niya. Medyo mabigat rin iyon. 'Maginoo rin pala may pagkabastos lang talaga' sabi niya sa isip.   Kaagad siyang pumasok sa guest room at humiga sa kama. Kahit papaano mapapanatag na ang isip niya. Maya-Maya ay may kumatok sa pinto. Tumayo siya upang buksan iyon. Bumungad sa kanya ang binata na nakapag shower na. " What are you doing?" tanong nito. " Relaxing in my bed, why?" " You are not a visitor here remember? You should start cleaning." " You want me to start now?" taas ang isang kilay na tanong niya. " Of course! You've been here for two days already. So, I'm sure wala ka ng jetlag. Come out in that room and start cleaning." at tumalikod na ito.  Inambahan niya ito ng suntok nang makatalikod. 'What a beast! So annoying' galit na sabi niya sa isip.  Nagpalit siya ng pambahay na damit. Jogging pants at T-shirt ang isinuot niya. Mahirap nang manyakin siya nito.  Tumungo siya sa storage room to get the vacuum cleaner. " Where should I clean first?" tanong niya sa binata na nakaupo sa living room at nanunuod ng TV. " Start with my room. Clean it nicely." Nakita niya na kanina kung gaano kadumi ang kwarto nito. Baka abutin siya ng isang araw sa paglilinis ng silid nito. Naiinis na umakyat na siya. Napakagulo ng kwarto hindi niya alam kung saan siya unang magsisimula. " Ano ba kasi itong pinasok ko! Waaahhh!" naiinis na sabi niya saka nagsimula ng damputin ang mga nagkalat na damit sa sahig.  Inilagay niya lahat ng damit sa laundry basket. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi man lang nito magawang ibato sa laundry basket ang mga damit na hinubad nito. Dinampot niya ang comforter at unan sa sahig saka inilagay sa kama. Pero nanlaki ang mga mata niya nang may makitang panty at briefs na nahulog sa sahig. At pati na rin condom na halatang gamit na. Gusto niyang masuka. Napamura siya saka nag isip kung papaanong dadamputin ang mga undies at condom sa sahig. Pati ba naman condom hindi man lang maitapon sa basurahan? At saka bakit naiwan ng babae ang panty nito? Umalis ba itong walang panty kahapon?  Napapikit siya ng mariin saka tumingala. ' Patience, Zey. You need to this for the sake of your survival' kalma niya sa sarili saka lumabas para maghanap ng gloves sa storage.  Pagkababa niya ay narinig niyang may kausap sa cellphone ang binata. " Yes, Sweetheart. I miss you too. I will try to visit you one of these days. I'm kinda busy right now." narinig niyang sinabi nito. Napaisip tuloy siya. Sino kaya ang kausap nito.Yung kasama ba nito kahapon o ibang babae na naman? Naiiling na dumiretso na siya sa storage. Laking pasasalamat niya ng may makita siyang gloves. Kinuha na rin niya ang ilang lysol cleaner na nakita niya pati na rin ang dust feather.  Nang malapit na siya sa may hagdanan ay nakita niya ang binata na tawa ng tawa habang nakaharap sa cellphone nito. May ka-face time yata. " Wow. I miss those boobs, Honey" narinig niyang sabi na naman nito.  Napabilis siya ng pag-akyat sa hagdanan. Naiinis siyang marinig ang pakikipag-landian nito sa iba't -ibang babae. Kanina lang may kausap ito sa cellphone Sweetheart ang tawag. Wala pang 5 minutes may ka face time na at Honey naman ang tawag. Sobrang playboy pala ng unggoy na yun. Isinuot na niya ang gloves at saka dinampot ang mga underwears saka itinapon sa laundry basket. Napatitig siya sa condom. Kahit naka-gloves na siya parang ayaw niya pa ring damputin iyon. ' Come on, Zey. Just do it'. bulong ng isip niya.  Humugot muna siya ng malalmim na hininga saka nagbilang ng one, two three bago mabilis na dinampot ang condom at nagmamadaling naglakad papunta sa trash can.  Pero dahil hindi siya nakatingin sa dinadaanan ay natisod siya ng vacuum at nadapa sa sahig. Napadaing siya sa sakit ng tumama ang mukha niya sa sahig. Buti na lang at carpeted.  Dahan-dahan syang tumayo pero natigilan siya nang makita na tumama pala ang noo niya sa condom na nabitawan niya. Nanlaki ang mata niya saka napasigaw ng malakas at napatakbo sa bathroom. Agad syang naghilamos at nagsabon ng mukha. Sunod Sunod ang pagmumura niyang ginawa habang naghihilamos. " Hey, what's happening?"  Nagulat siya ng biglang sumulpot ang binata sa pintuan ng banyo. Kumuha siya ng tissue saka tinuyo ang mukha. " You and your condom!" galit na sigaw niya sa mukha nito saka ito pabalyang binunggo ng katawan niya para makalabas dahil nakaharang ito sa pintuan. " Seriously, why you cannot throw this condom after you used? This is so disgusting!" turo niya sa condom na nasa sahig.  Napatingin rin doon ang binata. " Oh that, I'm sorry. I forgot about it. You know when men reached the cloud nine they forgot the real world." nakangiting sabi nito saka akmang lalabas na uli ng kwarto pero tinawag niya ito. " Hey, where are you going? " Going down. So, I wont disturb you from cleaning." " Aren't you going to pick up this disgusting condom on the floor?" " Why should I do that? You are my maid so clean it up." at lumabas na ito. " You are so annoying!" naiinis na sigaw niya pero nawala na ito.   Muli niyang isinuot ang gloves at dinampot ang condom sa sahig. This time tripleng ingat na siya. Nang maitapon na niya iyon ay gumaan ang pakiramdam niya. Sana first and last na ito na magdadampot siya ng condom sa sahig. Sinimulan na niya'ng mag-dusting muna dahil maalikabok ang kwarto. Pagtapos nun ay saka siya nag vacuum. Tatlong oras yata ang lumipas bago niya natapos ang kwarto. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naglinis siya ng bongga. Ito na yata ang karma niya sa pag alis ng walang paalam sa pamilya niya. Napatingin siya sa relo. Past nine PM na.  Biglang kumalam ang sikmura niya. Bumaba na siya bitbit ang vacuum. Ibinalik niya iyon sa storage. " Have you eat already?" tanong ng binata nang nakita siya. " How can I eat when I cleaned your dirty bedroom for three hours!" mataray na sagot niya saka naghugas ng kamay sa sink. " Why you are so hot tempered? I'm just asking." Hindi na siya nakasagot dito dahil may nag-door bell. Tumalikod ito at pumunta sa may main door. Nang magbalik ito ay may dala ng plastic bag. Alam niyang Chinese food iyon base sa logo ng plastic. Nagpa-deliver pala ito.  Inilagay na nito sa mesa ang pagkain saka siya tinawag. " Come. Let's eat." aya nito sa kanya saka binuksan ang mga food containers. Tatanggi sana siya. Kaya lang nang maamoy niya ang mga ulam at kaagad siyang naupo sa harapan nito. Sobrang gutom na siya. Iniabot nito sa kanya ang food container. Saglit na namagitan sa kanila ang katahimikan habang kumakain. Napapansin niya na tinitingnan siya nito minsan pero hindi na niya pinupuna dahil ayaw niyang  mawala ang appetite niya sa pagkain. " How many siblings do you have?" maya-maya ay tanong nito. " Two." " How old are they?" " Why you are asking?" " Why not? I am just trying to make a conversation here. If I prefer silence while eating. I should have eaten alone then." Inubos niya muna ang laman ng bibig niya bago sumagot. " Eldest is thirty two and the youngest is thirteen." Bigla niyang na-missed si Allise. Malapit na ang birthday nito. Nalungkot siya na hindi man lang niya mababati ang kapatid sa araw ng kaarawan nito. " So, you're the middle child." sabi nito. Hindi na siya umimik ganoon rin naman ito. Nang matapos na siyang kumain ay nagligpit na siya sa kusina saka pumasok na sa guest room. Habang ang binata naman ay umakyat  na sa silid nito. Naligo muna siya saka nagpalit ng panjamas pantulog. Magta-tank top at panty lang sana siya. Kaya lang mahirap na dahil may kasama siyang maniac sa bahay na ito.  Akmang hihiga na siya sa kama nang marinig na tila may sumisigaw sa labas. Binuksan niya ang pintuan at narinig niyang tinatawag siya ng lalake. " Zerynne..." " What?!" pagalit na balik sigaw niya. Alam niyang nasa may puno ito nang hagdanan pero hindi na siya nag-abalang silipin pa ito. " Come here." " Why? What do you want?" " You left the other cleaning stuffs here. Come and get it." Napakamot siya sa ulo niya saka naiiinis na umakyat. Wala na ito sa may hagdanan nang makaakyat siya. Bukas ang pintuan ng silid nito kaya pumasok na siya. Pero laking gulat niya nang makita itong nakatihaya sa kama wearing his briefs only while watching the TV. " Why did you call me to come up here when you are not properly dress up?" galit na sabi niya rito habang kinukuha ang mga gamit na naiwan niya. " What's wrong with me? This is my sleeping outfit." Naiiling na lang na lumabas na siya. Pero bago pa niya tuluyang isara ang pintuan ay nagsalita ito. " Clean my bathroom tomorrow. You didn't clean it." pahabol na sabi nito. " Yes, Master Pervert." mahinang sagot niya saka inilapat pasara ang pinto. Hindi niya alam kung narinig nito iyon o ano. Nang maibalik niya na sa storage room ang mga cleaning materials ay pumasok na siya sa silid niya saka humiga sa kama. Dahil yata sa pagod niya ay kaagad siyang nakaramdam ng antok. Mabuti na rin pala iyong busy siya. Wala na siyang time na mag-isip kahit nag-iisa lamang siya. Maiiwasan na niyang isipin si Samuel. KINABUKASAN nagulantang siya nang malalakas na katok sa pintuan. Napabalikwas siya ng bangon at saka binuksan ang pintuan. Bumungad sa kanya ang binata na bihis na. " Good morning, Princess. Its nine o'clock in the morning." sarkastikong bati nito. Napatingin siya sa wall clock. Alas nueve na nga. " What do you want?" " I'm leaving now. But I'll be back around six P.M. Get ready before six we will go to grocery. And also don't forget to clean my bathroom." Hindi na siya hinintay na maksagot nito at umalis na. Tumungo naman siya sa bathroom at inayos ang sarili. Pagkatapos ay dumiretso siya sa kitchen. Binuksan niya ang freezer at kinuha ang waffle na binili niya. Pero natigilan siya nang may makitang pagkain sa mesa. Lumapit siya doon at tiningnan ang nasa plastic bag. May hot choco doon at dalawang malalaking bagels. Mukhang kabibili lang nito nang pagkain nang katukin siya. Ibinalik niya sa freezer ang waffle niya saka naupo na sa mesa. " Infairness, may puso rin ang unggoy." sabi niya saka nagsimula nang kumain. Dahil malaki ang bagel ay isa lang ang naubos niya. Mamaya niya na lang lunch kakainin ang isa. Nagpahinga lang siya saglit at maya-maya ay umakyat na rin para linisin ang bathroom ng binata. Pagkabukas niya ng pinto ay nakita niyang magulo na naman ang higaan nito. Lumapit muna siya sa kama at inayos iyon. Saka dinampot na rin ang isang unan nanahulog sa sahig. Nang maayos niya ang kama ay napatingin siya sa picture frame na nasa side table nito. Family picture iyon. Isa lang pala ang kapatid nito. At babae pa. Now She is curious. Bakit babaero ito kung may kapatid naman palang babae? Hindi man lang natakot sa karma. Samantalang ang Kuya Jei niya ay stick to one lang at may pagka-conservative pa. Ayaw nitong paglaruan ang mga babae dahil natatakot ito na baka sila ni Allise ang balikan ng karma. Napaka-protective nito sa kanila.  Mula nang mamatay ang Daddy nila ay ito na nag tumayo na ama para sa kanila. Bigla itong naging matured mula nang mamatay ang Daddy nila. Hindi na ito ang dating Jeihard na happy go lucky. Napabuntong-hininga siya, Nami-miss niya na talaga ang pamilya niya. Pinigil niya ang mga luha niya saka dumiretso na sa bathroom. Halos isang oras rin ang itinagal niya sa paglilinis bago niya natapos. Muli siyang bumaba at nagpahinga muna. Mamaya ay iyong dalawang silid naman sa itaas ang lilinisin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD