NANG sumapit ang alas singko ng hapon ay natapos na rin siyang maglinis. Nagpahinga siya ng five minutes at pagkatapos ay naligo na at nagbihis. Dahil sabi ng binata ay babalik ito ng alas sais at maggo-grocery sila.
Isang grey na crop top at denim shorts ang napili niyang suotin. Saka converse na kulay pink for her shoes. Nag-apply siya ng light make up at hinayaan niya lang na nakalugay ang blonde hair niya.
Nang matapos siyang mag-ayos ay quarter to six na. Lumabas na siya ng guest room para sa sala na lamang hintayin ang binata. Wala pa siyang limang minuto na nakaupo sa sofa ay narinig na niya ang pagdating ng kotse nito sa drive way.
Tumayo na siya. Hindi naman nagtagal ay bumukas ang pintuan. Pumasok ang binata at kaagad itong napatingin sa kanya nang makita siya na nakatayo sa sala.
And as usual. The maniac look. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa and vice versa!
" Hi." bati nito.
" Are we going now?" tanong niya kaagad.
" Yes. Let's go." at nauna na itong lumabas.
Pumasok ito sa kotse. Akmang bubuksan niya ang pintuan sa back seat pero nagsalita ito.
" Hey, what are you doing?" kunot-noong tanong nito sa kanya.
" I'm going in here."
" Why you wanna sit there? I am not your driver, lady. So, sit here infront." utos nito.
Naiinis naman na pumasok siya sa loob at naupo sa tabi ng driver's side.
Pinaandar na nito ang sasakyan.
Wala silang imikan habang biyahe. Pero napapansin niyang panay ang tingin nito sa mga legs niya sa tuwing hihinto sila sa traffic light.
Nang minsan huminto uli sila dahil redlight ay napatingin na naman ito sa mga hita niya. Hindi na siya nakatiis at nilingon ito.
" What are you looking at?" taas ang isang kilay na tanong niya rito.
" You have a nice pair of legs!" sagot nito sabay nguso sa legs niya.
Tiningnan niya ito ng masama.
" m******s ka rin talaga 'no?"
Napatawa ito saka muling pinatakbo ang sasakyan.
" You should say thank you. I just compliment you." sabi pa nito.
" Was that a compliment? Kung makatingin ka parang gusto mo na ako'ng hubaran."
" Wow. For your information. You are not that pretty. Don't be too confident about yourself."
Nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi nito. Kapal talaga ng mukha ng unggoy na ito.
" I know that I am pretty and sexy. And I am really confident about that. Ikaw nga 'tong over confidence mukha namang rapist."
Tinawanan lang siya nito at hindi na sumagot pa. Nang makarating sila sa grocery ay bumaba kaagad siya. Naka-halukipkip siyang nakatayo sa labas habang hinihintay itong lumabas ng sasakyan.
" Take the cart." utos nito sa kanya nang makalabas ng kotse.
Umangat ang isang kilay niya.
" What?" nagpo-protestang tanong niya.
Alam niyang maid siya nito. Pero hindi niya ini-expect na napaka-ungentleman nito at siya pa talaga ang pagtutulakin ng cart.
" I said take the cart over there. You are my maid right?" tila nang-iinis pa na ulit nito.
Pairap siyang tumalikod dito saka tumungo sa direksyon kung saan may mga naka-paradang carts. Kumuha siya ng isa at nauna nang pumasok sa grocery.
" Hey, this way." tawag sa kanya ng binata nang akmang didiretso siya ng lakad.
Pumunta ito sa may fruits and vegetable aisle. Nakasunod siya dito. Dumampot ito ng ilang prutas like apple, orange and grapes at inilagay sa cart.
" If you want anything just grab it and put in the cart."
Dahil sa sinabi nito ay kumuha siya ng lemon, cantaloupe at cherry. Nang maglakad ito sa may veggie section ay sumunod siya. Dumampot ito ng ilang gulay.
" Do you know how to cook?"
Umiling siya.
" How old are you again?"
" Twenty eight."
" Twenty eight and you don't know how to cook? Tsk."
" Because I grew up surrounded by maids. I told you we have three maids in Philippines."
" That's what I don't like in Philippines. People are getting maids and letting their kids to become lazy and dependent."
" Are you saying that I am lazy? Its not my fault if we can afford to get a helper. And besides, getting a maid doesn't mean that you are teaching your kids to become lazy and dependent. It just happens that my Mom is a busy person and doesn't have time to do all the house chores at home."
" Whatever." sabi nito saka naglakad at namili pa ng ibang gulay.
Hanggang kailan kaya siya tatagal dito? Sa totoo lang nakakainis ang ugali nito. They are very opposite. Kung may ibang tao lang sanang makakatulong sa kanya ay never siyang magtitiis na maging maid nito.
Habang namimili ito ng gulay ay hindi niya maiwasang pagmasdan ito. Infairness, mukhang marunong itong pumili ng gulay dahil sinisiyasat nitong husto bago kunin. Mukhang mas marami pa itong alam sa kanya sa pagpili ng mga fresh goods.
Nang matapos sila sa fruits and veggies ay tumungo na sila sa ibang aisle. Namili ito ng mga pang araw-araw na kakainin nila. Halos mapuno ang cart ng matapos sila.
" I'm done. Is there anything else you want to buy before we go to the cashier?"
Umiling siya. Kumuha na siya ng mga pagkain na gusto niya maging mga personal needs niya like toiletries and napkin.
" Alright. Lets go and check out."
Laking pasasalamat niya nang tulungan siya nitong mag-unload sa cart at maglagay sa plastic bags. Akala niya ipapaubaya na naman sa kanya.
PAGDATING sa bahay ay binuksan lang nito ang trunk ng kotse nito at iniwan na siya sa drive way.
" Hey, aren't you going to help me bringing all these goods inside?" sigaw niya rito.
" Why would I? That's your job, woman!" he answered without looking back.
' Super walanghiya talaga!' nanggagalaiti na bulong niya as she started to unload the trunk.
She carried all the light goods first. Limang plastic bags ang una niyang pinasok. Nakita niya ang magaling na lalake na nakaupo lang sa living room at nanunuod ng TV.
Nang muli siyang lumabas ay kumuha uli siya ng mga ipapasok sa loob. Naka-apat na hakot na siya at ngayon ang natitira na lang ay dalawang pack ng two dozens bottled of mineral water. Mukhang mabigat ito dahil tubig. Nagpunas muna siya ng pawis sa noo saka huminga ng malalim bago binuhat ang first dozen.
' Ang bigat!' reklamo niya sa isip.
Nang matapos siya sa paghahakot ng mga groceries ay malakas niyang isinara ang trunk kotse ng lalake saka pumasok na sa loob. Pawisan na siya.
Wala na sa living room ang binata nang makapasok siya. Natanaw niya ito sa kusina. Hinahalungkat ang bawat plastic bags. May apron ito na suot at mukhang magluluto.
" Keep all these away." utos nito nang makita siya na nakasandal sa may pintuan at nagpapahinga.
" I will. But let me rest for few minutes." naiiritang sagot niya.
Hindi na ito sumagot at nagsimula ng mag-prepare ng lulutuin nito. Makalipas ang limang minuto ay kumilos na rin siya para itabi ang mga pinamili nila.
" Help me." utos na naman nito habang tinatabi niya ang mga pinamili nila. Nakakairita na talaga.
" Can you atleast say please."
" Okay. Help me please." ulit nito but he sounded like being forced by saying the please at the end.
" Take another knife and chopping board, please."
Kinuha niya ang mga sinabi nito at inabot dito.
" That's for you. You will help me to cut the veggies."
Inilapag niya ang mga gamit sa harapan niya. Inabot nito sa kanya ang isang sibuyas.
" Cut that into tiny pieces, please."
Napatingin siya sa onion na nasa harapan niya. Marunong siyang mag-bake pero wala siyang alam sa pagluluto. Prito lang ang kaya niyang gawin minsan nga sunog pa.
" How tiny?"
Nilingon siya nito saka naiiling na lumapit sa kanya at hiniwa ang sibuyas.
" Like that." sabi nito nang makagayat ng konti upang ipakita sa kanya.
" Okay." at sinimulan niyang gayatin ang sibuyas.
Nasa kalahati palang ang nagagayat niya ay sunud-sunod na tumulo na ang mga luha niya.
" What's happening to me?" takang tanong niya saka hininto ang paggagayat at nilingon ang binata.
Napailing na naman ito nang makita ang luhaan niyang mukha.
" Wash your hand and face. If you cut the onions try not to smell it."
Pumunta siya sa may sink at hinugasan ang mga kamay niya saka naghilamos. Medyo naging okay ang mga mata niya. Nang bumalik siya sa harap ng mesa ay tapos na nitong gayatin ang sibuyas.
" Here. Cut this carrot like this." at ginayat nito iyon sa harap niya saka muling ibinigay sa kanya ang knife.
Dahan-dahan niyang sinunod ang way ng pag-cut na ginawa nito. Pero dahil hindi naman siya sanay sa ganito ay medyo natagalan siya.
" Hurry up, please."
Hindi siya sumagot sa pagmamadali nito. Nang muli niyang hiwain ang carrot ay sumablay ang kutsilyo na hawak niya. Sa halip na yung carrot ang mahiwa niya ay nadali ang hintuturo niya.
Ibinaba niya ang kutsilyo and She immediately screamed as she saw the blood coming out from her finger.
" There's blood! OMGEEE.." natatakot na sigaw niya.
Nilingon siya ng binata at nakita niya ang pagkataranta sa mukha nito nang makita ang nangyari sa daliri niya. Kaagad itong kumuha ng paper towel at kinuha ang isang kamay niya. Pinahiran muna nito ang dugo. At sa pagkagulat niya ay dinala nito sa bibig ang hintuturo niya na nasugatan saka sinipsip iyon para maampat ang pagdurugo.
Babawiin niya sana ang kamay niya rito. Pero mahigpit nito iyong hinawakan. Hinila siya nito sa may sink pagkatapos ay saka hinugasan ang daliri niya.
Nang bitiwan siya nito ay tumalikod ito at pumunta sa may living room. May dala na itong alcohol, cotton balls at bandage nang magbalik sa kusina. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nilagyan nito ng alcohol ang cotton ball na hawak.
" Give me your hand."
Itinago niya sa may likuran niya ang kamay niya. Alam niyang mahapdi ang pakiramdam kapag nilagyan nito ng alcohol ang sugat niya.
" No. Mahapdi 'yan." parang maiiyak na sabi niya.
Nangunot naman ang noo nito.
" Oh come on! You are not a little girl anymore. It won't hurt."
Tigas siyang umiling.
" Ayaw sabi eh! Just put the bandage please."
" No. We need to put alcohol first. Give me your hand." saka ito unti-unting lumapit sa kanya.
Napaurong siya. Pero nang sumandal ang likuran niya sa wall ay natigilan siya bigla. Nasa harapan niya na ito.
" Give me your hand faster."
" Ayaw nga!" parang bata na sigaw niya.
Pero bigla nitong hinawakan ang isang braso niya at pilit na kinukuha ang kamay niya. Makikipag-laban pa sana siya dito but she realized that they are too close to each other. And so she gave up at hinayaan na ito na makuha ang isang kamay niya.
Pinahiran nito nang alcohol ang daliri niya. Napasigaw siya sa sakit at napaiyak. Medyo malalim kasi ang sugat niya.
" Sabi mo hindi masakit. Liar!" sigaw niya sa mukha nito but he just smiled. Kinuha nito ang bandage at nilagyan ang daliri niya.
" There. Huwag mo munang babasain yan. Go to the living room and sit there. I will cook our dinner. Careless mo kasi yan tuloy nasugatan ka."
" If you didn't rush me I won't cut my finger. Its your fault!" paninisi niya rito.
" Its not my fault. That's what you get when you don't know anything about cooking."
" That too! You knew I can't cook and you still asked help from me." naiinis na sabi niya saka lumabas na ng kusina.
HABANG nagluluto sa kusina ang binata ay nasa living room lang siya at nanunuod ng TV. Pasimple niya itong tinatanaw habang nagluluto.
Mabilis itong kumilos at tila kabisado ang bawat galaw sa kusina. Mukhang expert itong magluto. Mula sa kinauupuan niya ay naaamoy niya ang niluluto nito. Hindi niya maiwasang magutom dahil napakabango ng pagkaing niluluto nito. Kahit wala siyang idea kung ano iyon.
Turn on para sa kanya ang mga lalakeng magaling magluto. Pero sa kaso nito kahit mukhang expert pa sa kusina kung mukhang m******s naman ay hindi bale na lang.
" Dinner is ready, princess careless!" sigaw nito mula sa kusina.
Tumayo na siya saka pinatay ang TV. Naglakad siya papunta sa dining table. Nakita niyang naka-ready na ang mga pagkain sa mesa. Nagutom kaagad siya nang makita ang mga niluto nito. Honey teriyaki, baked salmon with rice at minestrone soup ang mga niluto nito.
Hindi niya maiwasang ma-amazed nang makita na maayos na naka-arrange ang pagkain sa plato. Parang pagkain na sini-serve sa restaurant. Hindi siya makapaniwala na kung anong dugyot nito sa loob ng silid nito ay maayos naman pala itong gumawa when it comes to kitchen.
Umupo na siya sa may harapan nito.
" See how well I can cook. Daig pa kita. Kababae mo'ng tao wala ka'ng alam sa kusina." sabi nito sa kanya.
Tinaasan niya ito ng isang kilay.
" You are so conceited you know."
Tinawanan siya nito.
" I am just telling the truth. Truth hurts right?"
She didn't response to him. Dinampot niya na ang soup spoon at nagsimulang humigop ng sabaw. Ang sarap ng luto nito. Wala pa'ng limang minuto ay naubos niya kaagad ang soup na ginawa nito.
" Yum?"
" Not really. I'm just hungry." deny niya saka nagsimula nang lantakan ang main dish.
" How's the baked salmon? That was one of our best seller in my restaurant."
Kaya naman pala masarap itong magluto because he owns a restaurant. Naalala niya tuloy si Megs. Masarap rin magluto ang kaibigan niya dahil Chef iyon and she also owns a restaurant.
" Sarap." maikling pag-amin niya.
Ngumiti ito.
" I'll teach you how to cook next time."
" Ayoko. I might cut my finger again."
" You need to learn. Hindi puwedeng ako lang parati ang magluluto. Its for your own good also. You are actually lucky because I will teach you for free. Kung ibang babae ang magpapaturo sa akin may bayad." saka siya nito malisyosong tiningnan.
Napailing na lang siya sa pinapahiwatig nito. Ayaw niya nang sumagot dahil baka mawalan lang siya ng ganang kumain.
Matapos nilang kumain ay nagligpit na siya. Pero inawat siya nito nang akmang maghuhugas siya ng nga plato.
" I will wash the dishes. Just go to your room and rest."
Napalingon siya dito. Marunong rin pala itong maawa. Sana pala araw-araw masusugatan siya para hindi siya pinapahirapan nito.
" Salamat. May awa ka rin pala."
" This is just for tonight, princess careless. Tomorrow back to work ka."
" Okay, senyorito pervert." mahinang sagot niya.
Napakunot noo ito.
" What did you say?"
She sweetly smiled at him.
" I said good night. 'Bye." at tumalikod na siya.
THE NEXT DAY maaga na siyang nagising dahil binigyan siya ng alarm clock ng binata. Six thirty pa lamang ng umaga ay bumangon na siya.
Inayos niya muna ang sarili niya saka lumabas na ng silid para mag-almusal. Gumawa siya ng kape saka naglagay ng dalawang pirasong loaf bread na may butter sa toaster.
Matapos niyang kumain ay nagsimula na siyang maglinis sa living room. Nagpunas muna siya ng mga gamit saka nag-vacuum.
Inabot siya ng dalawang oras bago natapos. Nagpahinga siya sandali. Umupo siya sa couch. Pero nang makarinig siya ng ingay pababa ng hagdanan ay napatayo rin siya kaagad.
Bumabas ang binata na naka-bathrobe lamang.
" Morning." bati nito sa kanya nang makita siya.
" Morning too." napipilitang bati niya rin.
" Are you done here?"
" Yep."
" Okay. Follow me to the backyard I want you to sweep all the dry leaves there." sabi nito saka nauna nang lumabas papunta sa likod bahay.
Iniwan niya sa living room ang vacuum at kaagad na sumunod dito. Nang makalabas na siya ay muntikan na siyang mapasigaw ng makita niya itong naghubad ng bathrobe. Nakatalikod ito sa kanya. Pero nakaka-iskandalo ang swimming trunks na suot nito.
Net lang iyon sa likuran at kitang-kita niya ang puwet nito. Kung daring na ang trunks nito sa likuran paano pa kaya pag humarap na ito sa kanya? Baka eggballs lang nito ang may takip at naka-exposed na ang hotdog.
' Oh please. Jump in the pool now. Don't face me!' piping usal niya sa sarili.
Mukhang narinig naman ang sinabi niya dahil ilang sandali pa ay nag-dived na ito sa swimming pool. Nakahinga siya nang maluwag. Ang hirap na may kasamang ganitong klase ng lalake sa bahay. Masyadong bastos manamit.
Kinuha niya ang mga gamit na panglinis at nagsimula nang walisin ang mga tuyong dahon. Alas nuebe pa lang ng umaga pero tagaktak na ang pawis niya.
Summer na kasi kaya sobrang init na. Wala ka'ng mapaglagyan ng weather dito sa Amerika. Kapag ka winter sobrang lamig talaga. Kapag Summer naman ay napakainit rin.
Napatingin siya bigla sa binata na ngayon ay nakatayo na sa may gilid ng pool. Naka-side view ito mula sa kinaroroonan niya. At hindi niya maipaliwanag pero sandali siyang tila na-magnet sa pagkakatitig dito.
Kahit naka-side view ito ay gwapo rin. Kahit ano'ng anggulo naman yata. Sayang ang kaguwapuhan nito dahil may pagka-m******s lang talaga.
Para ito'ng si Captain America. Napaka-kisig. At ang abs niya. Grabe! Mabilis niyang ipinilig ang ulo nang ma-realized ang mga iniisip. Nang muli niyang lingunin ang lalake ay nagtama ang mga mata nila.
Nginitian siya nito na tila nang-aakit.
" You wanna join me here?" sigaw nito.
Inirapan niya lang ito saka nagpatuloy na sa pagwawalis.
SAMANTALA habang nagwawalis ang dalaga sa hindi kalayuan ay hindi niya maiwasang pagmasdan ito. Natutuwa siya sa kasupladahan nito. Inaya niyang maligo pero hindi siya sinagot at inirapan lamang.
Napansin niya na kahit wala itong make up ay may angkin na ganda talaga. Gaya na lamang ngayon na naka-spaghetti strap ito at cotton shorts. Nakatali pataas ang blonde hair nito at walang anumang bahid ng make up ang mukha. Ngunit sa kabila ng simple look nito. He still find her pretty and sexy.
Panay hawak nito sa may noo dahil alam niyang pinagpapawisan na ito sa ginagawa. Bigla na naman siyang napatingin sa may dibdib nito. She really has a nice body. Parang pang fashion model ang katawan nito.
" What are you looking, huh?!" maya-maya ay tila tigre na naman na tanong nito nang mahuli siyang pinagmamasdan ito.
He smiled at her.
" You're sweating. Are you sure you don't wanna join me here?"
She looked at him with this disgusting expression on her face.
" I would love to go swimming on this hot weather. But not with you in the pool. So, stop bugging me to join you."
Tinawanan niya ang sinabi nito. He really like the way she talks. Ang cute ng accent nito kapag medyo pagalit.
" Okay. I just offered. Minasama mo naman kaagad. Gandang-ganda ka talaga sa sarili mo." pang-iinis niya rito.
" Talagang maganda ako. Nahiya ka pang i-compliment ako. Wala namang bayad kung aaminin mo sa sarili mo na nagagandahan ka sa akin."
This time napahagalpak na siya ng tawa.
" What a confident, skeleton lady! I feel bad for your body. You're too skinny. You are not the type of girl who deserves my compliment."
Tinaasan siya nito ng isang kilay.
" Well, the feeling is mutual. Kung inaakala mo na gwapo ka pwes manalamin ka muna. Lakas ng hangin mo!" sabi nito saka itinapon sa basurahan ang mga kalat na nawalis. Itinabi na nito ang mga gamit.
" Make me juice, please. I want pineapple." utos niya na lang dito nang akmang papasok na sa loob. Hindi siya nito nilingon. Napangiti na lamang siyang mag-isa.
Buong akala niya ay iignorahin ng dalaga ang utos niya. Pero maya-maya lamang ay lumabas muli ito dala ang isang tall glass na may pineapple juice. Akmang ilalapag nito iyon sa mesa pero tinawag niya ito.
" Hey, give that to me." sabi niya rito
Lumapit naman ito sa kanya saka inabot ang baso.
" Here is your drink, Master Pervert." mahina lang ang pagkakasabi nito but he clearly heard it.
" p*****t, huh?!" sabi niya saka mabilis na hinawakan ang isang kamay nito. Habang ang isang kamay niya naman ay kinuha ang baso at kaagad na inilapag sa hindi kalayuan.
" Hey, let go of my hand!" sigaw nito.
Nasa may tubig pa rin siya at nasa may gilid lamang ng pool.
" I heard what you said. p*****t huh. Come!" saka niya ito hinila pabagsak sa tubig.
Nagtitili ito at natahimik lang ng lumubog sa tubig. Nang makaahon ito ay galit na galit siyang tiningnan.
" Bastos ka talagang lalake ka! Why did you pull me here?!" sabi nito saka siya sinugod at pinaghahampas.
Panay ang salag niya habang natatawa. Pinilit niyang hinuhuli ang mga braso nito. At dahil hindi hamak na mas malaki ang katawan niya rito ay kaagad niya itong nasukol. Isinandal niya sa gilid ng pool ang katawan nito.
Natigilan ito nang ma-realized na na-corner niya ito.
" Let go of my arms!"
" What if I don't?"
" You not gonna like what I'm gonna do to you."
" Really?"
" I said let me go!"
" No." at inilapit niya pa ng husto ang katawan niya rito. Panay ang palag nito.
" Ayaw mo ha..." galit na sabi nito and before he knew it ay nailapit na nito ang mukha sa may dibdib niya. She bit his right breast.
Kaagad niya itong nabitawan at para itong ninja sa sobrang bilis na nakawala at umahon sa pool.
" s**t!" mura niya sabay tingin sa dede niya. Namula iyon. Of all his body parts doon pa talaga siya kinagat. Pwede namang sa kamay o braso.
Tiningnan niya ang dalaga na ngayon ay nakaahon na.
" Thats what the p*****t gets when he messed up to skeleton lady like me." nang-iinis na sabi nito saka pumasok na sa loob.
Sinapo niya ang kanang dibdib niya saka napailing na lang. What a tough lady. Kinuha niya ang pineapple juice saka uminom. Talagang may pagka-tigre ang babae.
NANG makapasok siya sa loob ng bahay ay kaagad siyang dumiretso sa banyo at naligo.
Natatawa siya na naiinis sa lalake. Kung akala nito na kaya siyang bastusin lamang ng basta-basta pwes nagkakamaki ito.
Hindi niya mapigilang matawa nang makita ang reaksyon nito nang kagatin niya. Nasampolan na niya ito ng katapangan niya ewan lang kung makaulit pa ito ng kalokohan sa kanya.
Matapos niyang maligo ay nagbihis na siya. Napatingin siya sa oras. Lunch time na. Dumiretso siya sa kusina at naghanap ng makakain.
Binuksan niya ang freezer saka kinuha ang frozen pizza. Hindi siya marunong magluto kaya ito na lang muna ang kakainin niya. Inilagay niya iyon sa toaster at habang naghihintay ay umupo siya sa may dining table.
Wala pa siyang ten minutes na nakaupo ay bumaba naman ang binata. Nakapaligo na ito at nakabihis ng pambahay. Mukhang wala itong balak na umalis ngayon.
Dumiretso ito sa refrigerator at naglabas ng kakainin. Maya-maya pa ay nagsimula na itong magluto. Palihim niya lang itong pinapanuod habang gumagawa sa kusina.
Makalipas ang kalahating minuto ay tumunog ang toaster. Hudyat na okay na ang nilagay niyang pizza. Tumayo siya para kunin iyon. Inilagay niya sa plato saka kumuha ng juice sa ref.
Habang naglalagay siya ng inumin sa baso ay naamoy niya ang steak na niluluto nito. Ang bango. Pasimple niya iyong sinilip at nang lumingon ito sa kanya ay nagbaba siya ng tingin sa baso niya. Nakakagutom lalo ang amoy ng niluluto nito.
Bumalik na siya sa dining table at nagsimula nang kumain. Nasa kalagitnaan na siya ng pagkain nang umupo rin ang binata sa harap niya. Inilapag nito sa mesa ang pagkain nito.
Napatingin siya sa plato nito na may steak, rice at brocolli on side. Paborito niya iyon. Napakagat-labi siya saka napatingin sa pizza na nasa harapan niya.
" Bon appetit." tila nang-iinis pa na sabi nito saka nagsimula ng hiwain ang steak na nasa plato.
Naaamoy niya pa ang mabangong amoy ng pagkain nito. Palibhasa kaluluto lamang. Hindi niya maiwasang matakam lalo pa at paborito niya iyon. Ito ang hirap kapag hindi marunong magluto. Hanggang frozen foods lang siya.
Nang sumubo ito ay feeling commercial model sa restaurant na nang-iinggit habang ngumunguya. Yung bang kapag nakita mo siyang kumakain ay matatakam ka ng husto.
Napalunok siya ng sunud-sunod. At kasabay noon ay narinig niya ang ingay na nagmumula sa loob ng tiyan niya. Nagugutom siya. At hindi sapat ang pizza na nasa harapan niya. She wants what he's eating.
" Yum. This is the best steak in town cooked by me." pagyayabang pa nito nang muling sumubo.
" Why you're eating pizza only? Do you want steak?"
Lumiwanag ang mukha niya pagkarinig sa tanong nito. Kahit naiinis pa siya rito ay isasantabi niya muna alang-ala sa masarap na pagkain.
She sweetly smiled at him.
" Do you have more?"
He looked into his plate saka ngumiti rin sa kanya.
" I will give you the bone once I'm done eating with the meat." pang-aasar nito.
Tiningna niya ito ng masama saka bumaling sa pizza niya. Mabilis niya iyong inubos at hindi na ito pinatulan pa.
" See. That's what you can get when you are not a good cook like me."
Padabog siyang tumayo saka iniwan itong mag-isa sa mesa. Baka hindi siya makapagpigil at mahampas niya ng plato ang mukha nito. Ang lakas mang-asar kahit nasa harapan sila ng pagkain.
Napabuntong-hininga siya.
' I badly need more patience.' bulong niya sa isip niya.