Chapter Four

3848 Words
PAGKATAPOS niyang kumain ay dumiretso muna siya sa loob ng silid niya. Nagpahinga muna siya. Maya-maya ay aakyat siya sa itaas para maglinis sa silid ng binata. Humiga siya sa kama at ipinikit ang mga mata niya. Nami-miss na niya ang mga paborito niyang pagkain sa Pilipinas. Pati na rin ang pamilya niya. " Zerynne..." napakunot-noo siya nang marinig ang pagtawag mula sa may pintuan. Kasunod noon ay malalakas na katok. Bumangon siya sa kama at binuksan iyon. " What?" tanong niya sa binata. " Why are you here? Clean my bedroom." " Can I just rest for awhile?" " No. I want you to clean now." demand nito. Naiinis na lumabas na siya saka isinara ang pintuan sa silid niya. Tumungo siya sa storage at kinuha ang mga cleaning materials. Nang umakyat siya sa itaas ay nandoon na rin ang binata. Nakaupo ito sa kama at nanunuod ng TV. Mabuti naman at naka-damit ito ng matino ngayon. Nagsimula na siyang mag-dusting. Pasimple niyang nilingon ang lalake na mukhang busy manuod ng TV. Tiningnan niya ang pinapanuod nito. Hindi niya alam kung ano'ng pelikula iyon. Pero nang tumingin siya sa screen ay nagsisimula ng mag love making ang mga bida. Maya-maya ay nakita niyang nilakasan ng binata ang volume ng TV. Talagang gusto nito ng malakas na volume dahil nakita niyang nagsisimula ng umungol ang bidang babae sa palabas. Binawi niya ang tingin sa screen at nagpatuloy sa paglilinis. She tried to focus from cleaning even though she feels awkward upon hearing the sound that is coming from the TV. " Wow. She really has a nice boobs." narinig niyang sabi ng lalake. Huminga siya ng malalim. Nagsisimula na naman siyang mainis dito. Bakit kailangan pa nitong manuod ng ganitong klaseng palabas gayong nandito siya sa loob ng silid nito? " Come on lady. Go on top." Hindi na siya nakatiis at nilingon ito. Naiiskandalo na ang p********e niya sa pinapanuod nito. " Will you change the channel please?" He looked at her. " Why?" " You can watch that when you’re alone but not when I'm here." Pero sa halip na sumagot ay dineadma lang siya nito saka muling bumaling sa TV. Hindi na naalis ang mga mata nito doon dahil mas naging mainit na ang mga eksena. Naiinis na itinuloy niya na lang ang paglilinis. Laking tuwa niya nang lumipas ang ilang minuto ay natapos na rin ang hot scene sa TV. Hininaan na nito ang volume. Kinuha niya ang vacuum pero bago pa man niya mai-on iyon ay nagsalita ito. " Don't vacuum yet. Clean the ceiling fan first." Napatingala siya sa ceiling fan. Medyo mataas iyon at natakot siyang linisin. " That's too high. I don't wanna clean that." protesta niya. " Since when the maid is allowed to disobey what her boss wants? Kung hindi mo lilinisin yan who do you expect to clean that? Me?" he said sarcastically. Napabuntong-hininga siya. Kahit kailan talaga nakakairita ang ugali ng unggoy na ito. Lumabas na siya ng silid para kunin sa storage room ang ladder. Nang magbalik siya ay may kausap sa telepono ang lalake. Inayos niya na ang ladder saka tumingala sa ceiling. She took a deep breath bago siya nagsimulang umakyat. Nanginig ang mga tuhod niya nang makaakyat at maabot ang fan. Dahan-dahan niya iyong nilinis. " If you want to take a three days off that's fine with me, Mikkha." narinig niyang sabi ng binata sa kausap nito. Bigla niyang na-miss ang kaibigan niya. Kapangalan pa ng kausap nito ngayon. Buong akala niya ay magkikita na sila ni Mikkha pagkadating niya dito. Hindi pa pala dahil puro kamalasan ang dumating sa buhay niya. Kailan kaya sila magkikita ng kaibigan niya? " I was just busy that's why I wasn't able to come there. Why? Do you miss me?" sabi pa nito at saka tumawa. Napailing siya. Mukhang pati sa worker nito ay nakikipag-flirt rin. " Alright. See you when you come back. Take care. 'Bye." Nang mawala na ang kausap nito sa cellphone ay lumapit ito sa may ladder saka tumingala. " Clean it properly." " I know. I'm almost done." Dahil hindi siya at ease sa presence nito na nakatingala sa kanya ay minadali niya ang pagpupunas. Ilang sandali pa ay natapos na rin siya. Ibinagsak niya sa floor ang basahan na hawak para makababa siya ng ayos. Lumayo ang lalake nang makitang tapos na siya. Dahil medyo nagmamadali siyang makababa ay sumablay ang isang paa niya. Gumalaw ang ladder at tuluyan siyang nahulog. Napasigaw siya pero maagap ang binata at nasalo siya nito. Bumagsak sila pareho pero nasa ibabaw siya nito. Nang magmulat siya ng mga mata ay napatingin siya sa kisame. Patihaya siyang bumagsak sa katawan ng lalake. At ang labis niyang ikinagulat ay nasa mga dibdib niya ang kamay nito. Kahit medyo shocked pa siya sa pagkabagsak ay dali -dali niyang inalis ang mga kamay nito sa dibdib niya saka mabilis na tumayo. " Bastos ka!" sigaw niya rito nang makatayo. Dahan-dahan namang bumangon ang binata sapo ang balakang nito. " Ako pa ang bastos? After I catch you yan pa ang sasabihin mo? You should say thank you to me, princess careless!" Gusto niya itong sampalin pero naisip niya baka naman hindi nito sinasadya na sa dibdib siya nahawakan sa halip na sa bewang. Hindi siya nagpasalamat at sa halip ay kinuha niya ang vacuum at nag-vacuum na sa carpeted floor ng silid nito. " Geez, didn't even say thank you." parinig nito saka lumabas na ng silid. Nang umalis ito ay sandali siyang huminto sa pagba-vacuum. Saka napatingin sa dibdib niya. Nakakainis na nahawakan nito ang mga iyon. Hindi niya matanggap. But then she couldn't do anything about it. It happened already. Kung hindi sana siya nahulog ay hindi rin naman nito mahahawakan ang dibdib niya. Napahinga siya ng malalim saka muling nagpatuloy sa paglilinis. Kailangang matapos na siya dito para iyong library naman ang lilinisin niya. Pinasok niya iyon kahapon at nakita niya ang kapal ng alikabok. SOBRA ang pagod niya nang makatapos siyang maglinis. Napatingin siya sa wall clock seven o' clock na pala. Dinner time na. Nang bumaba siya ay sumalubong sa kanya ang mabangong amoy na nanggagaling sa kusina. Mukhang nagluluto na ng dinner ang binata. Siya kaya ano'ng kakainin niya? Frozen foods na naman? Parang gusto niyang maiyak. Nami-miss niya na ang luto ni Manang Inday. Dumiretso na siya sa storage at ibinalik ang mga cleaning materials. Pagkatapos noon ay pumunta na siya sa kusina para maghanap ng kakainin. She' s really starving. Nakita niyang may dalawang plato na ng pagkain sa mesa pagkapasok niya sa dining area. Kaagad siyang natakam sa mga pagkain na nakahain doon. Nilingon siya ng binata nang maramdaman ang presensiya niya. Nasa may harapan ito ng fridge at kumukuha ng juice. Inilabas nito ang orange juice sa bote saka inilapag sa mesa pati na rin ang dalawang tall glasses. " I cooked mexican food for dinner. I don't know if you like to eat these type of foods. If you don't like you are free to eat your frozen foods in the fridge." sabi nito saka naupo na. Napatingin siya muli sa isang plato na may mixed foods na. It looks good at kapag ganitong gutom na siya hindi siya tatanggi sa grasya. " These are fine with me." sabi niya saka naupo at nilantakan kaagad ang taco. Masarap ang pagkakagawa nito ng taco maging ang kanin na hindi niya malaman kung fried rice o ano. " Taste good?" tanong nito. Hindi siya umimik at nagpatuloy lamang sa pagkain. Ayaw niyang magsalita muna dahil baka magsimula na naman itong bwisitin siya. " I guess silence means yes." sabi na lamang nito. Matapos niyang kumain ay nabusog siya ng husto. She burped so loud. Napahawak siya sa bibig niya. " Oopps, excuse me." bulong niyang sabi. Tumawa ang binata. " Like a pig." pang-aasar ng lalake. " I said excuse me." " Too late though." Napailing na lamang siya at hindi na ito pinatulan pa. She stood up and collected the dishes on the table. Tumayo na rin ang binata nang magsimula na siyang magligpit. Hinugasan niya ang mga plato at nang matapos ay pumasok na sa kwarto niya saka muling naligo. Ang lagkit ng pakiramdam niya matapos maghapong maglinis ng bahay. NANG matuyo niya na ang buhok niya ay tumingin siya sa wall clock. Eight thirty pa lang. Hindi pa siya inaantok. She went to the living room and watch TV. Walang TV sa guest room sa ibaba. Nilagay niya sa HBO ang channel. Kalahating oras na siyang nanunuod ng movie nang biglang bumaba ang binata. Tumungo ito sa kusina. Kumuha ng ilang junk foods at saka umupo sa single seater na sofa sa living room. " You're watching Brad Pitt movie?" narinig niyang sabi nito saka dinampot ang remote sa mesa at biglang inilipat ang channel. Tiningnan niya ito ng masama. Ang bastos talaga ng ugali ng lalake na ito! " Why did you swich the channel? I'm watching!" asik niya rito. " So? This is my TV." he said calmly. " You have your own TV in your room. Why don't you just watch there?" " This TV is bigger than in my room." " But I'm watching here!" " I don't care." Naiinis siyang tumayo. " Fine! Saksak mo sa mukha mo yang TV mo." bubulong-bulong na sabi niya saka naglakad papasok sa silid niya. " Good night. Sweet dreams!" sigaw pa nito. " Good night your face!" sigaw naman niya saka malakas na isinara ang pinto. Hindi siya makapaniwala na may dugong Pilipino ito. Ito na yata ang pinaka-bastos na lalakeng nakilala niya. Nakita na nga'ng nanunuod siya basta na lang ililipat ang channel. Hindi yata ito naturuan ng mga magulang nito ng magagandang asal. Humiga na lang siya sa kama niya and she force herself to fall asleep. Hindi naman nagtagal ay nakatulog rin kaagad siya. MATAPOS tumunog ng alarm clock niya ay bumangon na siya sa higaan. Inayos niya muna ang sarili niya bago lumabas. Naamoy niya kaagad ang pagkain na nagmumula sa kusina paglabas niya ng silid. Mukhang maagang nagising ang unggoy na lalake. Pagpasok niya sa kusina ay bumungad sa kanya ang lalake na nakatalikod habang nagluluto. Topless ito at naka-boxer shorts lamang. Nabigla pa rin siya pero wala na yata siyang magagawa sa kabastusan nitong manamit. Maya-maya ay pinatay na nito ang stove saka humarap sa kanya. Kunot-noong binasa niya ang nasa apron na suot nito. ' Free hotdog! Bring your own buns.' yun ang nakalagay sa apron nito na nasa may bandang ibaba pa talaga nakasulat sakto sa buhay na hotdog nito. " Good morning. Free hotdog for breakfast. You want?" nakangiting sabi nito saka nag-pose sa harapan niya. She rolled her eyes and shook her head. Ang aga-aga iinisin na naman siya nito. " You know its not nice to come out of your room wearing boxer shorts only? Specially when you are not alone in the house." Ngumiti ito sa kanya. " Well, there is no special guest in my house. I am alone here with my maid. So, technically its not that bad to wear boxer. It would be bad if I'm naked. But hey, I still have some clothes on." Hindi na lamang siya umimik at dumiretso na sa fridge. Binuksan niya iyon at inilabas ang fresh milk saka naupo sa mesa. Tiningnan niya ang mga nakahain sa mesa. Marami ang niluto nito kaya malamang hindi siya pagdadamutan nito ngayon sa pagkain. Mayroong sunny side up egg, sausage, bacon and pancake with strawberries and blueberries. Para na rin silang nasa restaurant. Infairness to him, talagang nakaka-impressed ang cooking skills nito. " See, where can you find a handsome boss like me who is willing to cook for his maid?" sabi nito nang mahubad ang apron at naupo sa may harapan niya. " And yet this maid infront of me doesn't even know how to appreciate my effort to cook for her." parinig pa nito. She looked at him and was forced to say something. " Okay. Thank you for cooking." mapaklang sabi niya. " Wow. I can feel the sincerity." he said sarcastically. Inulit niya ang pagpapasalamat but this time it came from her heart. Masarap naman itong magluto talaga at thankful siya na pinagluluto siya nito. Kahit na minsan ay pinagdamutan siya nito sa pagkain. " Thank you." ulit niya. Ngumisi ito. " You're welcome." Nagsimula na silang kumain. Wala silang imikan habang kumakain dahil nagbabasa ito ng newspaper while eating. Lumipas pa ang ilang sandali at tumayo na ito. Wala itong imik na umakyat sa itaas. Nagligpit na siya ng mga pinagkainan nila. At pagkatapos ay tumungo na sa storage room at nagsimulang maglinis sa living room. " I'm going out." Napahinto siya sa paglilinis ng marinig ang tinig ng binata. Nilingon niya ito. Naka-plain shirt lang ito at jeans. Gwapo sana talaga kung hindi lamang bastos. " I'm not sure if I'll be back. But just incase I won't able to come home tonight. Don't wait for me. Lock all the doors." " Okay." sagot niya saka ito umalis na. Nagpatuloy siya sa paglilinis. Mamaya pagkatapos niya dito sa ibaba ay pwede na siyang mag-relax. Hindi na niya kailangang linisin sa itaas dahil nalinis na niya iyon kahapon. Wala naman ang binata kaya pwede siyang magpatamad-tamad ngayon. Ilang sandali pa ay natapos na siya sa ginagawa. Nagpahinga muna siya matapos maibalik sa storage ang mga gamit. Binuksan niya ang TV at nanuod muna. Masyadong mainit ang panahon ngayon. Mamaya ay maliligo siya sa pool. PAGKADATING niya sa restaurant ay kaagad siyang binati ni Brianna. " Hi, Charles. Your friends are waiting for you upstairs." sabi nito sa kanya. Tinanguhan niya lamang ito at umakyat na sa second floor ng restaurant niya. Kaagad niyang nakita ang dalawang kaibigan sa isang sulok na may kasamang dalawang babae. Lumapit siya sa mga ito at masayang bumati. " Hey, guys. How are you?" bati niya sa dalawang lalake sabay tapik sa balikat ng mga ito. Fil-Am ang mga ito. They were friends since college. " Hey CJ! Finally, you're here!" bati ni Jordan sa kanya. " What were you doing in New york these past few days, man?" tanong naman ni Zackie. " I bought a house there two months ago. And I'm staying there sometimes. I was here lastweek." paliwanag niya saka naupo. " Wow. You bought a new house? When can we visit there?" Ngumiti lang muna siya. Hindi niya alam kung dapat niya bang dalhin ang mga ito sa bahay niya gayong makikita ng mga ito ang dalaga. " Maybe we can go there today? We are free. And these ladies with us right now are looking for some fun." Napatingin siya sa dalawang brunette na babae na kasama ng mga ito. " By the way CJ meet our new friends. Kaitlene and Mitchel. Ladies our friend CJ." introduced ni Jordan sa mga babaeng kasama nito sa kanya. Nakipag-shake hands siya sa mga ito. Napansin niya si Kaitlene na mukhang naughty at handang makipag-flirt anytime. " Nice meeting you ladies." sabi niya sabay ngiti. " Same here, Cj." " Have you eat, guys? Just order what you want. My treat." sabi niya sa mga ito. " We were waiting for you actually. And now that you are here we can finally order." Tinawag niya ang waiter niya saka hinayaan na muna ang dalawang babae na mag-order. " Man, I think Kaitlene likes you." bulong ni Zackie sa kanya. Napatawa siya. " Where did you meet them?" " Jordan met them last night in bar.” Nagtawanan sila ni Zackie. Matinik rin sa chix ang kaibigan nilang si Jordan. " Care to share with me your topic, guys?" sabi ni Jordan nang marinig silang magtawanan. " Nothing, bro. I just asked Zackie how you met them." pabulong niyang sabi rito. " Knowing me, man. Mabangis 'to sa chix." biro pa nito. " So what, are you gonna bring us today to your house? We can stay there after we eat. And then we can have some fun in the city tonight." Hindi siya makasagot. Ayaw niyang makita ng mga ito si Zerynne. " Can we just go direct to the bar?" Napakunot-noo si Jordan. " Are you freaking kidding me, man? Its just ten o'clock in the morning!" " We want to see your new house, bro." si Zackie. Napabuntong-hininga siya. Hindi na niya matatanggihan ang mga ito. " Okay, fine. We will go after we eat." Napangiti ang dalawa saka bumaling na sa waiter upang mag-order. Matapos makuha ang order nilang lahat ay umalis na ang waiter. " So Cj, are you single?" tanong ni Kaitlene. He looked at her. Nagpapa-cute na ang itsura nito sa kanya. " Yes I am." Ngumiti ito. " Wow. You are too hot to become single." " What about you?" " Single and ready to mingle." sagot nito at naramdaman niya ang isang paa nito sa ilalim ng mesa na ipinapasok sa pantalon niya. Hinahaplos nito ang legs niya. Napangiti siya. Galawang hokage na ito at alam niya na sa kama rin sila hahantong mamaya. " Would you mind sitting beside me? So, we can get to know each other better." Siniko siya ni Zackie. " Go, man!" buyo nito. He stood up and decided to sit beside her. Nang makaupo siya ay pasimpleng gumapang kaagad ang isang kamay nito sa mesa. Dinakma ang birdie niya. Napalunok siya sa ginawa nito. Mabuti na lamang nasa sulok ang table nila. Tiningnan niya ito. Nang-aakit itong ngumiti sa kanya. Hinuli niya ang kamay nito at mahigpit na hinawakan. Nagre-react ang alaga niya sa ginagawa nitong paghimas. " I like you, Cj." bulong pa nito. Nginitian niya lang ito. Maya-maya ay itinaas nito ang kamay na hawak niya. Ipinakita sa nga kasama nila. " Guys, just letting you know. He's mine now." sabi nito. Naghiyawan ang mga kaibigan niya maging ang babae na kasama nito. " For how long kait?" tanong ng kaibigan nito. " Until tonight, tomorrow, we don't know." sagot nito. Napatawa na lamang siya sa asal ng babae. Sanay na siya sa mga ganitong klase ng babae. Girls just come and go to his life. She is looking for fun so sino siya para tumanggi? Natahimik sila nang dumating ang mga pagkain na inorder nila. Nagsimula na silang kumain. After nito ay babalik siya ng New York kasama ang mga ito. NANG matapos silang kumain ay nagpaalam na siya kay Brianna. " I'm going. Bahala ka na dito." sabi niya rito pero ang mga mata nito ay nakatingin kay Zackie na busy sa pagte-text. " Hey, did you hear me?" untag niya rito. She shook her head. " Say it again please?" " I said I'm going now. Take care of the resto. If Chelsea comes over today and look for me. Don't tell her that I am in New york.” Tumango ito. " Okay. She actually called twice today. She's looking for you. She said you never answered her calls. She needs money I think." Napailing-iling siya. " If she ask you money don't give her even a single penny. And if she comes over make sure that you will follow her. She might steal something again here and sell somewhere." Napatawa ito. " Alright. Got it." Tumalikod na siya at lumabas na ng restaurant kasama ang mga kaibigan niya. " Ang kulit pa rin ni Chelsea, bro." sabi ni Zackie. " She's a pain in my butt." Natawa na lang ang kaibigan sa sinabi niya. Nang makarating sila sa parking lot ay nag kanya-kanya na silang pasok sa mga sariling sasakyan. Ibinigay niya ang ang address niya sa mga ito dahil lahat sila ay may dalang kotse. Matapos ang isang oras na biyahe ay nakarating rin sila sa harap ng bahay niya. Bumaba siya ng sasakyan at hinintay ang mga kasama. Nang makalapit ang mga ito sa kanya ay saka siya tumungo sa main door at binuksan iyon. " You have a nice house, man. How many rooms?" tanong ni Jordan. " Four bedrooms. But I also have library s***h entertainment room and mini gym room. Plus the swimming pool at the backyard. I'll tour you guys later. Have a sit first." Umupo ang mga ito sa living room. Habang siya naman ay nagmamadaling pumunta sa guest room para hanapin ang dalaga. Ngunit wala ito doon. Umakyat siya sa itaas at tiningnan lahat ng silid. Wala rin doon ang dalaga. Mabilis siyang bumaba muli at tumungo sa backyard. Baka naglilinis ito sa likuran. Nang makarating siya sa likod ay nakita niya ang dalaga. Pero hindi ito naglilinis. Kundi naliligo sa swimming pool. Nasa may gilid ito ng pool nang makita niya. Sandali siyang napatulala. She looks so hot on her two piece swimsuit! Lumakad siya palapit dito. Bahagya itong nagulat nang makita siya. Hindi niya maalis ang mga mata niya sa magandang katawan nito na ngayon ay medyo tanned na. Ilang oras na kaya itong nagbababad sa pool? " Why are you here?" tanong nito nang makita siya. Akmang sasagot sana siya nang marinig niyang tawagin siya ni Zackie. " Cj..." Napalingon siya sa kaibigan. Nasa may pintuan ito kasama si Jordan. Kaagad niyang nakita ang paghanga sa mga mata ng dalawang kaibigan niya na ngayon ay nakatingin sa dalaga. " Holy cow, Cj! Who is she?" tanong ni Jordan saka nagmamadaling lumapit ang mga ito sa kanya. Napatingin siya sa lounging chair at mabilis na kinuha ang bath robe na na naroroon at pagkatapos ay bumaling sa dalaga na nasa pool pa rin. " Hey woman, get out of the pool right now!" may diin sa boses na sabi niya. Kaagad naman itong umahon at lumapit sa kanya. Nang makaahon ito ay kaagad niyang binalot ng bath robe ang katawan nito. " Now I know why you hesitated to bring us here." sabi pa ni Jordan nang tuluyang makalapit sa kanila. " Is she your girl, bro?" tanong naman ni Zackie. " Of course not!" magkasabay na sagot nila ng dalaga. Nagpalipat-lipat ang tingin ng mga kaibigan niya sa kanila ni Zerynne. " She's my maid." paliwanag niya sa mga ito. Nanlaki ang mga mata ng dalawa saka muling tumitig sa dalaga. " Where the hell did you find her? Can you tell me her agency. Do they have alot of beautiful maids there? I want to get two for myself!" si Jordan uli. " Stop it guys. Just go inside and wait for me." pagtataboy niya sa mga ito. " Kaitlene is looking for you, bro. Hurry up." sabi ni Zackie saka hinila na si Jordan papasok sa loob. Hinintay niya munang tuluyang makapasok ang mga kaibigan bago muling binalingan ang dalaga. " Why are you here?" tanong nito sa kanya. " Stop asking me that stupid question because this is my house. You need to go inside and change your clothes. Don't wear any sexy outfit. I have some visitors in the living room." " Okay." " Did you see those two guys awhile ago? They are my friends. If any of them ask you a question about yourself do not entertain them. They are playboys. So, if they flirt around you just ignore them." She looked at him and then she answered sarcastically. " Yeah they are your friends. And birds with the same feather flocks together. All of you are playboys. I got it." Tiningnan niya ito ng masama. " I am not joking here. Just follow what I said. Don't you ever flirt with them." " What do you think of me? FYI, I am not that cheap and desperate. I have high stantards when it comes to men. Hindi ako papatol sa mga tulad ninyong babaero." at naglakad na ito papasok sa loob. " Dress up fast and come out again. I'll be needing your help!" pahabol na sigaw niya. She didn't look back to him though. Napailing na lamang siya at saka muling pumasok sa loob at dumiretso sa living room kung saan naroroon ang mga bisita niya. " Who was the blonde girl, Cj?" usisa ni Kaitlene nang maupo siya sa tabi nito. Nakita siguro nito ang dalaga nang pumasok sa guestroom. " She's my maid." maikling tugon niya. " You have a very beautiful maid, bro." komento ni Zackie. Ngumiti lamang siya at hindi na muling umimik pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD