HABANG nasa biyahe sila papunta sa Batangas ay nagkukwentuhan sila ng Mama niya. Bukas na ang kasal ni Mikkha sa pinsan niyang si Migiel. " Bukas na ang kasal ng best friend mo. Nakakatuwa at sila ni Migiel ang nagkatuluyan." sabi ng Mama niya. " I am very happy for her, ‘Ma." Sandaling hindi umimik ang Mama niya at pagkuway tinitigan siya. " What about you, anak? Wala ka ba'ng balak kontakin yung ama ng baby mo?" Bakas ang lungkot sa mukha ng Mama niya. Umaasa pa rin ito na baka magkaayos sila ni Cj. Nang makauwi siya dito ay ikinuwento niya sa pamilya niya ang nangyari sa kanya sa New York. Hindi niya binanggit sa mga ito na doon siya tumuloy sa bahay nila. Dahil alam niyang pupuntahan ng Kuya niya si Cj kapag nalaman nito na ang nakabili sa bahay nila ang ama ng baby niya. Hindi

