HABANG nakatayo siya sa harapan at pinagmamasdan si Zerynne na nakatayo mula sa dulo ng pila ng wedding entourage ay hindi niya maiwasang mapangiti and at the same time mapaluha. Sa wakas heto na ang araw na pinakahihintay nilang dalawa. Ang makasal sa isa't-isa. Natuldukan na ang mga kalokohan niya sa mga babae. At ngayong araw na ito ay buong puso na niyang ibinibigay ang sarili niya sa dalaga. Hindi niya maipaliwanag ang kasiyahan na nararamdaman niya ngayon. Hindi na sila maghihiwalay nito. At ilang buwan na lang rin ay magiging isang pamilya na sila. Napatingala siya at sandaling tumingin sa malawak na kalangitan. Ang ganda ng panahon ngayon. Mukhang nakikisaya rin sa napaka-importanteng okasyon ng buhay niya. ' Thank you, Lord. You're the best!' sabi niya sa isip saka muling ibi
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


