"LOLITA!" galit na dumagundong ang boses ni Matias sa buong bahay matapos sampalin ng huli ang anak niya. Nilapitan nito si Themie at itinago sa likod niya upang protektahan ito. "Anong ginawa mo! Bakit mo sinampal ang anak ko!" dagdag pa nito habang inaalo ang dalaga na ngayon ay naka upo na sa sahig at tulala na lamang at panay ang tulo ng luha. Napairap si Lolita. "Sa malandi iyang anak mo! Uwi ba iyan ng matinong babae ha?! 'Di ba hindi! Kasi nga malandi iyang si Themie! Inaakit si Makisig! Para ano? Para mapansin ko siya?" galit ding saad nito. "Nagpaalam ang anak ko ng maayos! Sobrang lakas ng ulan kahapon. Kaya hindi siya nakauwi! Sinasabi ko sa 'yo iyon kagabi ngunit hindi mo naman ako iniintindi! Kaya manahimik ka!" saad naman ni Matias sa asawa nito. Ito ang unang beses na na

