bc

My Blue Eyed Man (SPG)

book_age18+
1.9K
FOLLOW
12.0K
READ
possessive
playboy
arrogant
badboy
goodgirl
comedy
sweet
small town
teacher
seductive
like
intro-logo
Blurb

Choosy man at GGSS o Gandang Ganda sa Sarili kung tawagin si Themie—ay wala pa ring makagigiba sa goal niya. Nag-uumapaw ang confidence niya sa sarili.

Oo nga at hindi siya pinalad sa kanyang itsura. Hindi siya ganoon kaganda kumpara sa mga kapatid niya—na medyo lamang lang ng ilang paligo sa kanya. Pero hindi naman masamang mangarap na magkagusto sa isang lalakeng ubod ng kisig hindi ba?

Feelingera na kung feelingera, pero tuloy ang plano niya. Lakasan na lang ng loob kumbaga. Gusto niya rin naman mahaluan ng magandang lahi ang angkan nila in the future anu!

Bukod sa tumulong sa mga magulang, isa sa mga goal niya ay ang magkaroon ng kasintahang magandang nilalang.

At isa lang ang target niya, Si Makisig Recto, ang magsasakang asul ang mga mata, ngunit… allergic sa dilag na tulad niya. Walanghiyang lalakeng iyon! Eh mata lang naman nito ang nagdala sa itsura niya! Choosy pa!

Magtagumpay kaya si Themie sa goal niyang mapa-ibig ito? O baka naman katulad ng iba ay ayawan din siya nito at maging ligwak ang exotic beauty niya? At say bye-bye na nga ba sa magandang lahi na inaasam niya?

chap-preview
Free preview
Simula
“MAY progreso na ba? Gumagawa ba kayo ng paraan para mapansin kayo ni Makisig? Nakausap ko si Fernando kahapon. Talagang gusto niya nang mag-asawa ang anak niya.” Themie mentally shook her head dahil sa sinabi ng kanyang ina. Umaga pa lamang at oras ng agahan ay ganito na ang bungad ni Lolita sa mga kapatid niya. Bakas pa ang kasabikan sa boses nito habang hinihintay ang magiging sagot ng ate Thea at Thrina niya. “Naku! Kahit sino na lang talaga sa inyo mga anak. Basta si Makisig ang mamanugangin ko, aba’y walang problema,” dagdag pa na ani ng ginang. Napansin ni Themie na wala pa ring imik ang dalawa niyang kapatid. Nakatungo lamang ito sa mga pinggan nila at abala sa pag kain. Dalawa lang naman ang nakikita niyang dahilan. Bukod kasi sa galing ang mga ito ng Maynila at kadarating pa lamang kagabi dahil lingguhan kung umuwi ito galing sa trabaho, ay hindi na nila pwedeng gawin ang gusto ng nanay nila. “Thrina, honey? Any progress?” malambing na tanong ni Lolita sa anak niya. Saka lamang nag angat ng tingin ang ate Thrina niya saka pilit na ngumiti. “I’m sorry po, Nay. I have been busy po kasi sa work,” mahina ngunit magalang na sagot nito saka tumungo. Halata naman kasing abala ang huli dahil may dala-dala pa itong blue prints kagabi. Kung si Themie ay public school teacher, ang ate Thrina at Ate Thea naman niya ay parehong architect sa Maynila. Mahal na mahal ng mga ito ang trabaho nila at kung hindi niya ito kulitin ay baka minsan ay hindi ito makauwi dito sa probinsya nila sa Marcelino Zambales. Kaya napagkasunduan nila na lingguhan ang magiging uwi ng mga ito. Napairap ang nanay nila pero hindi na nagkomento pa. Bagkus ay ang ate Thea naman ni Themie ang binalingan nito. “How about you, Thea, sweety? Nagkakamabutihan na ba kayo ni Makisig?” malawak pa rin ang ngiting anito. Pero nang umiling si Thea ay unti-unti nang kumunot ang noo ni Lolita. “Anong meron sa pag-iling mo, anak?” malumanay pero halata na ni Themie na malapit nang sumabog ang ina nila. Thea shook her head again. “I’m sorry, Nanay. Katulad po ni Ate Thrina ay busy din po ako sa work. Hindi nga po dapat ako makakauwi ngayon. Kung hindi lang dahil kay Bunso eh,” saad nito, tinutukoy si Themie. Dahil sa sinabing iyon ni Thea ay napalingon si Lolita kay Themie. Agad namang nag-iwas ng tingin ang huli at nagkunwaring wala lang sa kanya ang pag-irap ng ina. Sanay na rin naman kasi siya na kumpara sa dalawa niyang kapatid ay iba ang turing nito sa kanya. Walang amor ang huli sa kanya. Minsan nga ay naisip niya nang ampon siya. Bakit naman kasi? Baka ay dahil sa iisang rason lang. Baka marahil ay hindi siya gano’n kaganda kumpara sa mga ate niya na makurba na nga ang katawan ay pwede pang ilaban sa mga pageant dahil sa kanilang height. Well, Themie, stood 5’6 tall, pero hindi pang beauty queen ang katawan niya dahil ay sa chubby siya. Mas lalo namang hindi papasa ang itsura niya dahil monay nga raw ang pisngi niya. Kamukha naman daw niya ang mga ate niya ayon sa mga ito. Lahat sila ay kulot ang buhok—iyon nga lang sa kanya ay ang sabog. Kaya nga ay parating nakatali ang kanyang buhok dahilan rin kung bakit na-e-emphasize ang kanyang magkabilang pisngi. Ayaw naman niyang magpa-straight hair dahil hindi siya gano’n ka-confident na babagay sa kanya ang new look. Maganda naman ang mga mata ni Themie, hugis apoy iyon, mahaba rin ang kanyang pilik mata, maliit pero pointed din ang kanyang ilong at natural nang mapula ang mga labi niya. Maganda raw siya—iyan ang parating sinasabi ng mga kapatid niya. Pero sadyang naka-mindset na kay Themie ang kasalungat nun. Sa bawat araw at bawat taong nakakasalamuha niya, hirap na siyang paniwalaan kung alin ba o sino ang nagsasabi ng totoo sa kanila. Dahil mismong sa bibig na ng kanyang ina nanggaling na kumpara sa mga kapatid niya ay walang wala siya. Walang wala siya kumpara sa mga ito. Pero keri lang naman para kay Themie. Ang importante ay ramdam niyang mahal siya ng kanilang tatay at ng mga ate niya. At gano’n din siya sa mga ito. Mahal na mahal niya ang kanyang pamilya—maging ang kanilang ina. “My God! Binigyan ko na kayo ng numero ni Makisig para kahit nasa Maynila kayo ay ma-te-text ninyo siya! Ano ba naman iyong kayo ang mauna! Hindi na uso ang pakipot sa panahon ngayon! Kung gusto niyo, gawan ninyo ng paraan!” At tuluyan na ngang sumabog si Lolita. Hinanda na ni Themie ang sarili niya. Dahil kapag galit na ang ina, isa lang ang ibig sabihin no’n, umalis na siya at siya ang pagbubuntunan nito ng inis. Palagi naman kasing ganoon. “At bakit ba nanay ang tawag ninyo sa akin? Oh my God! Thrina and Thea, you should call me Mama’ or Mom! Ano na lang ang sasabihin ng mga amiga ko kapag narinig kayo?!” tila naghehesitirikal na saad nito. Tila dismayadong nailing si Themie. Lumaki siyang namulat na may pagka-social ang kanilang ina. Ayon sa mga tsismis na naririnig ni Themie noong siya ay nasa teen ager pa, si Lolita raw ay nakaluwas lamang sa Maynila noon at nag-aral sa isang prehistiyosong eskwelahan bilang iskolar at may mga naging kaibigan na mayayaman ay naging iba na ang pag-uugali. Pinipilit nitong makisabayan sa mga kaibigan niya sa pamamagitan ni Matias, ang kanyang tatay. Nagmula pareho ang kanyang mga magulang dito sa probinsya ng Marcelino. Simula hayskul pa lamang daw ay magkasintahan na ang dalawa. Pero nang magkaroon ng pagkakataon si Lolita na makakuha ng iskolar sa Maynila dahil sa katalinuhan nito, ay agad itong sinunggaban ng huli. Habang si Matias naman ay naiwan dito sa Marcelino. Pareho nang ulila ang dalawa kaya sila na lamang ang sumusuporta sa bawat isa. Dahil sa labis na pagmamahal ni Matias kay Lolita ay sumama siya dito sa Maynila. Siya ang naghanap buhay para sa araw-araw nilang gastusin habang si Lolita naman ay nag-aaral. Pero dahil sa environment at sa mga kaibigan ay kaya naging ganoon si Lolita. Nagbago ito at nanlamig kay Matias ngunit nagsasama pa rin sila sa iisang boarding house pero ilang beses nang tinangka na layasan ni Lolita ang huli. Pero dahil sa pagmamakaawa ni Matias ay kaya hindi ito matuloy-tuloy. Tiniis naman ng huli ng mahigit dalawang taon ang panlalamig ni Lolita. At nang minsang makita niya ito na hinatid ng isang lalakeng de-kotse, dahil na rin sa takot ay nagawa niyang buntisin si Lolita na naging dahilan din kung bakit hindi ito nakapagtapos sa pag-aaral at ito rin ang naging dahilan ng pagbalik nila sa bayan ng Marcelino. “Okay Mom,” ang ate Thea niya ang nagsalita. “I’m sorry. Sobrang busy po talaga. B-babawi po ako,” saad nito, tila napipilitan pa sa sinabi nito. Napangiti naman si Lolita pero agad ding nabura nang si Thrina naman ang nagsalita. “Mom, I’m sorry but I can’t. Hindi ko ho tipo si Makisig.” “Oh my God! Thrina! Bakit naman hindi? Kung tutuusin nga ay bagay kayo ng batang iyon dahil panganay kita. Pareho kayo ng edad. T’yak na magkakasundo kayo.” Umiling si Thrina. “Mom, sorry but I have to ask you this. Bakit ho ba ay pinagpipilitan niyo kami ni Thea kay Makisig? We are both busy. Bakit hindi na lang si Themie ang ireto niyo sa kanya total at nandito lang siya sa probinsya?” Kasabay ng pagbilog ng mata ni Themie ay naging gano’n din ang reaksyon ni Lolita. Natutop pa nito ang kanyang labi. “Oh my God, Thrina! What were you thinking? H-her?” anito, nakangiwi pang nakaturo kay Themie. “B-bakit siya? I mean, look at her. Hindi siya pasado sa standards ni Makisig—” “Lolita!” putol ni Matias, na kanina pang walang imik habang pinapakinggan ang bawat daing ng kanilang ina. “What? I’m just stating the fact. Talaga namang hindi bagay ang anak mo kay Makisig—” Hindi na kinaya pa ni Themie ang naririnig niya kaya tumayo na siya. Naputol naman si Lolita sa dapat na sasabihin nito. Lahat sa kanya ay napalingon. “Tapos ka na anak?” malumanay na tanong ni Matias sa anak. Tumango si Themie. “Pasensya na ho kayo. Mauna na ho ako sa kwarto, Tay. May tatapusin pa ho akong trabaho. Alam niyo na ho, baka matambakan, eh pumayat pa ako,” biro niya dito, hindi inintindi ang masamang tingin na pinupukol sa kanya ng ina. Tumango naman si Matias at tipid na ngumiti. Muli siyang napatango. Nauunawan ni Themie ang kanyang ama dahil kapag madalas na nangyayari ang ganitong eksena ay sinasabi nito na pasensyahan na lang ang nanay niya. Bumaling si Themie sa huli. “Una na ako, Nay. Ang wrinkles ho, ‘wag masyadong ma-stress. Baka pagod lang sila ate, mamaya mo na ho kausapin. Baka makumbinse mo na po sila. T’yak na kahit sino sa kanila ang makatuluyan ni Makisig, paniguradong magandang lahi ang kalalabasan.” Nagawa niya pang magbiro na akala mo ay magkasundo silang mag-nanay. Umirap naman sa kanya ang huli. Napailing na lamang si Themie bago bumaling sa mga kapatid na ngayon ay pareho nang nakatingin sa kanya. Tila humihingi ng tawad sa kanya ang ate Thrina niya nang pisilin nito ang kanang kamay niya. “Una na muna ako sa kwarto mga ate kong maganda. Beauty rest lang ako. Baka gumanda rin ako tulad niyo kahit papaano at matalbugan ko pa kayo! Charot!” aniya saka walang anu-ano ay umalis sa dining. Pagkarating sa kwarto ay saka lamang nagsiunahan sa pagtulo ang mga luha niya. Ang sakit lang at mismong nanay niya, nilalait siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook