Kabanata 1

1456 Words
Kabanata 1 “TIM?” Dali-daling pinunasan ni Themie ang kanyang luha nang marinig ang boses ng dalawa niyang ate sa labas ng kwarto niya. Tumikhim siya. “B-bakit mga ate?” “Papasok kami ha?” Ang ate Thea niya ang nagsalita. Hindi pa man siya nakakasagot nang bumukas na ang pinto at iniluwa ang mga ito. Agad na dinaluhan si Themie ng ate Thrina niya at niyakap ng sobrang higpit. “I’m so sorry, Tim. Wala akong ibig sabihin sa sinabi ko kanina. Sorry about kay nanay,” puno ng sensiridad na anito. Habang ang ate Thea naman niya ay hinahaplos ang kanyang likod. Umiling si Themie saka natawa. Pero sa loob-loob niya ay sobrang peke nun. “Keri bels lang, ate Thrina. Anu ka ba! Sanay na akong masaktan. Me is so manhid na,” aniya, pinaarte ang boses. Nailing naman si Thrina at ngumuso. “Basta sorry, ha.” Muli siyang tumango. Tumikhim naman si Thea dahilan para maagaw nito ang atensyon nila. “Tim, nga pala. May sadya kami sa ‘yo ni Ate Thrina.” Her forehead creased. “Ano ‘yon mga ate?” Pinagitnaan ni Thea at Thrina ang bunso nilang si Themie sa edge ng kama. Nakaupo sila doon at magkakaakbay ang mga braso. “Alam mo naman ‘di ba na may boyfriend na ako.” Themie nodded sa sinabi ng ate Thrina niya. “And Teo just proposed to me last week. And… I said yes,” dagdag pang sambit ni Thrina sabay taas ng daliri niya. Namilog ang mga mata ni Themie dahil sa kumikinang na singsing doon. “Hala! Congrats ate ko!” aniya, pinipigilang mapatili lalo na nang isenyas ni Thrina na ‘wag maingay. “Sorry naman. Pero baka naman buntis ka na ate, kaya ka magpapakasal—aray ko po!” ngiwi niya nang batukan siya ng ate Thrina niya. “Gaga! Hindi pa. We’re using protection kaya,” ani ng huli sabay humagikhik. Napangiwi naman si Themie dahil doon. She’s already twenty seven pero naiilang pa rin siya sa ganoong usapin. Wala kasing magkamali sa kanya noong college kaya parang double man ang katawan niya sa laki, single since birth naman ang status ng relationship niya. Saklap lang pero kiber niya. Naniniwala pa rin siya na time will come, may lalakeng darating sa buhay niya kung saan si Themie lang ang maganda sa paningin nito kahit na hindi naman totoo. “You should congratulate me too, Tim,” ani Thea. Bumaling si Themie sa huli. “Congratulations then, ate Thea—aray ko po, bugbog sarado talaga ang beauty ko sa inyong dalawa,” pag ngiwi ni Themie dahil sa pangalawang pagkakataon ay nakatanggap siya ng batok mula naman sa ate Thea niya. “Gaga ka talaga. Ang bilis mong kausap. Hindi mo ba tatanungin kung para saan ang pag-congratulate mo sa akin?” naka-arko ang kilay na ani Thea. Hinimas ni Themie ang batok niya. “Hindi. Hindi naman ako tsismosa—joke lang. Para saan nga ba ate ko?” bawi niya dahil sinamaan na naman siya ng ate Thea niya ng tingin. “Nabanggit ko na sa ‘yo si Joaquin ‘di ba? Iyong manliligaw ko? Sinagot ko na siya kahapon.” “Masaya ako para sa inyo mga ate ko!” Hindi na napigilan pa ni Themie at niyakap niya ang dalawa. Pero sa kabilang banda ng isip niya ay hindi niya maitatangging naiinggit din siya sa mga ito. Curious siya kung ano baa ng pakiramdam ng may kasintahan. Siya, never pang nagkaroon. Pero ang mga ate niya dahil sa magaganda ang mga ito, lumagpas na sa dalawa ang naging karelasyon nila noon. “Oh bakit? Anong meron?” tanong ni Themie nang magkalas silang tatlo. Nakatayo na ang dalawa niyang kapatid sa harapan niya. “Hindi lang ‘yon ang sadya naming,” ani Thrina. “Sabihin mo na Thea.” Tumango naman ang huli. “Now that you know na may kanya-kanya kaming serious relationship ni Ate Thrina, oras na rin para magka-jowa ka.” “Ay naku, waley pa ‘yan sa isip ko mga ateng.” Pag-iling ni Themie saka tumayo. “Sige, may gagawin pa pala ako—” Tinulak siya ng ate Thrina niya sa balikat at pinaupo ulit. “Gusto mong mapansin ka ni Nanay ‘di ba?” “Gusto mong matuwa siya sa ‘yo?” dagdag naman ng ate Thea niya. Without a second thought, Themie nodded. Kahit hindi halata, sabik siya sa atensyon ng ina. “Well then, let’s go. Puntahan natin ang forever mo,” ani Thrina. Nakipag-appear pa kay Thea bago hinila papalabas ng bahay si Themie. “T-teka lang naman mga ate! Saan niyo ako dadalhin?” protesta ni Themie nang sumakay sila ng dyip. Nakakahiya lang at naka-pantulog pa siya. Di niya nga sure at baka may laway pa sa gilid ng labi niya. “We told you, pupuntahan natin ang forever mo,” ani Thea. “My God! Sana pala nag-gown ako mga ate!” biro niya na tinawanan lamang ng dalawa. Matapos nilang bumaba sa dyip ay tricycle naman ang sinakyan nila. Tuluyan nang nangunot ang noo ni Themie nang mapansing papasok na sila sa pamilyar na pinakamalawak na farm sa buong bayan. Ang Recto Farm. “Mga ate akala ko ba ay ayaw ninyo kay Makisig?” alanganing saad niya. Kunwari wala siyang na-realize pero napagtanto niyang parang ang huli ang tinutukoy ng mga kapatid niya na forever niya. Si Makisis Recto? Forever niya? Mas malabo pa iyon sa blurb! Kaloka naman ang mga ate niya. Buti sana kung gano’n siya kaganda at sexy sa kanila, okay pa. Magiging proud pa siya. Kaso kasi si Makisig ang lugi sa kanila kapag nagkataon. “Ayaw nga namin. Pero gusto namin siya para sa ‘yo,” ani ng ate Thea niya. Anak ng! Sinasabi na nga ba! “Pero hindi niya ako gusto. Kaya wala rin. Tara uwi na tayo,” aniya pero pinigilan siya ng dalawa. “Alam mo kung bakit gustong gusto ni Nanay maging manugang si Makisig?” tanong ng ate Thrina niya. “Repsonsable, masipag at madiskarte sa buhay,” bagot na sagot ni Themie. Totoo naman kasi. Iyon nga lang ay ubod ng sungit ang lalake. Mga palay at hayop ata ang tinuturing nun na kasintahan at kulang na lang pakasalan dahil sobrang subsob sa trabaho dito sa farm. Iyon ang sabi ng nanay nila. Madalas nitong ibida si Makisig sa mga ate niya kaya alam na alam ni Themie. “Exactly. At ganong lalake ang gusto naming maging nobyo mo. Tim, we are not only doing this dahil lang para matakasan si Nanay. Ginagawa namin ito para sa ‘yo. Nakikita naming mabuting tao si Makisig. ” ani Thrina. “Oo nga mga ate. Pero choosy kasi ang beauty ko. Ayoko sa mga masungit,” ani Themie. Nagfi-feeling choosy lang siya pero sa totoo lang ay alam naman niya na malabong magkagusto sa kanya si Makisig. Ang mga ate niya nga ay ubod ng ganda, hindi magawang pansinin. Siya pa kaya. “Sabi nila ang mga lalakeng masungit, iyon pa daw ang masarap magmahal. Kasi tingnan mo, hindi siya lilingon sa iba. Kapag nahuli mo ang kiliti nila, for sure, hindi ka na niya pakakawalan pa,” ani naman ni Thea. “Eh kahit na.” Hindi pa rin kumbinsido si Themie. Posible ngang magustuhan niya si Makisig. Ang tanong, i-like back din kaya siya? Oh baka ma-snob zone lang siya nito. “Saka Tim, isipin mo, mga pananim at hayon nga inaalagan, ikaw pa kaya,” ani naman ng ate Thrina niya. “Grab this opportunity, Themie. I’ve heard na isa nga raw sa mga anak nina Tatay ang gusto ni Tito Fernando para sa anak niya.” “Ate, kayo lang ‘yon no,” aniya kay Thrina. Malabong mangyari na kasali siya doon. Nanay niya nga naniniwalana hindi siya papatulan ng lalakeng iyon. Nailing naman ang huli. “Ano ba’ng ayaw mo kay Makisig? Ito ha, iisa-isahin ko nang matauhan ka,” anito. “Bukod sa mga katangiang sinasabi mo, tingnan mo naman! Ang tangkad niya! And his eyes, para kang nakatitig sa karagatan, then ‘yong ilong, aristocratic, Tim! Tapos… tapos ‘yong labi, parang makopa, ang pula-pula. Saan ka makakakita ng ganyang ka-hot na magsasaka, ‘di ba? Tapos ang katawan—” ani Thrina, nakatingin na sa unahan. Nang lingunin ni Themie kung saan nakatingin ang ate niya, may Greek God na kakaahon lamang sa putikan na paparating at naglalakad patungo sa direksyon nila. “—Abs pa lang pamatay na. Kung ikaw ay may monay, siya naman ay may pandesal,” dagdag pang anito at nagsimulang maglakad, marahan pa siyang tinutulak papalapit sa lalake. “Bagay na bagay, pareho kayong tinapay. Kaya simulan mo na ang pang aakit,” dugtong naman ng ate Thea niya sabay tulak sa kanya ng malakas nang ilang dipa na lamang ay makakasalubong na nila si Makisig. And because of her clumsiness, nadapa si Themie mismo sa harapan ng pinaka-hot na magsasaka sa bayan ng Marcelino Zambales. Sayang nga lang at sa putikan siya sumubsob, hindi sa kumikinang na abs nito. Napapikit siya. Hindi pa man ay na-fall na siya ng wala sa oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD