Kabanata 2

1563 Words
“IT’S my birthday next week. Sana naman ay makuha ko na ang regalong halos limang taon ko nang inaasam,” madramang parinig ni Fernando Recto sa anak niyang si Makisig. While the latter seems so busy of something at parang wala lang sa kanya ang narinig sa ama. Sanay na kasi si Makisig dito. Matagal na nitong inuungot na mag-asawa siya pero ayaw naman niya. He’s already thirty pero ang isiping pag-aasawa ay hindi pa pumapasok sa isipan niya. O baka nga ay hindi na niya maisipan pa. He’s allergic to woman. Hindi naman siya galit sa mga ito ngunit sadyang lumaki siya na ang nasa mind set niya ay lahat ng mga ito ay mang iiwan din sa dulo. It was based on his father’s experience. Nagkaroon ito ng nobya noon at ayon sa ama ay mahal na mahal nito ang foreigner na nobya. Pero matapos ipanganak si Makisig ay iniwan sila nitong mag-ama na parang wala lang. And that was the reason kung bakit ayaw niyang makipagrelasyon. Hindi sa wala siyang hilig sa mga babae. He also know how to appreciate them. Pero ang totoo ay baka kapag may minahal siya at ibinigay dito ang lahat, maging katulad din siya ng ama. Kaya mas mabuting ‘wag nang magsugal sa larong wala namang kasiguraduhan lalo na at puso niya ang nakataya. “At sa susunod na buwan na rin ang aking kaarawan, Pa. At ang gusto ko lang na regalo mula sa ‘yo ay ang itigil mo na ang pambababae mo.” His father is already fifty five years old pero hindi ito matigil sa pambababae. Kada isang buwan ay iba-iba ang dinadala nito. Ang malala pa ay halos kaedad lang din niya na nauuwi naman sa hiwalayan dahil matapos siyang ipakilala doon ng ama, sa kanya naman tatalon ang babae at aakitin siya. What a shame. May plano pa silang tuhugin mag-ama. Matunong na napahalakhak si Fernando Recto dahilan para matigil si Makisig sa pag-tingin ng mga dokyumento na nasa ibabaw ng kanyang mesa. They has the biggest farm here at Marcelino Zambales at siya lamang mag-isa ang nagpapatakbo nito. “Exactly my son! Ako ang mauunang mag-birthday kaya ibigay mo muna ang regalong gusto ko. Mag-asawa ka na at saka naman ako titigil sa pambababe. Napakagandang palitan ng regalo ‘di ba?” Natigilan si Makisig. Tila naisahan siya ng ama doon. Sa huli ay nailing siya. “It’s still a no.” “What do you think about Lolita’s daughter? The Fedelicio’s? I’ve heard na galing sila dito kahapon.” Pigil ni Fernando sa anak nang makitang palabas na ito ng opisina. Marahil ay maglilibot na ito sa buong farm. “They are beautiful,” Makisig nonchalantly said. “I have to go, Pa.” “Iyon naman pala.” Pigil dito ulit ng ama. “Sige na, anak. Mag-asawa ka na. Walang magmamana ng farm pagnagkataon. Sino ba sa kanila ang natitipuhan mo? Iyong panganay ba na si Thrina? O ‘yong pangalawa na si Thea?” “I just said that they are beautiful pero wala akong natitipuhan sa kanila. They looked like a city girl na parang hindi gugustuhing lumagay sa tahimik dito sa probinsya.” Kung hindi kasi nagkakamali si Makisig ay nabanggit na ng ama noon na architect ang magkapatid na iyon at bibihira lamang kung umuwi. Kung magkaroon man ng himala na isa sa magkapatid ang mapangasawa niya, ay hindi siya papayag na sa siyudad sila manirahan. Paano na lamang itong farm at ilang mga trabahanteng umaasa sa kanya? His father may seems fit, pero masyado na itong matanda para sa trabahong pisikal lalo na at may pagkakataon na bumubuhat si Makisig ng ilang kaban ng palay o bigas kapag anihan. May mga alagang hayop din siyang mino-monitor. Isa pa ay abala ang ama sa pambababae. “Oh! Kung wala sa kanilang dalawa ang gusto mo, bakit hindi na lang iyong bunso ang asawahin mo? Nandito lang ‘yon sa bayan nagtatrabaho at balita ko nga ay kasama ito nila Thrina kahapon nang magpunta dito. Binuhat mo pa nga raw na para kayong bagong kasal. Tama ‘yan anak kasi sa honeymoon niyo, gan’on din ang gagawin mo,” tudyo ng ama sa kanya. Nangunot ang noo ni Makisig, hindi inintindi ang huling sinabi nito. Hindi nabanggit ng ama na may isa pang kapatid ang dalawang babaeng nirereto sa kanya. “The chubby girl?” he asked. Iyong babaeng nadapa sa harapan niya at nasubsob ang mukha sa t’yan niya nang subukang tumayo? Malawak naman ang ngiting tumango si Fernando. “Uhuh. Ano? Type mo ba? Asawahin mo na!” Hindi naimik si Makisig. Tanda niya pa kahapon kung paano mag-walk out ang babae matapos niya itong buhatin at dinala isa sa mga upuan at sinuri ang paa nito kung may pilay ba. Pero imbis na pasalamatan siya ay umalis ito na parang wala lang. “Uy! Tipo niya nga! Silence means yes anak,” kant’yaw ni Fernando nang mapansin ang pananahimik ng anak. Tumikhim naman si Makisig at hindi na pinatulan pa ang ama. “I have to go, Pa. Please, ‘wag kayong masyadong maingay ng babaeng dadalhin mo mamaya sa bahay,” aniya saka lumabas sa mini office niya dito rin sa farm. Kaylangan niya nang mag-inspeksyon sa farm. *** PASADO alas dose na ng tanghali nang matapos si Makisig sa paglilibot sa farm nang salubungin siya ni Mang Domeng, isa sa mga magsasaka. “Sir, may naghahanap ho sa inyo kanina pang alas onse. Nandoon ho sa may kubo at may ibibigay ho ata at mukhang may dala.” Nangunot ang noo ni Makisig. Sino naman ang pupunta dito ng ganitong oras lalo na at linggo pa? “Lalake ho ba?” Umiling ang matanda. “Babae ho. Isa ho sa mga anak nina Lolita at Matias.” Sino sa kanila kung gan’on? At ano ang kaylangan niya? Galing na sila dito kahapon pero wala namang sinabi. Matapos kasing mag-walk out nung isa, sumunod naman iyong dalawa. “Sige ho, Mang Domeng. Salamat ho,” aniya saka naglakad patungo sa kubo. Hindi pa man nakakalapit sa kubo ay sinalubong na si Makisig ng naghahanap sa kanya. His forehead creased. Anong ginagawa dito ng babaeng ito matapos mag-walk out kahapon? “What are you doing here?” simpleng saad niya. Hindi niya maiwasang pasadahan ng tingin ang dalaga lalo na at kumpara sa suot nitong pantulog kahapon, naka off shoulder na ito ngayon na ti-nuck-in sa suot na itim na maong na shorts dahilan para malantad ang balikat at hita nito. And Makisig couldn’t deny to his self that he find this chubby girl, cute. Kung ang mga kapatid nito ay makurba ang katawan, ito naman ay sakto lang. Hindi ito iyong tipong kabastos-bastos sa itsura niya ngayon. Instead, she looks attractive. Of course, as what Makisig said, he knows how to appreciate women. Sadyang wala lang siyang panahon sa mga ito dahil sa dinanas ng kanyang tatay. May mga mata siya, kaya natural na alam niya kung alin ang maganda sa hindi. “Hi!” masiglang bati nito saka naglakad papalapit sa kanya. “Kaya pala ang init ng panahon kasi nakahubad ka,” banat nito sabay pasada ng tingin sa hubad niyang pang itaas na ikinanuot ng noo ni Makisig. “What do you mean?” he asked. Anong pinagsasabi ng babaeng ito? Anong connect ng panahon kung wala siyang damit na suot? The lady chuckled and shrugged her shoulder. She extended her right arm on her. “I’m Themie. Or Tim for short! Pasensya ka na pala kahapon kung nag-walk out ako. Hindi lang ako makapaniwala na binuhat mo ako. Now I’m worried kung napilayan ba ang mga braso mo dahil sa bigat ko.” Mabigat? Walang-wala pa ang bigat ng babae sa mga binubuhat niya. “No problem,” simpleng saad niya, hindi na inabot ang malambot na kamay ng babae. Madumi kasi ang kamay ni Makisig at feeling niya ay madudumihan niya ang maputing balat nito. Tumango naman ang huli, binaba na ang kamay. “Nga pala. Pinagluto kita ng lunch. A token of appreciation sa ginawa mo sa akin kahapon,” anito sabay abot naman sa kanya ng lunchbox. Napatitig doon si Makisig. And he couldn’t fathom why all of a sudden, he imagined her as his wife at dinadalahan siya ng luto nito araw-araw. He shook his head and cursed at his mind. Sh*t! Saan nanggaling ang kaisipang iyon? Bakit? Dahil ba ito ang unang beses na ipinagluto siya ng babae kaya pakiramdam niya ay naantig ang puso niya? Meron silang cook sa bahay at iyon ang nagdadala ng pagkain ng mga trabahante dito sa farm pero lalake. Kaya hindi maintindihan ni Makisig kung bakit bigla na lamang siya nakaisip ng ganoon. “Ay ayaw mo? Ano ka ba!” anito sabay tampal sa braso niya. Napa-lip bite pa ito pagkatapos. “Don’t worry, walang love potion ‘tong niluto ko. Kung gusto kong mapa-ibig ka, aba syempre naman, beauty at alindog ko ang gagamitin ko.” Then she chuckled. Makisig clenched his jaw. Tila ang naiisip niya kanina ay bulang naglaho dahil sa narinig. Sinasabi na nga ba! Dahil wala siyang natipuhan sa mga kapatid nito, marahil ay ito naman ang pinangpain sa kanya ng ama para siya ay mag-asawa na. But sorry to say, hindi gagana ang plano ng mga ito. “Salamat. But I am expecting that this would be the first and the last time na gagawin mo ito. Tell my father that your mission—failed,” aniya sabay abot sa dala nito. Titikman niya lang kung masarap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD