Kabanata 3

1768 Words
Won’t Work “SIYA na nga itong sinusuyo, choosy pa!” Napairap si Themie sa kawalan! Hmp! Todo effort na nga siya sa pagpapaganda, pero ligwak pa rin ang beauty niya! Sinasabi na nga ba eh! Ang sungit lang ni Makisig Recto. Saka bakit niya naman sasabihin sa tatay ni Makisig na mission failed siya? Hindi naman sila close nun ano! Saka na lang kapag asawa niya na ang binata! Echos! Hay! Kung hindi lang dahil lovelife ng mga ate niya ang nakasalalay dito, nuncang aakitin niya nga si Makisig Recto. Katakot-takot pang sapilitan at pangungunsenya ng mga ate niya sa kanya para lang umayon siya sa mga gusto nito. Saka isa pa ay bonus na rin na baka sakali ay mapansin na rin siya ng ina. Iba na kasi talaga ang maganda. Hindi nawawalan ng kasintahan. Habang siya, ni isa, walang nagkakainteres sa kanya. Kaylangan niya pang maglagay ng effort para lang mapansin siya. Hindi niya pa alam kung seseryosohin siya. Pero kung alam lang ni Makisig na sapilitan pa ang pagsuot niya ng off shoulder at maong shorts kanina para tingnan siya nito. Pinilit lang siya ng mga ate niya kaninang umaga bago umalis paluwas ng Maynila. Binilhan pa siya kahapon ng ilang piraso nun at gano’n daw ang susuotin niya kapag pupuntahan si Makisig. Ang hindi lang alam ng mga nun ay feeling niya nakahubad siya. Saka isa pa ay hindi naman siya sexy sa suot niya. Hindi naman kita ang collarbone niya! Natatakpan ng taba. Muling napairap si Themie sa kawalan habang naghihintay ng dyip na masasakyan pauwi sa kanila. Ang init! Napapapaypay siya sa sarili. Todo effort pa siya pero pauuwiin lang. Pero kiber lang kasi ang sabi nila, ang tunay na maganda, hindi takot magpainit. Panindigan niya na. Charot! Huh! Muli niyang naisip ang itsura ni Makisig nang magsalubong ang kilay nito nang mabanggit niya ang tungkol sa gayuma kanina. Anong mission failed? Give up na ba agad siya? Siyempre hindi. Wala sa vocabulary niya ang sumuko, bagkus, nangunguna sa listahan niya ay ang mga salitang—mapaibig ito. Saka siya lang ‘yong sinusukuan pero si Themie, never susuko. Mapapaibig niya rin ang isang Makisig Recto. For the sake of her ate’s love life. Kahit siya na ang magsakripisyo sa kanilang magkakapatid. Saka hindi na rin naman masama. Good catch na ang magsasakang kulay asul ang mga mata. Ito pa nga ang lugi sa kanya kapag nagkataon. Hehe! Nang sa wakas matapos ang ilang minuto ay nakasakay na nga siya ng dyip. Pinagtitinginan pa siya kaya inalis niya ang pagkatali ng buhok niya. *** “SAAN ka galing? And why are you wearing that kind of clothes?” masungit na bungad ni Lolita sa anak niya pagkarating nito sa bahay. Nagawa pa nitong pasadahan ng tingin si Themie mula ulo hanggang paa. Nag-iwas ng tingin ang huli. “M-may pinuntahan lang ho.” She walked towards her mother saka nagmano. “Sige ho, Nay. Akyat na ho ako sa kwarto ko.” Nang wala nang makuhang tugon mula kay Lolita ay umalis na si Themie at umakyat sa hagdan. Pagpasok sa kwarto ay nagpahinga muna siya ng kalahating oras bago napagdesisyunang maligo. After taking a bath, kinuha niya ang kanyang laptop at nag-browse sa internet. Nag-search siya ng mga pwedeng gawin kung paano mapaibig ang isang masungit na lalake. Sa dami ng results na lumabas, isa lang ang nakaagaw sa atensyon ni Themie. “A way to man’s heart is through his stomach,” basa niya dito. Hmm. Gasgas nang masyado ang kasabihan pero malay ba ni Themie na baka nga effective. Pero syempre nakaisip siya ng kalokohan. Umangat ang sulok ng kanyang labi. Ihanda mo na ang nalalabing araw mo bilang single, Makisig Recto. Dahil sisiguraduhin kong ‘I do’ ang bagsak nating dalawa. Napahalakhak si Themie sa naiisip. Assume pa! Baka isumpa ka ni Makisig Recto sa plano mo! Kontra ng kabilang isip ni Themie. *** SUMUNOD na araw ay lunes. May pasok siya sa trabaho at wala siyang gaanong oras ngayong araw kaya gumising na lamang siya ng maaga at pinagluto si Makisig ng almusal kasama na rin ang pananghalian. Matapos niyang gumayak at magpaalam sa magulang na tutulak na paalis ay nag-abang na siya ng dyip. Total naman ay nadadaanan ang papuntang farm sa eskwelahan, iiwan niya na lang doon ang lunch box. “Maganda pa sila sa umaga, Manong Domeng!” bati niya sa matanda nang maabutan niya ito saktong pagbaba niya ng dyip. Inabot niya dito ang lunch box. “Nandyan na po ba si Makisig?” aniya, palingon-lingon pa sa loob ng farm, kahit imposibleng makita niya doon ang binata. Sa lawak ba naman ng lupain nila. “Maganda ka rin naman sa umaga, Tim! Aba’y sumi-sexy ka ata ngayon? Nagda-diet ka ba? Naku, ‘wag mo nang gawin iyon. Kasi may lalakeng darating sa buhay mo na tanggap kung ano ka. May mga lalake pang hindi tumitingin sa panlabas na kaanyuan.” Napahagikhik si Themie. “Heto naman si Manong, ang daming sinabi. Hindi ako nagda-diet ano. Ang sexy ko kaya. 34-24-34 ang vital stats ko,” pabirong aniya. Charot lang naman. ‘Di naman masamang mangarap. “Malabo ho ba ang mga mata niyo at hindi ninyo makita?” dagdag pa niya at umikot sa harapan ng matanda na tinawanan lang siya. “Ikaw talaga. O siya ano nga ba ang sadya mo rito? At para saan itong inabot mo?” “Ay oo nga po pala. Pakiabot po nito ng niluto ko sa future daddy ng magiging mga anak ko na si Makisig Recto. Pakisabi ho, kumain siya sa tamang oras,” aniya. “Saka nga ho pala, pakidagdag sa sasabihin niyo na, hindi pa po mission failed. Kasi sisiguraduhin kong puso niya ang susuko sa akin. Iyon lang! Salamat! Bye! ‘Gogora na ang aking beauty,” aniya saka kumaripas na ng takbo, hindi na nilingon pa ang matanda kahit tinatawag siya nito. Sa loob ng limang araw ay ganoon ang naging routine ni Themie. Mabuti na lamang at parati niyang naaabutan si Manong Domeng. Hindi na siya nagtatanong kung kinakain ba ni Makisig ang mga luto niya dahil wala namang sinasabi ang matanda. Basta ay inaabot na lang ng huli ang paperbag kay Makisig. Nang dumating naman ang araw ng sabado ay medyo tinanghali siya ng nagising. Kahit hindi nakauwi ang dalawa niyang kapatid ay sinobrahan pa rin niya ang nilutong bicol express para sa idadala kay Makisig. Nang matapos magluto ay umakyat siya taas para maligo. Sasaluhan niya na lang si Makisig sa pag kain ng lunch total naman ay nagkukulong ang nanay niya sa kwarto. Paniguarong hindi iyon sasabay sa kanya kung sakali mang tawagin niya. Saka isa pa ay wala rin ang tatay niya at nasa kabilang bayan nagtatrabaho. “Nay,” katok niya sa pinto ng kwarto nito bago siya umalis. “Nakapagluto na ho ako. Kung nagugutom na ho kayo, pwede na kayong kumain.” Hindi na hinintay pa ni Themie na tumugon ang ina. Imposible kasing mangyari iyon. Katulad ng bilin sa kanya ng dalawang kapatid, panibagong kulay naman ng off shoulder na blouse na pinaresan niya naman ng skirt ang suot niya ngayon. Nag-aabang ulit siya ng dyip. Pero this time ay may dala na siyang payong. Hindi niya pala keri ang init. Namumula ang balat niya. Saktong alas onse naman nang makarating siya sa labas ng farm. Nagtuloy-tuloy na siya papasok sa loob nang makitang may trabahanteng papaalis. Binati niya iyon ng magandang tanghali kahit hindi niya kilala. “Si Makisig ho ba ay nandyan?” aniya. Tumango naman ang binatilyong nakasalubong niya. “Nandoon ho ma’am sa opisina niya.” Matapos magpasalamat ay naglakad na siya papunta sa opisina ng future daddy ng mga junakis niya. She knocked three times bago pinihit ang knob nang marinig ang baritonong boses nito. “Come in,” ani Makisig. Pumasok naman sa loob si Themie at napasinghap siya nang makitang wala na naman saplot pang-itaas ang future hubby niya. Nakadagdag kasi ng appeal dito ang ilang butil ng tubig na tumutulo sa katawan nito. Kita ni Themie ang pag-angat ng tingin ni Makisig nang tumikhim siya nang makabawi. Agad na nagsalubong ang kilay nito bago naupo sa swivel chair niya. He crossed his arm on his chest saka sumandal doon. “You again. What do you want this time?” Nag-iwas ng tingin si Themie at napakagat labi. Ang hot naman kasi talaga ng lalakeng ito. Bakit wala itong kasintahan? Sayang naman! Pero don’t worry. Ngayon na nandito na siya, hindi na masasayang ang gandang lalake nito. “Hi!” She smiled and walk towards him. Inilagay niya sa ibabaw ng mesa ang paperbag na dala at dumukwang ng konti, dahilan para malantad ang cleavage niya. Jusko po! Hindi siya sanay sa ganito. Wala siyang alam sa pangaakit at isa pa’y hindi kaakit akit ang katawan niya pero sana naman ay tumalab sa isang Makisig Recto. Isa pa’y babae din naman siya. “I brought you lunch. Bicol express dahil katulad ng siling inilagay ko dito, ang puso ko ay lumalagablab para sa ‘yo,” banat ni Themie sabay kindat sa lalake. Umangat naman ang sulok ng labi ni Makisig at pinaglaruan nito ang kanyang baba. “Are you seducing me, woman?” imbis na tanong nito. Napakurapkurap naman si Themie saka agarang umiling. “H-ha? B-bakit naman kita aakitin?” “Tell me,” ani Makisig. “Iyan lang bang niluto mo ang iaahin mo sa harapan ko?” tila pilyong saad nito. Napa-huh si Themie. Anong pinagsasabi ng future asawa niya? May iba pa ba siyang dapat ihain? “O-oo naman ano!” Paismid na natawa si Makisig. “You’re showing me your cleavage. Is that my dessert?” Namilog ang mga mata ni Themie dahil sa narinig. “B-bastos!” aniya sabay sampal dito. Themie never thought he could be this blunt. Napatayo naman si Makisig. Umigting ang panga nito kaya napapikit si Themie sa takot na baka saktan siya nito. Pero nakakailang segundo na ay hindi niya maramdaman ang pananakit nito sa kanya. Kaya gano’n na lamang ang kanyang gulat nang makita niyang iniangat ni Makisig ang suot niyang off shoulder na blouse dahilan para matakpan ang nakalantad na pisngi ng kanyang dibdib. Inalis din nito ang pagkakatali ng kanyang buhok at inilugay sa kanyang harapan. Hinuli ni Makisig ang mga mata ni Themie at tinitigan ng diretso saka nagsalita. “Showing off your skin won’t seduce me. It won’t work on me. Go home, woman. I don’t flirt. Unless you know things about Agriculture.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD