No Way
NAKAPAGTATAKANG pasado ala una na ng hapon ay wala pa ring nagdadala ng paper bag kay Makisig na may laman ng lunch box para kainin niya. Maya’t maya ang pag-abang niya at baka na-late lang ang babaeng iyon sa paghatid ng makakakain niya. Galing siyang San Antonio at may kinausap tungkol doon sa ilang produktong inaangkat niya. Hindi niya rin matyempuhan si Manong Domeng na madalas mag-abot sa kanya nung paperbag.
Hindi naman maarte si Makisig. Alam niya ang ginagawa ng babaeng iyon kung bakit panay ang hatid sa kanya ng pananghalian. Marahil ay kinausap ito ulit ng tatay niya para paibigin siya. Ayaw niya man ang ginagawa ng babae, sa loob ng limang araw ay nasanay na siya sa luto nito. Kung hindi lamang masarap ang mga niluluto nito ay nuncang kakainin niya iyon. Iyon kasi ang unang beses na nakatikim siya ng luto ng iba. Kapag kasi hindi kilala ang cook, hindi niya rin iyon kakainin.
Muling napatingin sa kanyang pambisig na relo si Makisig para i-check ang oras bago niya iyon hinubad. Tutungo pa siya ngayon sa sakahan at buwan ngayon ng taniman.
Labing limang minuto na lang at mag-aalos dos na ng hapon. Kumukulo na ang kanyang sikmura dahil kanina pa siyang hindi kumakain at inaasahan niyang may aabutan siyang pagkain dito sa opisina niya.
Nailing si Makisig sa sarili, naiinip na. Hindi siya iyong tipo ng lalakeng pasensyoso. Ayaw niya ng nasasayang ang oras niya. He went outside his office at saka nagtungo sa sakahan. At bakit nga ba umaasa siya na hahatiran pa siya ng dalaga ng pagkain? Eh parang napahiya iyon kahapon sa sinabi niyang hindi siya madadala sa pang-aakit nito.
Nagsalubong ang kilay ni Makisig nang malapit na siya sa sakahan nang makitang tila yata at sobra ang magsasakang nagtatanim ngayon. Isa sa mga trabahante niyang si Jojo ay may kasama sa isang raya at inaalalayan ito sa pagtanim.
“Sir, magandang hapon. Nandito na ho pala kayo. Kumain na ho ba kayo?” bati ng isa sa asawa ng trabahante niya nang makita siya.
“Who’s that? Sino ho iyong tinuturuan ni Jojo sa pagtatanim?” imbis ay tanong niya, hindi inaalis ang tingin sa sakahan.
“Ah, si Themie ho iyan. Hindi nga ho namin alam kung bakit biglang nag-volunteer na magtanim ng palay, halata namang hindi marunong. Ayaw naman sanan naming patulungin at ang puti-puti, sayang ang kutis. Kaso mapilit. Natinik na nga ho iyan ng—”
“What?” hindi niya na pinatapos ang ginang at agad na nagtungo doon sa kinalalagyan ng babaeng iyon.
Dinig pa ni Makisig ang paghagikhik nito nang tuluyan siyang makalapit. He cleared his throat to get her attention pero masyadong nakatutok ang babae sa ginagawa. Hindi tuloy maiwasan ni Makisig na pasadahan ito ng tingin.
Kahit puro putik na ang kasuotan, hindi pa rin maitatanggi ang pamumula ng pisngi nito dahil sa init. Tila wala rin itong arte kahit sobrang dumi-dumi na ng mukha nito. Maging ang itim nitong buhok ay puro putik na.
He was engrossed staring at the woman at hindi niya namamalayang napalingon na ito sa kanya. At mas lalong natigilan si Makisig nang malawak itong ngumiti sa kanya.
“Hubby ko!” saad ni Themie at dali-daling nagtungo sa kanya. At dahil sa pagmamadali nito ay muntik na itong masubsob sa putik kong hindi lang siya maagap at sinalo ito.
Makisig mentally cursed. Such a clumsy woman. “What are you doing here?” tanong niya, hindi pinapansin ang pagyapos ng yakap ng dalaga sa kanya. Nakapalibot na ang mga braso nito sa leeg niya dahilan para malagyan ng putik ang suot niyang longsleeve na ginagamit niya sa pagsasaka.
“Flirting with you,” saad nito. She even batted her eyelashes.
“I don’t flirt. I told you that,” asik ni Makisig at hinila ito patungong kubo. Pinaupo niya ito doon at lumuhod sa harapan nito. Tinanggal niya ang botang suot nito at sinuri ang paa at baka may pilay na naman.
“You said you only flirt with me if I know things about Agriculture. There, nagtanim na ako. You can flirt back with me na.” Tinaas baba ni Themie ang kanyang magkabilang kilay.
Umangat ang sulok ng labi ni Makisig ngunit hindi na naimik pa. Ibang klase. Ano kaya ang sinabi dito ng tatay niya at ganito na lang kapursigido ang babae sa kanya?
“May masakit ba?” he asked, still checking her feet. Naka-squat siya sa harapan nito habang ang dalawang paa ni Themie ay nakapatong sa mga hita niya. Sobrang kinis ng balat ng babae at paniguradong makukonsensya si Makisig kapag nagkasugat ito dahil sa ginawa niya.
Tumingala siya nang walang makuhang sagot sa babae. Sakto namang nagtama ang paningin nila. She smiled. “Kapag sinabi ko bang meron, may magagawa ka ba?”
“I’ll massage it or we’ll gonna let the doctor check it.”
The lady pouted. “Hindi doctor ang may lunas sa nararamdaman ko, ikaw. Kaya flirt back please,” saad pa nito saka kinindatan siya.
He heaved a sighed. He doesn’t know what’s on her banat or sadyang maypagkaisip bata lamang ang babaeng ito. He continued checking her right foot at hindi naman iniinda ng babae ang paghawak niya.
“Magtanim ay ‘di biro, maghapong nakayuko, kapag si Makisig nilandi ako pabalik, paniguradong siya ay masasabik.”
Makisig can’t help but chuckle. The woman were out of tune but then, he finds her cute.
“There. Wala ka namang sprain,” he said saka naupo sa harapan nito. He even crossed his arm on his chest. Naninibago siya sa babae ngayon. Mula sa off shoulder na suot nito kahapon, ngayon naman ay long sleeve ang suot nito.
“So, ano na? Kapag you flirt back with me, tutulungan kita dito sa lupain niyo. Ikaw taga tanim sa umaga, ako naman taga hilot sa ‘yo sa gabi. Naks! Relationship goal ‘di ba?” hirit na naman nito.
He shook his head. He was about to say something pero kontrabida ang tyan niya at kumulo ito.
Namilog naman ang mga mata ni Themie at agad na dinaluhan siya. “’Shems! My hubby’s hungry! Anong klase akong future wife! Hindi kita napakain ng tama. Here, hubby, ipinagluto kita kaninang umaga,” anito at inabot ang paperbag na nasa mesa. “Malamig na ang lunch mo pero ako, never manlalamig sa future relationship nating dalawa,” banat pa nito saka inilabas mula sa paper bag ang dalawang lunch box.
Alam naman ni Makisig na malamig na ang pagkain niyang iyon. Pero natakam siya nang makita kung ano ang niluto nito. Menudo iyon at may kasama pang prutas pang-dessert.
“Menudo, para pag-ibig natin sa isa’t isa ay todo-todo.”
Nailing na lamang si Makisig sa mga banat nito. Hindi niya na alam ang gagawin sa babaeng ito at isang araw bigla na lamang sumulpot sa buhay niya at ngayon nga ay kinukulit siya.
***
SUMAPIT ang hapon na pakiramdam ni Makisig ay hindi naman nasayang ang oras niya. Hindi niya hinayaang bumalik ang dalaga sa sakahan pero nagpumilit naman. Magpapakitang gilas daw ito sa kanya. Kaya ang ending, imbis na si Jojo ang magturo dito sa tamang pagtatanim, siya na ang umalalay kay Themie.
He won’t deny that she’s a fast learner. Tila professional din ito at nakikita niyang gusto talaga nito matuto. Although, may mga oras na babanatan siya nito ng kung ano, pero madalas ay seryoso ito. Ni hindi niya ito narinig na magreklamo sa ginagawa.
***
“KAMUSTA ang pakikipaglambingan sa gitna ng sinag ng araw at nasa putikan kahapon, Son?”
Naihilot ni Makisig ang kanyang sintindo. Madaling araw pa lamang at heto siya nagkakape bago tumulak papunta sa farm pero heto ang tatay niya at nagiimbento na naman kung ano. Sinabayan pa talaga siya sa paggising ng maaga na hindi naman nito ginagawa.
“Kung alam ko lang na si Themie Fedelicio ang tipo mo, matagal ko na siyang nireto sa ‘yo. Pero akalain mo nga naman, kusa kayong nagka-develop-an,” sambit pa nito at tinapik si Makisig sa balikat. Malawak ang ngiti nito, iyong ngiting tagumpay.
So, that woman has nothing to do with his father?
“Dad, it’s not like what you think. Hindi ko nga alam kung bakit nagpupunta iyon dito—” paliwanag niya pero pinutol na naman siya ng ama.
“At araw-araw ka pang hinahatiran ng pagkain. At sa tingin ko ay nagugustuhan mo naman.”
Hindi na magtataka si Makisig kung bakit alam ito ng ama niya. Paniguradong may mga mata ito sa farm.
“Dad, I told you, I know how to appreciate women. Hindi naman ako bastos para hindi kainin ang niluto niya. She put effort to it.”
Fernando shrugged his shoulder. “And do you know the saying that, ‘The way to a man’s heart is through his stomach’? I bet no.” Umiling ang matanda pero matunog naman na humalakhak. “Oh no, kaylangan ko na talagang i-delete ang mga contacts ko sa mga babae. Panigurado, magandang palitan ng regalo ang magaganap ngayon sa nalalapit na kaarawan nating dalawa.”
Binalewala na lamang ni Makisig ang mga pinagsasabi ng ama. Ayaw niyang mag-isip ng malalim. Kasi mukhang tama ito. Hindi pa man at anim na araw pa lamang ay hinahanap-hanap niya na ang niluluto nito.
Don’t tell me na dahil lamang sa lutong bahay siya titiklop?
Kaylangan niyang ingatan ang puso niya. Kasi nandoon pa rin iyong posibilidad na baka matulad siya sa ama.
Kaya naman pagdating niya sa farm, ni ang buksan ang paper bag at basahin ang nakasulat na banat doon ni Themie ay hindi niya na inintindi. Nagtaka pa ang matandang trabahante sa pag-iling niya.
“Sa iyo na ho iyan Manong Domeng. At pakisabi kay Miss Fedelicio na itigil niya na ang pagpapadala nito sa akin. Hindi ko gusto ang mga niluluto niya at nasisira lamang ang t’yan ko.”
There’s no way she could win his heart.