CHAPTER 26 "ALI XANE"

2178 Words
PENNY Nang isilang ko si Ali kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko. Kamukha sya ni Alessandro. Malungkot parin ako dahil di man lang sila nagkitang Mag ama. Siguro ay napakasaya ni Aless kung naabutan nya si Ali. Labis parin akong nalulungkot pero wala na rin naman akong magagawa kaya ibubuhos ko na lamang ang pagmamahal ko kay Baby Ali. Nakiusap ako kay Tita na Baka pwede na sa Apartment nalang muna kami Tumira. 2 naman ang kwarto doon kaya kahit doon na kami ni Baby sa mas maliit na room at doon nalang sila ni Tito sa kabila. Naaawa kasi ako sa Apartment kapag walang nakatira. Mabuti na lamang at pumayag naman sila Tita. Kapag Weekend nalang daw sila uuwi sa Dimasupil at pag weekend naman ay sasamahan daw kaming mag ina ni Jhovell. Hindi nga rin pala madali ang maging isang ina. Andyan yung palagi kang nakabantay sa baby dahil ano mang oras kapag nagutom sya ay kailangan mo syang pasusuhin. Nariyan din na kailangan ay i check mo ang diaper nya na hindi sya pagpapawisan o mababasaan ng likod. May time din na umiiyak sya sa gabi. Kahit sobrang antok mo na wala kang magagawa kundi ang isayaw at ipag hele sya. Minsan kapag tulog na sya di ko maiwasan na mag break down. Napapatingin ako sa larawan ni Aless. Kung sana di lang sya kinuha agad sa amin sana may makakatuwang ako. Kung gaano sya kaalaga sa akin noon sigurado ako na doble siguro kapag sa baby namin. Kapag himbing na ang tulog ni Baby Ali ay sinasabayan ko rin ito para maka idlip rin ako. Mabuti na lamang at di din naman sya masyadong iyakin. May gabi nga lang na ganon ang sabi nila ay baka daw binibisita ni Alessandro yon ang sabi ng nakatatanda. Nagpapasalamat naman ako kina Tita dahil inaalagaan din nila si Baby at hinahayaan nila akong matulog para daw di ako masyadong napupuyat. Sa akin dumedede si Baby Ali, ngunit tinuturuan ko rin ito na mag dede sa bote ngunit breastmilk ko parin naman ang pinapadede ko. Para in case na may mahalaga akong pupuntahan ay di ma iisa alang alang ang kalusugan nya. Sa mga araw na lumilipas ay mahirap ngunit kaya naman. Naka Online class naman ako, kahit papano at nababantayan ko parin si Baby, Napunta lamang ako sa school kapag may kailangan ipasa ng Actual. Kapag sabado at linggo naman ay Si Jhovell ang kasama namin. Bilang Future ninang ni Ali ay talaga namang ganap na ganap agad nito ang pagiging ikalawang magulang sa anak ko. Madalas ding dumalaw sa amin si Mad. Kapag nadalaw ito ay palagi itong may bitbit na mga Diapers, Wipes, Mga iba oang kailangan ni Baby, Ganon daw talaga dahil mag pre presinta daw syang Ninong nito kaya daw palagi syang may bigay dito. Pero syempre di naman sa assuming kami, pero pakiramdam namin baka tulong na naman galing kay Master Venom. "Besh, galing dito si Mad, As usual may dala na namang samu't sari para kay Baby." Nakangiting wika ni Jhovell habang buhat ang anak ko. "Ah ganon, talagang ma i spoiled tong si Ali sa Ninong nya lagi nalang may pasalubong." "Haha kaya nga eh, pero pakiramdam ko baka galing kay MASTER Venom ang iba" "Hmm..ganon? Sa bagay di natin alam e diba boss nya yon?" "Kaya nga eh..pero hayaan mo na penny, hindi naman kayo nanghihingi saka bahala yan si Mad, sya naman ang dala ng Dala dito hehe, kaya tanggap lang ng Tanggap di ba Baby Ali?" Anya pa ni Jhovell habang nilalaro si Ali. Mabilis pang Lumipas ang mga Lingo at Buwan ay ganon parin ang routine namin. Hindi naman masyadong iyakin si Ali. Kaya kapag weekend sinasabi ko kay Jhovell na ayos lang na iwan nya kami sa umaga. Kahit sa gabi nya nalang kami samahan. Pero bago iyon ay Sumisimba muna kami sa umaga saka sila gagala ni Mad. Minsan pa ay gusto nya na isama kami, ngunit ako lamang ang tumatanggi dahil moment nila iyon. Mabuti at napakabait na bata ni Ali, kapag nag lalaba ako ay nilalagay ko lamang sya sa Crib saka ako nagpapatugtog ng mga sleepy sounds o kaya naman ay mga lagaslas ng tubig, maya maya lamang ay makikita ko na lamang syang tulog na. Kapag tulog sya ay napapangiti na naluluha na lamang ako. Naalala ko na naman si Alessandro. Sigurado akong hands on sya kay Baby kung narito lamang sya. Sana ay Nakarga at naalagaan nya rin sana si Baby Ali. Nang tumungtong sa ikatlong Buwan si Ali ay napag desisyonan na namin itong Pabinyagan. 2 pares lamang ng Ninong at Ninang ang kinuha namin. Syempre kasama na doon si Mad at Jhovell. Masaya ako dahil ganap ng Kristyano si Baby Ali. Napaka pogi nyang lalo sa kanyang suot mas lalo syang nagiging kamukha ni Alessandro. Samantala hindi ko naman inaasahan ang matatangap na regalo ni Baby Ali. Hindi ko naman kasi akalain. Hiningi ni Jhovell ang Bank account ko, akala ko kung bakit. Nagulat na lamang ako ng makatangap ako ng tag 50 thousand mg magkasunod na araw galing daw iyon kay Mad ngunit di ako 100 percent na Kombinsido na kay Mad lamang. Siguro ay kay Master Venom ang iba. Hindi ko alam ngunit minsan ay sinubukan ko na i message sya para magpasalamat. Hindi ko alam kung mababasa nya iyon o ano basta sinend ko lang. Nagpasalamat lamang ako dahil sa concern nya noong nakaraan, yon lang yon. Saka ko muling tiningnan si Ali . Totoo pala na kahit anong pagod mo basta nakita mo na masigla at Masayahin ang anak mo at walang iniindang sakit ay para ka na ring nanalo sa Lotto. Ganyan na ganyan ang nararamdaman ko sa tuwing tititigan ko ang Anak ko. Samantala.. ALESSANDRO Nang malaman ko na bibinyagan na si Ali ay nagpadala ako ng pera kay Mad. Sinabi ko na sya na ang bahala. Ang importante kako ay maipaabot nya ang tulong para sa Binyag ni Ali. Alam ko naman na hindi Materialistic si Penny, pero kahit ganon pa man ay gusto ko na suportado ko si Ali. Masaya ako na naluluha habang tinitingnan ang mga pictures ni Baby Ali at Ni Penny. Sobrang Mis ko na silang mag ina. Dinadalangin ko na sana isang araw mahawakan at mayakap ko sila. Hindi ko pa magawang makapag pakita, Hindi ko pa kaya. Pero ganon pa man Gusto ko na naka monitor parin ako sa kanila. Kahit sa Apartment ay pinalagyan ko ng CCtv para makasigurado lamang ako na walang mangyayari sa kanila at nababantayan ko sila. Malayo man ako ay makakahingi ako ng tulong sa oras na may makita akong kapansin pansin na umaaligid sa kanila. Sa bawat araw lingo at buwan na dumaraan kahit papano ay masaya ako dahil nakikita ko sila kahit sa screen lang. Nakikita ko rin kung paano alagaan ni Pennt si Baby Ali especially kapag nagkakasakit ito talagang hands on dito si Penny at alaga nya talaga ito ng husto. Kita ko rin kung gaano parin sya kasigasig sa pag aaral, na kahit meron na kaming anak ay mag aaral pa sya ng kanyang mga aralin. Kita ko rin ang minsang pagkatulala nya habang nakatingin sa Picture Frame na may picture naming dalawa saka ko na lamang sya makikitang umiiyak at nagpapahid ng luha. Na witness ko ang lahat ng yon. "Patawarin mo sana ako Penny, Gustong gusto kitang yakapin pero hanggang ngayon ay kailangan ko paring mag tiis. Pero kahit kailan ay di ka nawala sa puso at isipan ko." mga salitang binitawan ko na di ko maisatinig. Habang nasa Germany ako ay Naka monitor parin ako sa mga Business ko. Nalaman din nila Mama at Papa ang totoo dahil hindi talaga sila Naniniwala na ako ang nasawi. Halos maiyak sila ng makita ako na nakasakay sa Wheelchair. Wala na akong nagawa kundi ipagtapat sa kanila ang lahat. Wala na akong inilihim sa pagkatao ko. Sobrang iyak ni Mama ng malaman na 50/50 ang chance na makalakad akong Muli dahil di biro ang tinamo kung injury. Pero ganon pa man ayaw ko parin mawalan ng pag asa. Kaya kahit sobrang mahirap ay pinipilit ko na lumaban sa buhay. Ipinagtapat ko rin kina Mam ang Pagkakaroon ko ng Anak at ang tungkol kay Penny. Naiyak si Mama at Papa ng ipakita ko ang larawan ng mag ina ko. Nagalit din si Mama sa akin ng pinagtapat ko sa kanya ang ginawa kong panloloko kay Penny, ang pag papanggap ko bilang isang mekaniko ng Talyer. Bat kailangan ko pa daw magsinungaling eh mukang mabait naman daw si Penny. Nagpaliwanag na lamang ako sa kanila. Gusto nilang umuwi ng Pilipinas ngunit sinabihan ko sila na saka na lamang dahil hindi pa ako nakasisigurado sa mga kalaban ko. Mahina pa ako at wala pa akong magagawa kapag nalaman nila na Buhay pa ako at balikan nila ang pamilya ko, kaya sinabihan ko sila Mama at Papa na saka na lamang sila umuwi. Naunawaan naman nila pero abot abot ang kagustuhan nila na makita ang anak namin ni Penny. Ganon pa man, sa ngayon ay sapat na muna sa amin na makita ito sa mga Video tiis na lang muna. Basta darating din ang Panahon na makakasama ko silang mag ina. Samantala 3RD PERSON Mabilis na lumipas pa ang mga Buwan ay nasa ika walong buwan na si Baby Ali. Napaka masiyahing bata nito, kita ang pagka bibo nito kahit na walong buwan pa lamang. Nagsisimula na rin itong kumain mg mga kalabasa at patatas na talagang si Penny pa ang gunagawa. Ganon talaga ito ka hands on pagdating sa Anak. Si Baby ali naman ay nagsisimula na ring gumapang at tumayo tayo sa Crib kaya todo bantay talaga dito si Penny. Isang araw ay dinalaw silang mag ina ni Mad at Jhovell. Nakangiti agad ang bata ng makita ang kanyang mga Ninong at Ninang. Nakataas agad ang kamay nito hudyat na nais nitong magpa karga. Agad naman syang bubuhatin ng kanyang Ninong Mad na ilang linggo ring nawala. Ang sabi ay galing sa ibang bansa kaya pala maraming pasalubong na dala. "Hello Baby Ali, you miss Ninong ah, I miss you too Poging Ali na mana sa Ninong." Anya pa nito habang buhat ang bata. Umemlay naman agad ito sa Balikat ng kanyang Ninong Mad. "Hala haha, prenteng prente sa balikat ng Ninong nya ah haha." "Aba syempre, nararamdaman nya na safe sya sa Buhat ng Pogi nyang Ninong hehe." "Hahahay Grabe no Penny, Biglang humangin, lumakas ata Aircon nyo haha." "Hay nako kayo talagang dalawa hehe ngayon lang nga ulit kayo nagkita nag aasaran pa kayo hehe."Wika naman ni Penny sa dalawang kaibigan. "Oo nga Pen, na miss siguro ako ntan kaya ganyan hehe." "Woi kapal mo ah, Bago magkalimutan asan ang pasalubong mo." "Andyan sa Maleta, buksan nyo na" wika ng binata at tuwang tuwa naman si Jhovell na binuksan ang Maleta. Nagulat pa sila na puro Pasalubong para kay Ali ang laman nito. Halos manlaki naman ang Mata ni Penny ng makita ang maagagandang damit at Sapatos. Nagulat pa sya ng meron din blouse na Kasama at may sandals pa meron ding bag. "Hala, asan yung ibang pasalubong e kay Baby Ali lahat to eh,." "Kay Baby Ali naman talaga yan; nasa isang maleta yung sa inyo, pero Penny para sayo ang blouse at ang Sandals." Anya ng binata saka sila nagkatinginang tatlo. "Huh? Bakit pati ako? Saka bakit ang damit damit at Sapatos ni Ali?" "Oo nga Mad, Hmmm... Galing to kay Master Venom ano? Napakamot na lamang sa ulo ang binata saka umamin. "Oo galing kay Master Venom, Binigay eh, alangan naman na tangihan ko? Saka kahit papano naman nakilala nyo naman sya noon diba, marahil oo di nyo nasilayan ang mukha nya, pero ganon pa man nakitungo naman sya ng ayos sa inyo diba? Since na kwento ko sa kanya yung sitwasyon nyong mag ina ayon gusto nya tumulong. Sino ba naman ako para pigilan sya? Kaya tangap lang ng tanggap para kay Baby Ali naman eh." "Hmm..Para kay Baby Ali, pero may pa blouse at sandals para Sa Mommy Penny hehe ayieee..baka naman type parin nj Master Venom si Penny" "Hmm..Mad Pakisabi salamat, sige tatangapin namin ito, pero pakisabi rin sa kanya na hindi nya kami kailangan gastusan ng Anak ko, kahit papano ay may iniwan naman sa aming pera si Alessandro." Anya naman ng dalaga. "Copy Penny, Sobrang nag ke care lang siguro sa inyo si Master Venom." "Ok, Salamat kamo," wika pa nito saka iniayos ang damit na mga pasalubong kay Baby Ali. Habang tinutupi nya naman ang mga damit ay biglang naalala ni Penny Si Master Venom. Hindi parin ito nag babago. Hindi nya man ito nakikita ay ramdam nya naman ang presensya ng pagtulong nito sa kanilang Mag Ina. Naisip ng Dalaga na parehong Mapagbigay si Alessandro at Venom in a different way. Pero ganon pa man nagpapasalamat sya sa lahat ng tao sa Paligid nya na nagmamahal sa kanilang Mag Ina, lalong lalo na sa anak nya, at isa na doon si Master Venom
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD