CHAPTER 25 "PAGSILANG"

2453 Words
PENNY Pag gising ko ay Puting kisame ang bumungad sa akin. Napagtanto ko na nasa hospital pala ako. Agad akong dinaluhan ni Jhovell. "Penny, kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong nito sa akin. "Ayos lang ako Jhovell, pero..hindi naman totoo na wala na si Alessandro diba? Naiiyak kong tanong dito. "Alam mo Pen, mas mainam na hwag mo na muna isipin. Baka kasi makasama pa sa inyo ng Baby mo, I'm sure na kung andito man si Alessandro hindi nya hahayaan na magkaganyan ka." Anya pa ni Jhovell saka ako niyakap. Maya maya ay dumating si Tita at Tito kasama nila ang dalawang pulis. Dala nila ang necklace na nakuha sa sasakyan na suot pa daw ng isa sa mga sunog na bangkay. Halos manglumo ako ng makita ang necklace na may larawan naming dalawa. Kaya pala iniwan nya yung isang necklace dahil may bago na naman syang ibibigay. Hindi mapatid ang pag iyak ko. Ibinigay nila sa akin ang kwintas. Ang sabi pa ng Pulis ay bukod sa Sunog na ito ay natuklasan din nila na may tama din ito ng bala. Talagang wala na balak na buhayin. Ang dami kong tanong sa sarili ko, Napakabuting tao ni Alessandro, Halos ang isusubo nya na ay ibinibigay nya pa sa akin. Oh hindi ko pa lang ba sya kilalang lubos? Totoo bang myembro ng sindikato si Alessandro kaya nakikipagbarilan sila ng araw na yon?" Samut saring espekulasyon ang napasok sa isip ko. Pero iisa lang ang nasisigurado ko, mabuting tao si Alessandro. Mali ang iniisip nila. Ang sabi ng mga imbestigador ay nasa Driver seat ito. Malamang na Driver ito ng sasakyan. Pero hindi ibig sabihin noon na Isa nang sindikato si Aless tulad ng sinasabi at pinamumuka ng iba. Buong araw akong nasa hospital, hindi naman ako iniwan nila Tita, talagang nasa tabi ko lamang sila. Wala akong ganang kumain, kung di lamang dahil sa baby ay talagang Di Ako kakain pero naalala ko na nasa sinapupunan ko ang anak namin kaya kailangan ko pang lumaban. Ang masaklap pa. Kinuha ng Kamag anak ni Alessandro ang abo nito. Isa sa kanilang kamag anak daw ang kumuha saka Dinala sa magulang nito. Di ko man lang Nakita ang kamag anak ni Alessandro pero di ko masisisi dahil sobrang sakit din sa kanila. Ni hindi ko rin nasabi na meron kaming anak. Ang pagkawala ni Alessandro ang simula ng paglungkot ng Buhay ko. Walang gabi na hindi ako umiiyak dahil inaalala ko sya. Walang gabi na di sya sumasagi sa isip ko, minsan ay magigising nalang ako sa madaling araw at hahanapin sya. Araw araw naging ganon ang buhay ko noong mawala sya. Kung maaari lamang na sana buhay sya. Sana kasama ko parin sya hangang ngayon. Simula ng mawala sya ay madalas akong dumalaw sa bahay nya. Minsan ako lamang at dinadama na baka may presensya nya sa loob, kapag minsan naman ay sinasamahan ako ni Jhovell. Habang nasa Apartment na ako,na sabi nya noon ay bahay na namin naisipan ko na buksan ang mga cabinet at drawer nya. Doon ko Nakita ang Titulo ng apartment na nakapangalan pala sa akin. Hindi ako makapaniwala na sa akin nya ito ipinangalan. Nakita ko din ang isang envelope sa drawer. Nagulat pa ako nang makita na meron itong Sobre na nag kakahalaga ng Halos singkwenta Mill. Nakita ko rin ang mga Gamit na para kay Baby, Hindi ko akalain na unti unti na rin pala syang namili ng ibang kailangan ni Baby. "Baby, napaka blessed mo sa Tatay mo, sayang nga lang at di na kayo nag Abot. Pero di bale, kahit Ako nalang kakayanin natin tong dalawa ah, dahil sobrang mahal ka namin anak." Dagdag ko pa saka hinaplos ang maumbok ko ng tyan. Samantala ALESSANDRO Ilang araw na ang lumipas magmula ng mangyari ang trahedya na kinasangkutan ko. Hirap na hirap ako sa aking sitwasyon. Magaling na ang ibang galos ko ngunit nakakaramdam ako ng paglabo ng aking paningin. Namamaga parin ang ang ibang parte ng aking katawan. "Ading, humingi na kaya tayo ng tulong. Nakakaawa na ang kalagayan mo, baka magka impeksyon. Palagi ka ring nilalagnat sa gabi. Baka kailangan mo na dalhin sa Doctor. "Hindi ko rin ho alam Nang, Tang, Kelan ho kayo pupuntang bayan? Baka meron po kayong kakilala na pwede ko hong mahiraman ng telepono. "Hmm..Kay Nato isa sa mga kakilala ko na Kargador sa palengke baka sakali na mahihiram ko." "Salamat po Tang, mukang kailangan ko na nga po madala sa hospital." Anya ko pa sa mga ito. Kinabukasan ay maagang bumaba sa bayan si Tatang. Sana naman ay makahiram sya para makatawag ako kahit kay Mad. Tanghali ng makarating si Tatang, nagulat ako ng makita na may kasama syang Binatilyo. "Al, sya si Nato meron syang telepono, hwag ka mag alala, mabait itong si Nato, wala syang pagsasabihan." "Oho Kuya, hwag po kayo mag alala kilala po ako nila Tatang Imoy." Dagdag pa nito. "Salamat Nato, Pasensya kana dahil pati ikaw naabala." "Wala pong ano man, heto po ang telepono, medyo mahina po ang signal dito kaya dapat po kayo humanap ng pwesto na malakas." Dagdag pa nito. Kinuha ko naman ang cellphone saka ako humanap ng spot na malakas ang Sagap at nakahanap naman ako. Agad kong dinial ang Numero ni Mad. 3 Ring bago nya sinagot ang linya. "Hello? Sino to? Hello?" Dinig kong wika nya. Himinga muna ako ng malalim bago magsalita. "Hello...Mad." anya ko sa linya. "Hello? insan? Bu..buhay ka?" Sambit nito. "O..oo...Mad kailangan ko ng tulong mo,narito ako sa bundok sa may pinagbagsakan ng Sasakyan. Pero dito ako sa bundok na parte. Kinalinga ako nila Tatang at Nanang." "Buhay ka insan, Buhay ka.." "O..Oo..pero kung hindi mo ako mapupuntahan insan baka mamatay ma rin ako, Hindi maganda ang lagay ko." "Papunta na kami dyan insan, Hwag ka mag alala." "Salamat Mad, nga pala magdala ka ng isang daan at limampung libong piso. May tinago ako sa drawer sa may sala." "Sige Insan, Punta na kami dyan." Dinig ko pang wika nya. Sinamahan naman kami ni Nato noong araw na yon. Katulong sya ng Mang Imoy sa paglilinis ng sugat ko. Matapos ang 3 oras na paghihintay ay nakatangap si Nato ng Text na nasa may Palikonh kalsada na ang mga ito kaya umakyat si Nato pa taas upang salubungin. Kalahating oras din ang lakarin pa aakyat sa Kalsada pero dahil may kabayo na pinagamit si Tatang ay medyo mabilis na nakarating pataas si Nato. Kalahating oras pa ay naramdaman namin na bumalik na si Nato nabuhayan ako ng Loob ng makita ko ang aking pinsan. "Alessandro." "Mad," Halos maiyak sya ng Makita ang kalagayan ko. "Musta ka..may malalim kaba na tama?" "Meron Mad, Daplis pero tumagos ang bala. May bali rin ako sa binti kaya hirap ako maglakad at nakakaramdam ako ng paglabo ng paningin. "Tsk..Hwag ka mag alala Insan dadalhin kita sa Hospital. "Kumusta ang Pamilya ko?" "Ayon, hindi matangap nila Tita at Tito kaya pinakuha nalang ang abo na inaakalang ikaw dahil necklace na may larawan ninyo ni Penny ang nakuha sa bangkay. Pero hindi kumbinsido si Tito na ikaw yon." "Si Penny kumusta?" Tanong ko rito. "Iyak ng Iyak si Penny, nawalan sya ng malay nang malaman ang nangyari sayo. Sinasamahan sya ni Jhovell sa hospital nong na confine sya. Pati sa apartment mo at doon umiiyak at inaalala siguro ang presesnya mo." Pagkasabi noon ay nakaramdam ako ng habag para kay Penny, pero sa ngayon ay wala akong magawa dahil pati ako di ko alam kung paano ko maililigtas ang sarili ko, pakiramdam ko ba ay di na rin ako tatagal kung hindi pa ako madadala sa Hospital. Inabot naman ni Mad ang Sobre na may lamang Pera. Ibinigay ko iyon kay Tatang at Nanang at ang singkwenta mil naman ay binigay ko kay Nato. Labis ang pasasalamat ko sa kanila. At ganon din sila sa akin, ayaw pa nila kunin pero ako na ang nag insist. Agad naman akong inilabas nila Mad sa Bundok. Ipinahanda ko kay Mad ang mga Mahahalagang Papeles ko saka ko Ipina contact si Calvert kay Mad at gumawa naman ito ng paraan para makalabas ako ng bansa para makapag pagamot. Sa isang private plane nila ako isinakay. Doon pa lamang ay may doctor at Nurse na na nag asikaso sa akin. Nilagyan na rin ako ng oxygen dahil hirap ako huminga. Ilang oras ang byahe mula pilipinas hangang Germany. Pagdating doon ay agad akong diniretso sa emergency, Sa Hospital iyon kung Saan may shares ang Daddy ni Calvert. Ang daming test na ginawa sa akin. Ang sabi ni Calvert ang sabi daw ng doctor na kung ilang araw pa daw akong di nadala sa hospital ay baka may mas mangyari ng masama sa akin. Wala muna akong sinabihan na Buhay ako maliban kay Mad at Calvert, di ko muna din pinasabi kina Mama, saka na pag talagang ligtas na ako. Halos nagkaron ako ng Komplikasyon, Dahil wala ngang proper medication sa Bundok ay na impeksyon ang aking mga sugat pati ang Tama ko sa may ulo ay lumala rin dahilan na nanlalabo rin ang aking mata. Ang sabi naman ng doctor ay babalik din naman sa dati pero sa ngayon ay kailangan ko muna magpagaling. Dahil kapag ok na ako saka naman nila sisimulan ang Therapy sa aking binti dahil malaki din ang pinsala nito. Napanood ko ang Balita sa TV inakala ng lahat na ako ang Driver ng sasakyan. Akala ng lahat na isa ako sa kasama sa nasawi dahil nakuha nila ang necklace na pinasuot ko kay Alas. Bigla ring nawala ang balita sa mga Television sabi Ni Mad. Malamang na binayaran din at nilihis ng mga Duarte at Facundo ang nangyari dahil Pag naungkat ay Makakaladkad ang pangalan nila na di umanoy kanilang iniingatan kaya ikalawang araw daw ay wala na rin ang balita sa Television. Alam nila na ako Si Master Venom pero ni Isa sa mga Tao sa kalabang Organisasyon ay wala pang nakakakita ng Tunay na Itsura ko at Kung sino talaga ako. Kaya lamang nila akong i describe sa Tindig at sa Suot ko pero wala pang nakakaalam ng Tunay na ako, Nang totoong Itsura ko. Matagal akong namalagi sa Germany di ko na namalayan ang mabilis na paglipas ng Linggo at Buwan. Hindi ko parin kino contact si Penny ngunit nakakatangap ako ng balita mula kay Mad dahil pag dinadalaw nya si Jhovell ay nakikibalita sya rito. Nag send pa sya ng Video ni Penny na inaayos ang gamit ng aming magiging anak. Nakangiti sya ngunit kita ang lungkot sa kanyang Mukha nya. Sa isang buwan na sya manganganak. Gusto ko man ngunit wala pa akong magawa sa ngayon. Paralisado ang Isa kong binti at nag u undergo parin sa Therapy. Pero mababalik pa naman daw ito sa dati. Makakalakad pa naman daw ulit ako ng ayos sabi ng Doctor ko. Habang nag hihintay ay madalas na lamang akong humingi ng Video ni Penny kay Mad. Madalas ko ring bigyan si Mad ng Budget para kay Penny at sa anak namin. Sabi ko sya na ang bahalang mag palusot. Isang araw dumating na ang araw na isa sa na missed ko. Ang araw na isilang ni Penny ang aming Anak. Ang sabi ni Mad ay muntik na daw ma CS si Penny, Ang bilin ko kasi sa kanya kapag mahihirapan ng husto si Penny sa panganganak ay ipa CS nya na, may Pera naman akong binigay sa kanya. Pero ayaw daw ni Penny at kinaya naman daw. Halos maiyak ako ng makita ang larawan ng aming Anak, isang malusog na batang lalaki ang aming panganay. Mapula ang labi nito at Maputi din. Ang kilay nito ay tila nakuha sa akin pati ang ilong halos lahat ata ay sa akin nakuha. Si Penny naman ay may picture din habang buhat si Baby. Sinave ko iyon saka ko Ginawang Wallpaper. "Ali Xane Santamena Aldana" iyan ang nakalagay sa Birth certificate ng aming anak nakalagay din doon ang pangalan ko ngunit Deceased na. "Hindi bale Anak, Darating ang Panahon aayusin natin ang Apilyido mo isa kang Velarez anak ko." Anya ko saka hinalikan ang picture nilang Mag Ina. Samantala 3RD PERSON Abot naman ang Luha at Saya ni Penny ng isilang nya ang anak nila Ni Alessandro. Akala nya ay di nya kakayanin ang panganganak nahirapan din sya. Kasama nya ang kanyang Tito at Tita maging si Jhovell at Mad. Halos matawa naman sya sa kwento ni Jhovell. "Besh congratulations Naisilang mo si baby ng maayos, Alam mo ba kanina kapa gusto ipa CS nitong Si Mad. Hindi mapakali. "Eh syempre ang tagal manganak tapos parang hirap na hirap na sabi ni Tita." Anya pa nito. "Ganon talaga Mad, kapag nanganganak nasa isang Hukay ang Paa, kaya ikaw bago ka mambuntis isipin mo muna maigi ha." Anya pa ni Jhovell. "Kaya nga pag Di Na kaya Hwag na ipilit na normal, may pang bayad naman eh, Saka hwag kang mag alala pag nabuntis ka Palapit palang sa Due date papa Biyak na kita." Biro pa nito kay Jhovell. "Shunga, Gago ka talaga Mad" "Tsk...Ok na rin yun na i Pa CS si Penny kung di pa talaga kinaya, Kesa ako naman ang mayari." Nadulas na sabi ni Mad. "Mayari saan Mad?" Takang tanong ng dalaga. Dahil corner na sya ng dalawang babae ay walang nagawa ang binata kundi ang mag sabi. "Hmm ganito kasi yon, Nalaman ni Master Venom ang kalagayan mo Penny kaya nagpaabot sya ng tulong." Sagot naman nito. "Ga..ganon ba? Pakisabi nalang salamat, hwag kamo syang mag alala may naiwan namang pera si Alessandro para sa aming Mag ina." Wika nito saka hinaplos ang bagong silang na anak. "Kumusta si Master Venom, tagal nya walang paramdam ah, halos dalawang taon, sayang nga lang at mas nauna at nagpakatotoo si Alessandro kay Penny kaya si Alessandro ang minahal nitong Kaibigan ko at ngayon ay meron na silang poging Anak." Dagdag pa nito saka hinawakan ang kamay ng sanggol. "Napaka pogi ng Anak mo Besh, Kamukang kamuka ni Alessandro.. Mestizo version nga lang." Dagdag pa nito. Napalunok na lamang si Mad dahil alam nya sa sarili nya na Mestizo din ang kanyang Pinsan, Tan Lotion lamang ang ginagamit nito kapag nasa katauhan ito ni Alessandro. Naaawa din sya sa kalagayan ni Penny, pero wala sya sa position na pangunahan si Alessandro at Isa pa, Hindi parin maganda ang kondisyon ng kanyang pinsan. Sa ngayon ang tanging Magagawa nya ay maging Tulay sa dalawang taong minamahal at Nagmamahal ng palihim. "Pasensya na Penny, Pero Mahal na Mahal ka ng Pinsan ko, balang araw mabubuo rin kayo, pero sa ngayon tiisin mo muna lahat ng pasakit sa inaakala mong pagkawala nya." Anya ni Mad na Isinaisip na lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD