CHAPTER 24 "PAGLISAN"

2753 Words
ALESSANDRO Sinusulit ko ang araw na kasama ko si Penny. Nagiging mas maingat din ako sa pag punta ko sa kanila dahil tulad ng sinabi ni Mad ay nagsasanib pwersa ang aming mga kalaban. Masyado na silang Mainit sa akin. Sa loob ng isang lingo minsan ay dalwang beses lamang ako nakakadalaw. Kung pwede lamang na di ko sya iwan. Kita ko ang unti unting paglaki ng kanyang Tyan. Ang kasabikan namin na makita na isilang nya ang aming panganay. Bago ako umalis ay madalas kong haplusin at halikan ang kanyang tyan. Kung maaari lamang sana. Kaya isang araw ay nagpaalam ako na mabigat ang pakiramdam. "Ate Salome, Kuya Arman kayo na po muna ang bahala kay Penny. May kailangan po kasi akong ayusin sa probinsya, baka ilang araw pa bago po ako makabalik." Anya ko sa mga ito. "Wag ka mag alala Aless, kaming bahala kay Penny, mag iingat ka kung saan ka man paroroon." "Oo nga Aless, Mag iingat ka." Dagdag naman ni Kuya Arman. Tumango naman ako saka nag pasalamat at nagpaalam sa kanila. Hindi ko alam ngunit bago ako umalis at naisipan kong iwan ang aking kwintas na nakaukit ang Initials namin ni Penny. "Baby, itabi mo na muna, saka ko na kukunin pag balik ko, dito muna sayo para di mo ako masyadong ma miss." Dagdag ko pa saka tumawa. Niyakap naman ako ni Penny pakiramdam ko talaga ay mabigat ang pag alis ko. Hinalikan ko sya sa noo at pinangakuan na mag iingat ako at babalik ako agad once na maayos ang dapat ayusin. Maayos ko naman syang iniwan saka ako kumaway sa kanya. Nang makalayo ako sa kanila ay doon ako nakaramdam ng samut saring emosyon. Hindi ko alam kung gaano ako katagal mawawala pero isa lang ang sinisigurado ko, baka hindi ako makabalik agad. Nang makagaling ako sa kanila ay bumalik agad ako sa mansion. Kailangan ko pumunta sa España at mamayang madaling araw na ang Flight ko para sa kaligtasan ng aking Pamilya. Gusto ko makatiyak na hindi sila madadamay. Dalawang araw lamang ako mamamalagi doon saka naman ako lilipad patungong Germany Kailangan kong i meet si Calvert Decker Isa sa matalik kong kaibigan na kasama ko rin sa isang organisyon. Kung ako ay may lahing spanish sya naman ay May lahing Aleman. Pinay ang kanyang ina at German naman ang kanyang ama. Ilang taon din silang nanirahan sa pilipinas noong bata pa sya hangang sa Sa Germany na sila nag for Good. "Hallo Calvert Radimir! lange nicht gesehen – wie geht's dir?" Bati ko sa kanya humarap naman sya at halos magulat pa sya ng makita ako. "Ach, du bist es! Schön, dich wiederzusehen, Alessandro!" Nakangiting tugon nya saka nakipag Appear sa akin. "Was treibt dich denn hierher, Alessandro Velarez? "Na, ist es verboten, einen Freund zu besuchen?" Sagot ko rito. "Na Prima." Tugon naman nya saka ako napakamot sa ulo. Natawa naman sya sa akin. "Unsa man, uy? Mag-Tagalog na lang ta." Anya ko di ko alam kung alam nya pa pero cebuana ang mama nya. "Hahaha, okay ra man ko. Ikaw man gud ang nagsugod sa pag-German, uy!" Sagot nya kaya natawa naman ako marunong pa rin sya mag cebuano. "Damn! Akala ko talaga mag no nose bleed ako kausapin ka, alam mo na na it's be3n a long time noong huli tayong magkita. "Hahaha Kaya nga eh, akala ko talagq paninindigan mo ang pagsasalita ng Aleman." "Haha, hindi no..mauubusan ako ng bala, tinry ko nga lang din ang cebuano very limited lang din naman ang baon ko kaya mag tagalog nalang tayo." "Hahaa, Mas mainam Alessandro, tayo lang naman dito eh. Kumusta pala? Bat naparito ka, totoo ba na nag iinit sayo yung mga grupo na sinaway nyo?" Tanong nya sa akin. "Oo napataob namin ang masasamang gawa nila kaya ako at grupo ko ang pinag iinitan." Anya ko sa kanya kaya sya napatango. "I see, don't worry bro, pag kailangan mo ng tulong sabihin mo lang." "Oo Cal, kakailanganin ko sa Future" "Walang Problema, alam mo naman na kung hindi dahil sa iyo baka matagal na akong wala." "Ano ka ba, wala yon ano, Kumusta si Tito at Tita?" "Ayon, nasa Humburg mas gusto nila roon . Naroon din ang Pamilya ko." "Oh talaga? May pamilya ka na? "Yup, i have a Three year old daughter tol, nasa poder ko sya kina Mama but Si Sandy dumadalaw naman, welcome naman sya sa bahay kung gusto nyang makita si Millie." "Hindi kayo nagsasama?" "Hindi bro, Hindi ko naman sya masisisi dahil siguro sa nangyari noon. Dumating sa point na nagkasakitan kaming dalawa. Nabigla rin ako napagbuhatan ko sya ng kamay." Kwento ni Calvert sa akin. "Hmm..ikaw Bro? May asawa ka na ba?" Tanong nya. Napabuntong hininga ako bago sumagot at bahagyang napangiti. "Hmm..Oo hindi pa totally asawa pero handa akong pakasalan sya. She's three months pregnant Bro at Mahal na Mahal ko sya. "How old is she?" "Shes' 21 na Bro, Kung pwede ko lang sana syang kasama palagi pero kailangan ko pa palihim na magpakita sa kanya. Ayoko syang madamay sa gulo, lalo na at pinagbubuntis nya ang panganay namin. "Sa bagay Bro, mas pipiliin mo pa na i secure na ligtas sila kesa madamay.' Anya pa nito. Matagal rin kamimg nag usap bago kami nag paalam sa isat isa. Halos mahigit isang Linggo ako sa ibang bansa ngunit nag u update parin ako sa kanya sa Viber. Kapag minsan ay hinihiling ko na itapat nya sa Tyan nya ang phone saka naman ako magsasalita at kakausapin ang baby namin sa loob ng tyan nya. Kapag may pagkakataon ay ganon ang ginagawa ko. "Daddy, kailan ka babalik? Mis kana namim ni Baby?" Dinig kong wika ni Penny sa kabilang linya. "Malapit na Baby ko, Malapit na ako umuwi, sobrang miss na kita." "Hihintayin ka namin Daddy Aless." Dagdag pa nito. "Penny...I LOVE YOU." "I LOVE YOU TOO ALESS, hihintayin ko ang pagbabalik mo." Dagdag pa nito saka ko pinatay ang tawag. Pauwi na ako at nasa Airport na ng Makatangap ng tawag mula kay Mad. "Insan, Nasan ka na?" "Andito na sa Airport, Waiting na ng flight bakit?" "Nakasakay ka na ba?" "Hindi pa waiting na lang, bakit ba?" "Hwag ka tumuloy, inaabangan ka ng tauhan nila Duarte at Facundo sa NAIA. "E di Abangan nila ako!" "Gago ka ba insan? E di napatay ka nila. Grabe ang galit nila kaya malamang sa alamang talagang di ka sasantuhin non, inasikaso ko na ang Flight mo. Sa Clark ka na mag lalanding." "Ok ok salamat." "Sana lang walang bantay doon, mag iingat ka insan, pero may mga tao na rin tayo doon kung sakali." "Salamat Mad, Sige mag update na lang ako." Dagdag ko saka pinatay ang tawag. Hindi ko alam bakit tila kinakabahan ako ng ganito. Tiningnan ko ang larawan namin ni Penny, hindinko alam bakit naluluha ako." "Mahal na Mahal kita Penny, patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko sayo." Naluluhang wika ko. Hangang sa dumating ang oras ng flight ko, imbes na sa NAIA ay sa Clark ako bababa. Ang usapan namin nila Mad ay diretso kami sa Subic kung saan naroon ang isa ko pang rest house na ginagamit minsan ng Grupo. Matapos ang ilang oras na byahe ay nakarating ako sa Clark. Mabilis ang ginawa kong kilos dahil mahirap na baka may mga tao na rin sila Duarte dito. Nang makita naman ako ni Mad ay agad nya akong sinalubong pati ng ibang Tauhan namin. Habang binabaybay namin ang Parking para sumakay sa aming Sasakyan nagulat na lamang kami ng Magka Putukan. Hinagisan naman ako ni Mad ng baril saka nakipag putukan na rin. Habang umaandar ang aming sasakyan ay binabaril nila kami. Kaya wala kaming magawa kundi ang makipag Putukan. Kasama ko ang dalawa sa aking mga tauhan Si Juanito na syang kasama ko sa pag papaputok at si Alas na syang nag da Drive. "Master Venom, Maraming salamat sa pagtanggap nyo sa akin kahit wala aking halos kakayanan, Kung sakali na masasawi ako, pakisabi na Mahal Na Mahl ko ho sila." Anya ni Alas na isa sa mga tauhan ko na pinaka bata sa Grupo. "Anong sinasabi mo Alas? Di tayo mamamatay mag drive ka lang" anya naman ni Juanito, Di naman sa nawawalan ako ng Pag asa pero iniisip ko rin ang sinasabi ni Alas. "Tama si Juanito, Alas. Pero Kung sakali mang ako ang mamatay ibigay mo ito kay Mad ibigay nya kamo sa Babaeng Pinakamamahal ko." Anya ko dito saka isinuot sa kanya ang Kwintas na hugis puso na may larawan namin ni Penny na pinagawa ko pa sa Germany. Nagtinginan naman kami ni Juanito saka tuloy sa pag papaputok. Talagang ayaw kami Tantanan ng mga nahabol sa amin. Tinamaan ko ang isang Sasakyan na sumusunod. Ngunit aasinta pa lamang ako sa isa ay Tinamaan din ako sa may balikat pati si Juanito ay may tama rin. Hanggang sa Nakipaglaban na kami ng husto, bahala na. Hangang sa pag tulungan kami ng dalawang sasakyan dahilan para matamaan si Alas sa Braso at tamaan si Juanito sa may Leeg. Sa sobrang tulin namin ay Huli na ng Malaman ni Alas na may Kurbada at babangga kami. "Master Venom, Mababanga po Tayo." Sigaw nya. Pagtingin ko ay nasa harapan na namin ang Malaking poste at sigundo lamang ay Tila nakalog na ang aking Ulo kasunod ng pag ikot at pagbagsak ng aming sasakyan. Pagbagsak ay katahimikan ang aking narinig. Parang wala akong maramdaman na sakit, oh marahil ay manhid na sa sakit kaya di ko na maramdam. "SAY GOODBYE VENOM!" Dinig ko pang sigaw ng boses mula sa taas. "Alas... Juanito..tawag ko sa aking driver at kasama ngunit di na ito nagsasalita. Agad kong hinarap ang mukha nito ngunit wala na silang Buhay. Pansin ko na malakas ang tagas ng Gas kaya kailangan ko makalabas ng Sasakyan. Hirap man ay sinikap ko na makalabas at makalayo, Kaylangan mo makahingi ng tulong. Ngunit hindi pa ako gaanong nakakalayo ay Sumabog na agad ang aming sinasakyan pinilit ko paring gumapang papalayo dahil dama ako ang init mula dito. Hangang sa makakita ako ng yungib at doon ako kumubli. Mabuti na lamang at naka Kubli ako dahil bumaba pa talaga ang mga Tauhan ni Duarte para sigiraduhin na patay kami. Sakto naman na nagliliyab na ang sasakyan kaya di nila kita na nakalabas ako. "Ayos na .ibalita nyo na kay Boss na Natutusta na si Venom hahaha " Anya pa mg mga ito saka nagtawanan at hindi pa nakontento dahil kahit nasusunog na ay pinaputukan pa nito mg baril. "Oh Ayan, para sigurado na Double Dead hahaha." Anya pa ng mga ito saka nagtawanan muli. "Mga Hayop, mag babayad kayo." Saad ko sa aking isip. "Tara na, Parating na ang mga Tauhan ni Venom, Hayaan nyong abutan nila ang Tustado nilang Boss." Sigaw pa ng mga ito saka nagpulasan. Ilang sandali lamang ay May nagdatingan pa ulit. Ngunit may kasama ng Pulis. Inapula nila ang apoy hangang sa Madiskubre nila ang bangkay na sunog. Walang iba kundi si Alas. Dinala nila ito upang maimbistigahan. Ako naman ay nananatili lamang sa Yungib. Hindi ako pwedeng humingi ng tulong sa kanila. Ramdam ko na marami paring tao sa paligid na hindi ko basta basta dapat pagkatiwalaan. Mabuti pa na alam nilang lahat na Patay na ako. Alam ko na di titigil si Duarte at Facundo na di ako namamatay kaya kailangan ko muna mag isip at hwag magpa dalos dalos sa mga Desisyon. Nang tahimik na ay sinubukan kong Lumayo sa lugar na iyon. Dama ko na may bali ang aking binti Daplis lamang ang tama ko sa balikat ngunit grabe din ang sakit nito. Hangang sa Mapadpad ako sa isang Kubo sa bundok na iyon at Makakita ako ng isang Kubo. Halos magulat pa ang dalawang Katutubong matanda ng makita ako. "Jusko, sino ka? Maawa ka sa amin, wag mo kaming sasaktan." Anya ng ginang na natakot marahil sa itsura ko. "Hindi po, hindi po ako masamang tao, maaari po bang makahingi ng maiinom? Pati na rin ho mg maligamgam na tubig?" Pakiusap ko sa mga ito. Bahagya pa ang mga ito na natulala ngunit sumunod din naman. "Bakit ganyan ka? May dugo ka Ading." Anya nito saka inabot ang plangana at bimpo. "Salamat po, Hwag po kayo Matakot ako po si Al." Anya ko pa sa mga ito para di sila kabahan. Hinubad ko ang aking damit saka nilinisan ang sarili, ngunit nagulat ako ng agawin sa akin ng matandang lalaki ang bimpo at sya ang nagpunas. "Ako na, Ako nga pala si Tatang Imoy at sya naman si Nanang Rosing asawa ko." "Salamat po Tatang at Nanang sa pagpapatuloy nyo sa akin." "Walang ano man, Malalim ang mga sugat mo at may Pilay karin. Pinagpatuloy nya ang paglinis sa akin. Hangang sa bigyan din nila ako mg damit pamalit. Doon ko lang din nalaman na may sugat rin pala ako sa may ulo, marahil sa pagkakahampas sa sasakyan. Pinagpahinga ako ng dalawang matanda sabi nila ay hihingi sila ng tulong sa bayan ngunit pinigilan ko sila. Kailangan ko muna magpalakas. Walang ibang dapat makaalam na buhay ako maliban kay Mad. "Al, Kumain ka muna nitong lugaw, pasensya ka na, ito lamang ang kaya namin ihain saka kamote at saging na saba." "Ayos lamang po Nang, Tang." "Nga pala pupunta kami sa bayan? Sigurado ka ba na ayaw mo na humingi kami ng tulong? "Wag na ho muna Tang, Sa ngayon ho ay di ko pa alam kung kanino ako magtitiwala. Nasa Bingit ho ang Buhay ko, pag nalaman nila na buhay ako di sila titigil hangang di ako namamatay. "Sige, Hijo, basta pwede ka dito hangang gusto mo." "Salamat Tang, nga po pala, may nakita pa ho akong pera sa bulsa ko kanina. Heto ho gamitin po ninyo para makabili ng kailangan dito po sa bahay. "Salamat ading, ibibili kana rin namin ng Makakain at gamot." Anya pa ng mga ito. Nang umalis ang dalawang matanda ay di ko mapigilan na di maluha? Kumusta na kaya si Penny. Alam nya pa naman ay uuwi na ako, na hihintayin nya ako, Sana ayos lang sya at ang anak namin. Samantala PENNY Nasa may mesa kami ni Tita habang nag aasikaso para sa lulutuin naming ulam. Usapan kasi namin ni Alessandro na susunduin ko sya mamaya sa Boulevard at dito sya maghahapunan sa amin. Hangang sa mapanood namin ang Balita. "Nagbabagang Balita, Isang Sasakyan ang nahulog sa bangin kaninang paumaga. Ang sabi ng ilang residente ay nasaksihan pa nila ang mga sasakyan na naghahabulan habang nakikipag barilan. At ang isang Sasakyan nga ay natagpuan sa isang bangin, kita pa ang Bakas ng Pagkakabangga nito sa Poste bago ito nahulog. Sa kasamaang palad pagka hulog sa bangin ay sumabog pa ito dahilan para masunog pa ang mga Biktima. Wala pang ibang pagkakakilanlan sa mga nasawi maliban sa Isang sakay na nakuhanan ng Isang necklace na meron pang larawan. Halos mabitawan ko ang hawak kong baso mg makita ang necklace na may picture ko at ni Alessandro. "Hi..Hindi..Hindi yan totoo, Buhay si Alessandro hindi..Hindi." sigaw ko sabay ng aking pagluha. Dinaluhan ako ni Tita para pakalmahin ngunit para aking sigarilyo na mauupos. "Penny Huminahon ka, baka makasama sa Bata." "Hindi yan totoo Tita Diba, Babalik si Alessandro, nangako sya sa akin, hinihintay namin sya Tita." Umiiyak na wika ko. Hangang sa dumating sa bahay si Jhovel, pati na rin si wacky na malapit na kakilala ni Alessandro na syang amo nila Tito Arman para sabihin ang nangyari sa kanya. "Penny, alam mo na ba ang nangyari? Sunod sunod na tanong nila. Hangang pati ang mga Chismosa naming kapit bahay ay naroon na rin. "Hala ...Patay na Si Alessandro, Pero ang sabi Nagkabarilan pa daw bago mahulog sa bangin, ibig sabihin kasama sa Sindikato ang Nobyo ni Penny." Dinig ko pang sabi ng mga Usesero sa labas. "Hoy...Yung Mga Pvtang inang bunganga nyo itikom nyo, alam nyo na na nagdadalamhati dito ang kaibigan ko kung ano ano pang husga ang ginagawa nyo. Itikom nyo yan lalamasin ko yan ng Asin!" Dinig kong saway ni Jhovell sa mga ito. "Iyak lamang ako ng iyak hangang sa parang di ako makahinga. Hindi ko maisip na wala na si Alessandro at Hindi ko matanggap ang pagkamatay nito, Nabaril na, nahulog pa at nasunog pa, awang awa ako sa sinapit nya, Hindi nya man lang masisilayan ang anak namin. Iyak lamang ako ng iyak. Hangang sa Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil tuluyan na akong nawalan ng Malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD