CHAPTER 23 "NAGBUNGA"

2539 Words
ALESSANDRO Kinabukasan tulad ng nakagawian ay maaga pa rin akong gumising. Si Penny naman ay mahimbing pang natutulog marahil dahil sa pagod. Pag dating kasi namin galing sa Tubuhan ay tinuloy pa namin dito sa bahay. Ilang beses pa kaming nag niig. Nagsibak muna ulit ako ng kahoy Pampapawis na rin tuloy. Nagwalis na rin ako ng mga nalaglag na dahon sa likod ng Bahay. Hindi ko naman namalayan na parating pala si Tya Adela at Penny na gising na rin pala ng mga Oras na iyon. Dahil Hubad baro ako ay agad na nakita ni Tya Adela ang aking Likuran na animo may latay dahil sa pagkakagas gas sa Mga Tubo nung nagtalik kami ni Penny kagabi. "Oh Ale.. Bakit ganyan ang Likod mo? May mga Dugo pa at mga animo latay napaano ba yan? Nag penitensya ka ba? Tanong nito. Nagkatinginan naman kami ni Penny kita ko ang pamumula ni Penny. "Ah hindi po Tya Adela, Nadali lang po sa May Batuhan kagabi.' Wika ko alam ko na babaw ang palusot ko pero bahala na. "Kow, ganon ba..Mukang Na Penitensya mo si Penny, kita mo may mga gasgas din." Anya pa nito di ko din napansin na may mga gas gas din pala ito sa mga braso. Pasimple na lamang kami na nagkatinginan. Sinulit pa namin ang araw na iyon. Ipinagbaon pa kami Ni Tya Adela ng mga Saging na Saba, At Pinya mula sa taniman para iuwi sa maynila. At bandang hapon nga ay nag paalam na rin kami. Ilang oras din ang byahe namin pabalik sa Maynila, sabayan pa ng Trapik kaya halos pasado alas otso na ng gabi kami nakarating. "Magandang gabi ho Kuya Arman, Ate Salome" bati ko sa kanila minsan kasi ay natatawag ko parin silang Ate At Kuya. "Oh nariyan na pala kayo, Kumusta naman ang byahe?" "Trapik Kuya, kaya ngayon lang kami." sagot ko dito saka pinasok sa loob ang mga dala namin ni Penny. "Kumusta naman ang Bakasyon nyo doon Hija?" Tanong naman ni Ate Salome. "Ayos naman po Tita, Grabe nga po eh, Napaka lawak at Napakaganda po ng Bahay at Hacienda na tinuluyan namin. Ang lawak po ng Taniman ng Pinya at Tubo. "Aba, talaga mabuti naman at na enjoy nyo ang bakasyon." "Opo Tita, ayos naman po, nagpadala din po si Tya Adela ng mga Prutas,Gulay at mga Kakanin para po sa inyo." Dagdag pa ni Penny. "Naku Aless, Salamat sa Tiya mo ah, Nag padala pa pauwi." "Walang ano man po Ate Salome, sayang nga po at Di ko na rin naigala si Penny sa ibang lugar doon, pero ginala ko po sya sa Farm, pinakita ko rin po sa kanya Yung Falls kung saan kami naliligo ng mga Kababata ko nung doon pa mag tra trabaho sila Nanay At Tatay." Dagdag ko pa. Totoo naman na doon naman talaga ako madalas tumambay noong kabataan ko. Bandang Alas nuebe ay nagpaalam na rin muna ako dahil kaylangan ko na rin muna magpahinga. Hindi ko na nagawang umuwi sa Mansion. Sa Apartment nalang din ako tumuloy. Habang nakaupo ako sa Sofa ay narinig ko ang katok mula sa Pinto. Sinilip ko at walang iba kundi si Mad. "Oh Mad?, bat napasugod ka?" "Hello? Bakit hindi, eh ilang araw ka hindi nag pa storbo dahil nasa Tarlac kayo ni Penny. Tapos kanina pa ako may Message di ka parin nag rereply." Hinihingal na wika ni Mad saka diretso pasok sa loob saka kumuha ng Alak sa Ref, sanay na ako sa pinsan kong ito. "Oh Bakit? May problema ba?" Tanong ko saka binuksan ang alak na kinuha nya. "Oo Malaking Problema, Galit na Galit si Duarte Yung Nilinis nating Kuta last month, Nalaman na na ikaw ang May Pakana ng Pagbagsak ng Mga Pasugalan nya at ilang Illegal na Business kaya Grabe ang pagbabanta nya. Kanina nakatangap ng Death Threat si Banjo para sayo." "Hayaan nyo syang Manakot, Hindi namna ako basta basta matatakot sa kanya." "Oo alam ko Insan, pero yung isa sa mga Tauhan natin, binantaan ang Pamilya. Paano pag nalaman nila na Ikaw at si Alessandro ay Iisa? At paano pag nalaman nila ang mga malalapit sa Buhay mo? Si Penny paano? Isa sa kilalang halang ang kaluluwa nyang si Duarte, Ilan na ang napatay nya pero nakakalusot dahil sa Pera. "So anong gusto mong gawin ko Mad ha? Hindi na naman kami nag kikita ni Penny bilang ako as Master Venom? Dalawang taon na halos." "Oo nga pero mainit ang Mata nila, paano kung matiktikan ka nila? Iyon ang inaalala ko, Kaya sinasabi ko ito sayo insan para mag isip ka. Alal kong Mahal na Mahal mo si Penny, pero sa Panahong ito parang kailangan mo muna pumili ng isa kung saan ka muna mag Fofocus. Nagsanib pwersa ang Kampo ng Mga DUARTE at FACUNDO kaya hindi lang isa ang kalaban natin kundi dalawa. Hindi natin sigurado kung Madadagdagan pa. Kaya kung ako sayo Insan, mag isip ka munang Mabuti." Dagdag pa ni Mad. Hindi halos ako makatulog ng gabing iyon, iniisip ko ang maaring mangyari. Pero bahala na, baka mag paalam na lang muna siguro ako kay Penny balang araw. Pero sa ngayon, hangat kaya ko syang makita at makasama pa ay gagawin ko. Hindi siguro madalas ang pagkikita namin dahil kailangan ko din bigyang pansin ang Ganap ng kalaban kaya magiging madalang ang pagbisita ko. Hindi ko namalayan na mabilis na dalawang linggo na pala ang nakakalipas magmula noong nag Tarlac kami. Minsan nalang din ako pumasok sa Talyer. Pinag iisip ko na lamang si wacky ng dahilan kapag nagtatanong si Kuya Arman. Kaya minsan ay sa bahay na lamang nila ako pumupunta. Sa Huling punta ko ay tila pansin ko ang pananamlay ni Penny. Parang mas pumayat sya pero lumaki ang balakang. PENNY Naging busy ako sa Eskwelahan dahil nasa Ika dalawang Taon na ako sa Kolehiyo. Si Alessandro naman ay naging Busy din, sabi ni Tito ay madalas din wala sa Talyer dahil may inaasikaso. Although nagpapaalam din naman sya sa akin na di sya makakapasok kaya madalas sa gabi ay sa bahay na lamang nya ako dinadalaw. Hindi ko alam ngunit ng mga Sumunod na araw ay Tila iba ang aking Pakiramdam. Madalas akong makaramdam ng Hilo sa umaga at Nakakaramdam din ako ng Pagbaligtad ng Sikmura. Noong una ay ipinagsawalang bahala ko lamang ito, ngunit mas naging matindi ito noong mga sumunod na araw. Hangang sa Kakain kami ng Almusal ay halos bumaligtad ang sikmura ko ng maamoy ang bawang sa sinangag na niluto ni Tita kaya dali dali akong tumakbo sa lababo at doon nagduwal. Dama ko ang lakas ng t***k ng aking Dibdib, Kita ko rin ang Pamumutla ng aking mga labi sa Salamin. Nagbalik ako sa mesa at Akmang uupo na sana para sumabay kina Tita At Tito ngunit pareho silang tahimik mag asawa. At Ang sumunod na tanong nila ang Hindi ko din inaasahan. "Penny, Nagkaroon ka na ba? Bakit hindi parin nababawasan ang Napkin? Magkasabay tayong nagkakaroon ng Period pero bakit wala paring bawas yung sayo" Tanong ni Tita na tila sya lang nagpa realize sa akin na halos mag tatatlong lingo na pala akong dinadatnan. Napatingin ako sa Kalendaryo at Tama nga, 3 weeks na akong delayed. Sa sobrang busy ay di ko na rin napansin. At never talaga akong na delay ng matagal. Malimit ay 2 days lamang. "Buntis ka ba Penny?" Tanong ni Tita na syang mas lalong nagpakaba sa akin. Hindi ko alam ang aking isasagot, pero hindi parin naman nga ako dinadatnan." "Hi..Hindi ko rin po alam Tita, pero 3 linggo na ho pala akong di dinadatnan." "Kahit Tatlong linggo kang Di dinadatnan kung wala pa namang nangyayari sa inyo ni Alessandro madaling sabihing hindi, Pero hindi na ako maniniwala na wala pang nagaganap sa inyo Penny sa Dalawang taon nyo bilang mag Nobyo imposible, pero sana naman nag ingat muna kayo, Paano ka? Nag aaral ka at di pa nakaka graduate, Paano ang pag aaral mo nyan? Penny naman!." Anya ni tita na naluha na habang sinasabihan ako. "Naiyak na lamang din ako, paano nga kung Buntis ako? Paano nga ang pag aaral ko? Pero hindi pwede na di ko ituloy ito, Anak namin ito ni Alessandro, wala pa man ito sa Plano ngunit naniniwala ako na Kaloob ito sa amin. Nanatili lamang akong nakaupo pareho kaming umiiyak ni Tita, ilang minuto lamang ay dumating si Alessandro at may dala itong papaer bag saka inabot ang dala nito. "Ate Salome, narito na ho ang ipinabili ninyo." "Sige! Penny pumasok ka sa Banyo at Mag Test ka! Mabuti ng malaman na kaharap si Alessandro." Kinuha ko naman ang supot saka ko inilabas ang 3 pakete ng PT. Habang nag Te Test ako sa loob ay nasa labas ng banyo si Alessandro. Naririnig ko pa na sinasabihan sya nila Tita. "Alessandro, posibleng Buntis si Penny, ilang araw na nahihilo at naduduwal at 3 linggo ng delayed. Alam ko naman na mahal ninyo ang Isa't isa pero sana naman nag ingat muna kayong dalawa! Alam mo naman na nag aaral pa sya, sana pinatapos mo na muna bago mo binuntis." Dinig kong wika ni Tita. "Pasensya na ho Ate Salome, naging mapusok po kami pareho, pero Mahal na Mahal ko ho si Penny. Saka Kahit po buntis sya ay Mag aaral parin ho sya. "Oo nga Mahal, Wala na rin tayong magagawa Mahal naman nila ang Isa't isa at handa namang panagutan ni Alessandro si Penny." Dinig kong wika pa ni Tito. Ilang minuto matapos kong ilagay ang aking ihi sa kit ay Malinaw ma lumabas ang Resulta. Dalawang Pulang guhit ang lumabas sa tatlong aparato. Halos manginig ang aking kamay ng hawakan ito saka ako napaluha at hinawakan ang aking impis pang Tyan. Hindi parin mag sink in sa akin na may buhay na sa loob ng aking sinapupunan. Binuksan kong marahan ang pinto. Saka ko inabot kay Alessandro ang Tatlong Aparato. Tinitigan nya itong Maigi, Nakangiti sya habang hawak ito at kita ko rin na maluha luha sya saka ako niyakap. "Baby, Andito lang ako okay, Pareho nating gusto to diba? Hwag ka mag alala, mag aaral ka parin, hindi ka hihinto." Paniniyak nya sa akin. Kinausap naman kami ni Tita. Gusto sana akong Kunin ni Alessandro Kung ok daw kina Tita ay pwede naman daw na sa Apartment na nya ako tumira, ngunit hindi pumayag sila Tita, Mas mainam daw na dito parin sa bahay para daw kahit papano ay natitingnan nila ako lalo na at unang trimester ng aking Pagbubuntis. Nagkasundo naman na Dadalawin na lamang ako ni Alessandro sa bahay, o kaya minsan ay isasama nya ako sa Apartment. Sumunod na lingo ay dinala ako ni Alessandro sa Isang Clinic. Kami lamang ang tao ng mga oras na iyon. At doon na kumpirma na nagdadalang tao nga ako. Ni resetahan naman ako ng mga vitamins na kailangang inumin. Pati ang mga Gatas na nararapat sa akin. Kaya pagkatapos ng Check up ay dumaan kami sa isang Grocery store. Binili nya ang mga bitamina at Iba pang mga kailangan ko sa aking pag bubuntis. Kita ko ang excitement sa mga Mata nya, Gusto nya na rin agad bumili ng mga diaper, alcohol at Bulak pero sinabi ko na saka na dahil 1 month palang naman. Inihatid nya ako sa bahay at talagang alaga nya ako. Madalas nyang tanungin kung ano ang mga nais kong kainin. Mabuti na lamang din at di ako gano kahirap maglihi. Minsan lamang sya sa isang linggo makadalaw, hindi ko rin naman sya tinatanong masyado dahil ang sabi nya sa akin ay may mga bagay syang mga inaayos. Pero kapag naman dumadalaw sya ay dito na sya natutulog at kinabukasan na umuuwi. Habang lumilipas ang mga araw at linggo ay lunalaki na rin ang aking Tiyan. Nang mag pa checkup kami ay nakita pa kami nila aling Taleng na naka tambay sa Tindahan nila Aling Ambrocia, syempre ano pa bang aasahan e di manlilibak na naman, na mabubuntis lang din naman daw pala ako, maswerte lang daw ako dahil sinasamahan ako ni Alessandro na syang nakabuntis sa akin. Hindi na lamang namin pinapansin ang mga sinasabi nito. Habang lumilipas ang mga araw, Lingo at buwan ay sobrang nagiging excited pa kaming lalo ni Alessandro. Sinamahan nya ako muli sa OB at Sobrang saya namin na sa unang Pagkakataon ay narinig namin ang Heart beat ni Baby, kita rin namin sa Monitor ang unti unting pagkabuo nito sa loob ng aking sinapupunan. After ng check-up ay nadaan kami sa apartment nya at doon ay hinihilot nya ang aking mga paa at binti. Sinisikap nya ring manood sa YouTube para lamang maipag luto ako. At sa mga assignment ko ay madalas nya rin akong tulungan. Kinausap rin pala ako sa eskwelahan. Ang advise nila sa akin na kapag nasa ika 6 na buwan na ang tyan ko ay maaari naman daw ako mag online class. Pasalamat na rin ako sa eskwelahan dahil kahit na ganito ang kalagayan ko ay hindi nila ako hinusgahan, pero di rin sila nag totolerate ng ganito. Nanghihinayang lamang din sila sa Estudyante kung hihinto, kaya kahit online class ay meron sila. Isang araw ay sa bahay natulog si Alessandro. Bago matulog ay ipinagtitimpla nya ako ng gatas at pinainom ng Vitamins. Hindi ko alam bakit sobrang alaga nya sa akin. Palagi nya akong tinatanong kung wala bang masakit o wala ba akong ibang nararamdaman o may gusto ba akong kainin. Natatawa na lamang ako. Hindi pa naisisilang ang anak namin pero ramdam ko na na ma i spoiled ito ng Tatay nya balang araw. Habang nakahiga kami ay ibinigay nya sa akin ang susi ng apartment duplicate daw ito, para daw meron akong Susi ano mang oras na gustuhin ko pumunta. Ang sabi nya ay kinausap nya ang may ari ng apartment at malapit na pala itong mapa sakanya dahil sinalo nya na ito. "Babe, heto ang susi ng apartment, atin na ang Bahay na iyon, nag usap na kami ng may ari, kaya ano mang oras na gusto mo ay pwede kang pumunta doon." "Hmm..ganon ba, bat para namang naghahabilin ka Babe,?" "Hehe, hindi naman, Alam mo naman Baby, umaalis ako minsan at ilang araw pa bago makabalik, kaya kung bored ka at gusto mo pumunta doon pwedeng pwede." "Ok po sabi mo eh, Baby, anong gender ang gusto mo?" "Ako? Hmm..gusto ko Lalaki, pero syempre kahit ano, basta safe kayo ni Baby ayos na sa akin iyon." "Hmm..ilang buwan pa makikita na natin sya Aless." "Kaya nga eh, excited na ako Sobra, kaya mas lalo kong pinagbubutihan para sa inyo ng anak natin. Gusto kitang Pakasalan Penny, Konti na lang at malapit na. Basta Tatandaan mo palagi Na MAHAL NA MAHAL kita, ikaw at ang Anak natin." Turan nya saka hinaplos ang maumbok ko ng tyan. "Mahal din kita Aless, Pakiramdam ko ay ligtas kami ng anak mo sa Piling mo, Basta lagi mo din Tatandaan na mahal ka din namin ni Baby." Hindi ko alam ngunit habang nag uusap kami ng gabing iyon ay para bang kakaiba, naluha pa kami sa Tuwa pareho pero may part sa Damdamin ko na para bang medyo masakit. Nagdasal na lamang ako saka yumakap sa kanya hangang sa makatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD