PENNY Kinabukasan ay dumating ang oras ng pag Alis ni Alessandro. Katakot takot na iyakan habang nagpa paalam sya sa mga bata. Lalo na si Alleine, ayaw nyang bumitaw sa kamyang Daddy. "Daddy..Daddy.'' iyak nito habang binibigkas ang salitang Daddy. "Princess ni Daddy, Don't cry na anak, pangako babalik si Daddy okay?" Bibili tayo ng maraming Toys, stop crying na anak, in hale, exhale." Anya pa nito habang hinahaplos ang likod ni alleine na basa na ng pawis kakaiyak. Kumalma naman si Alleine ngunit panay parin ang luha nito. Maya maya ay bumaba na ito sa kandungan ni Aless saka naman lumipat at nagpa karga sa akin saka yumakap ng mahigpit. Hindi sya umiiyak ng malakas ngunit ramdam ko na sobra parin silang nasasaktan ng kanyang Kuya Ali. Hangang sa ako na ang nagsalita para pakalmahin a

