ALESSANDRO Nang paalis na kami dala ang mga bulaklak ay nakasalubong namin si Penny sa May Pathway. "Goodmorning Penny, sorry nag aya kasi ang mga bata, kaya dinala ko sila dito sa bahay natin. Hindi ka na muna namin ginising dahil mahimbing pa ang tulog mo kanina." Anya ko sa kanya. Pansin ko na tila may pinahid na luha sa gilid ng mata nya. Saka sya nagsalita. "Ahm..ayos lang, sinabi sakin nila Mama." Tipid na sagot nya saka yumukod para pantayan si Alleine. Hinaplos nya ang ulo nito saka bahagyang pinisil ang matambok at mamula mulang pisngi ng aming bunso. "Wow amg dami naman nyan anak." Anya nya habang kausap si Alleine. Na may hawak na basket. Dahil di pa ito nakakapagsalita ng husto ay dumampot lamang ito ng bulaklak sa basket saka inabot sa kanyang Mommy. "Mommy." Anya nito

