Chapter 2

1176 Words
SA magulo at maingay na mundo ng isang Sebastian Monteverde, nag-iisang tao lamang ang nakakaalam ng mga sekretong tinatago nito. "Are you sure about this, Seb? Engagement party ang sinabi mo sa mga magulang mo at sa publiko. Paano mo magagawa ang wedding proposal mo para kay Freya?" puno ng pangambang tanong ni Cain, ang matalik nitong kaibigan. Nasaksihan lamang nito kung paano marahang umangat ang sulok ng labi ni Sebastian habang komportable pa ring nakaupo sa mamahalin nitong swivel chair. "She'll say yes..." may kasiguraduhan nitong sambit. "Ako ang nag-iisang lalaking minahal ni Freya at ako lang din ang dahilan kung bakit siya babalik ng Pilipinas. There's nothing to be worried about, Cain." Subukan mang pigilan ni Sebastian ang kaligayahan sa puso niya pero hindi niya magawa. Saglit lang silang nagkausap ni Freya sa tawag kamakailan pero wala pa ring nagbago sa nararamdaman nito para sa dalaga...at alam niyang gano'n din ito sa kaniya. Nakangiti niyang pinagmasdan ang ring box na naglalaman ng engagement ring na matagal din niyang pinangarap na ibigay dito. This time, balak niyang surpresahin ang babaeng pinakamamahal at alukin ito ng kasal sa harapan mismo ng kaniyang pamilya. "Our connection remains intact. Siguro ngayon na realize niyang mas sasaya siya kasama ako kaysa sa mga taong pinagsisilbihan niya for her charity works. She's done being an UNE ambassador, it's time for her to quit." Gustuhin mang sumagot ni Cain ngunit mas pinili nitong manahimik at pagmasdan na lamang ang kaibigan. Alam niya kung gaano kamahal ni Sebastian si Freya magmula noong nasa kolehiyo pa lamang sila. Wala itong ibang pangalang bukambibig, wala din itong ibang ginawa kung hindi supportahan ang dalaga at kahit noong umalis ito papuntang Switzerland, hindi napagod ang kaibigan niyang mahalin ito. Sino ba namang hindi, gayong tinagurian itong "Miss Perfect" hindi lamang sa pinapasukan nilang unibersidad kung hindi maging sa ibang sulok ng mundo. Maganda, mabait, matalino and most of all she's selfless— that why they consider her a diamond in the rough and a role model. Bumuga ito ng marahas na hininga. "Can't blame you for loving her so much. Wish you all the best, bro." Agad na tumango si Sebastian na ngayon ay pinagmamasdan na ang engagement ring na pinasadya pa nitong ipagawa sa isang jewelry store sa Italy, nag-iisa at walang katulad ang singsing na gusto niyang ibigay kay Freya. "You know I'm hitting two birds with one stone here, Cain." Nasilayan nito ang kakaibang kinang sa mga mata ni Sebastian. "My marriage with Freya will solve everything and unlock those damn last will and testament. That's why I invested so much on this..." Napabuga ng marahas na hininga si Sebastian nang muling bumalik sa alaala niya ang sinabi ng mga magulang ilang buwan matapos mamatay ng lolo niya. 'He died waiting for you to settle down.' Wala kasing ibang pinangarap ang matandang Monteverde kung hindi makita ang paborito nitong apo na maikasal sa babaeng pinakamamahal. Trenta y singko na si Sebastian ngayon pero wala pa rin itong napipisil sa dinami-dami ng mga babaeng naipakilala ng pamilya magmula noong umalis papuntang ibang bansa si Freya. Ang malala pa doon, hanggang namatay ang lolo niya ay sinama pa nito hanggang hukay ang hiling na maikasal siya sa lalong madaling panahon. Numero unong problema tuloy ni Sebastian ngayon dahil inaapura na siyang magpakasal ng mga magulang. Kapag hindi niya nagawa ang nasa last will and testament sa loob ng isang taon, paniguradong mapupunta ang lahat ng mamanahin niya sa pinsang nangangarap ding maagaw ang posisyon niya sa kompanya. Hindi naman ito makakapayag na masayang ang lahat ng mga pinaghirapan niya dahil lamang sa kawalan ng asawa. "She's my last and only hope." HINDI pa man tuluyang nawawala ang ngiti sa mga labi ni Sebastian nang marahang bumukas ang pinto ng opisina nito. Tahimik na pumasok ang bagong sekretarya bitbit ang isang maliit na tray na naglalaman ng kape para sa kanilang dalawa ng kaibigan. Maingat, masyadong maingat ang mga galaw nito na para bang natatakot itong magkamali. Marahil epekto pa rin ng ginawa niya noong unang araw nito sa trabaho. Mula sa kinauupuan, pinagmasdan niya kung paano napahigit ng hininga si Cain na para bang nakakita ito ng isang anghel na bumaba mula sa langit. Hindi man lang nito nilubayan ng tingin ang kaniyang sekretarya at kulang na lang mapatayo ito sa kinauupuan para lapitan ang dalaga. "Don't you dare." Gulat na napalingon sa kaniya si Cain, hindi maintindihan kung saan nagmula ang mga salitang binitawan niya. "If you're done. Leave the office immediately!" aniya sa sekretarya. "Opo, Sir," sagot naman nito habang natataranta at hindi malaman ang gagawin. SA takot na muling masigawan ay mabilis namang lumabas ng opisina si Celestine. Magmula kasi noong mangyari ang eksenang nasaksihan nito tatlong araw na ang nakalilipas, hindi pa rin siya nagkakaroon ng sapat na lakas ng loob para pakitunguhan ang boss ng walang kaba o takot na nararamdaman. Pakiramdam niya anumang oras ay muli na naman siya nitong kukumprontahin at tutuksuhin tulad ng ginawa nito sa kaniya sa loob ng opisina. Ang alam lang nito sa ngayon, kailangan niyang kunin ang tiwala ng boss kung gusto niyang tumagal sa trabaho. MAGHAPON ay wala siyang ibang hinarap kung hindi mga kaliwa't kanang cancelled appointments at postponed meetings ng boss. Alam niyang sobrang busy nitong tao, sobrang daming kailangang asikasuhin sa labas at loob ng opisina ngunit naiintindihan niya din ang pinagmumulan ng absenses nito. Ayon sa mga narinig niyang chismis mula sa mga katrabaho, mahal na mahal daw ng boss ang babaeng papakasalan kung kaya naman gano'n na lamang ito ka-hands on sa nalalapit na engagement party. Gusto ng boss niyang perpekto ang lahat sa araw na iyon lalo na't madaming dadalong kilala at mayayamang personalidad para saksihan ang isa sa pinakaimportanteng araw sa buhay ng magkasintahan. AKALA niya tahimik na magtatapos ang araw nang mag-isa pero laking gulat na lamang nito nang mabasa ang message mula sa boss ilang minuto bago ang oras ng out niya sa trabaho." "I want you to attend the engagement party tomorrow. Use that money to make yourself presentable. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?" walang paligoy-ligoy na sinabi ng boss habang hindi man lang tumitingin sa direksyon niya. Gustong magtanong ni Celestine kung parte pa ba iyon ng kaniyang trabaho bilang sekretarya nito lalo na't personal ng maituturing ang isang engagement party pero hindi niya magawa. Ngumiti na lamang siya ang pagkatamis-tamis sa harapan nito saka lakas-loob na nagsalita. "Kailangan ko po bang tumulong sa reception, Sir? Pwede po ba akong makahingi ng listahan kung sino-sino ang mga bisita niyo, ayoko pong magkamali lalo na't engagement party niyo ang pupuntahan ko." Doon napatingin si Sebastian sa kaniyang direksyon, pero sa kabila no' wala namang emosyon ang mga mata nito na para bang napipilitan lamang itong kausapin siya. "I want you to look after one person..." Hindi niya naintindihan kung bakit gano'n na lamang kabilis na nagbago ang tono ng pananalita ng boss saka nito inilatag sa harapan niya ang litrato ng isang magandang babae. "She's Freya Dela Merced, my fiance."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD