BUONG akala ni Celestine, ang magiging papel lamang niya sa engagement party ng boss ay bantayan ang pagdating ng babaeng papakasalan nito. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, mapipilitan pala siyang magpanggap na mapagmahal na fiancé sa harapan mismo ng pamilya nito.
"You're beautiful, hija."
Gustuhin man nitong pasalamatan si Mrs. Monteverde sa papuring sinabi nito pero mas pinili niyang manahimik na lamang sa kinatatayuan.
Sino ba naman kasing magkakaroon ng lakas ng loob ngayong ramdam na ramdam nito ang mga matang nakapako sa kaniyang direksyon?
At habang papalapit nang papalapit ang mga ito sa kanilang kinatatayuan, mas lalo lamang siyang kinakain ng kaba at takot.
Hindi siya maaring magkamali— padre de pamilya ng mga Monteverde ang lalaking nakasuot ng itim na mamahaling tuxedo habang ang batang babaeng naglalakad sa likuran nito naman ay ang nakababatang kapatid ng boss.
"May ilang minuto pa bago mag umpisa ang engagement party n'yo, hija. Why don't we have some chit chat first?"
Lihim siyang napalunok.
Paano kung bigla na lang nitong tanungin kung paano at saan sila nagkakilala ng boss? Anong isasagot niya?
Gustuhin man nitong takasan ang gulong pinasok pero huli na ang lahat, excited ng nakatayo sa tabi niya ngayon ang ginang habang nasa harapan naman nila ang tatay at kapatid nito.
"Anong nagustuhan mo sa anak ko, hija?"
Gano'n na lamang ang gulat niya sa tanong nito kaya wala sa sarili siyang napasagot.
"Wala..."
Muntik ng matawa ang ginang sa narinig, nagpigil lamang ito nang mapansin ang biglaang pagbabago sa ekspresyon ng anak. Tuwang-tuwa ang mommy ng boss niya habang siya naman itong muntik ng maubusan ng dugo dala ng labis na pamumutla.
Natataranta nitong binawi ang sagot.
"Wala po akong masabi sa kabutihan ng anak niyo, Ma'am. Napakaswerte ko po kay Seb. Actually, he's everything I wished for...he's the man of my dreams."
'Man of my dreams? Saang lupalop mo naman napulot ang mga salita 'yon, Tine?' naloloka nitong sabi sa sarili.
Mariin nitong kinagat ang ibabang labi para pigilan ang kahihiyang nararamdaman pero tuluyan pa rin siyang pinamulahan ng mukha nang masilayan ang kakaibang ngiti sa mga labi ng boss.
"That's my wife," proud nitong sambit habang nakatingin sa kaniya. "I can't wait to kiss you in front of everyone."
Daig pa nito ang binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan. Hindi pa man siya nakaka-recover sa tanong ng mommy nito, ibang kalokohan naman ang naisip nito ngayon.
Lihim niyang pinandilatan ang boss.
'Anong kiss ang pinagsasabi mo, boss? Hindi ba magpapanggap lang akong fiancé mo ngayong gabi?' aniya na para bang kinakausap ito sa pamamagitan ng tingin.
Makahulugan namang ngumiti ang boss sa kaniya na para bang sinasabi nitong sumakay na lamang siya sa mga pinaplano nitong gawin.
Ilang sandali ang lumipas, nahinto na lamang ang tahimik nilang iringan nang biglang magsalita ang padre de pamilya ng mga Monteverde.
"Looks like you're enjoying each other's company."
Tahimik mang tingnan pero mukhang kanina pa pala ito nakabantay sa galaw nilang dalawa. Sabay naman silang nagkatitigan na para bang nagtutulakan kung sino ang sasagot.
"Now you're seeing it for yourself," pagmamayabang ng boss. "Hindi pa rin ba kayo naniniwalang ikakasal na ako?"
Walang emosyon naman itong tumitig sa kanilang dalawa. "I'm just expecting someone else. I thought you're still in love with THAT woman."
Napayuko na lamang siya...
Kahit may parte ng pagkatao nito na gustong alamin ang kalagayan ng lalaking nasa tabi dahil alam niyang higit na mas naapektuhan ito sa narinig.
"Are you really marrying my brother? For real?" masiglang tanong ng batang babae dahilan para mabasag ang katahimikan.
Walang pagdadalawang-isip namang tumango si Celestine at masayang ngumiti na para bang nagkunwari itong nahawa bigla sa energy ng kausap.
"Finally, Dom..."
Imbes na matuwa sa naging reaksyon ng ginang, gano'n na lamang ang kabang naramdaman niya nang marinig ang kasunod na mga sinabi nito.
"Leave everything on me, hija! Ako na ang bahala sa magiging kasal n'yong dalawa ni Sebastian. I'll hire the best wedding planner! I'll secure the best place for your vows! I'll make sure that your wedding will be perfect!"
Kulang na lang malaglag ang panga nito sa kinatatayuan.
"Po?"
Masaya pang inulit ng ginang ang huling sinabi nito pero para siyang namingi bigla, ang tanging naintindihan na lamang nito ay ang sinabi ni Mr. Monteverde bago sila umakyat sa stage.
"You did a great job taming that animal."
~~~~
HABANG nagsasalita ang boss sa harapan ng mikropono, walang ibang laman ang isipan ni Celestine kung hindi ang mga sinabi ng mommy nito.
Kasal o sakal?
Hindi niya lubos maisip kung paano humantong sa ganito ang lahat.
Mula sa pagiging isang simpleng sekretarya bigla na lamang siyang hinila ng boss para ipakilala sa pamilya nito at ang malala pa doon, walang takot na rin siya nitong ipinapakilala ngayon sa lahat ng mga bisita bilang fiancé.
Siguro naman may plano ito pagkatapos, hindi ba? Impossible namang pumayag ito na basta basta na lamang maikasal sa isang babaeng tulad niya.
Ni hindi man lang siya tinanong ng mga magulang nito kung saang angkan siya galing, kung nagmula ba siya sa isang mahirap na pamilya o kung isa ba siyang probinsyana.
Nasa kalagitnaan pa rin ito ng malalim na pag-iisip nang agad niyang naramdaman ang isang matibay na bisig sa kaniyang likuran. Walang kahirap-hirap siya nitong pinihit paharap dahilan para mangatog ang mga tuhod niya nang masilayan ang mga taong nakatingin sa kanilang dalawa mula sa stage.
"Swear to God...I'll be the best husband, Darling."
Muntik na siyang mapaatras nang inilapit nito ang mukha sa kaniya, sapat lamang iyon para magtagpo ang mga mata nilang dalawa.
Pakiramdam ni Celestine ay tila mauubusan siya ng hangin sa mga nangyayari.
"This kiss is worth fifty thousand," bulong nito sa kaniya dahilan para matigilan ito sa kinatatayuan.
Nanatili siyang tahimik hanggang ang tanging narinig na lamang nito ay ang malakas na t***k ng puso niya matapos magawa ng boss ang hinihiling.
Sa pangalawang pagkakataon ay napilitan na naman siyang sumunod sa boss. Noong una sa opisina nito, ngayon naman sa harapan ng mga bisita sa mismong engagement party na hindi naman talaga nakalaan para sa kaniya.
Hanggang kailan kaya magtatagal ang pagpapanggap niya bilang fiance ng boss? Matutuloy kaya ang kasal na pinaplano ng mommy nito?