Hindi ko alam kung dapat ko bang pagtuonan ng pansin ang gustong sabihin ni Christian. Naghintay naman ako sa text niya kaya lang ay walang dumating. Baka hindi naman totoo. Paano mo ba masasabing masama ang isang tao? Sa gawa? Sa ugali? Napanguso ako at mariing tinitigan si Drake na nagkikilo ng mangga. That's something he's quite good at. Kung hindi sakto ang timbang ay alam niya kung gaano kalaki ang ipapalit na mangga makuha lang ang tamang timbang. He doesn't look bad to me. Kahit na may stubble na at maraming tattoo ay hindi na ganoon kasama ang tingin ko sa kanya. He's even courteous and generous to his customers. Kaya paanong masama si Drake? Nagiging masama lang naman ito sa paningin ko kapag nanghahaplos at nanghahalik siya ng walang paalam. But to Mareng? He's a good person.

