KABANATA 30

2468 Words
"Veron, i-double check mo 'yong mga files. Hanapin mo nga 'yong file ni Mister Draco Torres," si Miss Yumi na nagtitipa. Sa galaw ng mga daliri at boses niya ay mukha siyang nagmamadali. Habang ako naman dito ay wala pa sa tamang huwisyo. "Draco Torres po?" ulit ko. Salubong ang kilay niyang humarap sa akin at alam ko na agad na sisinghalan niya ako. "Oo! Hanapin mo na! Naghihintay si Sir." Pinaypay pa nito ang kamay patungo sa akin. Tumango na lang ako at hinarap ang mga folder. Wala man sa ganang magtrabaho ay pinilit kong hanapin ang pinapahanap niya sa kabundok na mga folder sa harap ko. Nilingon ko pa ang matandang lalaking nasa harap ng counter at hinihintay matapos si Miss Yumi. O baka hinihintay ang file sa akin. Hindi ko sigurado. Ilang beses kong inulit bigkasin sa isip ko ang Draco Torres upang madali iyong mahanap kaya lang ay wala talaga akong ganang magtrabaho. Mabagal tuloy ang kilos ng mga kamay ko sa paglipat ng bawat folder. I sighed. Kahit ilang araw na yata ang lumipas ay binabagabag pa rin ako ng sinabi daw kuno ni Drake na mahal niya ako. Pero ni-entertain naman si Miss Kim. Isang ngiti at box lang pala ng cake ay tumatalima na agad ito. Oo nga naman, sinong tatanggi sa maalindog na guro? Syempre wala. At hindi iyon basta paaalisin ni Drake. Dapat talaga hindi ako naniniwala sa kanya. Sigurado na naglalaro lang si Drake. Lalo pa't sa alaala ko ay dumiretso sila sa apartment ni Drake at nagsara ng pinto. Nagsara ng pinto! Ganoon ba ang lalaking gustong mag-settle?! Naglo-lock ng pinto kasama ang ibang babae? That stung my heart. Sa tuwing naiisip kong hinayaan ko siyang hawakan at halikan ang katawan ko ay sumisigid ang sakit sa dibdib ko. Habang ayon siya't ibang babae ang pinapapasok sa apartment niya. At hindi na ako magugulat kung mangyayari man sa kanila kahit na gusto kong tutulan. Oo nga pala, I have no rights to demand. Binata pa rin siya at single. Pwedeng mamili kung gugustuhin niya. Pwede magtapon at palitan ang gusto niyang ligawan. Wala pang obligasyon at hindi niya kailangang maging faithful kung kanino. Sa kung kanino niya lang gusto. Why do boys have the freedom to court whoever they want? Habang ang mga babae ay hindi malayang pumili. Kung sino lang ang gustong manligaw, iyon lang ang pwedeng pagpilihan. Hindi man lang makapag-demand na baka naman pwedeng ligawan din ni crush. Kaya siguro ang dali kay Drake na papasukin sa apartment niya si Miss Kim kasi choice niya 'yon Gusto niya at pinipili niya. That's something I'd like to dismiss. Hindi na sana iisipin pero hindi rin ako natahimik nang araw na iyon kahit nakapasok na sa sariling apartment. Pilit ko pang dinikit ang tainga at katawan ko sa pader na nahaharang sa pagitan ng apartment ko at ng kanya. Gusto ko lang marinig kung nag-uusap sila o kung ano ang ginagawa nila. Nag-init pa ang mga pisngi ko sa naiisip na ginagawa nila. Privacy nila 'yon, Veron! Paalala ko sa sarili. Dinikit ko pang mabuti ang tainga ko. Ang kaso ay wala akong marinig. Pitpit na ang pisngi ko sa pader ay wala pa rin akong marinig. Hindi naman soundproof ang apartment kaya bakit wala akong marinig?! Nakaka-frustrate! "Mimi, you won't hear them if you just keep on eavesdropping through that wall. Why don't you knock on his door and ask him to let you in, Mimi? Baka po, busy na sila ni Miss Kim." Mas lalo yata akong nagngitngit sa sinabi ni Mareng. Hindi naman malabong mangyari iyon. He even admitted that he doesn't need a bed just to bed a woman. Baka kahit sa sala ay kaya niya! Kaya nila ni Miss Kim! Parang mas lalo kong gustong lumusot na lang sa pader at pigilan sila. Baka pwede pang pigilan! Mas lalo kong dinikit ang tainga at pisngi ko sa pader. Umaasang may maririnig kahit kaluskos man lang ngunit wala! "If I were you, Mimi, I'd go and bang on their door-" Napaahon ako mula sa pagkakadikit sa pader at pinanlakihan ng mga mata si Mareng. Hindi nagustuhan ang mungkahi niya. Hindi ko naman planong guluhin sila. Ang balak ko ay pigilan sila. Napailing ako sa naisip. Ano naman ang karapatan kong pigilan sila. Isa pa, sa pagkakaalala ko ay boto sa kanila si Mareng. "Akala ko ba match-maker ka ni Drake at Miss Kim?" Ngumuso siya at tumango, "Hm-m." "Bakit ngayon ay gusto mong istorbohin ko sila?" tinaasan ko siya ng kilay. She bats her long lashes. Napuno rin ng panunukso ang asul niyang mga mata. Maging ang labi niya ay pumorma ng ngisi. "Mimi, yes, I matched them. But if you like Pareng Drake, I will choose you for him rather than Miss Kim. I'll support you, Mimi. Let's get Pareng Drake together!" masiglang bulong niya. Tumayo si Mareng at hinila pa ako palabas ng pinto. And I don't want to enumerate more of that craziness of knocking on his door loudly, and yet ending up discovering him all alone in his apartment. No Miss Kim. "Veron!" Halos mapatalon ako sa gulat sa pagsigaw ni Miss Yumi. Doon ko lang din yata naalala na nasa trabaho ako. "Po? Draco Torres po 'no?" Nataranta ako at mabilis na hinalughog ang nga folder sa harap ko. "Nakuha ko na at naibigay. Lutang ka, Ghorl?" Umirap si Miss Yumi at umingos pa. Naitikom ko ang bibig ko at naitago ang mga kamay ko sa ibaba ng mesa. Bakit ba naman kasi hindi maalis sa isipan ko si Drake? Nakakainis lang na hindi ako mapokus sa trabaho dahil sa kanya! Sana lang ay kung si Miss Kim ang gusto niya, ang guro na lang ang alukin niya ng kasal. "Veron!" "Po?!" Napatayo ako at nanlalaki ang mga matang nilingon si Miss Yumi. "Lutang ka nga." Umiling ito at may inabot sa gilid niya, "Meryenda mo raw. Iniwan ni Sir Drake diyan." Nilapag nito sa harap ko ang paperbag na may lamang canned soda at ensaymada. Galing siya sa bangko? How come I didn't see him? "Galing po ba siya rito, Miss Yumi? Bakit hindi ko po nakita?" She hissed, then rolled her eyes at me. "Lutang ka nga kaya paano mo malalaman?" pabalang na sagot niya. Pinirmi ko na lamang ang mga labi ko at hindi na sumagot o nagtanong pa. Hindi nga naman maganda sa trabaho na nawawala ka sa sarili mo o lumilipad ang kaisipan mo. Unprofessional, Veron! Hindi ko lang kasi mapigilang isipin si Drake. May Miss Kim na nga tapos ngayon ay iniwanan pa ako ng meryenda. Bakit ba kasi napaka-two timer niya? Kusa yatang naisantabi ang mga iniisip ko matapos malingunan sa counter si Mama na matiim ang tingin sa akin. Napakurap ako at napayuko. Hindi makayanan ang tingin niya. Nasanay na yata akong lagi siyang biglaan na lamang sumusulpot dito sa bangko. And I'm not going to deny that I'm missing them. Kahit gaano pa yata kasakit na palayasin ako ay nagwawagi pa rin na mahal ko sila bilang mga magulang ko. Marahan akong yumuko kahit na nanatili ang titig ni Mama. Ni hindi pa ako nakamo-move-on kay Drake ay heto at si Mama naman ang haharapin ko. "Pumayat ka. Wala ka ng pagkain?" Natulos ako sa upuan ko at hindi maiangat ang tingin ko sa sinabi ni Mama. Kumakabog ang dibdib ko at kinakabahan. Aminado naman akong pumayat. Hindi ko lang alam na pupunahin niya. "Ay, nagda-diet po ako, Ma'am," si Miss Yumi. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko na sumasagot si Miss Yumi kahit pa alam kong para sa akin ang tanong. "Good for you, Miss. Sa iba ay hindi bagay," parinig pa nito. Mas lalo yatang sumikip ang dibdib ko sa narinig mula kay Mama. Para na itong pinipiga. Maging ang mga daliri ko ay nakukuyom. Bumagsak ang tingin ko sa sariling katawan. Tama naman na pumayat nga ako. Lumunok ako at pinigilan ang maiyak. Hindi ko man lang maiangat ang ulo ko. Pakiramdam ko, wala akong maipagmamalaki kay Mama. "Thank you, Miss Hernandez. Sa susunod po ulit, Ma'am." Doon lang yata ako nakahinga nang maluwag. Inangat ko rin ang paningin ko sa counter at nakitang papaalis na nga si Mama. Nagulat nga lang ako nang sumulyap pa siya sa akin at bahagyang tinaas ang kilay na kinayuko ko muli. Mas lalong bumigat ang damdamin ko dahil doon. Inaalala ko na nga si Miss Kim at Drake tapos inaalala ko rin ang reaksyon ni Mama. At hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba na natatanaw ngayon si Christian na papasok sa bangko. My gosh! All in one day, Veron! Mababaliw na yata ako kung bad news pa rin ang hatid ni Christian. Sa hilatsa ng mukha niya ay seryoso ang sadya niya. Ni hindi pa dumaan sa pila at diretsong counter talaga ang lakad niya. "Excuse me, Sir. May pila po. Get your number po and wait for your turn," pigil ni Miss Yumi na tinuro pa ang pila. "Hindi, Miss. Sandali lang 'to. May sasabihin lang ako kay Veron." Hindi siya nagpapigil at tumapat sa counter ko. Tila balisa at hindi makapaghintay ang sasabihin niya. "With all due respect, Sir. Please, follow the rules." Napatayo na si Miss Yumi at sumama na ang tingin kay Christian. Kaya naman ako na ang nahiya at nakiusap. "Uhm, Christian. I-text mo na lang ang sasabihin mo. Baka pagalitan ako." Ngumiti pa ako ng maliit sa kanya. He frustratedly messed his hair and knotted his brow. Bagsak pa ang balikat niyang tumango at sinamaan ng tingin si Miss Yumi. "Sige. Hihintayin ko na lang ang out mo." Tumalikod at dumiretso na ito palabas. Ni hindi ko na nagawa pang pigilan. Ayaw ko naman na paghintayin ang tao. Pwede namang i-sent niya na lang. Ang kaso ay nanatili nga ulit siya roon sa tabi ng guwardiya at nakipagkwentuhan. Problema ko pa ulit nito kapag nagpang-abot sila ni Drake. Ayaw ko naman na mag-away ulit sila. Kung pwede lang ay hindi na sila magkita. Ngunit wala akong magawa. Ni hindi pa ako nakapagtrabaho nang maayos kakaisip kung paano itatago si Christian. O kung paano paaalisin bago pa man dumating si Drake at Mareng. Ilang beses akong napagalitan ni Miss Yumi sa hindi pagiging aktibo sa trabaho. Kaya naman nang palabas niya ay nagmamadali na akong makalabas at mapaalis si Christian. Hindi ko na nga sana balak na tawagin pa kahit naghintay siya nang matagal. Ang kaso ay siya mismo ang nakakita sa akin at lumapit. "Veron, importante ang sasabihin ko." Pigil niya sa braso ko. Tumigil ako sa paghakbang at huminga nang malalim. "Ano ba 'yon, Christian? Baka kasi dumating na si Drake." "Drake?" Tila mapait na bagay iyon na dumaan sa dila niya at napaismid ito, "Gusto lang kitang paalalahanan tungkol kay Drake, Veron." Binitiwan nito ang braso ko. Nangunot ang noo ko at nalilito siyang nilingon. Ano'ng ibig niyang sabihin? "Bakit ano'ng tungkol kay Drake?" Bumuntong hininga ito bago ako pinakatitigan. Tila nagdalawang isip pa ito matapos umikot ang tingin sa paligid na may mangilan-ngilang tao. Pero sa huli ay bumuka rin ang mga labi niya. "Naaalala mo si Jim di ba?" seryosong tanong niya. Agad na pumasok sa isip ko ang pulis na minsang kasama niya kaya naman napatango ako. "Iyong pulis? Bakit? Ano'ng koneksyon niya kay Drake?" "Kilala niya si Drake," mabilis na sagot ni Christian. Naaalala ko nga na binati pa nito si Drake sa loob ng jeep. Normal lang naman siguro na may kakilala si Drake dito lalo pa't sinabi niya na nandito ang pamilya niya. Baka tiga-rito talaga. "Bakit? Ano'ng meron kay Jim at Drake?" Natahimik si Christian at tila nag-isip pa. "Veron, hindi normal na kilala ng isang pulis ang isang tao." Napakurap ako at bahagyang napanguso. Naguluhan pa sa sinabi niya. Hindi na ba normal na makakilala ng pulis? Hindi na pwedeng maging kaibigan ang isang pulis? Napailing ako at napangiwi, "Hindi kita maintindihan, Christain. Ano'ng masama roon?" Umawang ang mga labi niya at tila iba yata ang gusto niyang maging reaksyon ko. Hindi ko naman kasi makuha kung ano ba'ng mali. Maybe Drake knew Jim. Then what's next? Hindi naman siguro ex-boyfriend ni Drake si Jim. That can't be! Nagpuyos ang damdamin ko sa naisip at kumuyom ang mga kamao ko. Hindi ko yata matatanggap iyon! "Ang akin lang naman ay baka masamang tao 'yang Drake at kakilala ng isang pulis." Nanatili akong nakatingin sa kanya. Pilit pinroposeso ang sinasabi niya. "Kita mo naman, Veron. Ang yabang niya at puno pa ng mga tattoo. Hindi malabong masamang tao." Hindi ko alam ngunit napairap ako. Masama na agad dahil sa tattoo? Hindi ba pwedeng work of art? "Ang judgemental mo naman, Christian. Hindi naman ganoon si Drake. Sa tagal niyang kasama si Mareng ay hindi pa nalagay sa panganib ang anak ko." Umiling ako at disappointed sa paratang niya. "Hindi mo dapat 'yan sinasabi, Christian. Masamang manira ng ibang tao." Paglingon ko sa kaniya ay matalim na ang tingin niya at hindi yata nagustuhan ang mga sinabi ko. Napaatras pa ang isang paa ko. Wala namang masama sa sinabi ko. Pero bakit parang hindi niya gusto? Nang makita niyang natakot ako sa tingin niya ay bumuntong hininga ito. "Gusto lang naman kitang mag-ingat, Veron. Masama ba iyon? Ni hindi mo nga alam na hindi naman Drake ang pangalan-" But Christian words got drowned out by the beeping sounds of Drakes' jeepney. Pumarada pa iyon agad sa tapat ko. Napairap ako at hinarap muli si Christian upang magpaalam na. "Pasensya na, Christian. Sa susunod mo na lang sabihin. Uuwi na ako. Baka mamaya, mag-away pa kayo ulit ni Drake." Marahan siyang tumango. Ngunit masama ang tingin niyang pinupukol sa jeep ni Drake. Naintindihan ko naman na concern siya. Pero hindi naman din ako basta maniniwala na masama si Drake. Buo naman niyang naiuuwi si Mareng. And that is enough for me to put my trust in him. Hindi naman din siguro siya gagastos para sa amin kung may balak naman pala siyang masama. "Ayos lang, Veron. Gusto ko lang naman talagang sabihin na hindi Drake ang pangalan-" "Mimi! Come here na. I wanna go home." Inis akong napapikit sa sigaw ni Mareng at sa hindi pagkakatapos ng sasabihin ni Christian. Umiling ako at humingi ulit ng pasensya kay Christian. Kumaway pa ako matapos humakbang palapit sa jeep. Kaya lang ay humakbang pa rin palapit si Christian sa jeep kahit na nakasarado na ang pinto sa tapat ko. "Hindi ka ba titigilan ng lalaking 'yan? Ayaw na atang masinagan ng araw." Dinig kong mahinang usal ni Drake. Pinagkibit-balikat ko iyon at balak na magpaalam kay Christian ngunit naunahan niya akong magsalita. "Veron, maniwala ka. Hindi Drake ang pangalan-" Kaya lang ay hindi ko na iyon malinaw na narinig pa matapos paandarin ni Drake ang jeep.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD