KABANATA 29

2493 Words
Mabigat na braso sa tiyan ko ang gumising sa akin. Marahan ko pang hinatak ang kumot at sumiksik sa katawan niya. Katawan niya? Halos matigil ako sa paghinga sa naisip. Kaninong katawan, Veron? Ilang beses akong napakurap. Iniisip kung ano ba'ng nagawa ko kagabi. Suddenly, recollections from the previous night flood back into my consciousness. Nangatal ang mga labi ko at hindi makapaniwalang ganoon ulit ako kadaling bumigay kay Drake. Drake? Damn, Veron! Halos sabunutin ko ang buhok ko. Naiinis na bumigay na naman ako. Umiling ako at balak na sanang tumakbo palabas ng kwarto ngunit tila ako tinakasan ng kaluluwa matapos maibaba ang kumot. I can't believe I have done such a thing. And here I am finding myself naked beside Drake nakedness. Urgh! Veron! Wala akong maalala na ginawa namin iyon. Ang tanging naaalala ko lamang ay ang nangyari sa swimming pool. I am confident I am still whole. Hopefully! Mabilis kong binalot ang sarili ko sa kumot at hinatak lahat ng iyon. Pikit pa ang mga mata ko. Takot na makita ang kahubdan ni Drake. "Drake," mahinang tawag ko sa kanya but I got no response. "Drake!" Wala pa rin. Ni walang kaluskos. "Drake!" Sinubukan ko pa siyang tadyakan ng ilang beses. Nang hindi pa rin siya nagising ay minulat ko na ang mga mata ko. Nakahinga lang nang maluwag matapos makitang naka-boxer short naman pala. Ngunit hindi maialis ang tingin ko sa likod niyang puno ng tattoo na umabot hanggang sa batok. I can't even name his tattoo. Nagkalakas loob ako at linapitan pa siya at niyugyog. "Drake! Alis na diyan!" Umungol siya nang mahina at pilit iniwasan ang pagyugyog ko. "Drake, naman! Lumabas ka na rito!" Malakas ko pa siya ulit niyugyog. "Hmm," ungol niya. Inis akong napairap. Sa inis ko ay tuluyan ko na siyang tinulak paalis sa kama ngunit agad niyang napigilan at nanatiling nakakapit sa kama. Paglingon niya ay salubong na ang kilay niya at matalim na ang tingin. "Hindi kita pinagsamantalahan. Ginusto mo rin-" "Shut up!" Pigil ko sa sunod pa niyang sasabihin. Ayaw kong marinig mula sa labi niya ang kagagahan ko. At hindi ko matatanggap na pumayag ako. "Alam kong walang nangyari kaya magtigil ka diyan. Lumabas ka na nga at magbibihis ako. Baka mamaya ay hanapin pa ako ni Mareng." Mahigpit kong niyakap ang kumot sa katawan ko at pinilit na bumaba ng kama. Natigil nga lamang nang marinig ang mahina niyang tawa. "This is my room, Verona. Are you aware that you are naked? What made you think na walang nangyari?" Natulos ako sa kinatatayuan at hindi makalingon sa kanya. Kung tama ang alaala ko ay sa pool lang may milagro at hindi sa kwarto. Why am I naked then? "You are bluffing, Drake. Kwarto ko 'to-" Kusa kong naitikom ang bibig ko matapos malibot ng tingin ang kwarto. Wala nga akong kahit na anong gamit na naroon. Confirm. Hindi ito ang okupado kong kwarto. Hindi ko mapigilan ang pamulaan ng mukha sa kahihiyan. Mas humigpit pa ang kapit ko sa kumot at hindi na makatingin kay Drake. Alam kong walang nangyari ngunit bakit pakiramdma ko ay mali ako. Did he? "Doubtful now, Verona? I'll give you a clue. After three months, you'll have your morning sickness-" Halos manginig ako sa inis at sa gusto niyang ipunto. Nanlilisik ang mga mata kong sinalubong ang tingin niyang nanghahamon. "Shut it, Drake. That would never happen. Wala namang nangyari-" "How sure are you? Ilang beses ka pa ngang umungol sa ilalim ko. You did even utter, "ah, Drake-" Mariin akong napapikit at gusto na lamang takpan ang mga tainga ko sa sinasabi niya. He's bluffing and lying! "You did even cry for pleasure. Like, "that's so good, Drake!" "Shut up, Drake!" Tuluyan na akong umupo at tinakpan ang dalawang tainga ko sa pag-ungol niya. Hindi matanggap ang akusa niya. Maiyak-iyak pa akong umiiling sa mga sinasabi niya. I am very sure nothing happened! Nainis pa ako lalo nang marinig ang malakas niyang pagtawa. Agad ko siyang sinamaan ng tingin at kung maaari lang tadyakan ay ginawa ko na. "I'm just kidding. But damn! You moaned so good, Verona. And I can't wait to hear a lot of that every f*****g night." Tila ako nanghina sa sinabi niya. Ngayon ko lang din naalala ang proposal niya. He's that confident I'll marry him? "Sorry, Drake. But I'm turning down your proposal. Marrying you will not solve my problem." Umiling ako at tumayo. Mahigpit kong hinawakan ang kumot bago tuluyang lumabas sa kwarto niya. I didn't even bother to see his reaction. Basta! Hindi ako magpapakasal sa kanya. Mareng is enough, at kung hindi ko mahanap ang tatay niya ay hindi ko naman babalakin pang pakasalan si Drake. Kahit pa bumibigay ang katawan ko sa kanya ay hindi pa rin ako o-oo sa kasal. "Mimi, aren't we gonna work in the store?" Nilingon ko si Mareng na gumagawa ng guhit sa lupa gamit ang maliit na patpat. Nagunguso pa siya. "Hindi na muna. Bukas na lang, Mareng. Isa pa, baka pagod pa ang Pare mo mula sa byahe kahapon." Hindi nga ako nag-enjoy sa swimming. Ni hindi ko na kinibo si Drake pagkatapos noong sa kwarto. Hindi ko lang kayang pag-usapan ulit ang alok niyang kasal. Sa tingin ko ay hindi naman dapat iyon minamadali. "But I'm bored, Mimi. Should I call Pareng Drake? Magtatanim na lang kami ng mangga, Mimi!" Ni hindi ko na napigilan pa si Mareng na kumatok sa pinto ni Drake. Hindi rin naman nagtagal ang pagkatok niya at agad na iyong bumukas. Niluwa noon si Drake na magulo ang buhok at wala pang suot na pang-itaas. Tila galing sa pagtulog at kagigising lamang. Paano nga naman kami magtatrabaho sa store kung nandito pa ang katiwala? "Pare, teach me how to plant mangoes!" Nanatili lamang akong nakatingin sa kanila ni Mareng. Agarang tumango si Drake at nag-angat ng tingin. Hindi ako nakaiwas, nahuli pang nakatitig sa kanya. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pagbagsak ng tingin niya sa katawan ko at sa muling pag-angat ng tingin ay seryoso na ang mga mata niya. Hinagod pa niya ng isang beses ang buhok palikod. And I can't help but imagine what had happened in the swimming pool. I could not believe that those fingertips and lips had me. Urgh, shut it, Verona! Talaga ba'ng nangyari iyon? Ngunit wala akong makitang malisya sa mga tingin ni Drake. Tila normal lang ang nangyari kahapon at na hindi na iyon bago sa kanya. Sabagay, he is no saint. Baka pa marami na ang babaeng dumaan sa labi at mga daliri niya. And I am not that special. Ngunit hindi ko maiwasang mailang nang makalapit siya at tumabi sa gilid ko. Marahan akong tumikhim at sinubukang lumayo. Agad nga lamang nitong nahuli ang bewang ko at pinirmi roon ang mainit niyang palad. "Why leave, Verona? Are you shy?" mahinang tanong niya. Sapat lang upang hindi marinig ni Mareng na nagbubungkal na ng lupa. Napaiwas ako ng tingin at hindi makagalaw. Ramdam ko ang kakatwang init mula sa katawan niya at ramdam ko rin ang mahihinang kiliti sa puson ko. "I am not comfortable, Drake," amin ko. I heard his heavy sigh before he let go of my waist. Paglingon niya ay napupuno na ng hinanakit ang mga mata niya. At hindi ko alam kung ano'ng kinasasakit ng damdamin niya. Umawang lamang ang mga labi ko nang tumalikod siya at dinaluan si Mareng. Napakurap ako at bahagyang nasaktan. Bakit parang kasalanan ko? Hindi ko mapigilan ang magtanong ngunit wala akong pagkakataon. Lumapit na lang akong sa kanilang dalawa ni Mareng at nakiupo sa gilid. Nag-angat pa ng tingin si Drake na mabilis ding iniwas. "Kukuha lang ako ng buto ng mga mangga." Mabilis siyang tumayo at nagmamadali pang pumasok sa apartment niya. Nanatili pa ang tingin ko sa sumarado niyang pinto. Hindi maintindihan kung bakit ganoon ang iniaakto niya. Just because I turned down his proposal? Sino nga ba naman ang matutuwa kapag ganoon. But I mean no harm. Hindi naman din pwedeng kapag inalok ng kasal ay oo agad. You have to think it thoroughly. Marriage is not a joke. And I am still weighing things. Ni hindi ko pa siya lubusang kilala. Nawala iyon sa isip ko matapos muling bumukas ang pinto niya at nahuli akong muli na nakatitig sa kanya. Sa taranta ko ay agad akong tumayo at mabilis na naglakad papasok sa sariling apartment. Muntik ko pa siyang masalubong ngunit agad akong umiwas. Nagmamadali pa akong dumiretso sa kusina at kumuha ng malamig na tubig sa ref. Inisang lagok ko pa iyon sa kaba ko. What now, Verona? Tahip-tahip ang dibdib ko. Hindi ko naman inasahang lalabas siya agad. At bakit ko ba kasi tinititigan? Tapos bakit ba ako tumakbo agad dito sa loob? Gusto kong maiyak sa mga naiisip na katangahan. Ni wala akong mairarason kung lalabas ako roon. Huminga muna ako nang malalim bago kumuha nang tatlong malinaw na baso. Nagtimpla ako ng juice at gumawa ng sandwhich. Pwede ko naman sigurong sabihing gumawa ako ng meryenda. Hindi naman siguro siya magtatanong. Isang beses pa akong huminga nang malalim bago tuluyang lumabas sa apartment habang bitbit ang maliit na tray. Napakurap nga lang matapos na hindi sila datnan sa tapat ng bahay. Nangunot ang noo ko at nilibot ng tingin ang paligid. Nahanap ko sila sa kabilang bahagi ng libreng lote. Doon nagbubungkal. Nakatayo pa si Drake habang nagpapala ng lupa. Si Mareng naman ay nakatingala at halata ang pagtawa nito. Kinagat ko ang labi ko at pilit na hinakbang ang mga paa. Wala naman sigurong masama na ginawan ko sila ng meryenda. Ngunit nang malapit na ay halos manginig na ang mga kamay kong may hawak na tray. Mas lalo na ng makitang tumigil si Drake at nilingon ako mula sa likod. He's sweating, and that made my view so hot. Magtigil, Veron! Kahit na pilit akong hinahatak ng mga pawis niya sa noo ay pilit ko ring pinigilan ang sarili kong huwag titigan ang mga iyon. O kahit ang hubad niyang katawan na puno ng pawis. "Mimi! Thank you po sa meryenda!" Napakurap pa ako nang magtaas ng kamay si Mareng at pilit inabot ang hawak kong tray. Nataranta ako sa pagbaba niyon at pag-abot ng baso sa kanya. Binigyan ko rin siya ng sandwhich na agad niyang kinuha. "Thank you, Mimi!" Hinalikan niya ako sa pisngi bago binalik ang atensyon sa pagkain. And when I turned to Drake, I found him patiently waiting for his turn. Nakatitig at tila hinihintay akong bigyan siya. Napalunok ako at sa nanginginig na mga kamay ay inabot ang baso ng juice. Hindi ko siya kayang tingnan sa mata, kaya naman matiyaga kong hinintay na kuhanin niya ang baso. Ngunit nang magtagal at hindi niya iyon agad na kuhanin ay nag-angat na ako sa kanya ng tingin. Nasalubong ko ang malalim niyang pagtitig at bahagyang pagtikwas ng kanyang kilay. "Uhm. Meryenda." Nilapit ko pa lalo ang baso sa kanya. Umangat ang kamay niya. Tinitigan ko pa kung paano sinakop ng palad niya ang baso maging ang... kamay ko. Natigilan ako roon at umiwas ng tingin sa hatid na boltaheng kiliti at kaba sa puso ko. Agad ko pang kinuha ang sandwhich gamit ang kabila kong kamay at inabot din iyon sa kanya. Umaasang pakakawalan na niya ang kamay ko. But I was wrong. Katulad sa baso ay sinakop din ng palad niya ang kamay kong may sandwhich. Tila hindi balak na pakawalan ang mga kamay ko. "Uhm. Iyong mga kamay ko, Drake." Wala siyang sinabi at basta na lang pinakawalan ang mga kamay ko ngunit hindi ang mga mata ko. Nanatili siyang nakatitig. Tila sinisisid ang kalaliman ng mga titig ko. And I was taken aback when he slowly bit into his sandwich and chewed it seductively. Hindi ko maialis ang tingin sa mga labi niyang namumula. May naiwan pang mayo sa gilid niyon. And damn! Kusang pumapasok sa isipan ko kung paanong ang mga labing iyon ay nagtagal sa ibaba at sa dibdib ko. And shoot me now, but I will not deny the fact that he did that expertly. Hindi naman malabong magaling siya sa ganoong larangan. Lalo pa't binata. "Verona, you're drooling. Are you thinking of putting me to bed now? Or to marry me?" Napakurap ako at umawang ang mga labi sa mga tanong niya. Agad akong umirap matapos makita ang malawak niyang pagngisi. Naiiling pang nilapag ang baso ng juice bago inisang subo ang natirang sandwich. Talo ka na naman, Veron. Gusto ko nang pagalitan ang sarili. Hindi ko naman itatangging nahahalina ako at... umasa. Ngunit hindi ko iyon aaminin sa kanya. Bumagsak ang tingin ko sa tray bago bumalik kay Drake na naglalagay na ng buto ng mangga sa binungkal na lupa. "Pare, sa akin lahat ng mga bunga ng mangga kahit ikaw ang nagtanim?" Tumulong pa si Mareng na magtabon ng lupa sa paligid ng buto. I heard Drake chuckle, "Yes, Mareng. Everything I do and own is yours. You can both have it," anito at saka ako sinulyapan. Hindi mapigilan ng puso ko na matuwa sa sinabi niya. That only means he's considering me in every decision he has made and is making. Kaya ba inalok niya ako ng kasal? Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko sa kaisipan na ikakasal ako sa kanya. Ngunit hindi ngayon. I still need to know him deeply. And if he is really deserving to be Marengs' father. "Mimi, heard that?! Pareng Drake loves us both!" Tumawa pa ito at tumalon-talon. Ako naman ay natutulala. He loves me? Bakit hindi ko narinig?! Sinabi niya? Kumakabog man ang dibdib ko sa tuwa ay hindi naman maialis ang tampo ko. Hindi ko naman narinig na sinabi niya. Baka naman si Mareng lang ang nag-iisip ng ganoon at hindi naman sinabi ni Drake. Gusto kong pagalitan ang sarili sa umuusbong na pag-asa. Nilingon ko pa si Drake at nahuling nasa akin lamang ang tingin. He's serious? Sana man lang ay sinabi niya. Iyong maririnig ko. Pero seryoso ang mga titig niya at tila may ipinahihiwatig. Napatayo ako ng wala sa oras at nagpagpag ng kamay. Napapalabi at gustong mag-request na sabihin niya ulit kung sinabi niya man. Urgh! Sabi ko hindi siya deserving, tapos ngayon naman ay gusto kong marinig na sinabi niyang mahal niya ako. "Uhm, Drake." Tumikwas ang kilay niya, nag-aabang sa sunod na sasabihin ko. Kinagat ko ang dila ko upang pigilan ang sariling magsalita ngunit traydor ang puso at isip ko. "Uhm, Drake. Pwede ba'ng paki-ulit-" But I was cut off by a melodic voice from my back. "Hi, Drake! I hope you don't mind me visiting you." I saw how Drakes' lips lifted for a smirk before he looked at the woman at my back. Maging ako ay napalingon. Only to find Miss Kim on her wide smile while holding a box of cake. "I don't mind, Kim," he said, then gave me an insulting smirk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD