KABANATA 24

2445 Words
"Can I be Mareng's father, Verona?" That question played multiple times in my head. Hindi na maalis. I even imagined him with me as Mareng's father. "Shut it, Veron!" Bakit ko naman siya gugustuhing maging tatay ni Mareng? Close lang sila pero hindi siya magandang impluwensiya. Stop it, Veron! Problemado kong sinuklay ang buhok ko at mabilis na hinablot ang sling bag na nakasabit sa dingding bago lumakad palabas ng kwarto. I need to breathe. I need distraction. Ngunit napabalik ako sa harap ng salamin at nagawa pang maglagay ng pulang lipstick. Ngunit mabilis ko rin iyong nabitiwan at napatitig pa sa mga labi kong namumula. Bloody red lipstick. Makapal at sobrang pula! Nababaliw ka na, Veron! Why did I even use red lipstick? Para akitin si Drake? No way! Ayaw ko na ngang mahalikan niya. Mag-practice na lang siya sa mangga. Mabilis akong humablot ng tissue at pilit inalis ang lipstick ko at gusto kong mapura nang hindi iyon maalis nang tuluyan. Masyadong long-lasting! Bahala na! Bigo akong lumabas ng kwarto ngunit halos gusto ko na lang ulit bumalik sa loob matapos makita sa sala si Drake na prenteng nakaupo sa cleopatra. Diretso pa ang tingin sa akin, partikular sa mga labi ko. I automatically raised my brow. Patay malisya ko pang kinuha ang bag ni Mareng mula sa tabi niya, but then, he stopped my hand and held the bag firmly. "Ako na, Verona. Let's go." Tumayo siya at nilingon pa ako mula sa likod. Napakagat na lamang ako sa labi at hinanap ng mga mata ko si Mareng ngunit hindi ko siya makita sa loob. "She's outside. She's talking to Aling Floor." Napatango ako at sumunod na lamang sa kanya sa labas. Maigi ko pang ni-lock ang pintuan bago hinarap sila Aling Flor. Natigilan pa ang matanda nang makita ako at napatitig pa. Nakabawi lang nang ngitian ko. "Veron, malapit na pala birthday ni Mareng. May magluluto ka na ba?" ani nito na inayos pa ang buhok ni Mareng. Agad akong napangiwi at sinulyapan si Drake. Wala naman sigurong masama kung sa kanya ko ipaluto. Afterall, mas magaling siya sa akin sa kusina. Paglingon niya ay kita ko ang bahagya niyang pagngisi at pagtikwas ng kilay niya ngunit hindi tumango. It seems like he doesn't want to volunteer. Napamaang ako at tinitigan pa siya nang malalim. Is he serious? Alam niyang hindi ako marunong magluto. "Pwede naman kitang tulungan, Veron. Mag-ingat kayo," paalam pa ni Aling Flor. Pagkaalis ng matanda ay muli kong hinarap si Drake na buhat na si Mareng. "Mimi, I'm excited. I'll invite my classmates on my birthday." "Uhm. Maghahanap muna ako ng cook, baby-" "No need. I'll invite my friends, Verona. We'll do the cooking." Then, he smirked. "Your friends? Alin? Iyong dalawang kasama mo rito noon? Oo nga pala, nasaan na sila?" Hindi ko na maalala kung kailan ko sila huling nakita. Basta wala na iyong magarang sasakyan sa parking area. "Why are you asking, Verona? Are you interested-" "Will you stop, Drake? I am not interested. And also, will you please stop calling me Verona? Pakiramdam ko ang tanda ko na." Hindi ko mapigilang manguso nang marinig ang mahinang pagtawa nila ni Mareng. Sa tingin ko ay pinagtutulungan na naman nila ako. Nanahimik ako at hinintay silang matapos sa pagtawa. I even heard Drake clear his throat when I looked at him sharply. "It suits you, Veron-a. You're old enough for me," he declared. Wala sa loob na napakurap ako at napatitig pa nang maayos sa kanya. I have realized, hindi ko pa alam ang edad niya. "Ilang taon ka na ba?" Mabilis kong natakpan ang bibig sa pagkawala ng tanong mula roon. I saw him smirked again, "I'm just twenty-nine, Veron-a. See? I am just a few years older than you." Hindi ko maiwasang tingnan siya nang mapanuri sa sinabi niya. Bukod sa hindi siya mukhang twenty-nine, ay paano niya nalamang ilang taon lang ang tanda niya sa akin? "Stalker ba kita? Paano mo nalamang twenty-three lang ako?" akusa ko pa sa kanya. But instead of getting alarm, he was even put into deep thought. Lumalim pa ang titig niya sa akin. "So, you were just eighteen when you had Mareng? So young," he said, humorless. Napirmi ko ang mga labi ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko, iniisip niyang malandi ako at maagang humarot. Batang ina? I hissed. I don't think young mothers should be judged, hindi dapat. Ang hirap magpalaki ng anak! Sa naisip ay sinamaan ko siya ng tingin, "Ano ngayon? Hindi iyon ang tanong ko. Paano mo nalamang twenty-" "Did I say you are twenty-three, Veron-a? I didn't mention your age. I just said, I am just a few years older than you." Napailing ako at hindi makatingin sa kanya. Wala nga naman siyang sinabi! Assumera, Veron! "It seems like you want me to know you wholeheartedly, huh?" he mocked. Agad akong napalingon sa kanya at gusto na lamang burahin ang ngising nakapinta sa mga labi niya. Hindi matanggap na panalo na naman siya. "Of course not, ingleserong tindero!" Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Nauna na akong nagmartsa at pumara ng tricyle. Ni hindi ko maiwasnag sumamingot lalo na at paglapit niya ay nagbubulungan pa sila ni Mareng na hindi ko maintindihan. Ilang beses ko siyang inirapan sa byahe at sa tuwing ginagawa ko iyon ay pigil na tawa niya ang naririnig ko. He's enjoying this! At hindi ko matanggap na sumasaya siya habang ako ay nalulugmok sa inis. Kaya naman nang makarating sa bangko ay basta na lang ako bumaba at hindi na nagpaalam pa sa kanya. Mukhang hindi naman siya apektado dahil agad ding umalis ang tricycle sa harap ko. My gosh! Nakaka-high blood. Pinilit ko munang kumalma bago tuluyang pumasok sa loob ng bangko. Nadatnan ko pa si Miss Yumi na kunot ang noong nakatingin sa mukha ko. "Good morning po." Yumuko pa ako bago lumapit sa mesa. "Ang pula ng labi mo, Veron. Ano'ng lipstick 'yan?" Natigil ako sa pag-abot ng files sa pagpuna nito sa lipstick ko. Halos mapapikit pa ako nang mariin. Why did I even use red lipstick? Please remind me not to smear it on my lips again! Bahagya akong lumingon kay Miss Yumi na wala na yatanv ibababa ang kilay. Her hands are even crossed in front of her chest. "Uhm, nasa katalog ko po. O-order po ba kayo? One month to pay naman, Ma'am." Pigil ko pa ang ngumiwi at baka mainis na naman ito sa akin. Kita kong umingos siya at kumunot pa lalo ang noo bago tumalikod at umupo, "Order akong tatlo. Sa payday ang bayad. Lista mo muna," mahinang bigkas pa nito. Wala sa loob na napakagat ako sa labi at pigil ang mangiti. Dagdag kita! May pa-arte pa, gusto rin naman pala. Buti na lang pala at nag-red lipstick pa ako. Nakakuha pa ng customer. Who says I used it for Drake? I used it for Miss Yumi! Sa naiisip na kikitain ko ay hindi na mawala ang ngiti ko sa labi kahit pa minsang pumapasok sa isipan ko ang mapang-asar na si Drake. And I tried my best to get him out of my mind! Hindi naman ako nabigo. No, bigo ako ngunit inignora ko na lamang iyon. I smiled fully with every customer. At kahit nang makita si Christian sa harap ng counter ay mas lumawak pa ang ngiti ko. I even greeted him, which gained a hiss from Miss Yumi. "Uhm, wala kang pasok sa branch?" tanong ko pa sa kanya. "Day-off ko. Ngayon pa lang ako ulit nakapag-deposit dito. Hintayin na kita mamaya, Veron. Hahatid kita sa bahay mo." Ngumiti pa ito na nakapagpalabas sa mga biloy niya. Alanganin akong ngumiti. Iniisip na baka sunduin ako mamaya ni Drake kaya naman malugod konh tinanggian si Christian. "Pasensya na, Christian. Baka kasi sunduin ako ni Drake mamaya." Kitang-kita ko kung paanong nawala ang ngiti sa mga labi niya ngunit agad din niyang binalik ang masiglang awra. "Ayos lang. Hihintayin na lang kita sa labas hanggang uwian mo." Tinuro pa nito ang main gate. "Huh? Pero kahit huwag na." Ngunit nalusaw lamang sa hangin ang sinabi ko nang tuloy-tuloy na siyang lumabas. Kita ko pa sa salaming pinto ang pagtabi niya sa guwardiya at pagka-usap doon. I sighed. Tingin ko ay hindi magbabago ang desisyon niya. And I was right. Nang out ko na ay naka-abang na agad siya sa pinto at ngiting-ngiti pa. Sinuklian ko na lang ng ngiti kahit pa nahihiya ako na naghintay siya. "Sigurado ka ba na susunduin ka ni Drake?" I glanced at him when I sensed a little bitterness in his voice. Ngunit ang tingin niya ay nasa kalsada lang. Maingat kong sinilip ang oras sa telepono ko. At hindi ko mawari kung bakit kinakabahan ako na dadatnan niyang kasama ko si Christian. Alam ko namang hindi niya kasundo si Christian, ganoon din si Mareng. Baka mamaya ay magtaray na naman iyon. "Jim! Bro, dito destino mo?" Mabilis kong naitago ang cellphone sa bag ko at napalingon sa tinawag ni Christian. I saw a man in his police uniform. Hindi naman sobrang tipuno ngunit ang awra ay bahagyang nakakaba. "Napadaan lang. Sasabay na ako pauwi," ani pa nito. But Christian shyly massaged his nape and glanced my way. Ngumiti lang ako ng maliit sa kanya upang ipahiwatig na okay lang lalo pa't hindi naman niya ako kargo. "Sandali lang, Jim. Hintayin muna natin sundo ni Veron." Gusto ko sanang umapela ngunit nakatango na ang tinawag niyang Jim at tumabi pa sa kanya. Nanahimik na lang ako at tahimik na hiniling na sana dumating na sila Drake. And God loves me so much that He heard my silent prayer. In my vision is the old-fashion golden yellow jeep slowly parking in front of me. Kusa pang naguhit ang ngiti sa mga labi ko nang dumungaw mula sa bintana si Mareng nang nakangiti. But her face turned sour when she saw Christian at my side. "Mimi, you betrayed me! Why are you with that guy?" Tinuro pa nito si Christian. Halos mataranta ako at panlakihan siya ng mata sa inasal. Hindi ko mapigilang mahiya lalo pa't may kasama pa kaming pulis. At mukhang dadagdag pa ang problema ko nang makita ang pagdungaw din ni Drake. But his eyes were directed to the police man. Napakurap ako nang hindi talaga niya ako sinulyapan at ang tingin ay nasa pulis lang. Matiim. Idagdag pang napipirmi ang mga labi niya. Out of curiosity, I caught a glimpse of the cop and noticed him smirking at Drake. Tila nakahanap ng kakilala ngunit ayaw sabihin. "Sige, Veron. Baka mainip si Mareng," si Christian. Mahigpit kong hinawakan ang bag ko at nilingon pa si Mareng na masama ang timpla. Nanunulis ang labi at salubong ang kilay. Ngunit nahihiya rin akong pinaghintay ko si Christian kahit na kagustuhan niya naman iyon. Kaya naman pikit-mata ko silang niyayang makisakay na lang sa Jeep. "Uhm, sumabay na lang kayo sa'min. Malaki naman ang jeep," mahinang yaya ko sapat lang upang marinig nila. "Hindi kami tatanggi, Veron," si Christian na ngumiti pa. And maybe, I made the wrong decision. Nang nasa sasakyan niya ay tila mga walang dila ang mga kasama ko. Si Drake ay masama ang tingin sa daan katulad ni Mareng. Si Christian ay tahimik lang na nililingon ako, at ang pulis naman nitong kasama ay kay Drake lang nakatingin. Ang akala ko ay wala nang magsasalita ngunit binasag ni Jim ang katahimikan. "Long time no see," anito. Nangunot ang noo ko at pinakatitigan ko pa kung sa akin ba ang tingin niya ngunit kay Drake pa rin ito nakatingin. "Yeah, long time no see." Si Drake na matalim pa rin ang tingin sa daan. Naguguluhan man ay hindi ko sinubukan magtanong. At kahit nang ibaba namin sila Christian ay hindi ko sinubukang magtanong. Nagkalakas loob lang ako nang makarating na sa apartment. I even stopped his firm arm from opening his door. "Drake, kilala mo si Jim?" Diretsong mata niya ang tingin ko, and I can't read any emotion from him. At kahit na umangat pa nang bahagya ang labi niya ay iba iyon sa natural niyang ngisi sa tuwing inaasar ako. "Why? Do you know him?" he asked, dangerously. Wala sa loob na napaatras ako at hindi maiwasang matakot sa tono niya. Tingin ko rin ay nalunok ko ang dila ko ngunit sinubukan ko pa ring magsalita. "H-indi. H-indi k-o k-ilala pero kilala ni Christian." He looked at me with his knotted forehead, "Good. Do not bother getting to know him." Mabilis siyang humarap muli sa pinto ngunit halos magulat pa ako nang muli siyang humarap. Masama na ang tingin na hindi ko maintindihan. "Besides, may kasalanan ka sa akin. Christian huh? Ano, nag-date kayo?" he mocked. Napamaang ako at napatitig pa sa mga labi niyang nang-iinsulto. "Hindi kami nag-date ni Christian-" "Yeah, tell that to the marines, Verona." Mabilis niyang binuksan ang pinto dahilan upang mapabitaw ako sa braso niya. Nagmamadali pa siyang pumasok at balak akong pagsarhan ng pinto. Mabuti na lang at napigilan ko iyon. Wala siyang nagawa kung hindi hayaan akong makapasok sa loob ng apartment niya. Naiiling pa siyang tumalikod na dumiretso sa kwarto niya. "What are you saying, Drake? Ano naman ngayon sa'yo kung nag-date kami ni Christian?" Habol ko pa sa kanya. But he didn't answer me. Wala naman siyang dapat pakialam kahit sinong lalaki pa ang i-date ko. "Hinintay lang ako ni Christian," hindi ko mapigilang paliwanag kahit pa hindi niya hinihingi. Nababaliw ka na naman, Veron! But I think he doesn't care. Tinapon niya lang ang susi ng jeep sa maliit na mesa sa kwarto niya bago walang habas na inalis ang t-shirt niya mula sa likod. Kusang tumigil ang mga paa ko sa nakitang ginawa niya at wala sa loob na napaupo pa ako sa higaan niya. Pagharap niya ay salubong pa rin ang mga kilay niya ngunit hindi roon napokus ang tingin ko kun'di sa nagsusumigaw niyang mga biyak at umbok sa tiyan! Ulam, Veron! Mali. I need rice! "Come again, Verona?" he said that while moving closer in front of me. Hindi ko mahanap ang sagot at tanging paglunok lang ang nagagawa ko. Mas lalo na ng dumukwang siya at kulungin ako sa higaan. Kung mapapahiga siya ay baka pa mapahiga rin ako sa sobrang lapit niya. But he didn't stop there. Lalo pang kumabog ang dibdib ko at nagkawatak-watak ang paghinga ko nang kunin niya ang palad ko at walang habas na hinagod sa namumutok niyang abs. Making me feel how rugged and firm his muscles are. "Kung si Christian ang i-de-date mo, then you can't never have my pandesal, Verona," he whispered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD