KABANATA 23

2485 Words
Malalim kong tiningnan si Drake habang nakangising minamaniobra ang manibela. Napapairap sa tuwing naiisip kong hambog nga siya. Masyadong malawak ang jeep. Idagdag pang kaming tatlo lang ang nakasakay. "Saan mo nakuha itong jeep?" Tumaas ang kilay ko lalo na sa paglaki ng ngisi niya. "Nirentahan. Ayaw mo ng tricycle kaya jeep na lang. Right, Mareng?" I heard Mareng giggled, "Yes, Pare. And I love it. Can you buy this? I want to swim on the beach on my birthday, then let's ride this Jeepy!" she exclaimed. Bahagyang nagsalubong ang kilay ko at maayos siyang niyakap sa kandungan ko. Kung pwede ko lang takpan ang bibig niya ay ginawa ko na. Masyadong maraming hiling. Masyado nang inaabuso si Drake. "Mareng, stop that. Maliligo ka naman sa banyo," suway ko pa sa kanya. But just like Drake, she didn't listen to me, "No, Mimi. I want a beach!" "Sure, Mareng. We'll go to the beach." Then he smirked. And now I do believe that Drake made her a spoiled brat. Napailing na lang ako at sumandal sa upuan habang yakap nang mabuti si Mareng. And I think they are close enough to even talk about anything under the sun. "When I turn eighteen, I want you to be my escort, Pare!" she whispered, excitedly. Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. How did she know about debuts? "No problem, Mareng. Even at your wedding, I can be your escort." Doon na natutok ang tingin ko kay Drake. But it seems like he doesn't mind my deep stares. Sa kalsada ang tingin niya at ni hindi ako sinusulyapan. "I don't think so, Pare. My dad will be my escort if that day comes." Mareng nodded a few times and even smiled a little. Napaawang lamang ang labi ko sa binanggit ni Mareng. Paano niya naiisip o nasasabi ang mga ganoong bagay? And this is the first time she talks about his father. I guiltily bit my lip and glanced at Drake. Siya naman ay tahimik ngunit may maliit na ngiti sa labi. "Are you sure, Mareng? Where's your daddy, by the way?" he asked. At gusto ko na siyang kutusan sa tanong niya. How dare you, Drake! Ako nga na ina ay hindi iyon pinapaalala sa kanya. Tapos siya na kapitbahay lang ay ang lakas ng loob na itanong iyon sa bata. Pigil ko ang sumigaw at hampasin si Drake nang tumikwas ang kilay niya pagsulyap sa akin. Para bang ako ang gusto niyang sumagot imbis na si Mareng. Umiwas ako nang tingin ngunit nagtatanong na mga mata din ni Mareng ang nasalubong ko. And now I am thorn between their stares. "Right, Mimi? Where is my Daddy?" She asked the question I think I am unable to answer. Hindi ko iyon masasagot. Malabong masagot ko. Yes, it crossed my mind that someday she will look or ask about his father. And I will never be ready to answer her. Never. "Is he still busy? When he'll gonna go home?" she asked again. Napakurap ako at napaawang muli ang mga labi ko. Hindi maintindihan ang sinasabi niya. I never mention his dad. "My teacher said that my Daddy is busy working out there. That's why he is not around, but when he manages have enough money, he will go back home to see me." She smiled, dreamily. Nahigit ko yata ang hininga ko at ni ayaw lumabas ng mga salita sa bibig ko. Even Drake kept his mouth shut. Paglingon ko pa sa kanya ay mahigpit ang hawak niya sa manibela at matalim ang tingin sa daan. Walang nangahas na sumagot kay Mareng. At imbis na sa store ay sa bahay na niya diniretso ang jeep. "Paano ang mango store?" alanganing tanong ko. He parked the jeep and turn off the engine, "Tatawagan ko na lang si Didoy. I think Mareng needs to rest. See you tomorrow." And just like that, he walked straightly to his apartment. Salubong ang kilay kong nilingon siya at napailing. What was that, Drake? "Mimi, natakot ba sa daddy ko si Pareng Drake?" Mareng asked while she's busy answering her homework. Mula sa listahan ko ng pautang ay nilingon ko siya, then I shrugged my shoulders. Hindi ko rin kasi maintindihan si Drake. Parang noong una ay ngumiti pa ngunit sa huli ay nagalit din. "I don't know, Baby. Baka nagalit?" hindi siguradong sagot ko bago binalik ang atensyon sa pagkalkula ng mga pautang. "Why would he? My dad is not a bad guy. He's not around but I know he is good." Hindi ko maiwasang pangunutan ng noo sa narinig mula sa kanya. All I know is that, her dad is an asshole for leaving her alone. "Can we forget about your dad for a while, Baby? Uuwi rin 'yon kung kailan niya gusto," pagtatapos ko sa usapan. Ang akala ko ay talagang kinalimutan na niya dahil hindi niya binanggit sa mga nakalipas na araw ngunit ngayon pareho kaming nasa store at kaharap pa si Drake ay iyon ulit ang bukambibig niya. "Pare, galit ka sa daddy ko?" biglaan niyang tanong bago sumimsim sa mango shake niya. I saw Drake put down the mango basket, and even glanced at Didoy. Kumibit-balikat lang si Didoy bago inabot ang binibili ng isang ginang. Maging ako ay halos makalimutan ko pa ang panunukli sa ginang. "Sorry po." Agad kong binigay dito ang sukli niya bago bahagyang linapitan si Mareng na nakaupo sa monoblock. "Mareng, huwag mo na ulit itanong 'yon. Didn't I tell you to forget about your dad in the meantime?" She popped her lips then pouted, "Gusto ko lang malaman, Mimi. I wanna know if Pareng Drake is angry to my Dad." "No, Mareng. I am not. I will never be angry with him. Baka may rason kaya wala siya rito-" Marahas kong nilingon si Drake at pinanlakihan ng mata, "Stop that, Drake. Hindi mo kailangang sabihin sa kanya 'yan," bulong na angil ko. He looked at me uninterested before he looked at Mareng again. "Hindi, Mareng. Hindi ako magagalit sa kanya. Ikaw ba, galit ka sa kanya?" dagdag na tanong pa niya. Hindi na naman ako pinakinggan! "Kailangan ko bang magalit, Pare?" Mareng curiously asked. Mabilis kong hinawakan ang braso ni Drake at balak siyang pigilan sa pagsagot niya. Nilingon pa niya ako nang nagtatanong ngunit mabilis akong umiling sa kanya. "You don't have to answer her. Or to tell more things about her father. Hindi ka nakatutulong, Drake," I hissed. I saw him licked his lips and darted his gaze in my parted lips. Mabilis kong pinirmi ang mga labi sa takot na manghalik siya ulit. Balak ko ring bitiwan ang braso niya ngunit siya mismo ang pumigil sa palad ko at hinayaan iyon doon. "Excuse me, magbebenta pa ako." Pilit kong binawi ang kamay ko ngunit ayaw niyang bitiwan. He smirked, then tightened his grip. Hinila pa niya ako palapit lalo kay Mareng. "Drake, ano ba!" angil ko. But he didn't listen. Hindi naman masakit ang hila niya ngunit hindi lang ako kumportable. "Mareng, you can ask your mom about your father. Do you wanna see him?" Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya lalo pa nang malingunan si Mareng na umaasa. Agad kong sinamaan ng tingin si Drake at mahinang inangilan ngunit balewala iyon sa kanya. "Mimi, where's my daddy?" Kusang pumikit nang mariin ang mga mata ko sa tanong niya. Wala akong maibibigay na sagot dahil hindi ko naman alam! Hambog na Drake! I tried to relax, but I ended up biting my lips. Sa huli ay hindi ko rin napigilang magsalita, "Asshole ang daddy mo, Baby. Huwag mong hanapin." "What is asshole, Mimi?" Kumurap pa siya at naninitig nang maigi. Wala sa loob na napaubo ako at hindi makahanap ng tamang salita. My gosh, Veron! You made it worst! Problemadong nilingon ko si Drake at hindi inasahan ang nagagalit nitong tingin sa akin. Matalim at kung magliliyab lang ay baka nasunog na ako. Bahagya akong napaatras at napamaang. Hindi maintindihan ang reaksyon niya. "Ano ba'ng problema mo, Drake?" mahinahong tanong ko. Hindi ko maiwasang matakot lalo pa't sa biglaan niyang pagngisi. "Asshole huh?" he asked, nonchalantly. "Asshole naman talaga-" But I was caught off when he expertly tugged me away from Mareng's view and quickly smashed his lips on mine. Mulat pa ang mga mata ko sa hindi inaasahang ginawa niya. Dumoble pa ang kaba ko nang maramdaman ang paggalaw ng mga labi niya. I felt out of breath. Nanghihina ang mga palad kong dumapo sa matigas niyang balikat. Maging ang mga tuhod ko ay nanlalambot sa bawat marahas niyang paghalik at pagkagat sa mga labi ko. I tried to pull his hair down so he would stop, but then, he just expertly slipped his tongue and sipped mine. At kung wala lang karahasan ang mga ginagawa niya ay magugustuhan ko pa sana. But no, he did it all without gentleness! Hindi ko alam kung gaano iyon katagal basta't ramdam ko ang panghihina. And if he didn't hold my back when he stopped, I might crash down. "How d-are y-ou, Dra-ke!" hingal kong bigkas. Halos malagutan ako ng hininga. Tumatahip ang dibdib ko at masakit ang mga labi ko. But it seems like he enjoyed it instead of feeling guilty. "Now, I'm asshole, Verona." Then, he turned his back and assisted the shocked old lady buyer. Parang wala lang sa kanya habang ako ay halos mahimatay na rito! Mabilis akong napasinghot at napatakip ng bibig. Never in my entire life have I felt this hurt. Sa kanya lang! Please remind me again why did I forget to wear my facemask?! Marahan kong pinunasan ang nangilid na luha bago nilibot ang tingin. Nakahinga lang ako nang maluwag nang hindi naman pala masyadong kita ang gilid na parte bukod na lang sa bibili kagaya sa Ginang kanina. But still! He doesn't have any rights to do that! Nakasasakal at nakasasakit ng damdamin. I tried to compose myself and take a deep breath. Hindi ko kayang magtagal dito. Sa ginawa niya ay mas lalo kong gustong lumayo sa kanya. He's no good, and an asshole! Kagaya ng Tatay ni Mareng! Sa naisip ay madali kong inayos ang nagulo kong buhok at malalaking hakbang na nilapitan si Mareng. Tahimik ito at ang atensyon ay nasa mango shake na iniinom. Napapakurap pa ito pagkalingon sa akin. "Uhm. Your lips are swollen, Mimi. Did ants bite it?" she asked, looking deeply at my lips. Napilig ko ang ulo ko at umiwas ng tingin sa kanya. I don't have time to answer her. Hindi ko naman pwedeng sabihing kinain ng Pareng Drake niya. That's absurb! Pakiramdam ko ay kumukulo ang dugo ko sa tuwing naalala ang ginawa niya. Pwede namang gentle kiss! Bakit kailangang marahas pa?! Marahas din akong napailing at hinalughog ang bag ko. Nang makuha ang cellphone ay mabilis kong tinawagan si Christian. I don't know, but I feel like calling him. Kapag ganito ay alam kong madalas ay namamalengke siya. Baka lang naman. Marahan kong pinapaypay ang sarili upang kumalma habang hinihintay na sagutin ni Christian ang tawag ko at halos magdiwang ako nang marinig ang hello niya sa kabilang linya. "Hello,Veron. Bakit?" Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita, "Uhm. Nasa palengke ka ba? Nasa mango store kasi ako, can you come over-" But I automatically stopped when I felt a massive chest touching my back. Buong katawan kasama ang tiyan. "Saan, Veron?" And I couldn't understand Christian anymore when Drake snaked his strong arms around my stomach. Dikit na dikit siya sa likod at mahigpit pa ang pagkakakulong niya sa tiyan ko. Lalo yata akong nawalan ng hininga nang maramdaman ang pagsinghot niya sa buhok ko at munting halik sa tainga ko making me stilled and muted. Nang tingin ko'y kuntento siya sa hindi ko paggalaw ay naramdaman ko na lamang ang marahan niyang pagkuha sa cellphone ko at pagsagot kay Christian. "Do not come over here. Veron is mine." Just like that he dropped my phone carelessly but didn't let me go. "If you think Christian is a good choice, then think twice, Verona. For as long as I am here, you may be chain to me. Only to me," he whispered. I felt a little chill, and avenge at the same time. At kahit nanginginig ang mga tuhod ko sa sinabi niya at kahit mahigpit ang pagkakakulong niya ay pinilit kong harapin siya. He even crouched a little, just so he could meet my gaze. I tried to look brave, ngunit ang puso ko ay walang humpay sa pagkabog sa mga titig niyang puno ng pagnanasa? O pagsusumamo? I don't know! And I do not care! All I want is to make him stop this! "Ilang beses ko na bang sinabing basted ka, Drake? Do you think kissing me will help you cage me? Na-huh. Kahit hampasin mo pa ako ng mga labi mo ay hindi kita magugustuhan!" mahinang sigaw ko. But my heart contradicts what I said. Tila nagwelga pa nga iyon sa pagkontra. And yet, I do not care. Drake is not the right guy. He doesn't fit! He leaned a little more closer to me, then gave me an unconcerned smirk," Sino'ng gusto mo? Si Christian? He's a dumb ass-" "While you are an asshole, Drake. Marahas at hindi karapat-dapat." Putol ko sa sasabihin niya. I'm expecting him to feel annoyed, but instead, his smirk widens. He even moved more closer to the point that his lips almost touched mine. Putol-putol na ang paghinga ko sa lapit niya. Natatakot na magsalita o gumalaw sa takot na bigla na naman dumikit ang mga mapagparusang labi niya. "What am I again, Verona?" he asked, coolly. Ngunit tikom ko na ang mga labi ko at takot nang magsalita. He moved more a little closer, at halos maduling na ako sa lapit nang titig niya. "Answer me, Verona. What am I again?" he impatiently asked. Tinaas ko nang marahan ang mga palad ko upang itulak siya ngunit mas lalo lang niya akong dinikit sa counter. Sa kaba ko ay liningon ko pa si Mareng na busy pa rin sa mango shake at si Didoy na nag-aayos ng mga mangga. Hindi ko man lang mahingan ng tulong! "I am impatient, Verona. Answer me. What am I again?" ulit niya. I looked at him sharply and collected all my guts to answer him. "You're an asshole, Drake. An asshole-" And then, he crashed his lips again on mine and licked them thoroughly. Halos mamilog na ang mga mata ko sa takot ngunit humapa rin nang marahan na ang mga halik niya at masuyo. Sandali lamang at agad din niyang tinigilan ngunit hindi lumayo. "If I'm an asshole, then I am perfect to be Mareng's father." Hindi pa man ako nakakahinga nang maluwag ngunit naliliyo na naman sa sinasabi niya at mumunting halik sa mga labi ko. "Can I be Mareng's father, Verona?" he asked, which gave me goosebumps.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD