KABANATA 22

2450 Words
Inis akong umatungal nang iyak habang pilit na hinihilamos ang mga labi ko. May kalakasan ko ring tinapon ang toothbrush na walang silbi! Hindi naman nakatulong na burahin ang halik ni Drake. Bwisit ka, Drake! How dare you! How dare you! My virgin lips! Hindi na nakuntento sa leeg ko at maging mga labi ko ay hindi niya pinatawad! Ang lakas pa ng loob na ipakita iyon kay Christian at sa harap pa talaga ni Mareng. Hindi ba siya nag-iisip?! Ang bata pa ni Mareng para makakita nang naghahalikan! "f**k you, Drake!" inis kong sigaw. How dare him for stealing my first kiss! Mabuti na lang at naitulak ko siya. Kung hindi ay baka kung saan pa maglakbay ang halik niya. Pikit-matang naghilamos na ako nang mukha. Ngunit nang magmulat ay halos manlaki ang mga mata ko sa nakikitang pamamaga ng mga labi. "Urgh!" Kusang natakpan ko ang mga labi ng palad at halos maiyak nang lumabas sa banyo. Dinatnan ko pa ang mapanuring mga titig ni Mareng ngunit diretsong kwarto ang lakad ko. "Sleep after that!" sigaw ko na tinutukoy ang panonood niya ng Peppa pig. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at naiinis na dumapa na lamang ako sa kama. Sumigaw sa unan at nagpagulong-gulong doon. Sa tingin ko ay hindi ako makakatulog lalo pa't ramdam ko pa ang lambot ng mga labi niya at tamis ng dila niya. My gosh, Veron! Kasalanan lahat ito ni Drake. He's tainting me! Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog. Paggising ko ay talagang mabigat ang pakiramdam ko at bumabagsak ang talukap ng mga mata ko. Napamulat lang nang makita ang pamamaga ng mga labi ko. Seeing my swollen lips makes me wanna curse. And I curse you, Drake! Problemadong naghanap pa ako nang facemask maitago lang ang mga iyon. Bahala na! Ang akala ko ay makalulusot iyon kay Mareng ngunit kunot-noo nitong tinitigan ang suot kong facemask. "Are you sick, Mimi?" Pinilit pa nitong abutin ang pisngi ko at dinama. "Mimi, are you sure you can go?" sunod na tanong nito. Wala sa loob na napaingos ako at marahang nilayo ang palad niya. Mas gusto ko namang nasa trabaho kaysa nasa bahay lang. "I can, baby. Let's go na." Tumango man ito ay kita ko pa rin ang paninitig niya. Ngunit patay-malisya akong umaktong maayos ngunit ang totoo ay nagpupuyos ang damdamin ko lalo na ng madatnan si Drake na naghihintay sa labas ng pinto. Salubong pa ang mga kilay niya at malalim ang titig sa face mask na suot ko. Double purpose, Veron! And that is to hide my swollen lips and for him to not kiss me! Dapat pala ay noon pa ako nag-face mask. Hindi sana ako na-isahan ni Drake. Marahas akong umiling at binigyan siya nang irap. Tumuloy akong naglakad at hindi siya pinansin kahit pa agad niyang binuhat si Mareng at malalaki ang mga hakbang na hinabol ako. Ang ending, nasabayan niya rin ang lakad ko. "Pare, I think Mimi is sick," si Mareng. Pigil ko ang sariling lingunin sila kahit pa gusto kong pigilan o salungatin ang sinabi ni Mareng. "Sa tingin ko rin, Mareng. Maybe my kiss is a virus," he concluded. Virus talaga, Drake! Gusto ko sanang isigaw ngunit kulang ang lakas ko upang singhalan siya lalo pa't kulang ang tulog ko. Kaya naman nang nasa loob na ng tricycle ay hindi ko mapigilan ang antukin. Nabibigla pa ako sa tuwing sasaluhin ni Drake ang ulo ko. "Are you sure you can work in the bank at that state? You can always send an excuse letter," sermon niya matapos saluhin ng palad niya ang pisngi ko. Mabilis akong tumikhim at nilayo ang palad niya. Napapaso ko pa iyong binitiwan sa takot na bigla na lamang humawak nang mahigpit. Pilit kong kinunot ang noo ko at inayos pa ang buhok ko, "I am not a grade school student. Kasalanan mo naman ito kaya dalhan mo ako ng kape mamaya para hindi ako antukin." "Sure. 2 cups?" "Isa lang." Humikab pa ako bago sumandal at hinayaang tangayin nang antok. Paggising ko ay nakahinto na ang tricycle at mas kinabilog ng mga mata ko nang maramdamang nakahilig na ako sa balikat niya. Mabilis akong napabalikwas at kunwaring umubo. "Kaya mo ba talagang pumasok?" He asked, sincerely. "You really look sick, Mimi." Napanguso ako kahit hindi nila kita. Binalingan ko pa si Mareng na matiim din ang tingin sa akin katulad kay Drake. Agad akong napaiwas ng tingin at umambang baba, "I'm fine. Nandito na rin lang naman." Nilingon ko pa si Mareng, "Do not forget to eat your meals." Pagkatapos ay si Drake naman ang sinulyapan ko, "Iyong kape ko, 'wag mong kalimutan." "Sure. Ipagdadala kita." Mabilis akong tumango at agad nang bumaba. Kumaway pa ako ng maliit nang umandar na ang tricycle. Ngunit nang wala na ang tricycle ay halos umpugin ko ang sarili. Bakit naman ako nagpapadala ng kape? Pwede naman akong magtimpla sa pantry. You sucks, Veron! Ang hirap kalabanin ng antok! And literally na mahirap kalabanin dahil ilang beses pa akong muntik sumubsob sa mesa. Kada angat ko nang ulo ko ay nanlalaki at masamang tingin ni Miss Yumi ang nasasalubong ko. "Veron, professionalism! Bakit ka pa pumasok kung matutulog ka rin naman. Pinagod ka ng boyfriend mo?" Tumaas pa ang kilay nito at pianasadahan ng tingin ang katawan ko. Halos manlaki ang mga mata ko at naeskandalo sa sinabi niya. Lumibot pa ang tingin ko kung may nakarinig ba, mabuti na lang at walang nakatingin. Napatikhim ako at pilit umayos nang upo, "Wala po akong boyfriend. May sakit po-" "Enough. Huwag mong alisin 'yang facemask mo at baka makahawa ka pa." Ingos nito. Pagtalikod niya ay napairap ako at gusto na lamang ulit sumubsob sa mesa ngunit muli siyang humarap kaya naman pinilit kong ituwid ang upo ko. "I'm warning you, Veron. Ako ang magbibigay ng remarks sa'yo kaya umayos ka," dagdag pa niya. Tumango na lamang ako kahit na gusto ko sanang mangatwiran. Ngunit alam ko namang hindi nga maganda sa trabaho ang inaantok. Sinubukan ko namang maging productive ngunit hindi ko lang talaga mapigilan ang mapahikab at sumubsob sa mesa. Umaayos na lamang ako nang upo kapag lumilingon si Miss Yumi at binibigyan ako ng masamang tingin. Mariin pa akong napapikit at gustong pagalitan si Drake. Kung hindi sana siya basta nanghahalik ay maayos sana ang tulog ko. Hindi sana namamaga ang mga labi ko at sana ay matino pa ako. "Veron! Nakasubsob ka na naman diyan! Ipagtimpla mo nga ako ng kape at magtimpla ka na rin ng sa'yo. Baka mamaya ay makatulog ka nga diyan!" si Miss Yumi. Napayuko at bagsak ang balikat na tumayo. Diretsong pantry area pa ang lakad ko. Ngunit nang nagtitimpla na ay umusbong lang ang inis ko kay Drake. Um-oo siyang dadalhan ako ng kape ngunit hanggang ngayon ay wala pa. Hapon na at dalawang oras na lang ay out ko na. Bakit naman kasi ako nag-request pa? Hindi naman siguro valid 'yon lalo pa't alam niyang pwede naman akong magtimpla rito. Stop hoping, Veron! Sinubukan kong huminga nang malalim at umayos nang lakad nang dalhin ko ang mga kape. Ngunit napabilis pang lalo ang lakad ko nang maabutan sa counter si Drake at nag-aabot na naman ng bundle na lilibuhin. "Deposit sa account na binuksan ko," aniya kay Miss Yumi ngunit ang tingin ay nasa akin. Bumagal ang lakad ko nang malapit na at may kalakasan ko pang nilapag sa mesa ang kape ni Miss Yumi maging ang kape ko. Trying to show to him that he forgot my coffee. "Galit ka, Veron? Sabihin mo lang!" may angil na bigkas ni Miss Yumi. Bahagya akong napaatras nang makitang taas-kilay na nakatingin si Miss Yumi at napipirmi na ang mga labi. Mabait akong umiling at marahang umupo. Binigyan ko pa ng isang sulyap si Drake na nangungusong nakadungaw sa akin. Agad ko siyang inirapan at agad na inangat ang tasa ng kape ko. Tumalikod pa ako nang alisin ang facemask ko bago may kalakasan na humigop sa kape. Ang hirap kasi kay Drake ay puro pangako tapos ay hindi naman marunong tumupad. Parang ngayon na nakalimutan niyang dalhan ako ng kape. "Veron! Manners naman!" gigil na bulong ni Miss Yumi. Kahit bahagyang nahintakutan ay hindi ko pinahalatang kinabahan ako. Tahimik na akong humigop muli sa tasa habang nililingon si Drake na nakangisi na. Mabilis pa akong tumalikod at sinuot ang mask upang hindi niya makita ang mga labi ko. "Si Mareng?" kusa iyong lumabas sa bibig ko matapos kong ibaba ang tasa. "Susunduim ko mamaya." Tumango ako at pasimple pang sinulyapan si Miss Yumi na abala sa computer ngunit nangungunot ang noo. "Ideretso mo na lang siya sa store," I whispered. His smirked widen and he even have the courage to lean on the glass division, "Surely. May kaunting oras ka pa para magtrabaho." Mas lumapit siya na kinataas ng kilay ko, "About your coffee, pasensya na, Verona. Hindi kita nabilhan sa coffee shop, binilhan naman kita ng sampong 3-in-1." Nilapag pa nito ang sampong 3-in-1 coffee sachet in different brands. Mabuti na lang at may suot na facemask dahil kusa akong napamaang at napanganga. Paglingon ko sa kanya ay sigurado akong hindi maipinta ang mukha ko. "What do you think of me, Drake? Hindi umiinom ng instant 3-in-1 coffee?" asik ko ring bulong. He cleared his throat a little. Nilingon pa ang mga nilapag niyang 3-in-1 coffee sachet at maging ang tasang gamit ko. Nang mapagtanto ang sinasabi ko ay maayos siyang tumayo at napahawak pa sa batok niya. He even simply scratched his jaw. "Pagtiyagaan mo muna. Next time, I'll bring you to the famous coffee shop-" "Stop, Drake. Stop saying false hopes." Irap ko pa. Kita kong napirmi ang mga labi niya at naging matalim ang tingin sa glass division. Ni hindi na nagsalita pa o sinulyapan ako. Magsasalita pa nga lang sana ako ulit kung hindi lang ako nilingon ni Miss Yumi na hindi na yata baba ang kilay sa taas. "Work, Veron. Bakit ka ba humaharot diyan? Sir Drake is not interested to you. Hindi ka nga nililingon," litanya pa niya. Napakurap ako at naituro pa ang sarili. Ako? Humaharot kay Drake? Baliktad yata?! I never see myself flirting with him. Laging siya itong nanlalandi. Tapos ngayon ako daw ang humaharot! Parang gusto ko yatang sagutin si Miss Yumi sa paratang niya. Crush niya lang si Drake kaya sa akin agad ang sisi. Sa naisip ay pinaningkitan ko ng tingin si Drake na tahimik at umaaktong anghel. Inirapan ko siya at labag sa loob na tinabi ang mga kapeng dala niya. Sa dami ng pwede niyang dalhin, 3-in-1 pa. Why did I even expect na Frappe o ano mang mamahaling kape ang dadalhin niya? He is just a vendor, Veron! Baka nga hindi niya alam ang mga coffee shop. Marahas akong umiling at mas kalakasang bumuntong hininga na umani ng pigil na suway kay Miss Yumi. Pinagkibit balikat ko iyon at nilingon si Drake na maayos nang nakatayo at paalis na. "See you, Verona. One coffee sachet at a time," paalala pa niya bago tumalikod. Mabilis kong kinuha ang ballpen at balak sanang ibato sa likod niya ngunit hindi ko inasahan ang pagpihit niya pabalik. Sa huli ay patay malisya ko na lamang na binaba ang ballpen. Iniwasan ko pa siya ng tingin at pilit binasa ang mga files. "Yes, Sir Drake? May nakalimutan pa po kayo?" si Miss Yumi. Ngunit hindi ko narinig na sumagot si Drake. Bagkus ay nahagip ng tingin ko ang pagtayo nito sa tapat ko. Wala sa loob na nilingon ko siya at hinintay pang magsalita. "Susunduin kita mamaya-" "Huwag na, Drake. Kaya kong umuwing mag-isa-" "No. Susunduin kita-" I looked at him sharply that made him stopped from talking, "Huwag na nga. Kung tricycle lang naman ang sasakyan ay huwag na. Kaya kong mamasaheng mag-isa." Then, it seems like he didn't listen again, "Susunduin pa rin kita, Verona." Iyon lang ang sinabi niya bago tuloy-tuloy na umalis. Nanatili lang akong nakatanaw sa paglabas niya sa main door at hindi pa agad na naproseso ang sinabi niya kung hindi pa nagsalita si Miss Yumi. "Close talaga kayo, Veron." Napalingon ako sa kanya at pilit umiling, "Po? Hindi naman masyado-" "Close na close, Veron. Baka naman pwede mo kong ireto-" Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya at agad akong tumayo, "Sorry, Miss Yumi. I think I need to pee," iwas ko sa hiling niya. Lakad-takbo pa akong lumakad patungong banyo para lang makaiwas kay Miss Yumi. Pagdating sa banyo ay inis pa akong napahugas lang ng kamay. Hindi lang yata si Drake ang problema ko. Maging si Miss Yumi ay napapabilang na. Sa dami ng lalaki ay bakit si Drake pa? Akala ko ba ay na-turn off na siya? Urgh! Ano naman ngayon, Veron? Mas maganda ngang mapalapit kay Miss Yumi si Drake para naman matahimik na ako. But then, I felt my heart tightening. Paano naman si Mareng? Siguradong malabo nang makalapit pa kay Drake si Mareng kapag naging sila ni Miss Yumi. Stop thinking about it, Veron! Pinilit kong kinalma ang sarili at bahagya pang inayos ang buhok ko bago bumalik sa mesa. Mabuti na lang at nang makaupo na ako ay abala na si Miss Yumi at hindi na ako kinausap pa hanggang sa uwian. Nagmadali pa akong nagfill-up ng DTR para lang makita kung susunduin nga ako ni Drake. Ngunit kusang bumagsak ang balikat ko nang wala akong mahagip na Drake o anino man lang ni Mareng. Sinasabi ko na nga bang hindi siya tutupad! But then, I was halted when my phone rang. Hindi ko pa mapigilan ang mataranta nang makitang numero iyon ni Drake. Kalma, Veron! Huminga muna ako nang malalim bago iyon sinagot. Hinahanda ang sarili ko sa sasabihin niyang hindi niya ako masusundo. "Hello-" "Mimi, here we are! We'll gonna fetch you!" Nangunot ang noo ko at halos hindi pa maintindihan ang sinabi niya. "What, Mareng?" "I said, we will fetch you!" And as she said that, an old fashion Jeep in Golden yellow stopped at my side. Nilingon ko iyon at hindi pinansin si Mareng na humahagikhik sa kabilang linya. "Mimi, come here na!" ani pa nito. Nangunot pa ang noo ko nang makitang dumungaw siya sa passenger seat ng Jeep at kumaway mula roon. Napasinghap ako at malalaki ang hakbang na nilapitan iyon. "Mareng, bakit ka nandiyan?!" Nagmadali ko pang binuksan ang pinto ngunit natigilan agad nang matanaw sa driver seat si Drake na prenteng hawak ang manibela at nakangising nakatanaw sa akin. "I can be your prince charming in a yellow jeepney for tonight, Verona. Where do you wanna go? Ride with me, Verona," he recited.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD