KABANATA 21

2543 Words
Naging malalim ang titig ko sa tanong niya. Paano niya nagawang itanong kung ako ang umire kay Mareng? Hindi ko alam kung nabu-buang na naman siya ngunit may insulto ang mga tingin niya. I can't utter any answer so I remain quiet. But I should fight for Mareng. Sa naisip ay naging matalim ang tingin ko sa kanya na kinawala ng ngisi niya. "Anak ko si Mareng, Drake. Period. No erase." Naitikom niya ang bibig at hindi nakatakas sa paningin ko ang pagpasada niya ng tingin sa katawan ko. "Hindi ka mukhang nanganak," wala sa loob na sagot niya. Napairap ako at agad siyang tinaasan ng kilay sa sinabi niya, "Kapag ba nanay dapat losyang agad?" He scoffed and looked at me, arguing "That is not what I mean-" "That is what you are trying to imply. You're stereotyping, Drake." Tuluyan na akong napailing at sinubukan siyang lagpasan. And him, being the antagonist of my life, mahigpit niyang pinigilan ang braso ko na agad kinapilig ng ulo ko paglingon sa kanya ay agad ko siyang sinamaan ng tingin. Ngunit agad niya lamang kinuha ang t-shirt niya at humakbang. "Didoy, ikaw na ang magsara. Double pay ka!" he shouted before he dragged me away from the store. "Drake, ano ba! Bitiwan mo nga ako!" Pilit kong inaalis ang magaspang niyang palad ngunit hindi siya natitinag. "If I am stereotyping, then you are judgemental, Verona," aniya na may hinanakit. Napasinghap ako at natameme. Maging ang kamay kong nag-aalis sa hawak niya ay kusang nanghina. Noon ko lang din napagtanto na masyado ko nga siyang hinuhusgahan. Hindi ko lang mapigilan ang pagiging matalas ng dila ko sa kanya. There this urge inside me saying that I need to defeat him. I sighed. Ako yata ang nabu-buang. My gosh, Veron! Tuluyan ko nang tinikom ang bibig ko. Maging siya ay hindi na nagsalita at pumara na lang ng tricycle. Kahit katabi ko siya ay iniwasan ko ang lingunin siya. I think that is the best way to stop myself to argue. Nang makarating sa school ni Mareng ay nauna na akong bumaba at dumiretso sa shed. Bahala na siyang magbayad sa tricycle! All I want is peace! "Veron! Ang tagal mong hindi bumisita rito! Magbabayad na ako," bungad ni Aling Beth. Napangiti ako nang maliit at agad siyang linapitan. Agad niya ring inabot ang isang daan at isang fifty pesos. "Salamat po. Busy na po kasi ako sa internship." Napatango ang Ginang ngunit ang tingin ay lumiko sa likod ko. And I automatically stiffened when I felt Drake's bulky arm on my waist. Bahagya lamang na nakadantay ngunit agaw pansin maging kung gaano siya kalapit sa akin. "Oo nga't iyang si Drake na ang naghahatid at sumusundo kay Mareng. Hindi ko alam na may tatay pa pala si Mareng." Ngumiti pa ito sa akin at kay Drake. But I can't even stretch my lips to form a smile. Gusto kong sabihing hindi, ngunit dinig ko na ang iilang boses ng mga bata dahilan upang magsipagtayuan na ang mga magulang roon kasali si Aling Beth. I was left in my track. Maging si Drake ay hindi yata gumagalaw at nasa likod ko lang. He didn't even utter a word to correct Aling Beth. At tingin ko ay matutulos ako nang tuluyan nang marinig si Mareng. "Didi! Let's go home. Mimi might waiting!" she shouted in glee. Didi? I heard Mareng a few times call him that. Bakit parang iba ngayon? Bakit pakiramdam ko may laman. No, Veron! Mareng is just sweet! Pero sinong niloko ko? Mareng is a little of a brat. Naalala ko pang Didi rin ang binigkas niya noong may lagnat siya. How come? "Didi, carry me!" she requested. Wala sa loob na napahawak ako sa braso ni Drake na nasa bewang ko nang maramdaman na aalisin niya iyon. It is not because I want it there, but because I want to fire him questions. Ngunit hindi ako nagwagi, inalis niya iyon upang buhatin si Mareng ngunit agad ding bumalik sa bewang ko. And when I turned to face them, I saw how shock Mareng is. Namilog ang mga mata at maging ang bibig. Ang mga mata ay kinakabahan nang lumingon kay Drake. But he shook his head, making Mareng calm down. "Mimi, you are here!" bawi nito bago lumipat sa mga bisig ko. Halos wala pa ako sa sarili, mabuti na lang at naalalayan siya ni Drake. Kahit mabigat na ay mahigpit ko siyang binuhat. Paglingon ko kay Drake ay masuyo na ang tingin nito at pinatong pa ang palad sa balikat ko. "Can you carry her?" he asked. Ngunit wala sa akin ang tingin niya kundi na kay Mareng na nakatingin din sa kanya. I think they are talking silently through their eyes. Sa naisip ay agad akong humakbang pauna. Leaving Drake's palm in the air. Nilingon ko pa siya mula sa likod," Of course, Drake. I am the mother. I can surely carry her, even if she'll turn obese." Dinig ko ang pagtikhim niya at kita ko ang paghakbang niya palapit, "Yes you are, Verona. Wala namang kumukuha sa anak mo." Ngunit sa loob-loob ko ay natatakot akong maagaw niya ang anak ko. Mas lalong humigpit ang yakap ko kay Mareng sa mga naiisip at nararamdaman. Kaya kong isangla ang sarili ko huwag lang kuhanin sa akin si Mareng. Since I was eighteen, she's with me, and with my twenty-three years of existence in the earth, ngayon ko lang nahanap ang misyon ko. And that is to take care and love Mareng until the last drop of my breath. Enough, Veron! Walang aagaw kay Mareng! Kahit pa nagiging emosyonal ay pilit kong kinalma ang sarili ko nang nasa loob na ng tricycle. At tingin ko ay ramdam iyon ni Mareng lalo pa't niyakap niya ako nang mahigpit at dinantay pa ang pisngi sa dibdib ko. "I love you, Mimi," she whispered. "I love you too, Baby." I hugged her tightly and even kissed her head. Ngunit pag-angat ng tingin ko ay naluluhang mga mata ni Drake ang nasalubong ko. Agad na nangunot ang noo ko at balak siyang tanungin ngunit agad siyang umiwas ng tingin. I even heard him cleared his throat na tila may bumara roon na mahirap alisin. I shrugged his reaction, and just hugged Mareng. Kaya lang noong makarating na sa apartment ay agad na nagpabuhat kay Drake si Mareng. Halos tumalon pa papunta sa bisig niya. Kusang napirmi ang mga labi ko lalo na at nauna pa silang naglakad papuntang apartment. Akmang lalakad lang ako kung hindi lang sumutsot ang tricycle driver. Nilingon ko ito at pinilit ngumiti, "Bakit po?" "Wala pa kayong bayad, Ineng." Napakamot pa ito sa batok niya. Nahihiyang napayuko ako at naghalughog ng barya sa bag ko at iniabot iyon sa driver. Nakahihiya! Nagtitipid na yata si Drake at ako pa ang namasahe. Inis akong napabuga ng hininga bago sumunod sa kanila. Ang kaso ay tumunog ang cellphone ko na kinatigil ko at kinakunot ng noo. Mas lalo na ng makitang unknown number iyon, ngunit nang maalala si Christian ay nagmadali ko iyong sinagot habang lumapit kila Drake. "Veron, malapit na ako sa apartment mo. Dala ko na ang mga order mo." "Sige, Christian. Nandito na rin naman ako. Hihintayin na lang kita. Salamat." "Sige, Veron," huling sabi nito bago pinatay ang tawag. Mabilis kong binalik sa bag ang cellphone at binuksan ang door knob. At kahit ilang beses na tumikhim si Drake ay hindi ko siya nilingon. Inalalayan ko lang na makababa si Mareng. "Thank you, Drake." Akmang isasara ko na ang pinto ngunit pinigil niya iyon gamit ang lang isang palad niya. I looked at him, asking. Pumungay lamang ang mga mata niya at bumagsak ang tingin sa labi ko. "Nauuhaw ako, Verona," wala sa loob na sabi niya. Sa kaba ko ay mabilis kong naitikom ang mga labi ko at niluwagan na lang ang pintuan. "Ikaw na lang ang kumuha sa kusina, Drake. Kaya mo na 'yan." Tumalikod na ako at dumiretso ng kwarto. Kung magtatagal pa ako roon ay baka hindi na ako makatakas lalo pa't sa labi ko ang tingin niya. Knowing him? Nanghahalik lang siya basta! Napailing ako at mabilis na nagpalit ng damit. Inaasahan kong paglabas ko ay wala na si Drake, but I was wrong. Prente siyang nakasandal sa hamba ng pintuan paharap kay Christian na may bitbit ng eco bag. Halos manlaki ang mga mata ko sa nadatnan. Mabilis ang naging mga hakbang ko at agad hinawi si Drake sa hamba. Nahihiya pa akong ngumiti kay Christian na may kadiliman ang tingin kay Drake. "Sorry, Christian. Nandiyan ka na pala. Sana tinawagan mo ako agad." Nilahad ko ang kamay upang kuhanin ang eco bag ngunit wala sa akin ang tingin niya kundi na kay Drake na nasa likod ko. Parehas pa yata kaming natigilan nang dumapo sa bewang ko ang palad ni Drake at marahan akong hinila palapit sa kanya. Making me feel his hard chest. At kulang na lang ay mahigit ko ang hininga ko nang maramdaman ang labi niya sa punong tainga ko. "Who says that you'll face him with your spaghetti strap sando and skimpy short, Verona? Change, or I'll remove that now," he whispered, rigorously. Napamaang ako at hindi agad na na-proseso ang sinabi niya. Ngunit nang maisip ay agad na tumalim ang tingin ko sa kanya at mabilis na inalis ang palad niya sa bewang ko bago lumayo. Napalingon pa ako kay Christian na tahimik at nakababa ang tingin. I felt guilty and shy. Kaya naman mabilis kong tinaasan ng kilay si Drake na bahagyang nakanguso at sa leeg ko na ang tingin. "Umuwi ka na nga! May bisita ako," angil ko sa kanya. He arched his brow a little at sinilip pa si Christian, "He's not welcome here," he boldly stated. Namilog ang mga mata ko at napaawang ang mga labi ko. Ano'ng karapatan niyang sabihin iyon?! Namewang ako at talagang tinaasan na siya ng kilay, "And who are you to say that? I will welcome here every person I want. And you know what, Drake? You are not listed." Instead of being hurt, I saw him smirked, "Are you sure, Verona? We have shared your bed, and even your bathroom. Where else do you wanna do it?" A ghost of a smile is now on his lips. Mas lalo yatang namilog ang ulo at mga mata ko sa bulgar niyang sinabi. Problemado pang napatakip sa bibig ko. Ano na lang ang iisipin ni Christian? Na may nangyayari sa amin? Is he trying to wreck my image to Christian? Baka isipin ni Christian na hindi ako dalagang Pilipina. I hissed and fired him sharp glances, "Ano ba'ng sinasabi mo, Drake? Wala akong naaalala na kasama kita-" "Do you want me to make you remember, Verona? I am wholeheartedly willing, especially if you will gladly welcome me-" I cut his words, "Shut up, Drake. Walang nangyayari-" Tinapatan ko rin ng matapang na titig ang mga mata niyang nagsusumigaw ng kapilyuhan. If he's trying to turn off Christian, then I won't allow him. Si Christian na lang ang matinong lalaking pwedeng maging tatay ni Mareng. Nanahimik siya sandali. Akala ko ay hindi sasagot ngunit mali ako. Muli lamang bumuka ang hambog niyang mga labi. "Wala pa, Veron. But soon enough-" "Oh please! Stop with your fantasies, Drake. Just please, go and leave!" Tinuro ko pa ang pintuan ng apartment niya. Hindi dahil hindi ako makalaban sa mga halik at hawak niya ay ibig sabihin gusto ko. Ayaw ko at ayaw ko na ulit mangyari pa ang mga iyon. He kept his mouth shut, then he looked at Christian dangerously before he walks towards his door. Doon lang ata ako nakahinga nang maluwag at napapaypay pa sa sarili bago nahihiyang nilingon si Christian. He glanced at me, then to Drake. Masama pa ang tingin niya sa sumaradong pinto, but then he smiled when he turned to me. Naiintindihan ko naman at mukhang hindi niya rin gusto ang mga sinabi ni Drake. Even I, myslef, felt disrespected. Ngunit dahil sanay na kay Drake ay linalabanan ko na lang. I sighed, "Sorry for that Christian. Uhm, pasok ka muna at igagawa kita ng juice." Niluwagan ko pa ang pinto upang makapasok siya. Ngumiti siya at humakbang, "Ayos lang, Veron. Dapat ay hindi mo na siya pinapapasok sa bahay mo kung babastusin ka lang niya." Napanguso ako at bahagyang yumuko, "Mareng adores him. Talo ako kay Mareng, Christian." And exactly as I uttered those words, isang Mareng na nakatiklop ang kamay sa harap ng dibdib, taas kilay, at masungit na tumitingin ang nasalubong namin. Masama ang tingin nito kay Christian at kita ko pa na iningusan niya ang lalaki. Did Drake train her? "What are you doing here, Labanos? You are not welcome here-" "Mareng, stop. Say sorry," mabilis kong awat sa kanya. Sinulyapan niya lang ako nang mabilis ngunit hindi naman nawala ang tingin niyang matalim kay Christian. "Pasensya ka na, Christian. Bata pa kasi. I think I need to lecture her, later." Ngumiti siya at sinulyapan pa si Mareng na masama talaga ang tingin sa kanya, "Ayos lang, Veron. Uuwi na lang ako. Heto pala ang mga order mo." Iniabot pa nito ang eco bag. Nahihiya man ay agad ko pa ring kinuha iyon. Tiningnan ko pa ang laman sa loob kung kumpleto. Nang makitang ayos naman at nandoon pa ang dalawang 36B na bra at XL brief ay nakangiti ko na siyang nilingon. Hawak ko pa ang balot ng isang dosenang brief. "Salamat, Christian. Mabuti na lang at nakilala kita. Hindi hassle ang pila." Napangiti siya at marahan pang humawak sa batok niya, "Mabuti naman at masaya ka, Veron. Kung may order ka pa, ako na lang ulit ang kukuha-" "Excuse me, I forgot something," si Drake na walang pakialam na diretso ang lakad patungo sa akin. Naging matalim ang tingin ko sa kanya sa pagiging papansin niya. Ni hindi na nahiya kay Christian. Hindi ko na lang siya pinansin kalauanan at kay Christian ko lang tinuon ang atensyon ko. "Thanks again, Christian. I'll call you later." Ngumiti ako nang malawak na kinangiti niya. "Aasahan ko 'yan, Veron. Lo-load-an kita," pangako pa niya. Ngunit ang balak kong pagsagot ay nabitin sa ere nang maramdaman ang pagkuha ni Drake sa hawak kong brief na kinalingon ko sa kanya. He checked it, then smirked, "This is my order, right?" Winagayway pa niya ang hawak kay Christian, "Thanks, Pre." Mas lumawak ang ngisi niya nang mapasimangot si Christian. Balak ko na sana siyang singhalan paglingon niya sa akin ngunit natameme ako nang hilahin niya ang bewang ko palapit sa kanya na kinakaba ng dibdib ko. "Thank you for this, Verona. Hope these will fit." At mas lalo pang nagwala ang puso ko nang walang pasabing dumukwang siya at hulihin ang mga labi ko. Agad iyong kinagat na kinaawang ng mga labi ko. As soon as he felt it, he delved his tongue inside making me weak and out of breath. Pilit akong pumiglas ngunit walang laban sa mapagparusang labi niya. Kita ko pa kung paanong umalis si Christian sa lalong pagpapalalim nang halik ni Drake. And what worse is when I heard Mareng cheering for his Pare. "Go, Didi! Kiss Mimi and make my baby sister!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD