"Uhm. Should I expect a baby sister?" Mareng giggled.
Si Mareng ang gumising sa natatangay kong isip. At gusto ko siyang pasalamatan ng milyong beses nang matauhan si Drake. He coughed, then move a little away from me.
"We can make a contract about that, Mare. If Verona agrees," he cheekily, said.
Hindi mapigilang umawang ng mga labi ko sa sinabi niya. Nabu-buang na yata si Drake at pati contract baby ay pinapasok na niya. Walang pag-asa.
Napailing ako at agad na tumayo palayo sa kanya. Tinaasan ko pa siya ng kilay nang sundan niya ng tingin ang pagkuha ko sa notebook at cellphone sa mesa.
"Would you agree, Verona?" he asked.
I stopped, then looked at him deeply. His eyes shouted hoping or, I don't know. He's just looking at me the same way I do.
Napangisi ako at mas tinitigan siya, "Sorry to cut your fantasies, Drake, but I prefer not to mothered your child-"
"Oh f**k, you just did, Veron." Ngumisi siya at mabilis na tumayo.
Napamaang ako at hindi makuha ang sinabi niya. Sa huli ay sinundan ko lamang ng tingin ang paggulo niya ng buhok kay Mareng at agarang paglabas sa pinto.
I just did?
Lumalim ang pagkakakunot ng noo ko at halos namayani ang sinabi niya sa isipan ko. Maybe, Drake is just frustrated. Kung ano-ano na ang nasasabi niya at ni walang basehan. Sa tingin ko ay kulang siya sa aruga.
Napangisi ako ngunit naantala sa natanggap na mensahe.
From: May
Veron, dalawang 36B na bra pa.
I pouted my lips thinking if she is really 36B, but na-huh she is not. Ngunit ni-take notes ko pa rin at sayang naman. Sinama ko sa kukuhanin kong order.
I tried to at least be civil with Drake the following days. I kept my mouth shut and be quiet whenever he's around. Hindi ko rin alam kung kailan niya balak sabihin ang sinasabi niyang trabaho ko, ilang araw na at hindi pa rin niya nababanggit.
But I am not expecting a decent one, knowing Drake? Hambog ang lalaki at hindi malabong kaharutan lang ang alam.
Napailing ako at mabilis na ni-lock ang pintuan ng apartment. Nilingon ko pa si Mareng na kumakatok na sa apartment ni Drake. At hindi ko maiwasang mapairap nang bumukas iyon at diretso sa akin ang tingin ni Drake. Nangingisi at naninitig.
Mahina akong tumikhim at nauna na ng naglakad sa kanila ni Mareng ngunit dinig ko pa ang mahinang tanong niya na kinalaki ng mga mata ko.
"PMS ba ang Mimi mo, Mareng? Does she need a hand?"
I heard Mareng popped her lips and whispered no.
Sa palagay ko ay tumataas na naman ang presyon ko sa tanong niya. How dare he to asked that! Akala ba niya ay hihingi ako ng tulong sa kanya?
Dream on, Drake!
Sa inis ko ay tuluyan ko na siyang hindi pinansin kahit na katabi ko lang siya sa loob ng tricycle. Tanging si Mareng lang ang nililingon ko at ayaw ko siyang tapunan kahit isang sulyap lang.
"Sa bangko ba, Verona?" he asked.
Nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko siya ngunit sa huli ay sinabi kong sa school ako ibaba. Pinigilan niya pa ang braso ko nang akmang bababa na ako.
"Susunduin kita mamaya-"
"Kahit huwag na. Kaya ko na ang sarili ko," mabilis kong putol sa alok niya.
Susunduin daw! Tapos hindi naman darating at paghihintayin lang ako sa wala!
Hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataong maipilit ang gusto niya. He can't even comply to his promises!
Salubong ang kilay na tinungo ko ang store ng school. I wanna try my luck if I can still work kahit sa free time ko lang. Mareng's birthday is approaching, at ayaw kong iasa pa iyon kay Drake.
"Sorry, Veron. May bagong hire kasi at baka makasagabal lang sa internship mo," si Ma'am Karen.
I pursed my lips when she turned her back. Wala naman akong magagawa at hindi naman maipipilit ang gusto ko. And now, I still need to find a decent part-time job.
Sinubukan ko naman sa iilang grocery store ngunit hindi sila tumatanggap ng part-time. Kung oo man ay 'yong maluwag ang schedule.
Bagsak ang balikat na tinungo ko na lamang ang branch upang kumuha ng mga orders. Sa tingin ko ay ito lang ang matinong pagkakakitaan ko sa ngayon. Sa bungad pa lang ay natanaw ko na si Christian na nakangising kumaway at litaw ang mga biloy.
"Veron! Mahaba ang pila, ako na ang kukuha ng orders mo." Tinuro pa nito ang pila.
Kusa akong napangiwi nang makita iyon. Kung maghihintay ako ay aabutin na ako ng gabi. Ayaw ko man ay sinabi ko na lang kay Christian ang mga orders ko.
"Hm. Huwag mong kalimutan 'yong dalawang 36B na bra at isang dosenang brief XL," mahinang bulong ko.
Mahina siyang natawa at napakamot pa sa batok niya. Pansin ko pa na namula ang mga pisngi niya. Siya pa yata ang nahihiya sa mga orders ko.
"Sige, Veron. Huwag mo nang hintayin. Ihatid ko na lang. Save mo na lang ang number mo para matawagan kita kapag parating na ako." Nilahad pa nito ang sariling cellphone.
Napakurap pa ako at napatitig doon. Ngunit sa huli ay tinipa ko rin ang numero ko. Sa tingin ko ay ayos lang iyon lalo pa't tinutulungan niya ako.
"Salamat, Christian. Mauuna na ako."
Maluwag siyang kumaway bago pumasok sa loob. Agad na lamang akong pumara ng tricycle at nagpahatid sa Palengke.
Hindi ko alam na imbis sa apartment ay sa Palengke ako dumiretso. Nagdalawang isip pa akong tumuloy sa paghakbang nang matanaw ang mango store na maraming mamimili. Nasilip ko pa si Didoy na nagkikilo ng mangga at si Drake na nagbababa ng basket.
Hindi ko mapigilang pumikit nang mariin at pagalitan ang sarili sa pagpunta rito. Abala sila at mukhang hindi tatanggap ng bisita. Sana pala ay dumiretso na lang ako sa school ni Mareng at hinintay ang labasan nila.
I sighed. Pwede pa namang umatras at umalis ngunit pagmulat ng mga mata ko ay kayumangging mga mata ang nasalubong ko. So near that I could see his lashes. Drake is looking at me soberly. Nakapamewang ang isang kamay at bahagyang nakadukwang. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pagkibot ng kanyang mapulang labi.
Wala sa loob na napaatras ako at napaiwas ng tingin. Napayuko pa't naitago ang mga kamay ko sa likod.
"Uhm, akala ko ay nandito na si Mareng. Wala pa pala. Sige, susunduin ko lang-"
"Ako na. Magpahinga ka muna. Observe, and study how Didoy works. Pwede ka nang mag-training o kaya ay magsimula na ngayon sa trabaho," diretsong sabi niya bago tumalikod at humakbang.
Naguguluhan ko siyang sinundan at pinigilan ang braso niya. He stopped, and looked at me from the back.
"What do you mean? Magta-trabaho ako sa mango store?" Kumunot ang noo ko at nilingon pa si Didoy na nagbubuhat ng basket.
Is he serious? Gusto niyang magbuhat din ako ng basket ng manga?
"Why, Verona? Ayaw mo ba? Or, you prefer to be as my bed warmer, I'll gladly welcome you-"
"Shut up, Drake! Wala akong sinabi. Malay ko ba na gusto mo akong maging kargador."
Tuluyan na akong napasimangot at binitiwan ang matigas niyang braso. Nauna pa akong naglakad sa kanya at nakiraan sa mga mamimili. Mabilis ko ring sinabit ang bag ko bago tinali ang buhok ko at kumapit sa isang basket. Kahit pa nililingon ako ni Didoy at ilang mamimili ay tinuloy ko ang sinasabi niyang trabaho ko. Tinutok ko pa ang tingin ko sa katapat na basket na kalahati na lang ang laman.
With my little strength, I tried to lift the basket, but failed. Naibagsak ko lang iyon at bahagya pa yatang nasira. I harshly bit my lowerlip and try to lift the basket again, but I was stopped by the strong arms. Hawak na rin nito ang basket at siya pa mismo ang nagbuhat palayo sa akin.
"What are you doing, Verona?" matalim niyang tanong.
I rolled my eyes and crossed my arms in front of my chest, then I looked at him sharply.
"Sabi mo trabaho ko ang ginagawa ni Didoy. Tapos ngayon nagbubuhat ako ng basket ay pinipigilan mo ko? Bakit Drake? Amo ba kita?" Taas-kilay na tanong ko.
He acted as if he owns the mango store. Alam ko naman na katiwala siya, but he should stay at the same level with Didoy.
I saw how he pursed his lips and gave me a caustic stares. Tila nagtitimpi at ayaw magbigkas ng ano mang salita, ngunit bumuka rin ang mga labi niya.
"Hindi ko naman sinabing kargador, Veron. Ang sabi ko ay sa kama-"
"Shut up, Drake!" putol ko sa sasabihin niya.
He smirked, then coughed fakely, "Sa kaha. Sa kaha ang trabaho mo."
Ngumisi siya lalo na ng irapan ko siya at talikuran. Imbis na magpunta sa counter ay sa mamimili napunta ang atensyon ko. Tinitigan pa ng Ginang ang unipormeng suot ko.
"Graduating ka, Hija?" tanong nito.
Maliit akong ngumiti at bahagyang inayos ang uniporme ko, "Opo. Ilang kilo po ang bibilhin niyo?"
"Isang kilo. Iyong matamis sana," request pa nito.
Mabilis akong tumango at tumungo sa basket ng mangga. Ang kaso ay hindi ko alam piliin ang matamis sa mga iyon. Mahina pa akong nag-eeni mini ngunit may tumapik nang marahan sa kamay ko.
"All these mangoes are sweet, you don't have to choose. These are from Guimaras," si Drake na nauna pang nagbalot sa mga mangga.
Bahagya akong napanguso bago tumayo, sinunod ko pa ang tingin ko nang iabot niya sa Ginang ang isang supot ng mangga. Ngunit nang mag-abot ng isang daan ang Ginang ay hindi niya tinanggap, ang ginawa niya ay tinuro ako kaya't sa akin na inaabot ng Ginang.
Naguguluhan man ay kinuha ko iyon at nagpasalamat. Napatitig pa ako sa isang daan at hindi alam kung saan ilalagay iyon.
Ngunit halos mapatalon ako sa gulat nang maramdaman ang matipuno niyang brasong umikot sa bewang ko. Kung hindi niya ako napirmi ay baka natumba na ako.
"What are you doing, Drake?!" may gigil na bulong ko.
Niyuko niya ako ng tingin bago pumantay sa tainga ko, "Sabi ko namang sa kaha ka, Verona. Earn as you want."
Sunod doon ay ang naramdaman kong belt bag na inayos niya sa bewang ko. Hindi pa siya agad na lumayo at sinulyapan pa iyon. At kung hindi pa tumikhim ang sunod na mamimili ay hindi pa yata siya lalayo.
"Mabuti pa kayong mag-asawa ay nagtutulungan. Iyong anak ko ay ayaw mag-aral kahit gustong paaralin ng asawa niya," litanya ng Ginang.
Ramdam ko ang pag-init ng mga pisngi ko sa sinabi nitong asawa ko si Drake. Hindi ako kumportable at ni minsan ay hindi iyon sumagi sa isip ko. Sa huli ay nahihiya akong yumuko at sinilip si Drake na bruskong nagbuhat ng basket.
"Bagong kasal kayo? Huwag kang mahiya, Ineng. Bagay naman kayo ng asawa mo." Tinampi pa nito nang bahagya ang braso ko.
Alanganin akong ngumiti na may kasamang ngiwi. Gusto kong sabihing hindi kami mag-asawa ngunit ayaw gumalaw ng dila ko. Hindi dahil gusto kong maging asawa si Drake, it is because, I'm shy enough that even him didn't say anything about it. Swabe niya lamang nilagay sa supot ang mga mangga bago inabot sa akin. Sa huli ay tahimik kong binigay ang binili ng Ginang at nilagay sa belt bag ang bayad nito.
Ilang mamimili pa ang in-attend-an ko. Sa takot na masabing asawa ko si Drake ay ako na mismo ang lumalayo sa kanya sa tuwing lumalapit siya o sa nag-aabot ng mangga. Mabuti na lang at hindi na naulit pa.
Nagpatuloy iyon hanggang sa maramdaman kong puno na ang belt bag kaya naman hinuli ko ang atensyon ni Drake.
"Drake, puno na 'tong belt bag. Saan ko ilalagay?"
Tumigil siya sa ginagawang pag-aalis ng diyaryo sa mga basket at sinulyapan ang suot kong bag.
"Bilangin mo, tapos i-goma mo."
Iyon lang sinabi niya bago pinuntahan si Didoy at tinulungan sa iilang basket.
Tahimik akong nagpunta sa counter at nilapag doon ang belt bag. Binilang at inipon ko ang mga papel na pera. Humanap pa ko ng goma upang maitali ang mga iyon.
And now, I am amazed that they can earn this big. Hindi naman siguro magagawang kumupit ni Drake sa kita nila. Sana lang ay hindi galing dito ang mga ginagamit niyang panggastos para kay Mareng.
Maayos kong ginoma ang mga pera at iniwasang malukot ko ang mga iyon. Buong atensyon ko ang nandoon at hindi agad namalayan na nasa harap ko na si Drake at hubad ang pang-itaas.
Malinaw at malapit sa paningin ko ang matipuno niyang katawan na puno ng tattoo. Ang dibdb at tiyan ay nababalutan ng maberdeng tinta. At halos pagalitan ko ang sarili nang kusang bumaling ang atensyon ko sa V line niyang kumakaway sa paningin ko.
"Eyes up, Verona."
Napakurap ako at agad na nahanap ang mga mata niyang naaaliw. Pilit kong tinago ang ginawa sa pamamagitan nang pag-irap ngunit tingin ko ay balewala lang iyon.
"Bakit ba? May ipapagawa ka?" matabang kong tanong.
He leaned on the counter and moved a little closer to me.
"Can you wipe my sweats?" Nilahad pa niya ang kaninang suot na t-shirt.
Napaawang lamang ang mga labi ko nang pilit niyang nilagay ang shirt sa palad ko bago tumalikod.
"Hindi ko abot ang likod, Verona. Pakipunas naman," dagdag pa niya.
Wala sa loob na napalunok ako at namangha sa nakikitang dami ng tattoo niya. Puno ang likod ng mga iyon ngunit hindi ko naman maintindihan bukod sa iilang dahon at bulaklak.
"Veron, matutuyo ang pawis ko kung tititigan mo lang," bulong niya.
Doon lang yata ako natauhan at walang seremonyas na pinunasan ang likod niya kahit pa nanginginig ang mga kamay ko at takot na dumampi sa balat niya. Sa palagay ko ay nakapapaso iyon at hindi dapat hinahaplos.
Nagmadali ako at halos hindi naman iyon napunas nang maayos. Mas gusto ko pang sunduin si Mareng kaysa punasan ang pawis ni Drake. Kaya naman iyon ang idinahilan ko.
"Susunduin ko muna si Mareng, at baka nasa bahay na si Christian dala ang mga orders ko. Babalik na lang ako bukas rito para ipagpatuloy ang trabaho ko," may pagmamadaling bigkas ko.
Hindi ko pa mapirmi ang mga nanginginig kong kamay at pilit hinahanap ang bag kong hindi ko na maaalala kung saan ko sinabit.
Nang mahanap ay madali ko iyong sinukbit sa balikat ko at balak nang umalis ngunit nakaharang sa daanan ko si Drake na madilim na ang tingin.
"Ako na ang susundo, Veron. Stay here. And ask Christian to just send your orders here," sa matigas niyang boses.
Kusa akong natigilan at napaatras. Ngunit mabilis ding tumikhim at pilit linabanan ang titig niya.
"I'm the mother, Drake. Ako na ang susundo kay Mareng. Hindi naman ikaw ang umire kaya't ako na lang ang susundo," matapang kong bigkas.
But then, he did his signature insulting chuckles, "Bakit, Veron? Ikaw ba ang umire kay Mareng?"