KABANATA 19

2506 Words
"Mimi, pwede na akong sumama kay Pareng Drake?" She's looking at me, hoping. Bahagya kong kinunot ang noo ko sa tanong niya. Gumaling lang ay si Drake agad ang gustong puntahan. It has been a week. Sa takot kong lumala ang lagnat niya ay hindi ako pumasok sa internship ko at hindi ko rin siya pinapasok sa school. Ayaw kong mabinat siya. But here she is, gusto na agad sumama kay Drake. I sighed. Marahan ko pang sinuklay ang buhok niya at pinagpag ang suot na bestidang asul. Matched with her baby blue eyes. "Okay, Baby. Pero bawal magpagod-" "Yes, Mimi. I am totally fine! See, I can flex my muscles now." Pinakita pa nitong i-flex ang braso niya. Napailing ako at marahang kiniliti ang tagiliran niya. "Mimi, stop! It's ticklish!" Mahina akong tumawa at niyakap siya, "You made Mimi so worried, Baby." "But it's not my intention, Mimi. I don't want you to get worried. It's the fever's fault!" Napanguso ako nang sumimangot siya nang bahagya, "Okay, sorry? Just please, kapag wala si Mimi, mag-ingat ka, Baby." She jumped a little and faced me, "That's not a problem. I have Pareng Drake. When I'm with him, I'm safe, Mimi." Ngumiti pa siya nang malawak. Hindi ko alam ngunit imbis na matuwa ay unti-unting sumibol ang tampo sa puso ko. Bakit parang pakiramdam ko ay sinasabi niyang hindi siya safe kung ako ang kasama niya. And now, I have this feeling of jealous over Drake. Pagkakamali ko talagang hinayaan ko si Mareng na mapalapit sa kanya. And speaking of him, agad na tumataas ang presyon ko kapag naaalala kong kaya niya daw akong bayaran. At matagal niya na daw akong binabayaran? Bwisit talaga! Ngayon ko nga lang siya nakilala pagkatapos ay ganoon ang sasabihin niya? He thought I'm into pranks or jokes. Ngunit hindi ko palalampasin ang kayabangan niya. Ni hindi nga ako nanalo sa pagbabayad ng bill sa ospital. Literally, I didn't pay anything. Ni hindi rin pinasilip sa akin ang bill o resibo man lang. So, I don't know kung magkano lahat ang binayaran niya. Sa totoo lang, ang yabang niya. Habang tumatagal ay nagiging mahangin siya sa paningin ko. Urgh! Enough with him, Veron. "Mimi, are you alright? You looked lost." Napakurap pa ako kay Mareng. Mahinang tumikhim bago kinuha ang bag ko at binitbit ang bag niya. "I'm fine, Baby. Let's go." Mahina at maingat kong hinawakan ang palapulsuhan niya. Hindi ko iyon binitiwan hanggang sa ma-i-lock ko ang bahay. Pagpihit ko patungo sa bahay ni Aling Flor ay pigil na ni Mareng ang kamay ko. Kunot noong nilingon ko si Mareng na naiiyak na umiling. She pouted, then shook her head, again. "No, Mimi. I want Pareng Drake. I will go with Pareng Drake. I want to sell mangoes." Mariin akong pumikit at pinigilan ang sariling pagalitan siya. Maybe, I should accept the fact that Drake is her hero, as of now. Hindi naman siguro ako basta kakalimutan ng anak ko di ba? Bahagya akong tumikhim at inalis ang bumikig sa lalamunan ko. Bagsak ang balikat na pumihit ako sa katabing apartment. Umaktong kakatok ngunit bumukas na iyon agad. Isang bagong ligong Drake ang niluwa. He looked physically fit with his fitted white shirt and jeans. Physically fit naman talaga siya, Veron! Sinubukan kong umiwas ng tingin ngunit nadi-distract ako sa iilang hibla ng buhok niyang bumabagsak sa noo niya. Maging ang paru-paro sa leeg niya ay inaakit ako. Who says inaakit?! No! Naglumikot ang tingin ko nang umangat ang braso niya at nadepina lalo ang mga muscles niya. I thought he will touch me or caress my face, but I was wrong. Marahan niya lang kinuha ang bag ni Mareng sa kamay ko at siya na ang nagbitbit. "You look so handsome, Pare!" Kung hindi lang humagikhik si Mareng ay iisipin kong galing sa akin ang mga salitang iyon. Napatikom pa ako ng bibig upang masigurong hindi nga ako ang nagsalita. I heard him chuckled, lowly. He even squatted in front of Mareng and caressed her hair. "Thank you, Mare," then, they fist bumped. "What is your birthday wish?" he asked. Napakurap ako at natutok lalo sa kanya ang tingin ko. Paano niya nalamang this December ang birthday ni Mareng? Did he take a sneak peek on the birth certificate? "I want a very big cake of Peppa Pig, and ten liters of ice cream, a lot of foods, plus a lot of mangoes!" She even jumped. Napalunok ako at agad na dumaloy sa isip ko kung magkano ang gagastusin sa gusto niya. May ipon naman, but I think it's not enough. Nawala nga lang sa isip ko ang na-compute nang mahinang tumawa si Drake. "Noted, Mare." He even smirked. Napairap ako at napasimangot. Bakit ba mukha siyang amo kaysa tindero? "Mauuna na ako, ma-le-late na ako," I bitterly said. Mukhang hindi naman nila pansin, since Mareng is so drowned over him. And Drake will not mind at all. Bagsak ang balikat na tumalikod ako lalo pa't wala naman sa akin ang atensyon nila. Ngunit hindi pa ako nakagagawa ng isang hakbang ay ramdam ko na ang magaspang na kamay na pumigil sa palapulsuhan ko. Natigilan ako at hindi makalingon. Sa init ng palad niya ay tingin ko napapaso ako. His touches are making me weak. "Let's go, Veron. You should always wait to your family," he stated. Kasunod doon ay ang paghatak niya sa akin palapit sa tricycle. I saw Mareng on his arm, giggling. "We're family, Mimi!" she happily claimed. No, we're not, Baby. Halos maluha ako sa kaisipang hindi nga. Hindi ako at mas lalong hindi si Drake. I felt that strong pang on my chest. She don't have family at all. I don't own any of Mareng. No one else own her. She's been alone since she was born. And I don't want her to know that. Much more to let her feel that. No. If she thinks we're family. Then, we are. At least, for now. She's young and innocent, and she doesn't deserve to be alone. And no else deserve to be alone. Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing naiisip iyon. I want the best for Mareng. She's mine, and she came from me. That's what I want to believe, and it will stay that way! "Veron, over time ka. Ang tagal mong nawala. Mabuti at tinanggap ka pa," si Miss Yumi na naging matalim ang tingin. I kept my mouth shut and just nodded. May excuse naman. But I still need to complete the number of hours. Kaya malamang na marami akong over time. "Ayusin mo muna ang mga files na 'yan. I-re-report ko na 'yan mamaya," dagdag pa niya. Wala akong sinabi at sinunod na lamang ang utos niya. The least thing I want now is a feud. Tahimik kong sinunod ang lahat ng utos niya. At kahit sumasakit na ang mga braso ko sa maghapon ay hindi ako nagreklamo. Ngunit hindi ako mapokus sa palingon-lingon niya sa pila. Hapon na, nanghahaba pa rin ang leeg ni Miss Yumi kalilingon sa pila. "Miss Yumi, may hinahanap po kayo?" inosenteng tanong ko. Mahina siyang suminghap bago ako nilingon. Kumurap pa siya nang marahan bago tumikhim ngunit tumikwas din nang bahagya ang kilay niya. "Si Sir Drake. Isang linggo rin siyang hindi nag-deposit. Nagbabakasali lang akong dadating siya ngayong pumasok ka na." Ako naman ngayon ang napataas ang kilay. I thought, she's not interested anymore about Drake? Tapos ngayon ginagawa pa akong basehan. Ngunit sa tingin ko ay may punto siya lalo pa't niluwa ng main entrace si Drake na may bitbit na maliit na eco bag. Dinig ko ang mahinang pagtawa ni Miss Yumi, "Sabi ko na nga ba, Veron. Close kayo no?" Napatikom ako ng bibig at hindi siya sinagot. Kita ko pang umiling siya bago hinanda ang malawak na ngiti para kay Drake. Napairap ako at nilingon ng kunot-noo si Drake. Ni hindi pumila at dumiretso agad sa counter. "Hi, Sir! Deposit po ba?" si Miss Yumi na nakangiti. Drake shook his head and directly looked at me. Ni hindi na ulit sinulyapan si Miss Yumi na natahimik. Patay malisyang tumikhim ako at kunwaring hindi siya pinansin lalo na ng ilapag niya ang maliit na eco-bag sa gilid ng mesa ko. "Fruits rich with Vitamin C. Para hindi na bumalik ang ubo mo." Napamaang ako sa sinabi niya. Ni hindi na nga ako inuubo. At ano'ng pakulo niya na dadalhan ako ng prutas dito sa bangko? Did he know that the bank is not for love courting? What, Veron? Love courting?! Erase! "Kung hindi ka magde-deposit, you can go now. Nakaka-istorbo ka, Drake." May kataliman ko siyang tiningnan lalo pa't nililingon na kami ng manager. Bahagya siyang napanguso at nanitig pa nang malalim, "Sure. I'll fetch you later, Verona." Ngumisi pa siya bago tumalikod. Verona?! How did he? Napamaang ako at napahawak sa nameplate ko. Mariing napapikit nang matantong kumpletong pangalan ko nga ang nakalagay doon. He's really getting into my nerves! Ang lakas ng loob na tawagin akong Verona! Napailing ako at pilit na nagpokus ulit sa trabaho. Nangangati na ang paa kong umuwi ngunit hindi pa pwede dahil sa OT. Pero nang mag-oras na ay una pa akong tumayo kay Miss Yumi. Matalim pa niya akong tiningnan kaya naman hinintay ko siyang makapag-ayos bago lumabas. Ilang minuto pa akong naghintay kay Drake sa labas at kating-kati na umuwi. Balak ko na ngang pumara ng tricycle kung hindi ko lang iniisip na baka magkasalisi kami. At bakit ko ba siya hinihintay? Tricycle lang din naman ang sasakyan niya, Veron! Hindi dapat ako umaasa. But then, I found myself patiently waiting for him. Naagaw nga lang ang atensyon ko nang tumunog ang telepono ko. From: Drake Sorry. Hindi na kita masusundo. We're here at the mango store. Inis akong mahinang umatungal pagkabasa sa message niya. Naghintay pa ako, wala naman pa lang darating! Sa isip-isip ko ay gusto ko na siyang murahin. Walang sweet bone. Paasa pa! Basted na talaga! Masama at mabigat ang loob na pumara ako ng trycicle at pinaderetso sa Palengke. Kaya nga ba alam kong hindi siya seryoso at katawan lang ang habol niya. Ako naman itong si tanga, naniwala. My gosh, Veron! I do really need to heighten my heart fences. Itapon ang susi upang hindi makapasok si Drake. And I should keep my thighs closer to each other. Mas mahirap nang doon ang maging daan. Shut up, Veron! Ano ba'ng iniisip mo! Napapailing ako at lalong sumasama ang timpla ko. Sa bungad pa lang ng Palengke ay masama na ang tingin ko. Mas lalo na ng makarating sa fruit section at matanaw ang hubad baro niyang katawan. Maging ang jeans niya ay halos malaglag na sa baba ng waistline. Kung hindi pa siya tinapik ni Didoy ay hindi pa niya ako lilingunin. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagpasada niya ng tingin sa buong katawan ko. Naiharap ko tuloy ang bitbit na bag at tinakpan ang mga dibdib ko. Noon lang dumapo sa mukha ko ang tingin niya. Mataray ko siyang tiningnan bago lumapit. Sinilip ko pa si Mareng na nasa counter at nag-go-goma ng bundle ng tig-i-isang libo. "Bo-Drake, ako na maglalagay ng mga basket sa loob," si Didoy na kinuha ang hawak na basket ni Drake. "Hindi kita nasundo, pasensya na," mahinang bigkas niya. Tumikwas ang kilay ko at may kataliman siyang tiningnan. "Hindi naman kita hinintay," labas sa ilong na sagot ko bago siya nilagpasan at nilapitan si Mareng. "Bakit ka galit kung ganoon?" Humarang siya at pilit pang sinilip ang hilatsa ng mukha ko. Napaiwas ako ng tingin at pilit iniwasan ang mga mata niya. "Ang akala ko ay nasa bahay na kayo ngunit heto at pinagta-trabaho mo si Mareng. Pwede kitang kasuhan sa ginagawa mo-" "I am not into child labor, Verona. Kagustuhan ni Mareng na magbilang ng pera. She's looking up at you. Gusto niyang maging accountant. Hinahayaan ko lang siya upang masanay siya." Nalunok ko yata ang dila ko at hindi na nakapagsalita sa sinabi niya. Tila hinaplos din ng init ang puso ko at halos maluha nang tingnan ko si Mareng. Inosente pa nitong winagayway ang bundle ng pera at umaktong inaamoy iyon. Hanggang sa makauwi ay hindi ko na kinausap si Drake. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong magalit. Maybe, we need to cease the fire. Kaunting katahimikan para sa aming dalawa. But then, it will not gonna happen. Ni hindi pa kumakatok ay basta na lamang pumasok sa loob ng apartment gayong busy ako sa pagkalkula ng pera para sa birthday ni Mareng. "Pareng Drake, dito ka matutulog?" si Mareng na agad lumapit at kinuha ang dala nitong supot ng mangga. Nanatili akong nakatingin sa notebook at sa cellphone kong nasa calculator. Kahit na ramdam ko ang paglapit niya ay matinding pagpipigil ang ginawa ko upang hindi siya singhalan at pansinin. "Para ba sa birthday ni Mareng?" marahang tanong niya. Mabilis ko siyang sinulyapan at tumango. Napatitig pa ako nang matagal sa halagang nakalkula ko. I can only spend three thousand for Mareng's birthday, and that is not enough. "I need a job." Imbis na sa isip ko lang ay basta ko na lang iyong naibulalas. Napatakip pa ako ng bibig at nanlalaki ang mga matang nilingon si Drake. Mabuti na lang at wala sa akin ang tingin niya. Nakatutok ang mga mata niya sa notebook kung saan malinaw niyang nababasa ang nakalkula ko. "You don't have to work. Sagot ko na ang birthday ni Mareng," then, he showed me the bundle of one thousand bills. Marahan pa niyang kinuha ang palad ko at nilapag doon ang nakagomang mga pera. Instead of feeling delighted, I felt insulted. Lalo pa't alam kong hindi kanya iyon at kinuha lamang sa mango store. Napailing ako at napangisi, "Hindi ko 'yan gagamitin lalo pa't gawa 'yan sa nakaw-" Hindi ko naituloy ang sasabihin nang mahina siyang tumawa at kinuha pabalik ang bundle ng pera. "Fine. Hindi na. At hindi ito nakaw. Since you don't accept this, I'll propose something. A job for you." Sa una ay naging interesado ako at kailangan ko iyon. Ngunit nang maisip na baka isang indecent proposal iyon ay agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Noong nasa ospital ay gusto mong bilhin ang isang gabi ko. Ngayon naman ay gusto mo kong maging bed warmer? What do you think of me, Drake? Bayarang babae?" Nangunot ang noo niya ngunit umayos din nang mapagtanto ang sinabi ko. "I didn't say that. But since you gave me an idea. I might consider you as my bed warmer-" "Stop! Bwisit ka, Drake!" hindi napigilang sigaw ko. Naging matalim pa ang tingin ko sa kanya. Ang sabi ko ay cease fire ngunit heto at nagsisimula na naman siya ng gusot sa aming dalawa. "I don't fit as your bed warmer, and I will never be!" Mas lalo pa akong nainsulto nang lumapit siya at halos dumikit na sa akin sa upuan. "We will fit. Don't worry, Verona. I'll be gentle," he whispered, sensually. Then, bit my earlobe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD