This is the first that Mareng was rushed to the hospital. Ni hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin. Nanginginig ang mga kamay ko at hindi siya mabuhat nang maayos. Sa palagay ko ay nawawalan ako ng lakas.
"Ako na. You look weak."
Walang babalang kinuha ni Drake sa mga bisig ko si Mareng. Hindi ako nagprotesta at hinayaan na siya ang magbuhat. Ni hindi nga ako makahakbang nang mabilis papasok sa ospital.
Sa huli, kahit walang pasabi ay kumapit ako sa braso niya nang mahigpit.
He stopped, then looked at me sideways. Kunot ang noo at malalim ang titig. Walang bakas nang kalasingan kumpara kanina sa bahay. Sa itsura niya ngayon ay mukhang hindi naman siya nakainom.
Mas mahigpit pa akong kumapit sa matipuno niyang bisig nang maramdaman ang pangangatog ng mga tuhod ko at nagbabadyang pag-ubo.
I sniffed, then cleared my throat. Sa sibrang panghihina ay hatak na rin ng kabilang kamay ko ang damit niya. Huminga pa ako nang malalim bago nag-angat ng tingin sa kanya. Only to find him looking at me dangerously.
"Do you want me to carry you?" he asked, straightforward.
Napalunok ako at hindi agad nakaiwas ng tingin. Sa klase ng tingin niya ay mukhang gagawin niya nga kaya mabilis akong umiling at binitiwan ang kapit ko sa damit niya. Maging ang kapit ko sa braso niya ay unti-unting lumuwang.
"H-indi na. Kaya ko namang m-aglakad." Tuluyan ko nang binitiwan ang braso niya.
I tried my best to walk fast. Nauna pa akong naglakad sa kanya. But my eyes widen when I felt his rough hand pulled my wrist. Tinangay niya ako papasok ng ospital.
Hindi ko alam kung paano niya nagawa iyon samantalang buhat niya si Mareng. Isang kamay lang ang gamit niya. Sa ginawa niya ay doon natutok ang tingin ko. Sa kamay niyang nasa palapulsuhan ko.
Hindi ko na nga nasundan ang paglapit niya sa nurse. Sunod na balik ng huwisyo ko ay nang maramdaman ang pagbitaw niya sa palapulsuhan ko. Bumungad pa sa akin ang pribadong kwarto at ang nakahigang Mareng sa hospital bed.
I sighed. Ganoon natutok ang atensyon ko sa palad niya?
Napailing ako at piniling lumapit kay Mareng. Mas lumapit pa ako kay Mareng at hinaplos ang kamay niya. Bahagya pa lamang na bumaba ang temperatura niya at nakakapaso pa rin ang init niya.
I don't know how Drake possibly brought her here calmly. Ako nga ay halos mag-panic na kanina ngunit siya ay tahimik lamang. Maybe because he's just helping me out. We are not related, nor he is not related to Mareng, so he doesn't have to panic. Ngunit naalala ko ring galit siya kanina sa akin. He's blaming me for Mareng sickness.
Napayuko ako at napatitig na lamang sa kamay ni Mareng.
I'm sorry, Baby.
Sa palagay ko ay tama si Drake. It's my fault.
Sa naisip ay kusang nag-angat ang tingin ko sa kanya. I found him leaning on the hospital wall. Looking at me intently. Wala sa loob na napalunok ako at kinabahan. Napaiwas pa ako ng tingin nang hindi makayanan ang titig niya. Ngunit nabalik din sa kanya nang mahagip ng mga mata ko ang paglapit niya.
At halos dumoble ang kabog ng dibdib ko nang lumapit nga siya at pumwesto pa sa likod ko. I even saw his veiny hands held the side of the bed. Kasunod doon ay ang naramdaman kong pagdukwang niya at pagtitig kay Mareng.
Hindi ako makakilos o maigalaw man lang ang ulo ko sa takot na dumikit sa dibdib niya. At kung wala lang sandalan ang upuan ay baka ramdam ko na rin ang matigas niyang tiyan.
"Mainit, Drake. Please, space," I uttered, weakly.
Ngunit imbis na lumayo ay naramdaman ko pa ang pagdampi ng palad niya sa noo ko. Natigilan ako at hindi halos makagalaw nang dumapo rin iyon sa leeg ko.
"May sinat ka. Ipapatingin din kita sa Doktor-"
"Hindi na. I'm totally fine. Si Mareng ang priority ko."
But it seems like he didn't listen to me. Hindi siya nagsalita bagkus ay lumapit lang sa harapan ko. Natitingala ko ang tangkad niya ngunit hindi naman sa akin ang tingin niya. And then, I realized, he is looking murderously at the beautiful nurse.
Sumunod din doon ang tingin ko. At hindi ko alam kung bakit tila pinukpok ng martilyo ang dibdib ko nang hindi maalis sa nurse ang tingin niya.
Nagandahan masyado, Drake?
Nagsalubong ang kilay ko at wala sa loob na kumapit sa braso niya upang kuhanin ang atensyon niya ngunit bigo ako. Ang tingin niya ay nakatutok pa rin sa nurse na hawak na ang kamay ni Mareng.
Isang beses lang itong lumingon kay Drake. At hindi ko alam kung bakit hindi na nito binalikan ng tingin si Drake. Pansin ko pa ang panginginig ng kamay ng nurse habang hawak ang kamay ni Mareng.
Tumikhim ito at saglit na pumikit, "Isu-swero ko lang po."
"Ayusin mo, Miss. Make sure it is correctly done, or else." nagbabantang paalala niya sa nurse.
Mas lalong nangunot ang noo ko. Tinatakot niya ang nurse?
Kita ko ang mas lalong panginginig ng kamay ng nurse nang lingunin niya si Drake. Napaatras pa ito at wala sa loob na nabuksan ang syringe.
Natuktok ang tingin ko sa syringe. Hindi ko alam kung bakit ako napapikit at napakapit nang mas mahigpit sa braso ni Drake. Hindi ko yata kayang makita na itutusok iyon sa maliit na kamay ni Mareng.
Takot ako at tingin ko ay hindi ko iyon kayang tingnan. Nanginig ang kamay ko at humigpit lalo ang kapit ko kay Drake.
Mareng is too young for this! Ako nga ay hindi naman nadadala sa ospital kapag nagkakasakit.
But Mareng? I was so careless.
Napasinghot ako at mas mariing napapikit. Ngunit hindi natuloy ang pagtulo ng luha ko nang maramdaman ang palad ni Drake sa likod ng ulo ko at ang pag-alalay sa noo ko padantay sa matigas niyang tiyan. Napakurap ako at dinama ang hagod niya sa likod ng ulo ko at mismong likod ko.
"Are you afraid, Veron? Sandali na lang at tapos na."
Afraid? I'm afraid of everything, Drake.
Sa klase nang hawak niya ay kulang na lang ay yakapin niya ako. Kung hindi pa nagpaalam ang nurse ay hindi pa niya ako bibitiwan.
Napaiwas ako nang tingin at napaayos nang upo. I can't look at him. Hindi ko kaya lalo pa't guilty ako na nagustuhan ang matigas niyang tiyan.
Enough, Veron! You are here for Mareng and not to flirt with Drake!
Sa naisip ay hinaplos ko muli ang kamay ni Mareng. She's sleeping. But her knotted brows and wrinkled lips tells me she's in pain. I can't do anything but to fell sad.
The saddest part of being a mother is that you can't take away the physical pain your child is feeling.
Kung pwede lang ay ako na lang sana.
Muli akong napabuntong hininga at hinigpitan ang kapit sa palad ni Mareng.
Just today, Baby. You'll be alright.
Napokus ang atensyon ko kay Mareng na kahit dinig ko ang pagdating ng Doktor ay hindi ko liningon. Drake talked to him. Hindi na ako nag-abalang kausapin pa ito. Lumayo lang ako kay Mareng nang lumapit ito at i-check si Mareng.
Napatayo ako sa gilid at bumagsak ang tingin sa sahig. Hindi ako makahinga nang maayos na kahit pa lagnat lang ang sakit ni Mareng ay natatakot ako.
"She'll be fine. Tumaas lang ang temperatura niya. Bilhin niyo lang itong mga gamot at ipainom sa tamang oras."
Napatango ako at nahagip pa ng tingin ko ang resetang inabot niya kay Drake.
"Doc, the mother is sick also. Can you check her up?"
Namilog ang mga mata ko sa tanong nito sa doktor. Hinawakan ko pa ang palapulsuhan niya at matalim siyang tiningnan ngunit tumikwas lang ang kilay niya.
"I'm sorry, But I'm a pediatrician. Ano ba ang sakit ni Misis?"
Mas namilog yata ang mga mata ko dahil doon. Idagdag pang hindi man lang itinanggi ni Drake at bahagya pang nangisi.
"She has colds and cough, Doc."
Naiinis na nag-iwas ako nang tingin nang sulyapan niya ako at dinama pa ulit ang leeg ko.
"Hm. Makukuha naman 'yan sa gamot. You can consult the Physician Doctor here for the medicine. I'll go now."
Nang makaalis ang Doktor ay agad ko siyang tinampi sa braso ngunit ngumisi lang siya at nilapit pa ang mukha sa leeg ko.
"W-hat are you d-oing?" Nangatal yata ang dila ko lalo na ng sinikop niya ang buhok ko upang malinaw na makita ang leeg ko.
"Am I the one who made this, Veron? It's red. Hickey?" then, he traced the part of my neck where he kissed me.
Napamaang ako at masungit na tinampi ang kamay niya.
"Sino pa ba'ng bampira rito bukod sa'yo?" Tumaas ang kilay ko at masama siyang tiningnan.
"Damn, I'm good," he murmured, then looked at me hoping, "Do you want me to lick and nibble the other side?"
Kaagad na nanlaki ang mga mata ko at mabilis na tinakpan ang leeg ko gamit ang mga kamay.
"Manyak ka, Drake! Bakit mo naman gagawin iyon?" I looked at him sharply.
Imbis na maalarma ay tila sumakit lang ang ulo niya at napahawak pa sa sentido.
"I am not a pervert, Veron. I'm a lover," then, he smirked.
Napairap ako at tiningnan siya mula ulo hanggang paa, "Whatever, Drake."
Tinalikuran ko siya kahit na sumisikdo ang puso ko sa sinabi niya. But he is not a lover, more like lusted!
Napailing ako at marahang humiga sa sofa. Maybe, I need to rest.
Drake is just messing me up. Hindi ko alam kung ano'ng pakay niya at pinipilit ang sarili sa akin. But I am not that easy. I am firm and.. and..
Urgh, Veron!
Isang beses ko pang sinulyapan si Drake ngunit napaingos ako sa pagpipigil niyang mangisi.
Pinilit kong pumikit at hindi na siya pinansin. I tried to rest. For sure naman na babantayan niya si Mareng. I don't know, but I am thankful for Drake's concern over Mareng. Masyado yatang magiliw ang anak ko at napapalambot niya si Drake.
I took a deep breath and settled myself comfortably on the sofa. Unti-unti rin akong hinahatak ng antok hanggang sa tuluyan na akong makatulog.
Nalingat lang ako nang maramdaman ang gutom. Bahagya ko pang pinilig ang ulo ko ngunit nangunot din ang kilay ko nang maramdaman ang matigas kong unan.
As far as I know, I slept without a pillow. Ngunit ngayon ay may unan na, kumportable naman ang kaso nga lang ay matigas.
Am I dreaming?
Unti-unti kong minulat ang mga mata. Sa pagkakatanda ko ay ako lang mag-isa ang natulog sa sofa. But my eyes welcome his massive chest. Idagdag pa ang mahigpit niyang kapit sa bewang ko at tila ayaw akong mahulog. Mas humigpit iyon at mas nilapit ako sa katawan niya.
Napakurap ako at naalarma nang pag-angat ko ng tingin ay nasalubong ko ang inaantok niyang titig. Gahiblang layo lang ang kanyang labi at kung gugustuhin ay kaya niyang tawirin.
Napasinghap ako sa naisip at pinilit lumayo. Ang kaso ay tila bakal ang palad niya at ayaw akong pakawalan.
"Ano ba, Drake! Pakawalan mo'ko!"
Kita kong napanguso siya at nilingon pa ang braso niyang unan ko.
"Wait, I'm searching," mahinang bigkas niya.
Nangunot ang noo ko at hinanap ang cellphone niya. Nakita ko nga lang hawak niya iyon sa palad malapit sa mukha ko.
"And so? Bababa na ako. Titingnan ko si Mareng. Magbabayad pa ako."
Pinilit kong inalis ang palad sa bewang ko ngunit ni hindi ko iyon mabaklas.
"Drake, please. Magbabayad pa ako." Hinanap ko ang titig niya at nangungusap ko siyang tiningnan.
"I will settle the bill, Veron," he firmly said.
Napamaang ako at hindi makapaniwalang magpepresinta siya.
But I will not accept anything from him. Kaya ko naman.
"Kaya kong magbayad, Drake. Isa pa, anak ko si Mareng." Umiwas ako ng tingin at pinilit na umalis sa sofa.
Ramdam kong lumuwang ang hawak niya sa bewang ko dahilan upang tuluyan akong makatayo at makalayo sa kanya.
"Ako na ang magbabayad, Veron-"
I cut his words, "Hindi na. Ako na. May ipon ako, Drake."
But Drake is hardheaded. Kung anong pirmi ko ay siya namang pilit niya. Ano ba ang pinaglalaban niya?
"This is a private hospital, Veron. Mauubos ang ipon mo."
"And the more that you can't pay, Drake. Kaya ako na ang magbabayad. You don't have to act heroine."
"Ako na-"
I rolled my eyes and cringed. And again, I cut his words.
"Ano lang ba ang sahod mo sa pagiging tindero? Bakit mo ba pinipilit? Baka kulang pa ang pera mo-"
"Here we go again, Veron. Pwede akong mag-advance ng sahod. Bakit ba ang baba ng tingin mo sa akin, Veron? Don't you know that I can even buy you? How much is one night, Veron?"
Hindi ko alam kung tama ang naririnig ko sa kanya ngunit tumataas yata ang presyon ko sa tanong niya. Sa tingin ba niya ay hayok ako sa pera?! I can't believe Drake will offer me this.
Napakawalanghiya!
"How dare you! I am not for sale! Ikaw ang mababa ang tingin sa akin, Drake!"
He tsk, then looked at me heartly. Marahan pang pumasada ang mga daliri niya sa buhok niya palikod. He even sighed, as if having a vigorous problem.
Sa inaakto niya ay tila hindi seryosong bagay ang sinabi niya kanina.
"No, you're wrong. I am looking up to you, Veron. Sobrang taas. Sa sobrang taas ay natatakot akong mahulog lalo pa't hindi ka pa handang sumalo."
What? Sa tingin ko ay pinaglalaruan niya ako. Seconds ago, he's asking me how much is one night. And now, he's indirectly telling me his feelings. Mababaliw na yata ako sa mga sinasabi ni Drake.
Whatever it is, he doesn't really stand a chance. Kahit pa magiliw sa kanya si Veron ay hindi siya papasa sa akin. He's too much for me. Idagdag pang maharot siya!
Nangisi ako at napailing. I looked at him, proudly. I even looked at his sinful lips. Hindi ko na hahayaan ang mga iyon na dumapo pa sa kahit na anong parte ng katawan ko.
"And that will never happen, Drake. I am turning you down," I managed to smirked at him.
But I think he doesn't take it seriuosly. Naningkit lang ang paningin ko nang swabe siyang umupo at dinipa pa ang mga braso sa sofa. Nanghahamon ang tingin niya, but I won't let him win.
"One more thing, Drake. You can't buy me. You can't pay me. Basted ka na." Mataray ko pa siyang inirapan bago tinalikuran.
Ngunit kusa akong napatigil nang marinig ang mahina niyang pagtawa. It's sound insulting.
He chuckled nonchalantly, "You can't do that, Veron. I have been paying you for a long time now. And I think, I don't deserve to be rejected."