"Veron, why won't you kiss me?" He looked at me, hoping.
Wala sa loob na napalunok ako. The offer is tempting. Lalo pa't malinaw sa akin ang mamasa-masa niyang labi na bahagyang namumula. Tila ako niyayaya upang salubungin ang mga iyon.
Urgh!
Nalalasing na yata ako kahit na nasasamyo ko lang ang amoy ng alak sa bibig niya.
But I need to be firm! Kailangan din na matibay ang kapit ng panty lalo na ngayon na makalaglag panty ang tingin niya. Nang-aakit, nag-aalab, at napupuno ng pagnanasa.
Mariin akong napapikit at naipagdikit ang mga hita ko. Unti-unti ring lumilinaw sa isipan ko ang ginawa niya noon sa pagitan ng mga hita ko.
Shut it, Veron!
Distansya!
Napamulat ako at natauhan matapos maalalang kailangan ko ng distansya.
Lust should not eat you! But Drake can rip your panty away, and eat that delicate thing you have between your thighs, Veron!
Urgh!
Umiling-iling ako at umatungal ng inis sa mga pumapasok sa isipan ko.
He tainted me!
That is true! Simula nang nakilala ko siya ay naging marumi na ang isipan ko. Noon, ni hindi ko mahawakan si Christian o kahit sino pang lalaki.
But Drake? He touched me without my permission. He kissed me without warning! He did all that without my notice! At ngayon naman ay kinukulong niya ako sa pader, sa loob ng banyo!
Hindi ko alam kung bakit ko siya hinahayaan.
Mali.
Hindi ko siya hinahayaan!
Hindi ko lang siya mapigilan. He's strong enough to do what he wants to me.... to my body.
And I'm scared because of that. Baka isang araw, ako na ang naglalapag ng katawan sa kanya. And I prefer not to do it!
Ngunit halos manigas ako matapos maramdaman ang pagpirmi ng malapad niyang palad sa bewang ko. At unti-unti ring namilog ang mga mata ko nang maramdaman ang marahan niyang paghalik sa leeg ko. Tasting every bit of it. Wetting, licking, and nibbling. Tila isang putahe na ayaw niyang tantanan. And if it has juices, he will sip it. Non-stop!
"Stop!" I tried my best to push him away.
Ngunit imbis na matulak, mas lalo siyang lumapit at dinikit ang katawan sa akin. I can almost feel his member kahit pa may jeans siyang suot.
Pilit kong tinatahi ang katinuhan ko sa ginagawa niya. Mas lalo niyang pinaghusay ang paghalik sa leeg ko at mas lalong dinikit ang kanya sa akin. Hindi ko alam kung paano magpoprotesta. Naagaw ang atensyon ko sa sariling init na nararamdaman. But I need to find my voice!
"P-lease, stop. You're r-aping me," nanghihinang usal ko.
I felt his lips stopped from kissing my neck. Kasunod doon ay ang paglayo niya na naging dahilan upang balutin ng lamig ang parte ng leeg kong hinalikan niya. Kusa niya ring nilayo ang ibabang parte niya.
Then, he looked at me with that drunken eyes. Namumula na ng bahagya ang mga mata niya. Nangungusap at nagsusumamo.
"I am not raping you, Veron. I am just tasting you," he drunkly said.
Napamaang ako sa sinabi niya. At sa tingin ko ay lasing na nga siya. Parang kanina lang ay nabuhat niya pa si Mareng ngunit ngayon ay mukha na siyang nanghihina.
"How dare you, Drake! Hindi ka pwedeng manghalik na lang basta at idikit 'yang kaibigan mo sa ibaba!"
Ngunit imbis na maalerto siya ay mas lalo pang namungay ang mga mata niya. Ang tingin ay natutok sa mga labi ko na umakyat sa mga mata ko. Sa tingin ko ay hindi naman niya sineryoso ang sinabi ko. Ni hindi yata inintindi.
"Why Veron? Bakit ka lumalayo?"
And I was right! Hindi nga siya nakikinig.
I knotted my brows. Tinapangan ko pa ang tingin ko kahit na alam kong lasing siya at hindi niya iyon pansin.
"Bakit kita lalapitan kung katawan ko lang ang habol mo?"
"That is not true!" depensa niya.
"That is true, Drake! Basta ka na lang nanghahawak at nanghahalik tulad ngayon! Kung hindi ako papalag ay baka sa kama ang abutin ko-"
"Don't you want that?"
Hindi ko alam kung sadya niya ngunit pumasada ang dila niya sa ibabang labi niya. Binasa iyon bago kinagat. Sumunod pa roon ang kamay niyang humaplos sa bewang ko.
Napaingos ako at agad na tinampi ang palad niya.
"No! I. Don't. Want. It. Hindi ako pinanganak para mag-alay ng katawan sa'yo! So, please! Kung hindi mo mapigilan 'yang kamay mo at labi mo, layuan mo na lang ako."
Halos magpuyos ako sa inis at galit sa inaakto niya. Bakit kasi hindi na lang siya lumayo? Bakit kailangan pa niya akong pahirapan ng ganito?
Mas lalong tumalim ang tingin ko sa kanya sa naiisip na problemang dala niya. But I was caught off guard with his next question.
"Paano naman ang puso ko, Veron?" Lumalim ang titig niya at hindi pinakawalan ang mga mata ko.
Sandali akong natigilan sa bilis ng t***k ng puso ko. Napalunok at isang beses ko pang sinulyapan ang dibdib niya kung saan ang lokasyon ng puso niya.
Why is he asking me this? Is it a prank? Para ano? Makuha ako?
You will never win, Drake!
Tumikhim ako at ngumisi, "Sorry. My heart has fences. And you do not score a chance, Drake."
Mas tinapangan ko pa ang titig sa kanya na ikinaawang ng mga labi niya. Kitang-kita ko kung paanong bumagsak ang balikat niya, at kung paanong bumagsak ang tingin niya. Kasunod doon ay ang pagbagsak ng ulo niya sa tapat ng leeg ko. Naalarma pa ako na baka manghalik siya ulit ngunit mahihinang hilik ang narinig ko mula sa kanya.
Just what?
Muntik pang matumba ang katawan niya kung hindi ko lang siya nahawakan sa braso nang mahigpit.
Is he asleep?
Mariin akong napapikit at ilang beses na tinampi ang pisngi niya.
"Drake, gising."
But I got no response from him. Humihinga pa naman siya. But how can I possibly carry him up to his apartment? At paanong nakatulog siya gayong nagsasalita pa lang kanina.
Urgh! Bwisit ka talaga, Drake!
Balak ko na sanang sumigaw upang humingi ng tulong kung hindi ko lang narinig ang mga yabag at pagtawag sa pangalan niya.
"Drake, man!" boses ni West.
"Drake! Uwi na!" isa pang boses.
Nagkapag-asa ako at hinawakan nang mabuti si Drake.
"Dito! Dito sa banyo! Nakatulog!" Pilit kong nilakasan ang sigaw ko.
Hindi naman ako nabigo dahil agad na bumukas ang pinto ng banyo. Niluwa niyon si West na kunot ang noo, at ang isa pa na nagpalipat-lipat ng tingin sa amin ni Drake.
Ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko sa dinatnan nilang ayos. Kahit sino ay iisiping may ginagawa kami kung hindi lang halata na nakatulog si Drake.
"Tinulugan ka, Miss?" tanong noong may freckles.
Hindi ako makasagot sa hiya. Iba kasi ang naiisip kong naiisip nila.
"Sabi ko na nga ba na walang active s*x life 'tong si Pare. Madaling makatulog." Umiling-iling pa si West bago humakbang papasok.
Nakagat ko ang labi ko at hindi na makatingin. Did they really think na gumagawa kami ng milagro?
My gosh, Veron!
Narumihan pa yata ang puri ko dahil kay Drake.
"Uhm, hindi. Nag-usap lang kami tapos nakatulog siya-"
"Yeah, nag-usap with a remembrance hickey on your neck, Miss." Ngumisi pa ang lalaki at tinuro ang leeg ko.
Agad na dumapo roon ang kamay ko at tinakpan iyon kahit pa nandoon banda ang ulo ni Drake.
"Stop that, Rigs. Tinatakot mo si Veron. Wala man, Veron." Tuluyan nang lumapit si West at hinawakan sa braso si Drake.
"I'm not scaring her. I am just stating a fact." Umiling ito.
Lumapit din ito at sinamsam ang isa pang braso ni Drake. Wala akong nagawa kung hindi lumayo at hayaan silang hawakan sa magkabilang braso si Drake. Nayukyok pa ang ulo nito ngunit hindi iyon pansin ng dalawa.
"Iuuwi na namin, Veron."
Iyon lang ang sinabi ni West bago nila sabay na hinila si Drake palabas ng banyo. Nangunguna ang unang katawan nito at sumasayad ang mga paa. Tila isang sako lang na hinihila nila.
Halos mapasigaw pa ako nang mas yumukyok ang ulo nito nang nasa sala na. Kulan na lang ay mabali ang kalahati ng katawan niya.
"Ingatan niyo naman!" hindi napigilang sigaw ko.
Pumwesto ako sa gilid at sinilip pa si Drake ngunit pikit pa rin ang mga mata nito.
"Miss, ikaw ba iningatan ka niya?"
I looked at the man with freckles. Ni hindi ko maproseso ang tanong niya. Natutulala lamang ako.
Ako? Iingatan ni Drake?
"Nevermind! Sige na, iuuwi na namin."
Hinila ulit nila ito patungo sa pinto at naiwan akong natitigilan sa sala.
"Tulug-tulugan ang loko! Nabasted lang!" dinig kong bulong ni West.
"Magpagaan ka naman, Gago! Ibubuking kita."
Nangunot ang noo ko sa muling sinabi ni West at balak pa sanang magtanong ang kaso ay naisara na nito ang pinto.
Sa huli ay napabuntong hininga na lamang ako at napahilot sa sentido.
Drake is an headache!
Napailing at pinagpatuloy ko na lamang ang pagligo. Hindi nga lang ako nagtagal sa banyo lalo pa't naiiwan pa roon ang pinaghalong amoy alak at natural na amoy ni Drake.
I tried to sleep peacefully. Nalilingat nga lang kapag pumapasok sa panaginip ko si Mareng. Nang hindi na ako makatulog ay sinubukan kong magtimpla ng gatas. Ilang beses pa akong umubo.
This is bad!
Kasalanan ni Drake kung bakit hindi ako agad na nakaligo at ngayon inuubo.
Ang landi kasi!
Nasa ganoon ang isipan ko at marahan pang sumimsim sa mainit na gatas nang marinig ang mahihinang ungol ni Mareng. Nangunot ang noo ko at naalarma nang marining ang mahinang pag-iyak niya.
Mabilis akong napatayo at napatakbo sa kwarto niya. Only to find her chilling. Nanginginig at napupuno nang luha ang mukha.
Nabalot nang kaba at takot ang dibdib ko. Agad ko ring kinapa ang temperatura niya at halos mapamura ako nang madama ang taas ng lagnat niya.
"M-imi," nanghihinang usal niya.
"Shh, baby. A-no'ng masakit?" Pigil ko ang paghikbi.
Nagsisi ako na naulanan pa siya. Ngayon ay nilalagnat na. Kinapa ko pa ang likod niyang basa na.
"My head hurts, Mimi. M-imi." Tuluyan na siyang humikbi.
Sa bawat panginginig ng labi niya ay tila sinusuntok ako. Ayaw kong nagkakasakit si Mareng. Maging ako ay nahihirapan kapag nagkakasakit siya.
"Hm. Wait Mimi, baby. Pupunasa kita."
Kinumutan ko siya bago mabilis na tumalima sa kusina bago kumuha ng tubig at pamunas. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko basta pinunsan ko siya at pinalitan nang damit. Pagkatapos ay pinainom ng gamot.
Hindi sakitin si Mareng kaya't ngayong may sakit siya ay hindi ako makalma.
"Mimi. Mimi. Drake, Mimi. Didi, Mimi," mahihinang usal niya.
Nakapikit siya at tingin ko ay kusa niya lamang iyong nababanggit. Tinatapik ko nang marahan ang binti niya at niyakap.
Binantayan ko siya at hindi natulog kaya't nang maramdaman ang lalong pagtaas ng temperatura niya ay napaiyak na ako. I don't know what to do anymore.
"Mareng, saan masakit?"
Ngunit hindi na siya sumasagot at umuungol na lamang. Nabalot nang takot ang puso ko. I think I need to bring her to the hospital.
Sa naisip ay agad kong kinuha ang wallet ko sa kabilang kwarto bago nagammadaling binuhat si Mareng. I don't care kahit anong oras na. Hindi ako mapapakali kung hindi siya matitingnan ng doktor.
Kahit mahihirapan na sa bigat niya ay mahigpit ko siyang binuhat at niyakap. Swerte lang at hindi na umuulan. Ang kaso ay wala nang dumaraang tricycle o ano mang sasakyan.
Dumodoble ang kaba at takot ko habang lalong tumataas ang lagnat ni Mareng. Nagdalawang isip pa ako kung gigising si Aling flor o si Drake.
But Drake is drunk!
Ngunit may sasakyan ang kaibigan niya. Sa huli ay lakas loob akong kumatok sa pinto ng apartment niya.
"Drake! Please, open this damn door!" Malalakas ang bawat naging katok ko.
Sinipa ko pa ng ilang beses ang pinto hanggang sa bumukas iyon at isang Drake na nagsasalubong ang kilay ang bumungad. Ngunit napalitan ng kunot noo ang reaksyon niya nang dumapo ang tingin niya kay Mareng na buhat ko.
"Drake, I n-eed your h-elp. N-ilalagnat si M-areng. Please, d-alhin natin sa o-spital." Hindi ko maiwasang humikbi.
Wala siyang sinabi. Halos manlumo pa ako nang bumalik siya loob ngunit nabuhayan ako nang loob nang bumalik siya at may hawak ng susi. Walang seremonyas niyang kinuha mula sa akin si Mareng at tinakbo ang distansya ng sasakyan. Maging ako ay tumakbo patungo roon.
He open the door in the passenger seat and let me in. Pinwesto niya rin sa kandungan ko si Mareng. Agad siyang umikot sa kabila at agad na pinaandar ang sasakyan.
Mahigpit kong yakap si Mareng na nag-aapoy sa init.
"Ilang degrees?" biglaan niyang tanong.
Napakurap ako at napalingon sa kanya. Mahigpit ang hawka niya sa manibela at matalim ang tingin sa daan.
"A-ng alin?"
"Her fever, Veron! Gaano kataas?"
Napayuko ako at hindi na makatingin sa kanya, "Hindi ko alam. Wala akong thermometer."
"Bullshit, Veron!" he cursed. Hinampas pa niya ang manibela.
Nahintakutan ako at sumiksik sa upuan. Hindi ko alam kung ano nag ikinagagalit niya.
"Bakit kasi ang tigas ng ulo mo? Bakit ka kasi lumalayo? Look what happend to Mareng? Hindi 'yan lalagnatin kung hinayaan mong ako ang sumundo," may gigil ang bigkas niya.
Natameme ako at hindi makakibo. Alam ko namang kasalanan ko at nagsisisi ako. Ngunit hindi ko lang maintindihan ang sobrang galit niya ngayon.
"Ayaw ko nang mangyari ulit ito, Veron. Huwag mong hahayaan na magkasakit ulit si Mareng at baka makalimutan kong gusto kitang ligawan," he added.
Napalunok ako at hindi maiwasang maluha. Pakiramdam ko siya itong magulang at isa lamang akong tagapag-alaga na pinapagalitan. Pumikit ako nang mariin.
Ano'ng karapatan niyang pagalitan ako?!
Gusto ko pa sanang sumagot ngunit hindi ko maiwasan ang umubo. Ilang beses na kinalingon niya. Suminghot pa ako sa nagbabadyang sipon.
"See? Even you is sick. Kung hindi ka nagmamatigas ay hindi kayo magkakasakit. If you will just allow me to take good care of both of you, you'll be safe and sound, Veron. Please, try me. Try me, Veron."