KABANATA 16

2626 Words
Ilang beses na tumawag si Drake kinagabihan ngunit ni isa ay wala akong sinagot. Hindi ko na balak na kausapin pa siya o i-entertain. I just want to keep my distance. Ang kaso ay habang pilit kong linalayo ang sarili at si Mareng sa kanya ay unti-unti ring lumalayo sa akin ang anak ko. I know their bond. At alam kong hindi rin madali kay Mareng na basta na lang lumayo kay Drake. Paano naman ako? Am I selfish? "Susunduin kita mamaya, Mareng. Wait for me. Huwag kang sasama kung kanino." Inayos ko ang uniporme niya at marahang hinaplos ang buhok niya. This is now our everyday routine. Katulad ng dati. Walang Drake. "Mimi, kahit kay Pareng Drake hindi pwedeng sumama?" Bagsak ang balikat niyang tinatanaw ang apartment ni Drake. Naitikom ko ang mga labi at pilit huminga nang malalim. Hindi na rin naman nagpaparamdam sa amin ang lalaki kaya't tingin ko ay hindi na dapat pa siyang ikonsidera. "Hindi, Mareng. Masyadong busy ang Pare mo. Basta, hintayin mo 'ko." Tumango siya at pansin ko ang lungkot sa mga mata niya. Ni walang ngiti sa mga labi. Napabuntong hininga ako at hinalikan na lamang siya sa pisngi bago umalis. Hindi ko naman siya mapagbigyan. Panandalian lang naman at masasanay din siya. I sighed. Paglaki niya ay makakalimutan din niya si Drake. Mula sa pagkakayuko ay nag-angat ako ng tingin. Natigilan nang makita si Drake na papalapit. Seryoso at kunot ang noo. Nagsusumigaw ang bawat tattoo niyang litaw mula sa sout na muscle tee. Maging ang sirang pantalon ay nakadagdag sa awra niya. Idagdag pang nagiging halata na ang maliit na buhok sa palibot ng panga niya. Namiss mo, Veron? Inis akong napapikit sa naiisip. Bakit ko naman mamimiss? Iniiwasan ko nga. At isa pa hindi naman siya nag-abalang kamustahin ako. Kagaya ngayon ay tila hangin na lamang akong dinaanan niya. Ni hindi nilingon o sinulyapan. Sa tingin ko ay bumabaliktad ang sitwasyon. Imbis na ako itong umiiwas ay siya pa itong hindi namamansin. Umingos ako at tumikwas ang kilay matapos matanaw ang pagsakay niya sa tricycle at hindi na ako hinintay pa. Who cares, Veron? Ganyan naman talaga ang gusto ko. Distansya! Napapailing ako at hindi na iyon inisip pa. Ano naman kung hindi siya mamansin? That is much better! Better na better, Veron! Napanguso ako at pinilit na pinokus ang atensyon ko sa pag-aayos ng files. At kahit pa ilang beses akong inutusan ni Miss Yumi ay hindi ako umangal. I need to divert my attention. Hindi pwedeng na kay Drake lang. Erase na siya sa buhay namin. But all my attempts of erasing him was put into waste when I saw him standing so firm in front of the counter. Ni hindi ko napansin kung sumulyap ba siya sa akin kagaya dati. Ang buong tingin niya ay na kay Miss Yumi. "Yes, sir? Deposit po ulit?" si Miss Yumi na marahan pang sinikop ang buhok sa likod ng tainga niya. Tumaas nang bahagya ang kilay ko at hindi na nagalaw pa ang pag-aayos sa files. My eyes and my ears are all into them. Kaya't nang maglabas ng dalawang bundle ng lilibuhin si Drake ay halos lumuwa ang mga mata ko. Though I know, he don't own those money, but still, sa klase ng hawak at tindig niya ay mukhang siya ang may-ari ng account. Kung hindi ko lang alam na tindero siya sa palengke ay matutulad ako kay Miss Yumi na iisipin na mayaman siya. But no. Drake is just a vendor. "Yes, deposit. Magbubukas pa sana ako ng isa pang account. Not mine, but I'll be the guardian." Napatango si Miss Yumi at nagtipa sa computer. Inabutan din niya ng form si Drake. "Sir, ilang taon na po ba?" Drake knotted her brows, acted like counting in his mind. "Not yet five years old. Probably on her four." Nangunot ang noo ko sa sagot niya. Kung ganoon ay bata pa lang ang bibigyan niya ng account. Anak niya? Kasing edad pa yata ni Mareng. Mabuti na lang pala at naisipan ko nang lumayo. Kung hindi ay makasisira pa ako ng pamilya. "Anak po ninyo?" humina pa ang boses ni Miss Yumi sa dulo. Bagsak na ang balikat nito at hindi na makangiti. Oo nga pala't sinabi kong single dad si Drake na sa tingin ko ay totoo naman lalo pa't guardian siya ng bata. Maging tuloy ako ay naging interesado sa sagot niya kung anak ba niya. Ngunit walang salita ang nanggaling sa kanya. Salubong lang ang kilay at sa computer ni Miss Yumi ang tingin. "No need to answer, sir. Padala na lang po ng birth certificate." Tumango ito at maging sa pagtalikod ay hindi ako nilingon. Ma-pride na Drake! Pinagkibit-balikat ko iyon ngunit sa loob-loob ko ay gusto kong malaman kung talagang may anak na siya. Baka tinatago niya. Bakit naman niya itatago? Wala namang mali kung may anak na siya. O baka hindi niya nakakasama? Kaya ba ang lapit niya kay Mareng? Baka nakikita niya ang anak niya kay Mareng. Argh! Veron! Bakit ko ba iniisip? Ano namang pakialam ko kung may anak nga siyang tinatago. At bakit ba iniisip kong anak niya? Baka mamaya ay anak lang ng Boss niya at sa kanya lang pinapa-guardian. Humikab ako nang halos buong araw na iyon ang inaalala ko. Napatayo pa ako nang malingunan ang orasan. Mabilis pa sa alas kwatro akong nag-out at tarantang pumara ng tricycle. One hour late na ako sa pagsundo kay Mareng. Ngayon pa lang ay nakapinta na sa isipan ko ang busangot niyang itsura. Hindi maipinta. Mariin akong napapikit. Kahit anong suyo, panigurado ay hindi iyon mamamansin. Maybe, I need to bring her on her favorite fastfood chain. Sa naisip ay nabuhayan ako ng loob na mabawasan ang sama ng loob ng anak ko sa akin. Hindi naman siguro masamang bawasan ko ng kaunti ang naipon ko para sa birthday niya. Isa pa, para naman sa kanya ito. Maghahanap na lang ako ng extrang raket upang maipon ang kailangan kong halaga para sa birthday niya. Papalapit pa lang ang tricycle ay nanghahaba na ang leeg ko katitingin sa waiting shed. Hindi na maalis sa akin ang kabahan at isiping tinatangay si Mareng lalo pa't laging siyang naiiwang mag-isa sa shed. Nagunit napawi ang kaba ko matapos siyang matanaw na mag-isang naka-upo at kinukuyakoy ang mga paa. I guiltily bit my lip. Kung si Drake siguro ang sumundo ay kanina pa si Mareng sa mango store at masayang nagtitinda. But no, enough with Drake. Mabilis akong nagbayad ar tinakbo ang distansya ng waiting shed. Pagkatigil ko sa tapat niya masungit siyang nag-angat ng tingin ngunit walang sinabi. Basta na lang tumayo at lumakad palabas. I sighed. Hindi na yata magiging malapit sa akin si Mareng. "Baby, kain tayo sa labas?" nag-iingat na tanong ko habang pumapara muli ng tricycle. Nag-angat siya ng tingin ngunit hindi diretso sa akin. Pansin ko pa ang nanunulis niyang mga labi. Wala sa loob na napangiti ako at agad siyang binuhat pagkatapat ng tricycle. I know, we're good now. "Mimi, pwede rin ba akong mag-take out?" Maingat akong ngumuya bago tumango. Sa tingin ko ay kahit anong hilingin niya ngayon ay ibibigay ko. "Yes, Baby. Kung ano'ng gusto mo." Ngumiti ako nang malapad na kinangiti niya. Magana siyang kumain. Iba kumpara noong mga nakaraang araw. Hindi ko maiwasang mapatitig lalo pa't minsan sa paningin ko ay nagiging hawig sila ni Drake. Emough, Veron! Malabo 'yan. Inabot kami nang dalawang oras sa kainan. Kung hindi ko pa niyayang umuwi si Mareng ay hindi pa siya tatayo. Paglabas ay mahigpit ko siyang hinawakan sa kamay upang hindi mawala habang siya ay mahigpit ang hawak sa ni-take out na pagkain. Madilim na at tanging mga ilaw sa poste na lamang ang nagpapaliwanag sa paligid. Gustong-gusto ko nang umuwi ngunit madalang na lang ang mga dumadaan na tricycle. At halos mapamura pa ako nang kumulog. Kasunod doon ay kidlat. "Mimi, I'm scared!" Mahigpit na yumakap sa bewang ko si Mareng. Huminga ako nang malalim at saka siya binuhat. Agad siyang sumiksik sa leeg ko at yumakap nang mahigpit. Mahina kong tinapik ang likod niya upang mabawasan ang takot niya. "Andito si Mimi, huwag kang matakot, Mareng." "No. I'm scared, Mimi." Umiling-iling pa siya at mahinang humikbi. Sa sunod na pagkulog at pagkidlat ay mas lalong lumakas ang sigaw niya. "I'm scared, Mimi! Pareng Drake!" Nangunot ang noo ko sa pagbigkas niya sa pangalan ng lalaki. Balak ko pa lamang siyang tanungin ngunit bumuhos na ang malakas na ulan. Namilog ang mga mata ko at hindi alma kung paano sisilong. Wala akong payong at idagdag pang open area ang lugar. Luminga-linga pa ako ngunit wala talagang masisilungan. Hindi na ako magkamayaw sa pagkataranta lalo na't lumalakas din ang pag-iyak ni Mareng. "Mimi, I want to go h-ome. U-wi na tayo, Mimi." "Uuwi na tayo, Mareng. Kaunting iras na lang." Nagmamadali kong hinanap ang panyo sa bag at niladlad iyon. Agad ko ring tinabon sa ulo ni Mareng ngunit sa nipis niyon ay madali lamang na nabasa. Kagat ko na ang labi at gusto na ring umiyak lalo pa't palakas din nang palakas nag mga kulog at kidlat. "Mimi, I want Pareng Drake. Call Pareng Drake!" Humikbi pa siya lalo. Mariin akong napapikit at takot na ilabas ang cellphone ko. Ngunit kung ganitong walang masakyan, I think, he's the only way. Hinanap ko rin ang cellphone ko sa bag at nilabas. Kahit hindi nababasa at hindi ko mahawakan nang maayos ay pilit kong hinanap sa contacts ang pangalan niya. Akmang tatawagan ko na nang mas tumindi ang pagkidlat. Napaiyak na ako at napayakap kay Mareng. Hinayaan ko na ring mabasa ang cellphone. Hindi ko na tinuloy ang tawag. Mas takot akong tamaan ng kidlat kaysa lagnatin. "Mimi, U-wi n-a t-ayo," sa nanginginig na boses ni Mareng. "Wait lang, Baby." I uttered. Nagkapag-asa ako nang makatanaw ng ilaw ng sasakyan. Lumapit ako nang lakad at pilit iyong kinawayan. At halos tumalon ako sa tuwa nang mas lumapit iyon. "Kuya, sasakay po!" Mas lalo ko pa iyong kinawayan. Nakahinga ako nang maluwag nang tumigil iyon. At kahit hirap ay agad akong lumapit at sumakay sa loob ng tricycle. Agad ko ring sinabi ang apartment. "Mareng, pauwi na tayo." Ngunit umungol lamang ito at bahagya pang nanginginig sa lamig. Wala akong magawa kun'di ang yakapin siya nang mahigpit. I think, it's my fault. Dapat pala mas maaga ko siyang sinusundo at dapat pala lagi akong may dalang payong. Mas humigpit ang yakap ko kay Mareng sa naisip. Sana naman hindi siya lagnatin. Hindi ko alam kung traydor ang panahon at ngayong nasa sasakya na ay unti-unti iyong tumitila. Humihina ang pag-ulan at miminsan na lang kumikidlat at kumukulog. Mahina kong sinubsob ang ulo ko sa balikat ni Mareng. I felt so tired. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Gusto na lamang humilata sa kama at matulog. Hindi ko namalayan kung gaano katagal ang byahe. Napagising na lamang ako sa pakiramdam na kinukuha sa akin si Mareng. Napakurap-kurap pa ako at sinundan ang mga kamay na bumuhat kay Mareng. Only to find Drake's serious and worried stares. Napaubo ako sa hindi inaasahang lapit at titig niya. Mahigpit na niyang buhat si Mareng at tila hinihintay na lamang akong lumabas. Isang ubo pa mula sa akin nang hanapin ko ang wallet at magbabayad sana. "Don't bother. I already paid it. Tara na at baka magkasakit pa kayo." Tumalikod siya at nauna nang maglakad. Nagpasalamat na lang ako sa driver at agad na lumabas ng tricycle. Mabibilis pa ang mga hakbang ko papunta sa apartment. Natigilan nga lamang nang makita si West at isa pang lalaki na may freckles sa labas. May maliit pang mesa sa gitna nila at bote ng alak at pulutan. Bumagal ang hakbang ko at bahagyang tumango lamang sa kanila bago nilingon si Drake na nasa tapat na ng pinto ng apartment namin. He looks impatiently waiting with his furrowed brows. Kung kaya niya lang sigurong tibagin pabukas nag pinto ay hindi na niya ako hihintayin. Napabilis ang lakad ko dahil doon. Agad ko ring kinuha ang susi sa bag ko. At ang makalapit ay nanginginig pa ang kamay kong humawak sa door knob. Hindi ako mapokus lalo pa't ramdam ko ang lapit niya sa likod ko. "Faster," he whispered into my ear. Ngunit iba ang dating sa akin niyon. Senswal ang boses niya kaya naman doon nahahatak ang atensyon ko. My gosh, Veron! Magtigil! Tuluyan ko nang hindi mabuksan ang pinto at muntik pang mahulog ang susi kung hindi niya lang iyon agad na nasalo. Umangat ang tingin ko sa kanya at hindi ko inasahan ang gahiblang layo ng mukha niya. "Ako na," he stated. Wala sa loob na napatango ako nang masamyo ang amoy ng alak sa bibig niya. Nagawa niya talagang makipag-inuman sa lakas ng ulan? Sa naisip ay agad na dumapo ang tingin ko sa suot niya. Ngunit tuyo naman iyon at hindi katulad sa amin ni Mareng na basang-basa. Hindi ko alam na napatagal ang titig ko kung hindi ko pa nasalubong ang tingin niya. Naninitig nang malalim. Bahagyang tumikwas ang kilay niya at kita ko pa ang bahagya ring pagkibot ng labi niya. Sunod doon ay ang tunog nang pagbukas nang pinto. "Get inside and change. Sisipunin ka." Iyon lamang ang sinabi niya bago ako iwan sa labas. Wala sa loob na napahawak ako sa dibdib at napalingon sa mga kainuman niya. Namula nga lamang ang mga pisngi ko sa nakikitang pagngisi nila. They saw it! Sa hiya ko ay nagmadalu pa ako sa pagpasok. Nadatnan ko pa si Drake na nasa sala at buhat si Mareng na natutulog. "Akin na. Bibihisan ko na." Marahan kong kinuha si Mareng sa kanya. Hindi siya umapila at tinulungan pa ako upang hindi mahulog si Mareng. Diretsong kwarto ni Mareng ang mga hakbang ko. Hindi ko na siya mapaliguan. Marahan ko siyang nilapag sa kama at akmang bibihisan na ng marinig ang mga yabag ni Drake. Paglingon ko ay may bitbit na itong planggana at bimpo. Mahina akong nagpasalamat at kinuha ang mga iyon. Agad din naman siyang lumabas. Pinunasan ko si Mareng at pinalitan nang damit. Tiningnan ko pa ang temperatura niya kung tumaas. Mabuti na lang at hindi. Nang matapos ay ako naman ang kumuha nang damit sa sariling kwarto. Hinanap ko pa si Drake sa sala ngunit wala. Pinagkibit-balikat ko iyon at dumiretso sa banyo. Natigil nga lang nang matanaw si Drake na nakasandal sa lababo at malalim nag titig sa mesa. "Nand'yan ka pa pala. Uhm, salamat." Kaya ko namang lunukin ang pride ko at humingi ng thank you. Ang kaso ay hindi siya sumagot at tumitig lamang sa damit na hawak ko. "Sige. Maliligo lang ako." Tinuro ko pa ang banyo. Hindi ko na hinintay ang reaksyon niya at tumuloy na ako sa banyo. Ang kaso ay hindi ko naiaayos ang mga damit ko nang pumihit pabukas nag pinto at pumasok mula roon si Drake. Namumungay ang mga mata at walang ngiti sa mga labi. Napamaang ako at gusto siyang sigawan ngunit ang boses ko ay naipon lamang sa aking lalamunan nang lumapit siya kulungun ako sa pader. "Why, Veron?" he asked, whispering. Napalunok ako lalo pa't lumapit siya at kulang na lang ay idikit ako nang tuluyan sa pader. "A-nong w-hy?" Hindi ko naman alam kung ano'ng sinabi niya. At hindi ko alam kung bakit lumalapit siya ng ganito. Distansya, Veron! "Why are you avoiding me, Veron? Bakit? Hindi mo ba ako gusto?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya at hindi alam kung paano iyon sasagutin. Gusto ko siyang itulak at itaboy na paalis dito sa bahay ngunit sumubsob ang mukha niya sa gilid ng leeg ko. "Kiss me. Kiss me, Veron," then he kissed my neck.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD