Pinapasok ko si Christian kahit pa alanganin na itong tumuloy.
Tumikhim ako at mas niluwagan ang pinto, "Pasok ka. Kapit-bahay ko lang siya at hindi kasama sa bahay."
Mahina siyang tumawa at napakamot pa sa batok bago pumasok.
"Pasensya na. Akala ko ay kayo na. Buti naman at hindi. Bulaklak, Veron. At tsokolate." Iniaabot pa niya ang mga hawak.
Maliit akong ngumiti at tinanggap ang mga iyon. I know, he doesn’t stand a big chance, but I don't want him to get sad. Hindi naman siguro masamang tumanggap. Lilinawin ko rin naman sa kanyang hindi kami pwede. But I don't want him to hope. Baka hindi ko siya payagang bumisita ulit.
Tumikhim ako at humarap sa sala para sana alukin siya ng upuan ngunit napamaang ako matapos maabutan si Mareng na masama ang tingin.
Mareng glared at me at rolled her eyes over Christian. She even furrowed her brows, deeply. Nagtatakbo pang lumapit kay Drake na prente nang nakaupo sa cleopatra at kunot ang noong nakatanaw sa akin. Walang ngiti sa labi at kagaya kay Mareng ay masama ang tingin nito kay Christian.
Sakop niya ang kalahati ng cleopatra. Idagdag pang humiga roon si Mareng, and left no space for another person. Meron man ay iyong dulo sa tabi ni Drake.
And now, how can I possibly offer a sit for Christian?
Problemadong naglipat-lipat ang tingin ko kay Mareng at Drake. They both showed dislikes over Christian. O baka mali lang ang iniisip ko. Baka si Mareng lang.
Bakit naman magagalit si Drake kay Christian? Hindi ko siya Tatay para magalit sa panliligaw ni Christian. Ang kaso ay pansin ko talaga ang mapanganib nitong tingin kay Christian.
Muli akong tumikhim at lumingon sa kusina. Ikukuha ko na lang siya ng upuan doon.
"Uhm, ikukuha lang kita ng upuan, Christian. Sandali lang."
Ngunit hindi pa ako nakakahakbang ay napatigil na ako sa pagsasalita ni Mareng.
"Mimi, why would you? You'll entertain him? Why don't you just get what he brought, and ask him to leave-"
"Mareng, shut up. I didn't teach you to talk back, and said bad things to others. Shut your mouth, Baby. Ayaw kong magalit sa'yo." Bahagyang tumalim ang tingin ko sa kanya.
Ngunit nakonsensya rin matapos niyang humikbi at mabilis na yumakap sa bewang ni Drake. Paglingon ko kay Drake ay matalim na rin ang titig nito sa akin.
Masama na ba akong ina? Ayaw ko lang naman na ganoon ang sinasabi niya. And why would Drake comfort her with her bad attitude? Kaya siguro nagiging ganoon na si Mareng ay dahil lagi niyang pinapaburan.
Napailing ako at humingi ng pasensya kay Christian. Agad ko rin siyang kinuha ng upuan at pinaupo.
"Salamat, Veron. Kukuhanin ko na pala ang number mo. Lo-load-an na kita." Ngumiti siya at hinanap ang cellphone niya.
I smiled, timidly. Nakipkip ko pa ang buhok ko sa likod ng tainga ko. Ganito pala kapag liniligawan. Kahit hindi pasado kay Mareng si Christian, hindi pa rin maiwasang magalak ng puso ko sa ginagawa niya.
"Lo-load-an na kita mamaya, Veron," dagdag pa niya.
Magpapasalamat na sana ako kung hindi lang sumingit si Drake at nagsalita.
"Excuse me, hindi na niya kailangan 'yan. Lagi ko na siyang lo-load-an."
Nangunot ang noo ko at balak na sagutin siya ngunit naunahan ako ni Christian.
"Bakit mo naman gagawin 'yon? Hindi ka naman niya manliligaw-"
"Hindi pa. Hindi pa kaya ngayon pa lang iwasan mo na siya at baka hindi na kita matantya."
But Christian didn't flinch. Tumapang din ang tingin nito kay Drake at nagmalaki, "Kaya ko siyang i-load ng unlimited sss at unlimited call."
Drake smirked, "Sorry, but I can send her an unlimited internet and unlimited calls to all networks. Just please, back off. Baka ligawan ko rin siya-"
Marahas ang naging paglingon ko kay Drake at sininghalan siya.
"Drake! Bakit mo sinasabi 'yan?! Hindi naghahanap ng away si Christian. At hindi rin kita hahayaan na manligaw sa akin."
Bakit ba niya sinasabing manliligaw siya? As if, papayagan ko siya. Nilalayuan ko nga!
"Kaya pala natututo nang sumagot pabalik si Mareng ay dahil ganyang sagot ang naririnig niya mula sa'yo." You're bad influence," dagdag ko pa at dismayadong umiling.
Madalas siyang makasama ni Mareng at marahil ay nakukuha niya ang ganoong ugali nito.
Christian became quiet, while Drake looked at me dangerously. Napaatras ang isang paa ko sa klase ng titig niya. Wala sa loob na napalunok ako at napalingon kay Mareng. She gave me that bored look, and even yawned, as if she doesn't care at all.
"Why, Veron? Bakit hindi mo 'ko papayagan?" Mas lalo pang naging delikado ang titig niya.
Bakit niya ako liligawan?
"Why would I, Drake? Hindi kita gusto. Hindi ko gusto ng tindero sa Palengke." Napapikit ako nang mariin at muling nakonsensya.
I don't actually mind kahit na tindero pa siya. Ngunit gusto kong matigil na siya. At hindi naman niya talaga ako liligawan. Maaaring nacha-challenge lang siya dahil nandito si Chrsitian.
Mahina siyang natawa ngunit walang buhay. Bumagsak pa ang tingin niya sa sahig at napangisi ngunit wala nang sinabi. Nailing lang at napanguso pa.
That is an insult to him, but he doesn't seem insulted. Nanahimik lang ngunit nangingisi.
Problemado kong nahilamos ang mga kamay ko sa mukha sa harap nila. Bakit ba ako namomoblema sa lalaki? I am happy with Mareng alone. Ngayon dumating si Drake at idagdag pang nandito si Christian ay gulong-gulo na ako.
Ayaw ko na ng lalaki!
Bumuntong hininga ako at balak na sanang magsalita muli ngunit naunahan ako ni Mareng.
"Do you know how to cook?" tanong nito kay Christian. Tumikwas pa ang kilay niya.
Muling nagsalubong ang kilay ko at tingin ko ay gyera na naman ang sinisimulan ni Mareng. Nagdududa na talaga akong hindi siya sa akin nagmana.
Napangiwi si Christian at napakamot sa batok niya, "Ah? Hindi. Magaling naman ata ang Mama mo na magluto."
Napaubo ako at napakagat sa labi ko. Kailan pa ako gumaling sa pagluluto?
I heard Mareng horrified tsk, "No, you're wrong. Mimi doesn't know how to cook properly. She always burns the rice."
Namilog ang mga mata ko at gusto sanang takpan ang bibig niya. She does really want to turn off Christian. Sumasakit yata ang ulo ko sa kanya.
"But good thing, Pareng Drake gave us a rice cooker. Problem solved," dagdag pa niya.
Napailing ako at sumulyap pa kay Drake na hindi na ata mabubura ang pagkakangisi.
"Pag-aaralan ko, Mareng." Christian smiled, trying to convince her.
But my maldita daughter, rolled her eyes. Kailangan ko na siguro talaga siyang pagsabihan.
"You don't have to, Labanos. Pareng Drake will do the cooking. I love his foods." Kumapit pa siya sa braso ng Pare niya.
Ako ang nahihiya kay Christian. Natahimik ito at nilingon pa ako.
"Pasensya na. Mareng did not mean that."
"No, Mimi. I meant it-"
"Mareng, shut up!" Tinaliman ko siya ng tingin kahit pa nakatitig din sa akin si Drake.
Look what she made my daughter do! Nagiging maldita na.
Napailing ako at hinarap muli si Christian, "I'm sorry, Christian. Sa susunod ka na lang siguro bumisita."
Nakakaintindi itong tumango at agad na tumayo, "Pasensya na rin, Veron. Ayaw yata talaga sa akin ni Mareng."
Napangiwi ako at hindi na lamang sumagot. Tahimik ko na lamang siyang hinatid sa pinto. Binuksan ko lang iyon at hinayaan siyang lumabas. Hindi na ako nag-abala pang lumabas. Kumaway lang siya ng maliit bago tuluyang umalis.
Napabuntong hininga ako at napayuko. Hindi ko yata mapapalampas ang ginawa ni Mareng. Kung laging ganoon siya sa mga manliligaw ko ay hindi na siya magkakaroon ng Tatay.
Napailing ako at balak na sanang isara ang pinto ngunit natigilan ako sa mainit na mga palad na humawak sa magkabilaang bewang ko.
Nahigit ko ang hininga at natulos sa kinatatayuan. Humigpit din ang hawak ko sa doorknob.
I felt him getting closer, and tightly held my waist. Ramdam ko rin ang mainit niyang paghinga sa batok ko. Nagtaasan yata ang balahibo ko roon. Ni hindi ko maigalaw ang ulo ko. Mas lalo na ng maramdaman ang marahan niyang pagsinghot sa gilid ng leeg ko at pagpatak nang mabining halik mula roon.
Tuluyan na akong naestatwa at nanghina ang mga tuhod. Drake's lips crashed again on my neck, and left a wet kiss there.
Marahas akong napapikit at inipon ang lakas ko upang umiwas. Ngunit hindi pa man ako nakakapalag ay lumayo na siya at tuluyan nang binuksan ang pinto.
"I'm sorry, not sorry, Veron. Sleep well," then, he smirked and left me with parted lips.
Pabagsak kong naisara ang pinto at habol ang hininga kong dinama sa kamay ang halik niya sa leeg ko. Basa pa iyon at pakiramdam ko ay nandoon pa rin ang mga labi niya. Marahas akong napailing.
How dare he to kissed me!
Distansya nga, Veron! Matutong pumalag!
Naiiyak akong tumungo sa sala. Maging ang balak kong pagalitan si Mareng ay hindi ko na naituloy. Nang hindi makayanan ay tinakbo ko na ang CR at agad na nagbuhos ng tubig.
I want to erase his kisses! Anong karapatan niyang halikan ako?!
Marahas kong sinabon ang leeg ko. Kahit na mamula pa iyon ay wala akong pakialam. I just want to forget his kisses. Ilang beses ko pa iyong sinabon bago nakuntento. Tinapos ko lang ang pagligo. Pagbalik ko sa sala ay wala roon si Mareng. Maybe, she's already in her room.
Diretsong kwarto na ang lakad ko. Pabagsak pa akong humiga at sinubsob ang mukha ko sa unan. I shouted. I shouted my frustration over Drake. Hindi ko na talaga siya lalapitan!
Pinilit ko namang matulog kahit na gulong-gulo ang isipan ko. I tried. Swear, I tried. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog. Paggising ko ay mabigat ang talukap ng mga mata ko.
Humihikab pa akong nagtungo sa kusina. Nandoon na si Mareng at nakaupo sa harap ng mesa.
"Mimi, I'm hungry."
Napamulat na ako nang tuluyan. Nakalabi ito at paiyak na ang tingin sa akin. Para akong binuhusan ng tubig at inalala ang oras. Nakalimutan kong may pasok pa ako sa bangko.
Sa naisip ay cereal na lang ang pinakain ko kay Mareng. Dinagdagan ko na lang ang baon niyang pagkain upang hindi siya masyadong magutom.
Minadali ko ang kilos sa pag-aayos. At kahit inaantok pa ay niyaya ko nang lumabas si Mareng. Diretso kila Aling Flor ang lakad ko kahit pa linilingon ni Mareng ang bahay ni Drake.
Hmp! Hindi ko na siya lalapitan. Kung kakayanin ng oras ko ay ako na lang ang susundo kay Mareng.
Kumatok ako sa pinto na agad namang binuksan ni Aling Flor. Ngumiti pa ang matanda pagkakita sa amin ni Mareng.
"Veron, sige ako na ang bahala kay Mareng," agad na sabi nito.
Tumango ako at linahad kay Mareng ang bahay ni Aling Flor. Ngumuso ito bago humakbang palapit sa matanda.
"Mimi, hindi na ba ako pwede sa store ni Pareng Drake?" Kumurap ito at ramdam kong pigil niya ang pag-iyak.
Huminga ako nang malalim bago lumuhod at pinantayan si Mareng. Nagi-guilty ako na nilalayo ko siya kay Drake ngunit ako naman ang delikado sa tuwing malapit ang lalaki. This is for the better.
"Hindi na muna, Baby. Kay Aling Flor ka muna."
Bumagsak ang tingin nito at nakayukong pumasok sa loob bahay nila Aling Flor. Hindi ko maiwasang malungkot ngunit ito lang ang naiisip kong paraan para makalayo. Bahala na kung hanggang kailan.
"Drake! Bakit?" si Aling Flor.
Naitikom ko ang bibig ko at pinaskil ang walang emosyon kong reaksyon. Pagkatayo ay kay Aling Flor lang ang tingin ko.
"Bayad po, Aling Flor."
Kita ko pa ang pag-abot nito sa may kakapalang sobre. Tumikwas ang kilay ko at gusto sanang mag-usisa kung magkano ang laman niyon ngunit agad namang tinago ni Aling Flor. Napaatras ako ngunit hindi makalingon kay Drake para magtanong.
"Sige po, Aling Flor. Mauuna na po ako," pagpapaalam ko.
Akmang tatalikod na ako ngunit pinigil nito ang kamay ko at napatitig pa sa leeg ko.
"Veron, bakit namumula ang leeg mo?" ani pa nito.
Nanlaki ang mga mata ko at napahawak sa leeg ko. Tinakpan ko ang tinurong parte nito. At kahit hindi ko nakikita ay sigurado akong namumula nga iyon. The part where Drake kissed me.
Tumikhim ako at nangingiwing humarap kay Aling flor, "Nakagat po ng lamok. Sige, Aling Flor, alis na po ako."
Hindi pa man nakasasagot ang matanda ay tumalikod na ako at nagmamadaling naglakad paalis doon. Ngunit hindi pa ako nakakapara ng tricycle ay ramdam ko na ang presensya sa tabi ko.
Pigil ko ang paghinga at pigil ko ang singhalan siya. Humakbang pa ako palayo nang lumapit siya.
"Bakit namumula, Veron?" he asked.
Nangunot ang noo ko ngunit naalala ko ang leeg kong namumula. Ngayon, maging mga pisngi ko ay namumula na.
"Bakit ba?!" Inirapan ko siya kahit na hindi ako makatingin sa kanya.
"Bakit namula, Veron? I just kissed it. It was just a kissed, I didn't nibble it. Bakit namula, Veron?"
Marahas akong napalingon sa kanya at mataray na pinasadahan siya ng tingin.
"Ano naman ngayon sa'yo? At pwede ba. Distance yourself, Drake. I think it would be better if you will not get attach to us."
Pinatatag ko ang itsura upang makumbinse siyang lumayo ngunit hindi siya natinag. Ni wala akong narinig na protesta mula sa kanya.
Nahagip pa ng tingin ko ang paghagod niya sa sariling buhok bago ako nilingon.
"That is impossible. I will cling to you. I will forever cling to Mareng. Hindi ko lalayuan ang pag-aari ko, Veron."
I laughed nonchalantly at his sentiment. Ngumisi pa ako at tinaasan siya ng kilay.
"Hindi mo 'ko pag-aari, Drake. You. Don't. Own. Me," sa matatag kong boses.
He smirked and looked at me, amusingly, "Hindi ko naman sinabing ikaw, Veron. Hindi ikaw, Veron. Hindi pa."
Sino, Drake?
Nanlambot ang tuhod ko at napamaang. Tila nalunok ko rin ang sariling dila at hindi makasagot sa kanya. Sunod ko na lamang nakita ay ang pagkuha niya sa sariling cellphone at pagtipa roon.
"I sent you a load. Tatawagan kita, Veron. Wait my calls." Tumalikod siya at pumara na ng tricycle.
Nagtatagis ang bagang kong pinanlisikan siya ng tingin. Parang kahapon lang ay pinapahayag niyang liligawan niya ako. Ngayon naman pinagmamayabangan niya ako.
Huminga ako nang malalim at hinanap ang cellphone ko sa bag. Just to check if he does really send me a load.
Ngunit halos lumuwa ang mga mata ko matapos makitang isang libong load ang pinadala niya.
Inis akong napapadyad. Ang yabang mo, Drake!