Kinagabihan ay hindi rin ako nakatulog. Matalim pa ang naging tingin ko sa sariling kama. At halos mamura ko ang sarili nang sumagi ulit ang eksena sa isipan ko.
Shut it, Veron!
Yakap ang unan at bitbit ang kumot na dumiretso ako sa sala. Humiga sa cleopatra at pilit pinatulog ang sarili. But that didn't help me to sleep. Ilang oras din akong natutulala sa kisame at pilit pinipigilan isipin ang kapit-bahay ko.
He's just a distraction, Veron!
I want to avoid falling to his trap. Ni hindi ko pa siya lubusang kilala. Wala akong kahit na anong background sa pagkatao niya bukod sa tindero siya sa mango store. Kahit ang boss niya doon ay hindi ko kilala.
Saang lupalop ba siya ng mundo nanggaling at dito pa talaga sa lugar ko napadpad? Matiwasay na sana ang buhay ko kung hindi lang siya nagrenta rito.
Napailing ako at pilit sinara ang mga mata. Bakit ko ba siya iniisip?
Kapit-bahay ko lang naman! Pwede ko namang hindi pansinin. But how can I do that if Mareng keeps on clinging with him? Pati anak ko ay napapalapit na sa kanya.
Urgh! Mababaliw na naman ako kakaisip. Bahala na!
Okay, Fine. Hindi ko na pagbabawalan si Mareng na lumapit sa kanya. But I will distance myself from him.
Distance, Veron!
Ako na mismo ang iiwas at lalayo para matahimik na ang buhay ko. I will not let him close to me again. Not too close. Kahit ten meters away lang kung papalarin.
With that plan on my mind, I tried to sleep again. Ngunit doon din umikot ang isipan ko. Ang lumayo sa kanya. At halos hindi ko na alam ang oras nang makatulog ako.
Naalimpungatan lang ako matapos makarinig ng iilang mga yabag sa loob ng bahay. Nangunot ang noo ko at bahagya pang minulat ang mga mata. But I saw no one on the living room. Pumikit ako muli at muling hinila ng antok.
Naalimpungatan nga lang muli matapos maamoy ang bango ng pancakes. Ngunit imbis na magmulat ng mga mata ay mas lalo lang akong hinele ng amoy sa pagtulog.
Maybe, I am dreaming. Mareng cannot cook pancakes. At hindi ngayong oras pa nang pagtulog.
I sleep again. At kahit ilang beses pa akong nakarinig ng mga kalabog ay hindi na ako gumising. Thereafter, I even smelled Menudo all over the house. Ngunit hindi ako nag-abalang magmulat ng mga mata. Who would cook Menudo in the middle of the night? Maybe, my neighbourhood.
I settled myself, sleeping peacefully. Ramdam ko rin ang gaan ng pakiramdam ko at tila ako dinuduyan. I even felt how strong arms enveloped my small body. I felt someone carried me.
Strong arms? Carried me?
Mabilis akong napamulat at halos manlaki ang mga mata ko matapos makitang nasa ere ako. Nanaginip na naman yata ako. Paano na nasa ere ako?
Am I flying?
Ngunit agad ko rin nahigit ang hininga ko matapos maramdaman ang paghigpit nang pagkakahawak sa akin. Wala sa loob na napalunok ako at marahang nag-angat ng tingin.
Only to see, Drake, immensely looking at me. Walang kurap at malalim. His brown eyes showed too much interest, not even dared to make a blink, just so he could watch me fully. Tila inaalala at tinatandaan ang itsura ko sa klase ng titig niya.
And when he caught my sight, he locked it with his. Not letting mine to go away. My breath hitched with his intense stares. Tila pinipiga ang bawat pagtibok at paghinga ko.
I feel like having a staring competition with him. And so, I didn't let go. Napahawak pa ako nang mahigpit sa braso niya. His sturdy biceps. Kulang na lang ay pisilin ko iyon sa sobrang tigas. I feel like massaging it. And so, I did.
I saw how his eyes shifted into fire when I massaged his arm. I even heard his struggling groans. And I even witnessed how his adam's apple moved.
Natauhan lang ako nang humigpit lalo ang pagkakahawak niya sa likod ko at likod ng mga tuhod ko.
Namilog ang mga mata ko at napapasong napabitaw sa braso niya. Naglumikot din ang tingin ko at hindi na makatingin sa kanya. Nagpumiglas pa ako para makababa na ngunit lalong humihigpit ang hawak niya at ayaw akong bitiwan.
"Don't move, you might fall," he whispred, huskily.
Fall? Fall for you?
Shut it, Veron!
Hindi ako nakinig at mas lalong pumiglas pababa. Ilang beses ko pang ginalaw ang mga paa ko upang maibaba na niya ako ngunit hindi ako nagtatagumpay.
Nasaan na ang distansya, Veron?!Nasaan na ang ten meters away?!
Sa naaalalang paglayo ko sa kanya ay lalo akong naglumikot gumalaw. Trying my very best to get away. Dinig ko pa ang napipikong ungol niya at kita ko ang pagsasalubong ng kilay niya.
"Stop it, Veron. You might fall, and get hurt," he said, gritting his teeth.
But I didn't listen. Desido akong makawala, makababa, at makalayo sa kaniya. Mas mahirap ang mahulog sa kanya at maskatan kaysa naman ang mahulog sa sahig at mapilay.
Sa naisip ay mas lalo akong gumalaw upang makawala. Kulang na lang ay tumalon ako pababa. But he is strong enough to caged me tightly, and ended up sitting with him on the cleopatra. Pabagsak siyang umupo roon habang ako ay mahigpit niyang yakap sa kandungan niya. Maging ang mga kamay ko ay kusang kumawit sa balikat niya upang makabalanse.
I closed my eyes tightly, and gritted my teeth. I want to curse him!
Pag-angat ng tingin ko sa kanya ay tumiklop na lamang ang dila ko sa nag-aalab niyang mga titig. Kumabog ang dibdib ko at namamawis na yata maging ang noo ko.
"I'll carry you again. Dadalhin kita sa kwarto mo." Umakma siyang bubuhatin ako ulit ngunit mabilis kong pinigil ang braso niya.
"H-indi na ako matutulog. O kaya na-man di-to lang ako sa cleopatra."
He groaned and looked at me sharply, "No. Sa kwarto ka matutulog-"
"Hindi! D-ito l-ang ako."
Halos makagat ko ang sariling dila sa pagkautal. Veron, distansya! I need space. I need it, badly!
"Mimi."
My eyes automatically darted to Mareng when she spoke. Nakatayo ito sa harap ko at nakatitig lang.
Why did I forget she's here? Baka mamaya pati ang paghaplos ko sa braso ni Drake ay nasaksihan niya.
My gosh, Veron! So careless!
Pinilig ko ang ulo ko at tumikhim. Maging ang ngiting ginawad ko kay Mareng ay tumabingi.
"W-hy, Baby?"
"Mimi, why are you so nervous? You should be sleeping on your room, and not on this cleopatra. Let Pareng Drake carry you and lay you down on the bed." Inosente pa itong kumurap at ngumuso.
Napamaang ako at hindi makapaniwalang kay Mareng galing 'yon.
She's innocent, Veron! Walang ibang kahulugan ang sinabi niya.
Kinakabahan akong tumawa at umiling pa sa kanya.
"No, Baby. You don't get it. Hindi kami pweding magsama sa iisang room," paliwanag ko pa.
Hindi talaga pwede! Kahit ang maglapit ay hindi talaga pwede.
"And why is that?" She furrowed her brows and even looked at Drake.
Hindi ko siya sinagot at hinanap na lamang ang tingin ni Drake. Only to find him biting his lips sensually, and looking at me achingly.
"Dadalhin kita sa kwarto," mahinang sabi niya.
Napapikit ako at bahagyang umiling, "No. Hindi na ako matutulog."
Hindi ko alam ngunit umayos pa ako sa pagkakandong sa kanya at mas lumapit.
Traydor na katawan! Distansya, please lang!
I heard him cleared his throat, and felt his lips on my ear. Nahigit ko ata ang hininga sa nararamdamang paghinga niya roon. Mainit at senswal.
"If you will not be going to sleep again, stand up, and stop pressing my buddy," he whispered, desperately.
"Ginigising mo, Veron," dagdag pa niya.
Mabilis akong napatakip sa awang kong mga labi matapos maramdaman ang kanya sa ibaba at mabilis din akong napatakbo sa kwarto sa kabang nararamdaman ko.
"I told you, Mimi. You should sleep on your room!" Dinig ko pang sigaw ni Mareng.
Marahas akong napakagat sa labi at marahas na napailing.
What was that, Veron? Ang tanga!
Ang sabi ko ay distansya ngunit kulang na lang ay mangunyapit ako sa kanya kanina. Nakahihiya!
Sa hiya ko ay ni-lock ko ang pinto ng sariling kwarto at hindi nag-abalang sumilip sa labas. Nilingon ko pa ang orasan sa dingding. At halos pagalitan ko ang sarili matapos makitang tanghali na.
That only means, siya ang nagluto ng pancakes at menudo. That was not a dream! At malamang na kanina pa si Drake sa loob bahay at malaya akong pinapanood. With that, agad kong nayakap ang sarili ngunit umatungal din matapos matantong wala akong suot na bra.
Tuluyan na akong umiyak sa inis. Paanong hinayaan kong pagmasdan niya ako sa ganitong ayos. Dapat pala sa kwarto na lang ako natulog!
Ang tanga talaga, Veron!
Humalo pa sa isipan ko ang pagmasahe ko sa braso niya kanina. Nababaliw na nga yata ako at nagawa ko iyon.
Ilang beses kong sinuntok ang kama sa inis. Kahit anong atungal ko ay hindi ko na mababalik ang oras. Hindi ko rin siya mapapalabas sa bahay.
Wala akong nagawa kung hindi manatili sa loob ng kwarto kahit na nagugutom na ako at gusto ko nang maligo. Ilang beses pa akong kinatok ni Mareng ngunit hindi ko siya sinasagot. At wala akong balak na lumabas kung nandiyan si Drake at naka-abang.
Nagpagulong-gulong ako sa kama at hinihintay na marinig ang yabag niya palabas ng bahay.
Bakit ba hindi ko siya mataboy? Bahay ko naman ito. He doesn't have any rights in my apartment. Kaya pwede ko naman siyang paalisin.
Ang kaso ay nahihiya ako. Paano ko hinayaang mapagmasdan ako ng isang lalaki? Kailangan ko na yatang lumipat ng bahay upang makalayo sa kanya. But first, I need him to leave my house as of the moment.
Sa naisip ay desido akong tumayo. Nag-inat at pinaskil ang mataray kong tingin upang mapaalis siya. Ngunit pagbukas ko sa pinto ay ang pakatok na Mareng ang dinatnan ko. Napatitig pa ito sa mukha ko.
Agad kong pinaskil ang malawak kong ngiti bago dumukwang at kausapin siya.
"Yes, Baby. Why?" I aksed, tenderly.
She blinked, then pouted her lips. Nangungusap pang tumitig ang asul niyang mga mata.
"Mimi, I will help Pareng Drake to the grocery store. Please!" kumurap-kurap pa siya ng ilang beses.
Natameme ako at hinanap pa ng mga mata ko ang lalaki. Only to find him on my room doorway, standing comfortably with his arms, folded. Umakto pa itong tinataas ang collar ng damit sa itaas ng dibdib niya habang nakatunghay sa akin.
Sa nakitang ginawa niya ay mabilis na nanlaki ang mga mata ko at agad na hinila pataas ang collar ng t-shirt ko. Nag-init ang magkabilaang pisngi ko sa naiisip na nakita niya. Kahit gusto ko siyang angilan ay pigil ko ang sarili lalo pa't kaharap ko si Mareng.
Kipkip ang damit ko sa dibdib nang humarap ako muli kay Mareng.
"Baby, dito ka na lang sa house. Hintayin mo na lang ang Pare mo."
Ayaw kong hayaan siyang sumama kay Drake ngunit nang makita ko ang paglungkot niya at pagbagsak ng balikat ay sumusukong pumayag ako.
"Fine. Sige, sumama ka na. But promise me, you'll go home safe. Sa grocery ang punta ninyo, Baby. At hindi kung saan. Dalhin mo na lang kaya ang cellphone ko at baka kung saan ka dalhin-"
"Are you implying that I will be going to kidnap her?" Natawa siya nang mapakla, "Hindi ko magagawa 'yan, Veron. Hindi, lalo na kay Mareng. Stop thinking bad things about me. Hindi ako masamang tao."
Natameme ako at hindi na makatingin sa kanya. I am guilty. Ang dami ko na yatang insultong naisip para sa kanya. Mas lalo lang akong nakonsensya when Mareng stared at me, awfully.
Tikom ko ang bibig na tumango at hinayaan silang makaalis. Nakahinga lang ako nang maluwag pagkasara ng pinaka pinto.
I felt bad. Pakiramdam ko ay masama akong tao. I just can't erase the fact that he might be a kidnapper, kahit na ilang beses ko nang napatunayan na hindi. Pero ano'ng malay ko at baka kinukuha niya lang ang loob ko. Pero sana hindi nga.
Napailing ako at tuluyan nang lumabas sa kwarto. I took advantage of the time habang wala sila. I took a bath, and even hurriedly seek something to eat. My tummy is growling!
At halos magningning ang mga mata ko matapos matagpuan ang nakatakip na pancakes at menudo sa mesa. Mas lalong nagwala ang tiyan ko at natataranta pang humiwa ang kamay ko sa pancakes. And when I tasted it, it's heaven!
The smooth and soft of it is clouding my mind. Maging ang tamis at tamang alat ay naglalaro sa dila ko. No doubt, Drake is amusingly a good cook. Maging ang menudo niya ay masarap. Ni hindi ko na nagawa pang kumuha ng plato at sa kaldero na ng kanin ako kumain.
My gosh, Veron! Gutom na gutom!
I groaned. Sinong hindi magugutom kung tanghali na magising? No one. And I am not an exception.
Inabot yata ako ng isang oras sa pagkain. Nang matapos ay halos hindi na ako makatayo sa mesa sa sobrang busog.
Hindi na dapat siya nagluluto rito kung ganitong marami akong nakakain. Mas marunong pa sa aking magluto.
Did I just praise him? Again?
Bagsak ang balikat na napanguso ako at hindi matanggap na pinupuri ko nga siya. But that doesn't mean na hindi na ako lalayo. Iiwas pa rin ako sa kanya.
And so, my plan continues. Ibabalik ko ang ten meters away. That's final!
Kaya naman nang hapon na at wala pa silang dalawa ni Mareng ay kinakabahan na ako. What if he did really kidnap her?
But my worries died when I heard knocks from the door. Nagmamadali pa akong tumayo mula sa cleopatra para mapagbuksan sila. Ngunit namilog din ang mga mata ko sa dami ng grocery bags na bitbit ni Drake.
"Mimi, we bought lots of ice cream!" si Mareng na tumalon-talon pa at yakap ang isang supot na may ice cream.
Napakurap ako at hindi pa agad na nakapagsalita. Ni hindi ko napigilan si Mareng na patakbong pumasok sa loob bahay.
Marahas akong napapikit at pagmulat ay wala na rin si Drake sa harapan ko at nasa loob na ng bahay. Ang loko, dumiretso pa sa kusina na agad kong sinundan.
I even raised my brow when he placed the grocery bags on the table. Eksperto pa niyang nilabas ang iilang ice cream at frozen goods. Maging sa pagbukas sa ref ay hindi siya nag-alinlangan. Maayos pa niyang nilagay ang mga iyon sa freezer, without my consent. Yes, without my consent!
Pigil ko ang sumigaw nang makalapit at isara ang pinto ng ref, leaving me infront of him.
Wrong move, Veron. Isang taas lang sa braso niya ay makukulong na ako.
Sa naisip ay agad akong lumayo sa ref at dumiretso sa mesa. Nahuli ko pa ang pagsunod niya ng tingin kaya naman agad na tumikwas ang kilay ko.
"What are these? Bakit ka namili. Hindi ko sinabing mamili ka para sa amin!" mahinang protesta ko. Takot na marinig ni Mareng.
He knotted his brows, and even looked at the items, "Para kay Mareng 'yan. She requested it."
Agad siyang bumalik sa pag-aayos at wala yatang balak na kausapin ako. Napamaang ako at handa sanang awayin siya kung wala lang kumatok.
"Mimi, someone is knocking!" sigaw ni Mareng mula sa sala.
"Yes, Baby. I heard it!" balik na sagot ko.
Tinaliman ko nang tingin si Drake na nangingising nakasunod sa akin nang tingin. Inirapan ko siya nang nasa sala na.
Huminga pa ako nang malalim at nag-ayos ng buhok bago tuluyang binuksan ang pinto.
Only to find, Christian, standing so charmingly in the doorway. May bitbit na isang rosas at paperbag.
Napakurap pa ako at hindi inasahang nandito siya. Malawak pa ang ngiti niyang nilingon ako at maging ang loob-bahay, ngunit nawala rin matapos makitang nasa sala si Drake at matalim ang tingin sa kanya.
Tumikhim si Christian at napangiti nang mapakla, "Hindi ko alam na nagbabahay-bahayan na pala kayo, Veron."
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya at hindi makasagot.