Gustong-gusto kong umuwi. Kating-kati na akong umuwi at isama na si Mareng. Kung hindi ko lang inaalala na magtatampo ito at kung hindi ko lang naiisip na baka kasuhan ako ni Draco ay baka malamang, nasa Pangasinan na ako ngayon. Napabuntong hininga ako at ayaw na ulit maalala pa ang nangyari noong nakaraang gabi. I didn't expect that he'd be that asshole! Paano ba siya nagawang mahalin ni Mara?! Yeah, Mara. Sariwa pa rin sa isipan ko kung paano niya hinabilin sa akin si Mareng kahit halos mag-iisang buwan ko pa lang itong kilala. At siguro, ang tanga ko para tanggapin ang bata. Kaya lang inuusig ako ng konsensya ko at hindi kayang basta na lang ito iwanan, lalo pa't alam kong may tatay na umaasang makita ito. "Veron, please, wala akong mapag-iiwanan sa anak ko sakali mang may mangyarin

